Kabanata 10

Kabanata 10

Sampung Minuto

Sumimsim ako sa hawak kong red wine at huminga ng malalim. Sandali kong hinaplos ang hita ko upang pakalmahin ito dahil pakiramdam ko ay naubos ang lakas ko. Sampung minuto, iyan ang hiningi niya sa akin kanina upang pareho kaming matapos sa sukdulan. I don't know how he do that, kapag sinabi niyang ganitong minuto ay kaya kitang paligayahin, totoong kaya niya walang labis o kulang sa sampung minuto na iyon.

"Are you okay?" Biglang sambit ni Valeen sa tabi ko ngayong nakaupo na kami at nakikinig sa speech ni Sebastian na tungkol sa business na naman. Wala ako sa ulirat upang intindihin ang mga sinasabi niya ngayon.

"Uhm, yeah, medyo tinatamaan lang siguro ako nitong iniinom natin?" Palusot ko, ngumiti si Valeen at hinaplos ang braso ko. Kanina ay inusisa na rin niya ako tungkol sa bagong dress na suot ko pero sinabi ko na lamang na may nabilhan ako sa baba ng hotel dahil basang basa ang unang dress ko na natapunan ng alak. Mabuti na lamang ay pinaniwalaan niya iyon at hindi na ako kinulit pa.

Ibinaling ko ang tingin kay Sebastian na mukhang mas lalong kumisig ngayong masaya siyang nag i-speech doon. Dumako ang mata niya sa akin at hindi nakaligtas sa akin ang pasimpleng kindat niya na nagpalunok sa akin.

"Washroom lang ako." Paalam ko kay Valeen pero ang totoo ay gusto kong magyosi para kumalma at makahinga ng maayos. Bumaba ako at nagpunta sa smoking area kung saan may mga babae ring nagyoyosi, mabilis kong sinindihan ang yosi ko at humithit non, para akong binunutan ng malaking tinik nang sa wakas ay nakahithit at buga ako ng yosi.

Pakiramdam ko ay masyado na akong umaasa sa mga bagay na hindi naman dapat. Naghahangad ako ngayon na makausap si Sebastian upang malaman kung mayroon ba akong dapat asahan, ngunit mabilis sumasagi sa isip ko na wala naman akong karapatang mag demand sa kanya dahil alam kong hindi naman ako karapat dapat para sa kanya. Masaya akong ibigay sa kanya ang lahat ng sa akin basta alam kong magiging masaya siya.

"Girl, nagpasikip ako." Napakunot ang noo ko nang hindi ko sinasadiyang madinig ang pinag uusapan ng dalawang babaeng nasa gilid ko. Tinuloy ko ang pagyoyosi habang nakikinig sa kanila.

"Gaga ka talaga!" Bungisngis ng isa. "Ang kailangan ko nalang ngayon ay magkaroon ng alone time with Sebastian." Parang mas lalong lumaki sa pakikinig ang tenga ko nang banggitin nito ang pangalan ni Sebastian.

"Umaasa ka pa rin talaga na papansinin ka no'n? Saksakan ng suplado." Ani ng isa, sandali pa silang nagtawanan saka umalis.

"Kailangan nating iiwas ang anak natin sa katulad ng babaeng yon." Gigil na sambit ng isang babae sa likod ko, napalingon ako at nakita ko ang dalawang babae na pusturang pustura. Ang isa ay nakahawak sa yosi niya habang masama ang tingin doon sa dalawang babae na kanina ay pinag uusapan si Sebastian, masungit ang itsura nito. Ang isa naman ay nakahalukipkip lang at mukhang medyo nilalamig na, maamo ang mukha nito na para bang natatawa nalang sa sinasambit ng kasama niya.

"Come on, Briana, kumalma ka nga." Ngisi nung babaeng maamo ang mukha.

"Claire, alam mo namang hindi ko pa kayang mag asawa ang anak natin. Jusko, he will always be my baby boy at alam kong sayo rin, aminin mo!" Natatawang ani nito.

Ngumisi ang isa, "Hay naku, halika na sa loob, kapag nakita ka na naman ng anak natin na nagyoyosi eh mapapagalitan ka na naman no'n." Suway niya, ngumuso naman ang masungit na babae at saka muling humithit ng yosi bago pa itapon iyon, bumalik na rin sila sa loob ng hotel.

Napangiti nalang ako sa dalawang iyon dahil sa napaka overprotective nila sa kanilang anak. Napansin kong paubos na ang yosi ko kaya naman muli akong nagsindi ng isa pa pero bago ko pa mahithit iyon ay may kumuha na no'n.

Napaatras ako nang makita kong si Mr. Red iyon, kumunot ang noo ko nang siya na ang humithit no'n.

"Kanina pa kita hinahanap." Kunot noong aniya saka bumuga ng usok, nakatingala ako sa kanya dahil halos magkasing tangkad sila ni Sebastian. Gwapo si Mr. Red, kanina nga ay may mga babaeng pumupuna sa kanya doon sa loob ng party.

"I don't know if you still remember me," Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Magkakilala tayo?"

"Singapore?" Nakangiting aniya saka muling humithit ng yosi habang nakapamulsa ang kaliwang kamay.

"Oh! Ikaw yun?" Hindi makapaniwalang tanong ko, kung hindi ako nagkakamali ay siya ang nagbigay sa akin ng sulat at cheque nung gabing nagulo ang isipan ko kay Sebastian.

"Mismo."

Mapapangiti na sana ako pero umatras ang ngiti ko nang maalala kong alam niya kung ano ang ginagawa kong trabaho sa Singapore.

"Pinapahanap ka ni Sir. Sebastian." Aniya, napuno ako ng hiya sa kanya dahil alam kong baka isa na rin siya sa humusga sa katauhan ko.

Sandali pa siyang humithit ng yosi bago itinapon iyon. Nagsimula na siyang maglakad at kahit mabigat ang mga paa ko ay sumunod ako sa kanya. Napahinto ako nang huminto rin siya, muli siyang humarap sa akin.

"By the way, you should stop smoking or don't smoke around him. Hindi ka lang masabihan ni Sebastian dahil ayaw niyang isipin mo na nakikialam siya sa buhay mo." Paalala niya bago pa muling naglakad.

"You found her?" Narinig ko ang hingal na boses ni Sebastian na para bang galing sa pagtakbo, isinenyas ni Mr. Red ang kanyang kamay sa pwesto ko. Sumilip si Sebastian sa akin at huminga siya ng malalim.

"Thanks, man!" Tinapik niya sa braso si Mr. Red bago pa ito umalis.

"Hey..." Ang kaninang nag aalalang boses ni Sebastian ay napalitan ng lambing, hinubad niya ang tux niya at saka marahang isinuot sa akin yon.

"I'm sorry, natagalan ako." Paumanhin niya patukol siguro sa mga taong kausap niya doon sa birthday party niya.

"It's okay." Sambit ko, sinabayan niya akong maglakad at hindi ko alam kung bakit ang kaninang maingay na paligid ay naging tahimik ngayong kasama ko na siya.

"Are you okay?" Biglang sambit niya, lumingon ako sa kanya at hindi maiwasan mag react ng katawan ko nang maramdaman kong alalayan niya ako sa bewang ko habang naglalakad.

"I'm okay, sanay naman akong maka attend sa mga business meeting." Kinagat ko ang labi ko dahil mali yata ang naisagot ko.

Narinig kong ngumisi siya, "Tingin mo rin? Simula nang ihandle ko ang company namin, hindi ko na yata naranasang mag celebrate ng normal na birthday." Halakhak niya, sa unang pagkakataon yata ay nagkaroon kami ng usapan na matino.

Pumasok siya sa isang restaurant ng hotel, walang tao doon kundi isang waiter lang.

"That's why, I want to celebrate my birthday with you." Aniya saka hinila ang isang upuan, inalalayan niya akong umupo. Sandali niyang kinausap ang waiter tungkol sa pagkain at nang bumalik siya ay may bitbit na siyang Champagne. Maingat niyang sinalinan ang baso sa harapan naming dalawa.

"Cheers?" Anyaya niya habang nakataas ang isang kamay niya sa baso, kinuha ko naman ang baso sa harapan ko at magkasabay kaming nag cheers pagkatapos ay sumimsim ng Champage.

Natahimik kaming dalawa at ramdam kong umiiwas siya ng tingin sa akin kaya naman pinatatag ko ang pagtitig ko sa kanya. Medyo marami na rin akong nainom kanina sa party kaya naman pakiramdam ko ay malakas ang loob kong harapin siya ngayon. Ilang beses kong sinubukang hulihin ang mata niya pero umiiwas siya.

"Hindi ka makatingin sa akin." Bulalas ko at humigpit ang hawak ko sa champagne glass dahil kahit na malakas ang pakiramdam ko ngayon ay nabalutan pa rin ako ng kaba.

Mabilis kong hinuli ang mga titig niya at hindi nakaligtas sa mga mata ko kung paano magtaas baba ang adams apple niya. Tinungga niya ang natirang champagne sa baso niya saka binasa ang kanyang labi.

"Wala naman." Hindi mapakaling aniya.

"Come on, Sebastian, kapag nag sesex tayo kayang kaya mo akong titigan sa mga mata ko. Pero bakit ngayon hindi mo magawa?" Ewan ko kung anong sumanib sa akin at matatag kong nasasabi sa kanya ito lahat ngayon. Gusto kong lumubog sa kinauupuan ko dahil sa kagagahang sinasabi ko. Halatang nabigla siya sa lumabas sa bibig ko.

"Dannie, wala lang. It's just that, marami akong gustong sabihin sayo kapag wala ka sa tabi ko. Pero kapag nandiyan ka na, gusto ko nalang yakapin ka, angkinin ka, gusto ko sa akin ka lang." Hindi mapakaling sambit niya, bumilis ang pintig ng puso ko.

"Gusto mong gawin ang mga bagay na 'yon, dahil?" Hindi ko alam! May gusto akong marinig, alam kong hindi pa kami gaanong magkakilala, puro sex nga lang ang ginagawa namin sa tuwing magkikita kami eh! Pero sa unang pagkakataon, gusto kong sumugal kahit na alam kong napakalayo niya sa akin.

Huminga siya ng malalim at nabwisit ako sa muling sagot niya sa akin, "Wala lang, Dannie."

"Pinagtitripan mo ba ako?" Gigil na sambit ko, "Hindi." Diretsang sagot niya sa akin.

"Eh kung gano'n ano nga? Anong dahilan mo?"

"Wala nga lang." Matabang na sagot niya sa akin at muli niyang pilit iniiwasan ang mga mata ko.

"How do you expect me to believe you?! Na wala lang?" Gigil na sambit ko sa kanya, oo nga't bayaran akong babae, pero bago lahat ng nararamdaman ko para sa gagong lalaki na ito at kagaya ng sinabi ko, handa kong ibigay ang maliit na natitirang puri ko para sa kanya!

Hindi siya sumagot, gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa unang pagkakataon pakiramdam ko ay ako ang naghahabol sa isang lalaki!

"You take me out to dinner tapos sasabihin mo wala lang lahat ng ito? Pinadalhan dalhan mo pa ako ng susuotin tapos wala lang?! Asshole!!" Sigaw ko sa kanya saka ibinato ko sa kanya yung table napkin na kaagad naman niyang nasalo. Wala na akong pakialam pa kung nakikinig ang waiter dito sa restaurant na ito.

"Nagpapakasasa tayong dalawa sa katawan ng isa't isa tapos wala lang?! Pagod na ako sa ganitong set up, Sebastian! Litong lito na ako sa mga kinikilos mo!" Hindi ko na napigilan ang luha ko dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko ngayon, dahil ba ito sa mga iba't ibang klaseng alak na ininom ko kanina? Tumayo ako saka hinubad ko ang tux niya na nakapatong sa balikat ko, mabilis din siyang tumayo.

"Siya nga pala," Binuksan ko ang maliit na bag ko at kinuha ko ang cheque na ibinigay niya sa akin noon sa Singapore dahil ito naman talaga ang isa sa plano ko bago ako bumalik dito sa Pilipinas, ibinato ko sa kanya ang cheque na tumalsik doon sa sahig. "Ibinabalik ko na ang ibinayad mo sa katawan ko."

"Dannie." Malambing na tawag niya sa akin at ngayon ay nagkatagpo na ang mga mata naming dalawa, akmang lalapit siya sa akin pero umatras ako.

"No, Sebastian, I know wala akong karapatang mag demand ng kahit ano from you, dahil sino ba naman ako? Isang bayaran lang na nakilala mo sa Singapore. Pero alam ko at ramdam ko na this time, hindi lang basta sex ang pinag uusapan natin dito." Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang paghikbi na pinakawalan ko, bullshit, ito ang unang pagkakataon na umiyak ako sa isang lalaki.

Punong puno ng pangamba yung mata niya ngayon at para bang hindi niya makayanan ang luha ko.

"What?! Hindi ka talaga magsasalita?!" Bulyaw ko at hindi manlang siya natinag sa pag sigaw ko. Kumuyom ang kamao niya at muli siyang lumunok.

"Mahal kita!" Biglang sigaw niya na nagpatigil sa akin! Alam kong matagal ko nang hinihintay marinig iyon mula sa kanya pero hindi pa rin maiwasan ng puso ko na magwala ng sobra.

Humakbang siya palapit sa akin at mas lalong lumalim ang pagtitig niya.

"I'm sure, I'm in love with you, Dannie! Pero natatakot ako!" Singhal niya na nagpalunok sa akin ng sunod sunod.

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Takot akong masaktan ka, dahil alam kong hanggang ngayon hindi pa rin hilom yung sugat ng nakaraan sa puso mo, ayoko nang dumagdag pa sa mga pasakit na nararamdaman mo hanggang ngayon." Patuloy niya, na nagpaatras sa akin. Naramdaman kong mas lalong tumulo ang luha ko.

"Hindi ko alam ang gagawin ko kung paano ko ipaparamdam sayo na totoong mahal kita kahit na maikling panahon palang tayong magkakilala." Sabi niya na siyang nagpangisi sa akin ng mapait.

"Hindi mo alam ang gagawin mo?" Sarcastic na tanong ko sa kanya saka marahas kong pinunasan ang luha ko at mas nakipag titigan sa kanya.

"Mahal mo ako diba?! Eh anong hinihintay mo? Ako ang manligaw sayo? Gago!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top