Chapter 7
Mabilis ang bawat galaw namin ni Rebecca.
Bumalik kaming dalawa sa pinakagitna ng Nexus Shop at may kung anong hinanap si Rebecca sa bookshelf na malapit sa kinatatayuan naming dalawa.
"Paano tayo makakapunta sa Magus Empire?" tanong ko dito at napabaling sa likuran namin noong may sumabog na naman. Damn! Mukhang masisira na iyong ginawa kong harang kanina sa main door ng Nexus Shop. "Rebecca!"
"Wait, Adira! I'm looking for the spell!" natatarantang sambit nito at may kinuhang isang libro sa shelf. Napakunot ang noo ko dito.
"Hindi mo alam kung paano tayo makakapunta sa Magus Empire?" hindi makapaniwalang tanong ko dito habang pinagmamasdan itong hinahanap ang sinasabi nitong spell sa librong nakita.
"Simula na napadpad ako sa mundong ito, ngayon lang ako babalik sa Magus Empire! I never used that spell before, Adira!" anito habang patuloy na hinahanap iyong spell na magdadala sa amin sa Magus Empire.
"Oh my God!" bulalas ko at napatampal na lamang sa noo ko. Binalingan kong muli ang daan patungo sa main door ng Nexus Shop at naging alerto noong makarinig ako ng mga mabibilis na yapak galing doon. Napaayos ako nang pagkakatayo at inihanda ang sarili. "Find that spell and please, make it fast! Ako na ang bahala dito." Kinagat ko ang pang-ibabang labi at itinaas ang isang kamay. "Fire," mahinang wika ko at sa isang kumpas ng kamay ko, nagkaroon ng apoy sa harapan ko. Muli kong ikinumpas ang mga kamay ko noong may nakita akong dalawang bulto ng tao 'di kalayuan sa puwesto namin.
"Don't burn the shop, Adira!" rinig kong sigaw ni Rebecca na siyang ikinailing ko na lamang.
"I won't," mariing sagot ko dito at inihagis sa dalawa ang ginawang fire ball. "Bilisan mo na diyan, Rebecca!"
"Oo! Binibilisan ko na ang pag... Got it!" Sigaw muli ni Rebecca na siyang ikinabaling ko sa kanya. Ikinuyom ko ang mga kamay at sa pagkakataong ito, nawala na ang fire ball na ginawa ko kanina at noong ikumpas kong muli ang kanang kamay, nagkaroon ng wind barrier sa pagitan namin at noong mga taong sumugod dito sa Nexus Shop.
Mabilis kong ikinilos ang mga paa at nilapitan muli si Rebecca. Ipinakita niya sa akin ang hawak na libro at takang tiningnan ito.
"Ikaw lang ang makakapagbukas ng lagusan patungo sa Magus Empire," anito na siyang ikinatanga ko sa harapan niya. "Kaya pala sinabi noon ng ina mo na kailangan makabalik tayo sa Magus Empire kapag mahanap mo itong Nexus. Ikaw lang ang makakagamit sa spell na ito, Adira," dagdag pa niya at itinuro ang imaheng nasa pahina ng libro. "Use the ring."
"The ring?" takang tanong ko at tiningnan ang daliri ko kung saan ko inilagay ang singsing ni Mama kanina.
"It was one of the magical tools from Magus Empire. Use the ring while enchanting the spell, Adira."
Napangiwi ako at wala sa sariling napabaling sa gawi ng wind barrier na ginawa ko kanina. I saw more people behind the barrier. Mukhang ginagawa nila ang lahat para masira ang wind barrier na ginawa ko! Napabuntong-hininga na lamang ako at muling napatingin sa singsing na suot.
"Fine. I'll do it!" mabilis na bulalas ko at kinuha kay Rebecca ang hawak na libro. Mahina kong binasa ang spell na nakasulat doon at natigilan na lamang noong maramdaman ang biglang pag-init ng singsing sa daliri ko. Mayamaya lang ay umilaw ito na siyang ikinaatras ko.
"What's happening?" nag-aalalang tanong ko dito.
"It's working," ani Rebecca at isinuot ang kuwintas na ibinalik ko kanina sa kanya. Iyong kuwintas ni Aling Renee! "Go, Adira. Let's go home to Magus Empire."
Napalunok ako at mariing hinawakan ang libro. Muli kong itinuon ang mga mata sa pahina nito at binasa ang huling pangungusap na naroon.
"TTHAEM LACHOIZ BYMBHEL. I CALL ON YOU, INGVAR NAKOA, GUARDIAN OF THE GREATEST MAGIAN. GRANT MY WISH, HEAR MY PRAYER. OPEN A WAY FOR ME, FOR I SAY TO YOU, SMERA OSSALAHH BYMBHEL TTHAEM."
Noong banggitin ko ang huling salita ng spell na nakasulat sa pahina, agad kong nabitawan ko ang hawak-hawak na libro at mabilis na napapikit. Napaawang ang labi ko lalo na noong naramdaman ko ang matinding sakit sa ulo ko.
Damn!
"R-Rebecca," nanghihinang tawag ko dito at pilit na iminumulat ang mga mata. "What's h-happening?" dagdag na tanong ko pa sa kanya ngunit wala akong nakuhang sagot.
Oh great! What's happening to me? Bakit tila umiikot ang paligid? Dahil ba ito sa spell na binasa ko? Ito na ba iyon? Damn! Nasaan ba si Rebecca?
Napailing na lamang ako at mabilis na hinawakan ang kumikirot na sintido ko. I need to calm down. I need to compose myself and figure out what's happening right now! Akmang igagalaw ko na sana ang mga paa ko noong bigla akong napasigaw dahil sa gulat.
I'm falling!
Oh, damn me!
Mabilis akong napamulat ng mga mata at agad na inilibot ang paningin sa paligid.
Darkness.
Sobrang dilim ng paligid at kahit isang liwanag ay wala akong maaninag man lang!
Napaawang ang labi ko at pilit na iginalaw ang mga kamay. Itinaas ko ito at marahang ikinumpas. Where the hell am I? Patuloy pa rin ang pagbagsak ng katawan ko patungo sa kung saan kaya naman ay bigla akong kinabahan. Napatingin ako sa may paanan ko ngunit bigo akong makakita ng kahit ano!
"Rebecca!" tawag ko sa pangalan nito, nagbabakasakaling nandito rin ito sa madilim na lugar na ito. Napabuntong-hininga na lamang ako at muling iginalaw ang mga paa. "Walang pag-asa. Mukhang matatagalan pa bago ko marating ang pinakadulo nitong lagusang ito!"
Muli akong nagpalinga-linga at noong maramdaman kong muli ang pag-init ng suot kong singsing, wala sa sarili akong napatingin dito.
"Mama," wala sa sariling sambit ko at biglang nakaramdam muli nang pagkahilo. "Ma..." Napailing ako at pilit na nilalabanan ang pagpikit ng mga mata ko. This is not good! I'm losing it! "Damn!" bulalas kong muli at tuluyang nawalan na ako nang malay habang patuloy sa pagkahulog ng katawan ko patungo sa kung saan.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay.
Nagising na lamang ako noong may naramdaman akong may gumagalaw sa may paanan ko. Mabilis kong iminulat ang mga mata at agad na bumangon mula sa pagkakahiga.
"Ouch," bulalas ko at napahawak sa may ulo ko. Napailing ako at dinama ang kaunting kirot doon.
Ilang segundo akong natigilan at ikinalma ang sarili. At noong naging maayos na ang pakiramdam ko, napatingin ako sa may paanan ko kung saan ko may naramdamang gumalaw kanina.
Napakurap ako noong may nakita anong tatlong kuneho na roon. Dahan-dahan kong iginalaw ang mga paa na siyang mabilis na ikinalayo naman ng mga kuneho sa akin. Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi at wala sa sariling napatingin sa paligid.
"Oh my God," mahinang bulalas ko at wala sa sariling napaawang ang mga labi. "Anong lugar ito?" dagdag na tanong ko pa sa sarili at pilit na itinayo ang katawan mula sa pagkakaupo.
Wala sa sarili akong napatingin sa paanan ko at napangiwi na lamang noong makita ang kulay berde na damuhan. Napalunok ako at muling inilibot ang paningin.
Nasa isang malawak na luntiang lupain ako. Sa gawing kanan ko ay may malalaking mga puno at sa kaliwa naman ay puro mga bulaklak ang bumungad sa mga mata ko.
"Magus Empire," I said, almost a whisper. Sinubukan kong igalaw ang mga paa ko at noong naihakbang ko ito paatras, mabilis akong bumaling sa likuran ko. Muli akong napalunok at nagsimula nang maglakad.
Ang kaninang lakad na ginagawa ko ay naging takbo na. Napahigpit ang hawak ko sa bag ko sa may balikat habang tumatakbo sa kung saan. At noong marating ko na ang bukana ng gubat na kinaroroonan, napako ako sa kinatatayuan ako.
"Where the hell am I?" tanong kong muli sa sarili noong makakita ako ng iilang bahay 'di kalayuan sa puwesto. It's a small village. Ilang bahay lang ang nakikita ko mula sa kinatatayuan ko. "Is this the Magus Empire? The magical world Rebecca was talking about?"
Napakagat na lamang akong muli ng labi ko at nagsimula nang maglakad muli.
I think I should stop asking myself about this world. Wala akong alam dito kaya naman ay dapat lang ay sa ibang tao ako magtanong!
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa tuluyang marating ko iyong maliit na nayon na nakita kanina.
Napahigpit ang hawak ko sa bag ko sa balikat noong may nakita akong dalawang babae na abala sa pagkuha ng mga gulay na tiyak kong pananim nila. Panay ang tawanan ng dalawa kaya naman ay nag-isip ako nang paraan para makuha ko ang mga atensiyon nito. Tumikhim ako at halos sabay na napabaling sa gawi ko ang dalawang babae.
"Uhm, excuse me. Maari ba akong magtanong sa inyo?" nag-aalangang tanong ko sa dalawa.
Kita ko ang gulat ng mga babae noong makita ako. Hilaw akong ngumiti sa kanila at ilang segundo lang ay mabilis akong tinalikuran ng dalawa at tumakbo patungo sa kung saan.
"Wait!" sigaw ko at mabilis na ikinilos muli ang mga paa. Sinundan ko ang dalawang babae at noong mapansing nasa main entrance na ako ng nayong nakita kanina, agad na huminto ako sa paghakbang.
Ikinuyom ko nang mariin ang mga kamao at tiningnan ang mga taong nasa harapan ko na masamang nakatingin sa akin.
Oh boy. I don't like this feeling.
Mukhang mapapahamak pa yata ako sa lugar na ito.
Damn it!
Where the hell are you, Rebecca? I badly need your help here!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top