Kabanata 12
Kabanata 12
"Hindi pa kita sinasagot sa panliligaw mo sa akin." Gusto kong lumubog sa kinauupuan ko dahil sino ba naman ako para magpaligaw pa kung sa umpisa palang ay bumigay na ako sa kanya.
Ang kaninang gulat na reaksyon niya ay napalitan ng matamis na ngiti, napapansin kong habang tumatagal ay mas nakikitaan ko na siya ng iba't ibang klase ng emosyon at hindi ko alam pero masaya akong makita iyon. Para bang paraan iyon upang mas makilala ko siya ng lubusan.
"I'll wait, Dannie." Diretsang sagot niya na nagpakurap sa mga mata ko.
"Are you sure? Baka naman nabibigla ka lang sa desisyon mo. I'm damaged, Sebastian, marumi ako. Kung sino sinong lalaki na ang nakasex ko. Alam na alam mo ang pinanggalingan kong basura." Paalala ko saka nag iwas ako ng tingin sa kanya dahil una sa lahat alam kong isang kahihiyan ako sa isang katulad niya.
Narinig kong huminga siya ng malalim at pinatay niya ang makina ng sasakyan niya dahilan para manaig ang katahimikan sa aming dalawa.
"When we met..." Simula niya sa pagbasag ng katahimikan, "I knew you were the most stunning woman I'd ever seen. Your smile is seriously stunning. I don't know, Dannie, it's so unreal how my heart races every time I see you smile." Dama ko ang sensiridad sa boses ni Sebastian at nagkandaloko loko na lalo ang pagtibok ng puso ko nang marinig ko ang masayang halakhak sa gitna ng pagkaseryoso niya. "Hindi ka basura para sa akin, pero nung nakita kita sa bar noong gabi na 'yon, gusto na kitang iuwi. Kung pwede nga lang sa akin ka na kaagad."
Ngunit ayokong manaig ang kilig na pinaparamdam niya sa akin, "Maybe you're just saying that because of sex, seriously speaking, I don't believe that you're still a virgin when we first met, masyado kang hayok sa kama nung gabing iyon." Diretsang untag ko, bahala na. Ito ang unang pagkakataon na gusto kong sumugal, kaya naman gusto kong makasigurado.
Narinig kong humugot siya ng malalim na paghinga na para bang may halong pagkainis.
"Kalokohan man sa iba. But, in my twenty nine years of existense, marami na akong nahalikan. Iba ibang babae sa iba't ibang bansa, pero hanggang doon lang ang kaya kong ibigay. I don't want to commit or have sex with someone kung alam kong hindi ko kayang panindigan. I learned from my Dad, mahirap na." Seryosong sambit niya, this is the first time na makarinig ako ng ganoong paniniwala mula sa isang lalaki.
Muli akong bumaling sa kanya at hindi ko naiwasan ang nangungusap na pagtitig niya sa akin, mainit siyang tumitig na para bang kahit anong oras ay bibigay na ako.
"I don't have experience in courtship. I never had a relationship, but I promise, you have my whole heart, Dannie, sigurado ako dito, sigurado ako sayo." Napalunok ako sa sinabi niyang iyon, hindi na ako nakapalag nang hawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang ibabaw no'n habang titig na titig sa mga mata ko.
Alam kong tinamaan ako ng alak kagabi sa birthday party ni Sebastian, ngunit hindi pa rin naging dahilan iyon para makatulog ako.
Dahil matapos ang pangyayari sa sasakyan ni Sebastian ay para akong lumulutang na pumasok sa apartment ko. Hindi ako pinatulog ng mga matatamis na salita na binitawan niya. Dahil sino ba naman ako para sa mga salitang iyon? Isa lamang akong bayaran na babae.
Palipat lipat ako ng channel sa TV dahil alas onse na ng umaga ay dilat na dilat pa rin ako. Hanggang sa matigilan ako nang makita ko sa TV si Sebastian, kinusot ko ang mata ko dahil hindi ko sigurado kung namamalikmata lang ba ako dahil sa kaiisip ko sa kanya. Pero, siya nga mismo iyon. He is wearing a simple plain white tshirt at maong short at sa likod niya ay makikita ang malalaking building na parang condo units type.
"Mr. Cando, how does it feel to celebrate the 20 years Anniversary of We Care Foundation?" Usisa ng isang reporter sa kanya.
"I'm very happy and as you know We Care Foundation Team are working tirelessly to rehabilitate victims, free the world of sexual and labour exploitation, slavery and forced organ harvesting. Lahat ginagawa ng buong Team namin para masigurado ang kaligtasan ng mga nabibiktima ng human trafficking." Seryosong sagot niya na nagpaawang sa bibig ko, tinaasan ko ang volume ng TV upang mas lalo kong mapakinggan ang sinasabi ni Sebastian.
"At gusto ko din pasalamatan ang buong kapulisan sa pakikiisa sa adhikain ng We Care Foundation, and for the media in collaborating with us in efforts to bring a strong voice to everyone in denouncing all aspects of human trafficking and exploitation." Dagdag pa niya, kita sa mukha ng nag iinterview na masaya siya sa nakuhang sagot kay Sebastian.
Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng pagkabigla sa mga narinig ko mula sa interview sa kanya. I remember our first night in Singapore, nabanggit niya ang tungkol sa human trafficking at hindi ako makapaniwala ngayon na may foundation pala siya para sa mga biktima na narescue nila kaya pala gano'n nalang ang reaction niya sa mga kwento ko noong unang gabi namin sa Singapore.
"Thank you, Mr. Cando. Alam ko marami na ang nagsabi sayo nito, we are really proud of what you are doing para sa mga tao. Not just only in stopping the human trafficking kundi pati na rin sa iba mo pang foundation." Proud na sabi ng reporter.
"Pero may katanungan pa ulit ako, alam ko this may sound personal, but everyone is very curious about your relationship status." Natatawang aniya ng reporter na siyang nagpangisi kay Sebastian.
"At ano rin ang masasabi mo sa mga chismis na kumakalat that you are a gay." Diretsang tanong ng reporter sa kanya na nagpagulat sa akin ngunit parang wala lang sa kanya. Itinutok muli ng reporter ang mic kay Sebastian.
Ngunit isang mapanuyang ngiti lang ang isinagot ni Sebastian sa reporter. Napapitlag ako nang marinig ko ang doorbell, kaya naman tumayo ako mula sa sofa at sumilip sa bintana.
"Sino yan?" Usisa ko.
"Si Russel 'to, Dannie, may ibibigay lang ako." Aniya, huminga ako ng malalim bago nagpasiyang lumabas at pagbuksan siya ng gate. Hawak niya ang isang tupperware.
"Naparami yung order ko kaya naman gusto ko sanang i-share sayo." Aniya, sandali kong tinignan ang hawak niya bago ko tinanggap.
"Hobby mo ba talaga mamigay ng pagkain?" Sarkastikong sambit ko na nagpatawa lang sa kanya, dahil noong unang beses din na kumatok siya dito sa apartment ko ay gusto niya akong bigyan ng Lasagna ngunit hindi ko tinanggap iyon.
"Hindi naman, dadalawa na nga lang tayong magkapit bahay dito hindi pa ba tayo magkakasundo? Tignan mo nga yung ibang bahay na halos kalapit natin dito, ang lalaki, sa tingin mo ba mamimigay ng lechon yang mga yan?" Pagbibiro niya na nagpatawa na rin sa akin.
"Anyway, salamat. Hindi pa kita maiimbita dito sa loob ng bahay ko dahil hindi naman tayo close!" Pang aalaska ko sa kanya.
Tumawa siya, "Naku, ayos lang! Nga pala naririnig ko nanonood ka ng balita ah? Si Mr. Sebastian Cando? Idol ko yan!" Aniya na nagpagulat sa akin, ganun kalakas ang TV ko?
"Kilala mo siya?" Hindi makapaniwalang sambit ko.
"Oo naman! Sino bang hindi makakakilala sa taong iyan, napakaraming natutulungan. Ewan ko ba kung bakit ayaw pasukin ang buhay pulitika, sigurado ako maraming boboto sa kanya."
Hindi ako makapaniwala na kilala siya ng mga tao dito sa Pilipinas, dahil hindi naman kami nanonood nila Leila at Tony ng balita tungkol sa Pinas noong nasa Singapore pa kami unless sobrang importante talaga lalo na't about sa lugar nila.
Hindi na ako nakipag kwentuhan pa ng matagal kay Russel, pumasok na ulit ako sa apartment ko at napagpasiyahan kong buksan nag pagkain na binigay niya. Napakunot ang noo ko dahil mukha namang hindi niya inorder 'to kung saan. Brown Rice ito na may Grilled Salmon at Asparagus. Nagkibit balikat nalang ako at nilantakan ang pagkain na 'yon and it's so delicious. Habang kumakain ako ay napagpasiyahan kong isearch ang pangalan ni Sebastian sa internet.
Alam ko naman sa umpisa palang na galing sa marangyang pamilya si Sebastian, ngunit hindi ko inexpect na mas matindi pa pala ang pinanggalingan niya dahil number one sa buong Pinas ang Clothing Line and Hospitality Business nila. Nakita ko rin ang picture ng buong angkan nila sa internet at masasabi kong magagandang nilalang ang mga ito. Para bang nung nagpaulan ng kagwapuhan at kagandahan ang Diyos ay sinalo na ata ng buong angkan nila. Napaawang ang labi ko nang may makita akong picture ni Sebastian noong bata pa siya, napaka cute niya at malapad ang ngiti habang buhat siya ng isang gwapong lalaki na sa tingin ko ay Daddy niya dahil kamukhang kamukha niya ito.
Nag browse pa ako hanggang sa nahagip na mata ko ang isang site na sa tingin ko ay puro chismis sa mga kilalang personalidad ang nandoon. Binuksan ko ang site dahil nandoon ang pangalan niya. At ewan ko ngunit natatawa ako sa title ng chismis.
Sebastian Luke Cando is gay.
I don't have any problem with gay or LGBTQ Community dahil marami din naman akong kaibigan sa Singapore na miyembro noon at lahat silang mga kaibigan ko ay mababait, it's just that hindi ako naniniwalang gay si Sebastian at hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga balitang iyon.
Binasa ko ang mga comments doon sa article at karamihan ay anonymous account.
He is really good at kissing, tipong madadala ka na sa kanya. Pero hanggang doon nalang iyon.
I met him sa bar nila, puro halik lang ang alam! Nung niyayaya ko na sa hotel bigla nalang akong iniwan sa kawalan! What a freak. So, hindi na ako magtataka kung maraming kumakalat na balita na gay nga siya!
Isang kahihiyan sa pamilya nila na gay siya! Sayang naman ang gwapo pa naman!
Marami nga akong naririnig na balita sa iba't ibang babae lalo na sa bar, that Sebastian Cando is a gay!
Inihinto ko na ang pagbabasa dahil alam ko namang walang katotohanan ang mga 'yon, napakahalimaw ni Sebastian sa kama. Ibinaba ko na ang cellphone ko at tinapos ko nalang ang kinakain ko.
Alas diyes na ng gabi, nakausap ko kaninang hapon ang kapatid ni Tony na nakabase sa Thailand tungkol sa pinaplano kong business. Wala naman daw problema na bagsakan niya ako ng mga items, kaya naman pinag usapan na rin namin kung magkano ang pera na ilalabas ko. Sa huli ay napagpasiyahan namin na maliit na amount nalang muna at titignan muna namin kung papatok pa iyon.
Katatapos ko lang maligo at nakasuot na ako ng nighties, maaga akong matutulog dahil hindi ako nakatulog simula kagabi at isa pa nagpaplano akong mag gala gala bukas, titignan ko ang market kung ano bang mga uso ngayon dito sa Pinas. Hindi ako pwedeng umasa nalang sa savings ko dahil alam kong mabilis mauubos iyon.
Pahiga na sana ako sa bed ko nang biglang may mag door bell, sumilip ako sa veranda dito sa kwarto ko at bumilis ang pintig ng puso ko nang makita ko si Sebastian na nakatayo doon sa gate habang nakapamulsa at may dalang bulaklak.
Maghapon hindi nagparamdam kahit sa text or tawag itong taong 'to, ngayon ay nandito siya sa tapat ng bahay ko. Wala naman sa akin iyon, dahil alam ko naman kung gaano siya ka-busy. Actually, hindi ko din alam kung paano ko siya haharapin matapos ang pag uusap namin kagabi. Nahihiya kasi ako, pero naisip ko rin naman na mas mabuting ibalik ko nalang sa dati kung paano kami unang nagkausap sa Singapore, kumportable kahit bagong magkakilala lang kami. Nag angat siya ng tingin at nakita niya akong sinisilip siya mula dito sa veranda, ngumiti siya at kinawayan ako. Nagmadali akong pumasok sa kwarto ko at nagsuot ng silk na bathrobe ko upang babain siya.
Hindi ko alam pero biglang nanlamig ang kamay ko dahil sa bilis ng pintig ng puso ko.
"Hey..." Malambing na bati niya nang buksan ko ang pinto at hindi nakaligtas sa mga mata ko kung paano niya pinasadahan ng tingin ang suot ko.
"Hey," Ganting bati ko sa kanya saka tinanggap ko ang daisy na iniaabot niya.
"W-what are you doing here?" Muling sambit ko.
"Do you have time for dinner now? I was so busy and forgot that I haven't eaten anything the whole day." Napaawang ang labi ko.
"Are you serious? It's ten o'clock in the evening already, tapos hindi ka pa kumakain buong araw?" Ngumiti siya at umiling, bumagsak ang balikat ko dahil sa awa sa kanya.
"Come inside," Sambit ko at mas binuksan ang gate upang makapasok siya, narinig kong sumunod siya sa akin sa loob. Sandali ko munang inamoy ang daisy na ibinigay niya sa akin bago ipatong iyon sa center table, mamaya ko na aayusin 'yon.
Bumuntong hininga ako at hinarap siya na ngayon ay nakaupo sa sofa doon sa may center table, "Anong gusto mong kainin?" Tanong ko sa kanya dahil wala naman akong niluto ngayon, nag oatmeal lang ako kanina.
"Kahit ano," Ngiti niya sa akin, hindi ko maiwasang maawa sa kanya ngayon dahil pansin ko sa mata niya na pagod siya at maluwag na rin ang pagkakatali ng necktie niya, tapos medyo gulo na din ang buhok niya pero hindi sagabal iyon sa kagwapuhan niya. Nagpasiya nalang akong mag-gisa ng corned beef dahil iyon lang ang meron ako dito ngayon bukod sa iba pang delata. Sinangag ko nalang din yung natirang kanin doon sa rice cooker.
"I'm sorry, ito lang talaga ang mai-o-offer ko sayo ngayon." Guilty na pahayag ko nang maibaba ko sa center table ang corned beef at sinangag. "Ako nga ang dapat humingi ng sorry sayo, gabi na nagluto ka pa." Sabi niya saka umayos ng upo at sinimulang lantakan ang inihain ko sa kanya.
Napatangotango pa siya habang ngumunguya, "Ang sarap ha?"
Tumawa ako, "Binola mo pa ako, e delata lang naman yan!" Natawa din siya at muling sumubo ng pagkain.
"Siya nga pala, nasaan ang dining table mo?" Biglang usisa niya habang patuloy sa pagkain, napalunok ako dahil sa tanong niya. Napuno na naman ng hiya ang mukha ko.
"Ah..nilagay ko muna sa likod ng bahay. Sira yung paa, I don't know kung magagawa pa." Nahihiyang sagot ko dahil alam naman naming dalawa bakit nasira iyon.
"Bakit nasira?" Dinig ko ang panunuya sa boses niya.
"Pwede ba, Sebastian?" Singhal ko sa kanya dahilan para humalakhak siya ng mahina.
"Binibiro lang kita, hayaan mo gagawin ko bukas." Aniya.
"Babalik ka bukas dito?" Kunyaring hindi makapaniwalang tanong ko, pero ang totoo ay gusto ko lang matabunan na yung usapan tungkol sa dining table ko na nasira naming dalawa.
"Aaraw arawin kitang—" Sabay subo niya ulit ng pagkain.
"What?" Kunot noong bulyaw ko sa kanya, ngumisi siya at uminom muna ng tubig saka nagsalita, "Aaraw arawin kitang ligawan." Patuloy niya na nagpairap sa akin.
Napailing nalang ako but at the same time, napangiti nalang din. Okay na yung ganito, kumportable na kaming mag usap kumpara noong mga nakalipas na araw.
***
A/N:
Thank you for waiting! I know it's been a long time since I updated this story but I am planning to finish it as soon as possible. :) Please leave some comments naman po hehe.
Thank you!
Love,
Ash
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top