Kabanata 1



Kabanata 1

"Oh, siguraduhin niyong malalagpasan niyo ang target niyo ngayon." Paalala ng Manager naming si Yna.

"Yes, Madam!" Sabay sabay na sagot ng mga kasama ko.

Nakatingin lang ako sa repleksyon ko sa tapat ng salamin kaya naman napansin ako ni Yna. "Gayahin niyo itong si Dannie, everyday nalalagpasan niya ang target niya." Pag bibida niya sa mga kasama ko na inilingan ko nalang.

"Napaka ganda naman kasi niyang si Dannie, napaka sexy pa. Ano bang sikreto mo ha? Parang isang ngiti mo lang sa mga guest talaga namang pag aagawan ka." Litanya ni Tony na tinawanan ng mga kasamahan ko.

"Tigilan niyo nga ako." Bulyaw ko saka nagsindi ako ng yosi at hinithit iyon.

"O siya sige na, ten minutes mag start na kayo." Paalam ni Yna matapos kalampagin ang pintuan ng dressing room namin.

"Kailangan ko nang magpadala bukas, yung anak ko mag e-enroll na. Pinapagamot ko pa si Mama, hay, ang hirap ng buhay." Sabi ni Leila na ngayon ay nagbibilang ng kaperahan doon sa may sofa. May isang anak na babae si Leila at anak iyon ng isang Singaporean na hindi naman siya pinanagutan, nasa Pinas iyon at pinapa alagaan niya iyon sa kapatid niya. Sa aming lahat siya na ang pinaka matagal dito sa Singapore. May cancer ang Mama niya kaya naman doble kayod ang ginagawa niya ngunit hindi pa rin sapat iyon.

Humithit at buga ako ng yosi bago ako nagsalita. "Magkano ba ang tuition fee ng anak mo?" Kunot noong tanong ko.

"Ten thousand pero isang taon na yon, kaso kailangan pa ng mga workbook at textbook." Sagot niya na nagpasigaw kay Tony.

"Anak ng putcha, saan ba nag aaral yang anak mo?"

"Hoy, pinasok ko sa private school ang anak ko. Para naman yung hindi ko naranasan noon eh maranasan niya!" Pagmamalaki ni Leila, "Saka isa pa grade 4 na siya, palagi pang top 1 sa klase." Dagdag pa niya.

"Aba matalino ang anak mo ha? Buti hindi nagmana sayo." Pang aalaska ni Tony dahilan para batuhin siya ni Leila ng lipstick.

"Gaga! Matalino ako tinamad lang akong mag aral!" Halakhak niya habang patuloy sa pagbibilang ng pera niya at para bang hindi pa rin sapat iyon.

"Tama na nga yang pagbibilang mo ng pera, ako na ang magbabayad ng tuition fee ng anak mo." Sabi ko saka idiniin ko sa ashtray ang dulo ng yosi.

Mabilis na tumayo si Leila sa kinauupuan niya para lapitan ako at halos maalog ang ulo ko dahil sa pagtulak tulak niya sa akin. "Nagbibiro ka ba?!" Hindi makapaniwalang tanong niya, tumawa ako saka kinuha ko ang wallet ko at hinugot ko ang 400 singapore dollars at inabot sa kanya yon.

Nanlaki ang mata niya. "Teka, sobra 'to!" Nabubulol na sabi niya.

"Ipambili mo ng gamit ng anak mo yung sosobra, saka isa pa ipagamot mo ng maayos ang Mama mo." Sabi ko na mas lalong nagpaawang sa bibig niya.

"Makapag anak na nga rin para naman mabiyayaan ni Dannie!" Biro ng isa pa naming kasamahan.

"Kaya si Dannie ang pinaka malaki kumita sa ating lahat dahil grabe rin siyang mag share ng blessings!" Ngiti ni Tony na inirapan ko naman dahil ayan na naman siya sa mga daily devotion niya.

"Ang sabihin niyo wala kasing pinapadalan sa Pinas kaya kung magpamigay ng pera kala mo anak ng may ari ng banko." Mapait na sabi ni Ivone na nagpatahimik sa buong dressing room.

Itong bruha na 'to malapit nang tamaan sa akin, pero totoo ang mga sinabi niya, wala akong pinapadalhan ng sustento o pera sa Pilipinas dahil wala naman na akong pamilya. Kaya lahat ng sinusweldo at kinikita ko simula nang magtrabaho ako ay inihuhulog ko lang sa savings account ko. "Alam mo, Ivone, panira ka ng atmosphere!" Sigaw ni Tony sa kanya saka binato niya iyon ng tissue pero ngumisi lang ito saka lumabas na ng dressing room.

"Haay naku, huwag na nga nating pansinin yung bruhilda na yon. Basta pag nagkaanak ako si Dannie ang magpapa-aral!" Pagpapatuloy na biro ni Jane.

"Gaga!" Ngisi ko pero natigilan ako dahil biglang umiyak sa harap ko si Leila at niyakap ako ng sobrang higpit!

"Kaya ka pinagpapala ni Lord kasi ang bait bait mo! Thank you, Dannie! Hulog ka talaga ng langit!" Sumisinghot singhot pa siya habang sinasabi iyon, magsasalita na sana ako pero narinig ko na ang tawag ni Yna mula sa labas hudyat na kami na magsisimula na ang performance.

Nang matapos ang pagsayaw at kanta namin ng mga kagrupo ko ay naupo na kami sa pwesto ng mga entertainers. Tinungga ko ang malamig na bote ng Strawberry Smirnoff saka muling nagsindi ng yosi, nasa kalagitnaan na ako ng pag yoyosi ko nang dumako ang mga mata ko do'n sa kaharap ng table namin. Abala siya sa panonood sa akin habang iniinom ang alak mula sa rock glass niya, kumunot ang noo ko dahil halos hindi ko kayanin ang malalim na pagtitig niya sa akin ngayon.

"Hoy." Siko sa akin ni Leila, "Mukhang may tama sayo yung gwapo na 'yon ah." Pasimpleng bulong niya habang pinapatay ang sindi ng yosi do'n sa ashtray, ngumiti ako at pinagtaasan ko ng kilay ang lalaking hanggang ngayon ay hindi inaalis ang pagtitig sa akin. Masasabi kong gwapo ang isang 'yon, kahit pa medyo madilim sa pwesto niya.

"Pinoy ba?" Tanong ni Tony, "Mukha namang Pinoy, mukhang yayamanin." Sagot ni Jane na nagpahalakhak sa aming apat kahit pa malakas na malakas ang tugtog mula sa speaker.

"Wala akong pakialam sa yaman niya, ang gusto kong malaman kung daks ba 'yan, baka mamaya puro mukha at katawan lang ang kayang ipagmalaki, pagdating sa gitna jutay." At sabay sabay kaming nagtawanan dahil sa sinabi ni Leila dahilan para paghahampasin namin siya.

Sandali ko pang sinulyapan ang lalaking 'yon saka binigyan ko siya ng pilyang ngiti na siyang hindi manlang niya sinuklian ng pabalik na ngiti, sa halip ay nagsalin pa siyang muli ng alak do'n sa rock glass niya at muling tinungga iyon. Kitang kita ko kung paano magtaas baba ang adams apple niya.

"Dannie, alam ko na ang ending nito. Sayo na naman babagsak ang gwapong nilalang na 'yan. Balitaan mo nalang kami kung daks ba." Paninigurado ni Tony bago pa tuluyang ipatawag sila ng floor manager namin dahil may mga gusto na silang maka-table.

Naiwan nalang akong mag isa do'n at sa hindi ko maintindihan na dahilan ay wala pa ring kumukuha sa akin para maging ka-table ngayong gabi. Abala ako sa pagtingin ng kuko nang biglang may bumungad sa harapan ko ng isang rock glass na naglalaman ng whiskey. Nagtaas ako ng tingin at napaawang ang bibig ko nang makita ko kung sino ang lalaking nakatayo ngayon sa harapan ko, siya ang kaninang pinag uusapan namin nila Tony, nasa kabilang kamay naman niya ang kanina pa niyang iniinom na alak.

Hindi ko maipagkakaila na sa malapitan ay may kagwapuhang taglay ng isang ito, makapal ang kanyang kilay pati na rin ang pilik mata na mas lalong nagpapaganda sa mga mata niyang napakalalim kung tumingin. Matangos ang kanyang ilong at mayroon siyang katamtaman na kapal ng labi, ang kanyang buhok naman ay ayos na ayos na bumagay sa suot niyang black suit na may puting undershirt. Hindi rin biro ang katangkaran at kagandahan ng hubog ng katawan ng isang ito na para bang pinaghirapang ma-achieved.

"Mind if I join you?" Napalunok ako dahil sa lalaking lalaking boses niya, sandali akong kumurap at kinuha ang rock glass na iniaabot niya sa akin, tumikhim siya at muling nagsalita. 

"I'll take that as a yes." Aniya at saka maingat siyang umupo sa tabi ko na nagpalunok sa akin, hindi naman ito ang unang pagkakataon na may makatabi akong lalaki pero nai-intimidate ako sa isang ito dahil sa mga titig niya at maging ang bango ng pangangatawan niya ay hindi ko mapigilang hindi mapuna.

Mag iisang oras na kaming nakaupo dito pero kahit isang salita ay hindi pa ulit siya nag sasalita. Panay lang ang inom niya ng whiskey habang pinapanood ang mga entertainers doon sa stage at mukhang hindi nalalasing ang isang ito dahil paubos na ang nasa bote niya. At hindi ko maiwasan ang manibago o mailing dahil ito ang unang pagkakataon na magkaroon ako ng guest na hindi manlang ako hinahawakan o inaakbayan, sa halip ay mas pinipili akong tignan ng isang ito sa tuwing lilingunin ko siya.

Lumunok ako at tumikhim, "You know what? Pakiramdam ko panis na ang laway ko, dahil kanina ka pa inom nang inom ni hindi mo manlang ako kinakausap." Pagbibiro ko na nagpangisi sa kanya, ewan ko pero bigla akong napakurap dahil mas lalo siyang gumuwapo nang makita ko ang pag ngiti niya.

"You're not even talking to me, simula nang lapitan kita." Aniya na nagpalaglag sa panga ko, "W..what?" Hindi makapaniwalang sambit ko, binasa niya ng kanyang dila ang labi niya matapos inumin ulit ang alak mula sa rock glass.

Bumaling siya sa akin at doon ko napansin ang malamlam niyang mata dahil sa alak na iniinom, napalunok ako nang sa unang pagkakataon ay hinawakan niya ang kamay ko at dahan dahang hinahaplos haplos ang palad ko na siyang naghahatid ng kakaibang init mula sa kamay niya. "Pwede ka ba ngayong gabi?" Diretsang tanong niya na nagpabagsak sa balikat ko.

As usual, Dannie, kagaya lang din siya ng ibang lalaki.

Pinili kong itaas ang tingin ko sa kanya at ngumiti ng masigla. "Well, wala namang problema sa akin. 'Yun nga lang, nasa manager ko pa din ang desisyon dahil hindi pa tapos ang duty ko at hindi siya basta basta pumapayag na umalis nalang kaming mga entertainers dito na hindi pa natatapos ang target." Sagot ko sa kanya, humigpit ang hawak niya sa kamay ko at hindi ko alam kung bakit natutuliro ang presensya ko sa isang ito na pilit ko namang pinapakalma.

"Nakausap ko na siya, sa akin ka ngayong gabi." Paninigurado niya, bumaling ako sa floor manager namin at isang tingin ko lang ay tinanguan na niya ako. Ibinalik ko ang tingin sa kanya saka binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

Tinungga ko ang alak na isinalin niya sa rock glass ko at kagaya ng ginagawa ko sa mga guest ko kapag gusto kong tumanggi ay nagbibigay ako ng kundisyon kung saan kahit kailan ay walang pumapatos.

"Alright, 5000 Singapore dollars and don't you ever stop hangga't hindi pa ako natatapos." Nakataas ang isang kilay ko nang sabihin ko sa kanya iyon pero hindi manlang nagulat ang isang ito. Sa halip ay sinalinan niyang muli ng whiskey ang rock glass naming dalawa saka muli akong tinitigan ng malalim na para bang may matinding pangangailangan siya.

"Deal." Seryosong sambit niya na nagpalunok sa akin ng sunod sunod, dahan dahan niyang ininom ang whiskey doon sa rock glass na hindi inaalis ang malalim at mainit na pagtitig na ibinibigay sa akin.

Pinilit kong tabunan ang pagkatuliro ko sa kanya at ngumiti. "Then, maayos ang usapan." Sabi ko saka nauna na akong tumayo sa kanya kahit pa nanghihina ang tuhod ko dahil sa pagtitig na ibinibigay niya.

Sumunod siyang tumayo at binuklat ang kanyang wallet saka nag iwan ng pera do'n sa table para sa alak na inorder niya.

Mauuna na sana akong maglakad pero laking gulat ko nang pagsalikupin niya ang kamay naming dalawa at inilapit niya ang kanyang labi sa tenga ko saka bumulong na naging dahilan ng mas matinding pagkatuliro ko.

"Get ready, because I swear to you I won't stop until your legs are shaking."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top