Kabanata 16



Kabanata 16

Nakaalalay pa din siya sa akin patungo sa hagdan, "T-teka, saan ka pupunta?" Pigil ko sa kanya.

"Ihahatid kita sa itaas."

"No, kaya ko naman na. Baka makahalata si Mr.Red." Pag aalala ko, ngumisi siya.

"Don't worry about him, come on." Aniya at nauna pa siyang umakyat sa hagdan na hilahila ako, nagpatianod na lamang ako.

Mabilis siyang pumasok sa washroom sa kwarto ko at binuksan ang shower doon, pinakiramdaman niya muna ang temperature ng bagsak ng tubig at saka inalalayan akong tumapat doon at laking gulat ko nang maging siya ay tumapat din sa shower.

"Hey!" Hiyaw ko sa kanya.

"Let's shower together para mabilis! Para hindi maghintay ng matagal si Red sa baba." Ngisi niya na nagpalaglag sa panga ko.

"Really, Sebastian? Akala ko ba, don't worry about him?" Sarkastikong sabi ko na siyang tinawanan niya lang.

"Sige na, maligo na tayo, promise ligo lang. Huwag mo na akong akitin pa." Nanlaki ang mata ko kaya naman hinampas ko siya sa dibdib niya na nagpahalakhak na naman sa kanya. Kinuha niya ang shampoo at napailing nalang ako nang simulan niya akong shampoo-han.

--

"Good morning," Bati ni Mr.Red sa amin, kaagad kinuha ni Sebastian ang paper bag.

"Magpapalit lang ako saglit." Paalam niya sa akin at pumasok ulit sa loob ng bahay ko, naiwan kaming dalawa ni Mr.Red sa labas at nababalutan ako ng hiya dahil alam kong matagal siyang naghintay dito.

Napansin kong nakatingala siya sa bahay ni Russel.

"Kumusta naman yung nakatira dito?" Biglang untag niya at bumaling sa akin.

"Uhm, okay naman. Mabait." Matipid na sagot ko, halos magkasingtangkad sila ni Sebastian kaya naman nakatingala ako kung kausapin siya, tumango siya at ngumiti. "Dapat lang maging mabait siya kung ayaw niya ng problema sa buhay." Ngumingising aniya.

Kumunot ang noo ko na agad naman niyang napansin. "Sorry, ang ibig ko lang sabihin yari siya kay boss kapag ginawan ka ng kagaguhan niyan." May halong pagbabanta ang sinabi niya, magsasalita pa sana ako pero lumabas na agad si Sebastian at siya na mismo ang naglock ng pinto at gate ko.

"Thanks, Red, bakit nandito ka pa?" Nakapamulsang ani Sebastian sabay iniabot ulit ang paper bag na dala ni Mr.Red kanina na sa tingin ko ang laman ay damit niya mula kahapon, he is wearing a plain black polo shirt and khaki shorts. Kahit ano yatang suotin nitong lalaki na 'to eh gwapo talaga siya.

"Ayoko sanang sirain ang leave mo ngayon, pero may lead na sa pinapahanap mo." Ang kaninang nagbibirong boses ni Mr.Red ay naging seryoso, napansin kong kumunot ang noo ni Sebastian at marahan siyang bumaling sa akin bago muling tumingin kay Mr.Red.

"Let's not talk about that here, may lakad kami, just go home tatawagan nalang kita mamayang gabi." Seryosong sagot ni Sebastian saka tinapik sa balikat ito bago pa ako tuluyang pinagbuksan ng pinto ng kotse niya.

Buong pagtataka akong sumakay doon at nang makasigurado siya na nakaupo na ako sa loob ay mabilis niyang sinara iyon. Pinagmasdan ko silang dalawa ni Mr.Red na seryosong nag uusap, kita sa mga mata ni Sebastian na naiinis siya at mukhang hindi natutuwa sa mga sinasabi ni Mr.Red, inilabas pa ni Mr.Red ang cellphone at para bang may ipinakita siya doon na mas lalong nagpapait sa expression ni Sebastian.

Ilang sandali pa ay nagkamayan na ang dalawa at sumakay na rin siya.

"I'm sorry natagalan." Ang kaninang seryosong expression niya ay napalitan ng matamis na ngiti nang dumako ang mga mata niya sa akin.

What was that?

Hindi ko alam kung bakit nacucurious ako sa pinag uusapan nilang dalawa kanina. Pinaandar na niya ang sasakyan at mas nauna na kaming umalis kay Mr.Red.

"Hindi pa siya uuwi?" Usisa ko, sandali siyang sumilip sa side mirror upang lumiko.

"Pinapaayos ko lahat ng lock sa bahay mo, lalo na yung sa likod." Kumunot ang noo ko.

"Akala ko ba pinapauwi mo na siya?" Pinipilit ko ang sarili ko na huwag magtanong ng kung ano mang makaka-offend sa kanya. 

"Yes, pagkatapos no'n uuwi na rin naman siya." Hindi na ako sumagot pa at pinilit ko nalang alisin ang pagtataka sa isipan ko dahil wala naman akong pakialam dapat sa kung ano mang monkey business nila.

Napapitlag ako nang hawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop ang daliri naming dalawa habang ang isang kamay naman niya ay nasa manibela.

"Ginugutom ako." Biglang sabi niya, "Ikaw ba? Hindi ka ba nagugutom sa ginawa natin kanina?" Patuloy niya na nagpabaling sa akin sa kanya.

"Hindi talaga maiwasan niyang bibig mo ang maging bastos ano?" Narinig kong humalakhak siya, hinalikan niya ang ibabaw ng kamay ko bago magmaniobra sa gear knob.

"What's wrong with my question?" Ngisi niya.

"Talaga bang hindi ka titigil sa pang aasar?"

Tumawa na naman siya, "I am not teasing you, nagsasabi lang ako ng totoo. Nakakagutom naman talaga 'yon."

Biglang may pumasok na kapilyahan sa isip ko para makaganti sa kanya, "Sabagay, ngayon mo lang nalaman na nakakagutom 'yon. Kasi baguhan ka."

Natatawang bumaling siya sa akin bago itinuon ulit ang mga mata sa kalsada. "Hindi ka talaga titigil 'diyan sa baguhan na yan ha?"

Humalukipkip ako at umirap sa kawalan, "No." Matigas na sabi ko.

"Okay. Let's see. Habang buhay mo na akong makakasama, Dannie, hindi mo sigurado kung hanggang kailan mo ako tatawaging baguhan." Imbis na matawa ako sa pang aasar niya ay mas nakatawag pansin sa akin ang mabigat na salita na binitiwan niya.

Is he really serious about me?

Tumikhim ako, "Tama ka, gutom lang 'yan." Pag-iiba ko ng usapan saka tumingin ako sa labas, naramdaman kong bumaling siya sa akin. Masasabi kong napaka mabulaklak talaga ng tabas ng dila nito.

"I'm sorry, Dannie, if I made you feel uncomfortable." Biglang sabi niya, napalunok ako dahil napakabilis makaramdam nitong si Sebastian. Huminga ako ng malalim saka tumingin sa kanya.

"It's okay, just stop talking about marriage. Bago palang tayong nagsisimula." Napansin ko ang pagtiim ng panga niya, napakagat ako sa ibabang labi ko dahil hindi ko alam kung ano bang sumanib sa akin para sabihin sa kanya 'yon ng diretsahan. Kumurap ako, "I mean—"

"No, I understand." Putol niya sa sasabihin ko, nakatuon pa din ang mga mata niya sa pagmamaneho.

"Masyado ka sigurong nabibilisan." Patuloy niya.

"That's totally fine, no pressure, Dannie." Ngumiti siya sa akin at kinindatan ako.

Paano ko ba tatanungin sa kanya kung gaano siya kaseryoso sa mga sinasabi niya? I know, wala naman akong karapatang mag inarte o maging choosy pa dahil sa mga nakaraan ko. Pero nababalot ako ng takot na magtanong o ma-offend siya, higit sa lahat hindi pa rin nawawala ang pangamba ko sa ginagawa kong pagsugal ngayon para sa kanya.

Nang makarating kami sa market ay bumalik na ulit ang masayang aura sa aming dalawa. Para bang walang nangyaring pagkailang sa amin kanina sa sasakyan. Kahit mainit dito sa market ay parang baliwala lang kay Sebastian, natutuwa pa nga siya sa mga nakikita niya dahil ang mumura daw.

"So, you're planning to have your own clothing business?" Usisa niya habang tumitingin kami ngayon dito sa isang shop ng mga bags.

"Uhm, yes. Yung kapatid ng katrabaho ko doon sa Singapore, naka-base sa Thailand, I had a call with her and pumayag naman siya na bagsakan ako ng mga bangkok clothes. Magaganda kasi ang damit doon." Kwento ko sa kanya.

Humalukipkip siya at saka pinagmasdan ako. "What if I offer you a job? Para hindi ka na mapagod." Tumaas ang isang kilay ko at tumawa.

"No, thank you!"

Kumunot ang noo niya kaya naman tinalikuran ko siya at muling tinignan ang mga bags na naka display. Narinig ko namang sumunod siya sa akin.

"Why?" Hindi makapaniwalang tanong niya, "You can be my personal secretary."

Mas lalo akong tumawa, "I did some research about you and your business, gusto kitang talunin sa Clothing Business niyo!" Biro ko sa kanya, alam ko namang malabong mangyari iyon.

"Aha." Nangingising reaksyon niya.

Hinarap ko siya, "No, seriously. Thank you sa offer mo, pero napapagod na kasi akong maging empleyado. I think it's time para naman magkaroon ako ng sariling business ko, hindi ako sure kung papatok pero susubukan ko. Pagtitiyagaan ko 'to, Sebastian, nakasalalay dito ang ibang natitira sa savings ko." Litanya ko, sumeryeso ang pagtitig niya sa akin na para bang napupuno ng paghanga iyon.

"Oh, bakit ganyan ka makatingin?"

Umiling siya, "Wala. Ang ganda mo kasi." Nag init ang pisngi ko.

"Hay naku! Tara na nga." Pag iwas ko sa malalim na pagtitig niya at saka hinila ko na siya palabas sa shop na 'yon. Alam kong napansin niyang nahihiya na naman ako sa mga banat niya, napakatalino nitong tao na 'to dahil maski pinaka maliit na detalye ata ng expression ko ay kayang kaya niyang basahin. Tipong wala na akong maitatago sa kanya.

Naglakad lakad na ulit kami sa market, para akong nalulula sa mga bilihin ngayon ngunit hindi para sa isang Sebastian Luke Cando, masyadong maraming pera ang isang 'to at walang lumalabas sa bibig niya kundi "Oh cool. Mura na nga."

Samantalang ako hindi ko maiwasang mag compute sa utak ko sa tuwing may mga items akong natitipuhan at kapag nacompute ko na 'yon ay nagbabago na ang isip ko na huwag nang bilhin 'yon. Buong maghapon kaming nag ikot sa market at masasabi kong mahilig talagang gumastos ang mga Pinoy sa kahit anong bagay as long as gusto talaga nila 'yon, nung kinahapunan kasi dumami na ang shoppers doon sa market. Kanya kanya silang sukat at tingin ng mga damit at bags.

May mga food stall na din na nagbukas kinagabihan na siyang mas lalong nagpaingay sa paligid ng market. Namiss ko ang Pinoy street foods kaya naman tumayo kami ni Sebastian doon sa isang food stall na may mga isaw isaw at marami pang iba.

"Kumakain ka ba nito?" Usisa ko sa kanya, kahit na pawisan si Sebastian ay lutang na lutang pa rin ang kagwapuhan niya sa lahat. Marami nga ang napapatingin sa kanya pero napapansin kong ni isang pagtitig sa mga tao ay hindi niya ginawa. Diretso lang ang mga mata niya at kapag kakausapin naman niya ako ay mabilis niyang hinuhuli ang mga mata ko.

"Yes. Madalas naming kainin nila Red yan kahit na gigil na gigil na si Mama sa akin dahil madumi daw 'yan." Ngisi niya na para bang natatawa sa galit ng Mama niya at kumuha na siya doon ng isaw at nagsimulang lantakan iyon.

Bumuntong hininga siya na para bang nakaraos sa gutom, "Tangina, ang sarap talaga nito." Nanlaki ang mata ko at tumawa. "Ang lutong ha!"

Ngumiti siya ng malapad, "Sorry, namiss ko lang 'to. Ilang years na rin simula nung huling kumain ako nito." Kwento niya.

"Manong, pakibilang nalang ho ang makukuha namin, saka pabili na rin ho ng dalawang sago't gulaman." Sabi niya doon sa tindero na kaagad naman siyang tinanguan.

"Close kayo ni Mr.Red ano?" Pasimpleng usisa ko habang ngumunguya ng isaw.

Tumango siya, "Like I told you, sinimulan ko ang We Care Foundation noong nine years old palang ako dahil sa kanila ng kapatid niya."

"Yeah, I remember. Anong dahilan?"

Patuloy siyang ngumuya ng pagkain at para bang nahihirapan na siyang lunukin iyon ngayon. Mabilis niyang kinuha ang sago't gulaman saka tinungga iyon bago kunot noong nagsalita.

"T-to make a long story short, we've been kidnapped twenty years ago."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top