Kabanata 11

Kabanata 11

Virgin but possessive.


Narinig naming tumunog ang wind chimes ng restaurant kasabay no'n ang boses ni Valeen, "Hey guys," Bati nito pero nanatiling matatag ang pagtititigan namin ni Sebastian, marahan kong pinunasan ang luha ko nang makita ko sa gilid ng mga mata ko na naglakad palapit sa mesa namin si Austin at Valeen.


"What's going on here?" Usisa ni Valeen, nakatitig pa rin sa akin si Sebastian na para bang hindi makapaniwala sa kagagahang isinigaw ko kanina.


Napatingin si Valeen doon sa champagne na nasa lamesa. "Don't tell me..." Bigla akong ginapangan ng kaba nang marinig ko ang pagdududa sa tono ng boses ni Valeen, alam kong hindi niya ako gugustuhin para kay Sebastian once na malaman niya ang mga itinatago ko.


"You're having dinner without us?" Patuloy ni Valeen na nagpalaglag sa panga ko, "Come on guys! Ang damot niyo naman!" Halakhak nito at saka lumapit kay Sebastian.


"Ano? Kayo lang? Paano naman kami ni Austin?" Panunuya nito at nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan nang bitawan ni Sebastian ang mabigat na pagtitig sa akin.


Napansin kong may dinampot si Austin doon sa gilid ng mesa at kinabahan ako nang makita kong iyon ang cheque na ibinato ko kanina kay Sebastian, nagtaas ng tingin sa akin si Austin pero mabilis niyang isinuksok sa bulsa niya iyon nang bumaling sa kanya si Valeen.


"Right, Austin? Itong pinsan mo nagbabalak palang mang treat ngayong birthday niya, tapos hindi manlang tayo iniimbitahan!" Ngisi ni Valeen.


"Ah, yeah. Bakit naman ganyan bro?" Patay malisyang ani Austin na hanggang ngayon ay nakasuksok pa rin sa bulsa ang kamay.


"Waiter, paki-add naman ng another set for two." Pakisuyo ni Austin.


Nang matapos ayusin ng Waiter ang lamesa para sa aming apat ay napagpasiyahan nalang din naming sabay sabay mag late dinner. Katabi ko si Valeen, habang kaharap naman namin si Sebastian at Austin. Gusto ko na sanang umalis kanina dahil nawala na ako sa wisyo para harapin si Sebastian, pero pinigilan ako ni Valeen.


"Kailan ka ba magkakaroon ng normal na birthday party? Palagi nalang business party ang nangyayari." Panunuya ni Valeen kay Sebastian, ngunit nagpatuloy niyang nilalantakan ngayon ang steak sa harapan niya na para bang hindi narinig si Valeen.


"Do you have any plans tomorrow? Mag out of town naman tayong apat, para naman maenjoy mo ang birthday mo." Suhestiyon ni Valeen.


Sandaling pinunasan ni Sebastian ang kanyang labi at sumimsim ng wine bago nagsalita, "Yes, I have plans tomorrow."


Tumingin sa kanya si Valeen, "What? That's so unusual, palaging free ang araw mo tuwing after ng birthday mo, right?" Patuloy na pang uusisa ni Valeen.


Tumikhim si Sebastian bago nagsalita. "Any idea how to court a woman?" Bigla akong naubo kaya naman mabilis akong uminom ng wine.

Napansin ko ang pagtitig sa akin ni Austin na kaagad kong iniwasan.


Isang malakas na paghalakhak ang pinakawalan ni Valeen, "Ikaw? Manliligaw? Bakit? Hindi na ba tumatalab ang mga moves mo sa pakikipag flirt?" Sunod sunod na tanong niya kay Sebastian.


"Come on, Valeen, alam natin na ni minsan hindi nanligaw yan si Sebastian. Kung may niligawan man yan eh puro investor. Virgin pa yan." Pagbibiro ni Austin saka nag apir pa ang dalawa.


Napatingin ako kay Sebastian at napansin ko ang mabilis na pag iwas niya sa mga mata ko, namula ang kanyang mukha at mabilis siyang sumimsim muli ng wine.


"Kung sino man yang binabalak mong ligawan, good luck sa kanya. A man with no dating experience." Tumatawang sambit ni Valeen saka sumubo ng steak.


Natapos ang late dinner namin na panay ang pangangantiyaw ni Valeen kay Sebastian, nakatayo ako ngayon dito sa tapat ng restaurant habang hinihintay si Valeen dahil nasa washroom pa siya. Si Sebastian naman ay may kausap sa cellphone.


Napalingon ako nang marinig kong may tumikhim mula sa likod ko, "Hey." Nakangiting bati sa akin ni Austin, nakaramdam ako ng hiya dahil alam kong mabilis makaramdam si Austin sa mga nangyayari sa paligid niya sa pamamagitan lang ng pagmamatiyag niya.


"Uhm, hey." Naiilang na bati ko, tumayo siya sa tabi ko at marahang inilabas mula sa kanyang bulsa ang cheque na ibinato ko kanina kay Sebastian.


"Her smile mesmerized me. Ang gago pakinggan pero nawala lahat ng pagod ko sa trabaho dahil sa kanya. I wanna sleep and wake up by her side, dahil bro, makita ko lang ang mukha niya taas na ang kamay ko, I feel so alive man! " Sambit ni Austin na nagpakunot sa noo ko. Bumaling siya sa akin at ngumisi saka ibinulsa ulit ang cheque.


"Yun ang sabi sa akin ni Sebastian, nung gabing malasing siya sa inuman naming dalawa. Gusto ko na ngang iwanan sa bar yang gago na yan dahil sa walang humpay na kwento niya tungkol sa babaeng nakilala niya raw sa Singapore." Gumapang ang kaba sa dibdib ko at hinayaan kong tanggapin ang mapanuyang pagtitig sa akin ni Austin.


"I can't believe it's you, napakaliit ng mundo."


"Austin..."


"Wait, if you're thinking na huhusgahan kita, no." Nangingiting paninigurado ni Austin sa akin, ramdam kong nanunuyo ang lalamunan ko.


"I like you, I mean, gusto kita bilang tao. You are not defined by your past, Dannie, at the end of the day Diyos lang ang makakapanghusga sa ating lahat. You should never be scared of your past, tanggap ni Sebastian ang lahat sayo." Litanya niya, hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nag iinit ang mata ko ngayon at bigla nalang tumulo ang luha ko.


"Come on," Nagulat ako nang bigla niya akong akbayan, "Alam kong ilang ka pa sa amin ni Valeen, pero sa maniwala ka o sa hindi, kaibigan na ang turing namin sayo. I'm happy na ikaw ang kinalolokohan ng pinsan ko."


"Alam ni Valeen?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Umiling si Austin, "No. Don't worry, your secret is safe with me." Pang aasar niya na nagpangisi sa akin.


Kumalas si Austin sa pagkakaakbay sa akin nang matanaw naming pareho ang nakabusangot na mukha ni Sebastian palapit sa amin. Narinig ko ang ngisi ni Austin.


"Virgin but possessive." Natatawang bulong ni Austin sa tabi ko na siyang nagpakunot sa noo ko, tinignan ko siya at lalo siyang natawa.


"I'm sorry," Natatawang ani Austin dahil napansin niya ang pagtataka ko, marahan niya akong hinila sa braso ko at inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at halos manlaki ang mata ko sa ibinulong niya sa akin.


"You're dating a virgin man." Tawang tawang sambit ni Austin.


"Hey! Let's go home na, I'm so sleepy na eh at saka ang sakit talaga ng tiyan ko." Bigla naming narinig ang sigaw ni Valeen.


"Alright," Ngiting ngiting sabi ni Austin.


"Bye guys! Hey, Sebastian! Ihatid mo si Dannie okay? Hay naku, ayoko talagang ipagkatiwala sayo si Dannie kasi mahilig kang makipag landian eh, pero wala akong choice." Nguso ni Valeen saka humalik sa pisngi ko.


"Come on, Val, alam naman nating pareho na safe si Dannie sa pinsan ko." Puno pa rin nang panunuya ang boses ni Austin na siyang nagpatawa kay Valeen.


"Well. Ano nga bang alam ng lalaking puro halik lang ang kayang ibigay sa babae?!"


"What the fuck?" Narinig kong mura ni Sebastian, mabilis na tumakbo si Valeen sa sasakyan ni Austin saka kumaway pa ito.


"Paano? Mauna na kami." Panay pa rin ang ngisi ni Austin sa akin bago pa sila tuluyang makaalis ni Valeen.


Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Marahan akong humarap kay Sebastian na ngayon ay namumula ang tenga at pisngi. Tinitigan ko siya at halos maningkit ang aking mata dahil hindi ako maniwala sa mga pinagsasasabi ni Austin at Valeen.


Si Sebastian? Virgin?


"What?" Kalmadong untag niya sa akin.


Umiling iling ako, hindi maaaring virgin ang monster in bed na lalaking ito. Sa mga galawan niya sa akin ay masasabi kong napakagaling niya na kahit sinong babae ay pipiliin siyang makasama sa kama. Nawala ako sa pag iisip nang maramdaman kong hinawakan niya ako sa bewang ko.


"I'll take you home, kailangan mo nang magpahinga." Aniya at saka nagpatianod nalang ako sa kanya.


Buong biyahe ay hindi ko mapigilan ang lihim na pagtawa ko sa tuwing maaalala ko ang panunuya sa kanya ni Austin at Valeen. Who would have thought na virgin pala ang isang ito nang magkakilala kaming dalawa?


"What did he say?" Biglang sambit niya at napansin kong huminto na siya sa pagmamaneho, luminga linga ako at hindi ko akalain na nakarating na kami sa tapat ng apartment ko na panay lang ang pag iisip ko tungkol sa kanya.


"Huh?" Patay malisyang tugon ko.


Huminga siya ng malalim, "Austin." Patuloy niya.


Sumilay na naman ang ngiti sa aking labi.


"Come on, stop smiling, Dannie." Nasa boses niya ang pakikiusap.

Inalis ko ang seat belt at saka bumaling ako sa kanya, madilim dito sa loob ng sasakyan niya pero naaaninag ko ang kagwapuhan niya.


"I don't sleep with virgin guys," Pang aasar ko sa kanya at nakita ko sa mga mata niya ang pagkabigla. Muli ay namula ang kanyang tenga at pisngi na siyang nagugustuhan ko na ngayon.


Pero kaagad siyang nakabawi sa panunuya ko sa kanya dahil isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa akin. Bigla akong nalito dahil dalang dala talaga ako sa mga ngiti at pagtitig niya sa akin.


"Well, I'm sorry, baby, you just did." Kahit na nagka-idea na ako kanina ay hindi ko pa rin naiwasan ang pagkabigla nang sa kanya na mismo nanggaling iyon.


"No, you're not." Pagpipilit ko, lalong lumalim ang pagtitig niya sa akin. "Hindi ka naniniwala? Why?" Pang aasar niya, napaka sarkastiko ng kanyang boses ngayon na punong puno ng panunuya. Alam ba niya na kung gaano siya kagaling? Shit. Kung ano anong pumapasok sa isip ko.


Napalunok ako nang inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko, "Kailangan mo akong panagutan." Bulong niya na nagpatindig sa balahibo ko dahil amoy ko ang mabangong hininga niya na nahaluan ng amoy ng alak. Bumaba ang tingin niya sa labi ko at napansin ko ang pagtaas baba ng adams apple niya.


Isang kilos lang niya alam kong magtatagpo ang labi naming dalawa.


Bago pa niya mailapat ang labi niya sa labi ko ay kaagad ko nang tinakpan ng palad ko iyon kaya naman dumapo sa likod ng kamay ko ang kanyang mainit na labi.


Lumayo ako sa kanya at halos hindi siya makapaniwala sa sinambit ko.


"Hindi pa kita sinasagot sa panliligaw mo sa akin."


___

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top