Chapter 5
Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
Nakatingin lang ako sa matandang babae habang takang nakatitig lang din ito sa akin.
"Nagkita na ba tayo noon, hija?" muling tanong sa akin ng matanda na siyang marahang ikinatango ko.
"You... you gave me this," marahang sambit ko dito at inangat ang kamay kung saan hawak ko iyong kuwintas na ibinigay nito sa akin. Kita ko ang pagkunot ng noo nito habang nakatingin pa rin sa akin at noong mamataan niya ang hawak-hawak ko, dahan-dahan itong lumapit sa akin.
I froze where I'm standing.
Gusto kong tumakbo palabas ng shop na ito ngunit may kung anong pumipigil sa aking gawin iyon. Mariin ko na lamang hinawakan ang kuwintas at noong tuluyang makalapit na sa akin iyong matanda, natigilan ako noong mapansin ang ekspresiyon nito.
"I... I gave you this?" mahinang tanong niya at inangat ang kamay nito. Tahimik ko lang itong pinagmasdan hanggang sa tuluyang mahawakan na nito ang kuwintas. "This necklace belongs to my sister."
Her what? Sister? Kapatid niya iyong matandang tinulungan at nakausap ko noon?
"Ibinigay niya ito sa'yo? Bakit?" takang tanong nito at kinuha na nang tuluyan ang kuwintas sa kamay ko. "Mahalaga ang kuwintas na ito sa kanya. Bakit niya naman ito ibibigay sa'yo?"
"Hindi... hindi ko rin po alam. Pero may kung anong kababalaghang nangyari sa akin noong araw na ibinigay niya ang kuwintas na iyan."
Kita kong naging seryoso ang mukha ng matanda at mabilis na tinalikuran ako. Naging alerto ako sa paligid at pinakiramdaman ang susunod na gagawin nito.
"Huwag tayo dito mag-usap, hija. Halika. Sumunod ka sa akin," aniya at nagsimula nang maglakad. Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi at hindi alam kung ano ba ang dapat gawin. Can I trust her? Dapat ko bang sundan ko ito?
"The necklace and ring, Adira. You can use it to know everything. Kung gusto mong malaman ang lahat, may isang lugar kang dapat puntahan."
"Go to that shop, Adira. Visit the Nexus. You need to be there and not in this world."
The Nexus.
Nandito na ako ngayon sa Nexus. At kung may makakasagot sa lahat ng katanungan ko ngayon, iyong matandang iyon lamang ang makakatulong sa akin!
Napabuntong-hininga na lamang ako at walang ingay na inihakbang ang mga paa. Tahimik kong sinundan ang matanda at mayamaya lang ay namataan ko itong nakaupo na at matamang nakatingin sa pendat ng kuwintas na pagmamay-ari umano ng kapatid niya.
"I saw her that day," mahinang sambit ko noong tuluyang makalapit na ako sa kanya. "At noong araw na nakakita at tinulungan ko ito, matagal na pala itong patay. I... I saw a ghost."
"That was her soul," ani ng matanda at binalingan ako. "Hindi agad nawawala ang kaluluwa ng isang Magian sa mundong ito."
"Magian?" takang tanong ko dito.
"Iyon ang tawag sa mga mamamayan sa Magus Empire. At ikaw, isa ka ring Magian, hindi ba?"
Napakunot ang noo ko sa naging tanong sa akin.
"Uhm... hindi ko po alam kung ano ang sinasabi ninyo. Nandito lang naman ako dahil sa kuwintas at singsing ng Mama ko," matamang sambit ko at ipinakita sa kanya ang singsing. "Ang sabi ng... uhm, kapatid mo sa akin, dalhin ko raw ito dito sa Nexus Shop."
"Singsing?" takang tanong nito at itinuon sa akin ang buong atensiyon nito. "Maari ko bang mahawakan ang singsing na iyan?"
Wala sa sarili akong napatango at inabot naman ang singsing ng ina sa kanya. At noong mahawakan na ng matanda iyong singsing, biglang namatay ang ilaw sa loob ng shop. Nanlaki ang mga mata ko at naging alerto sa paligid. Nagpalinga-linga ako at mahigpit na napahawak sa bag sa braso ko. Napalunok ako at ikinalma ang sarili.
Segundo lang ay bumalik ulit ang ilaw sa buong Nexus Shop at noong binalingan ko iyong matanda sa harapan ko, natigilan ako sa kinatatayuan ko.
What the hell?
"Paano-"
"Ito talaga ang totoong anyo ko," ani ng babae at tumayo mula sa pagkakaupo. "Kumusta, Adira? Maligayang pagbabalik dito sa Nexus."
"Po?" Napalunok ako at humakbang ng isang beses palayo sa babae.
I can't believe this! Noong una ay nakakakita ako ng kaluluwa, ngayon naman ay may isang matandang biglang nagbago ang itsura sa harapan ko! Jesus! Mababaliw na talaga yata ako sa mga nangyayari sa akin!
"Don't be scared, Adira."
"I... I'm so sorry pero aalis na po ako," nagmamadali kong sambit dito at noong akmang aatras na sana akong muli palayo dito, nanlaki ang mga mata ko noong hindi ko maigalaw ang mga paa ko. The hell?
"Huwag mo nang subukang labanan ang spell na iyan, Adira," ani ng babae at tiningnan ang mga paa ko. Wala sa sariling napayuko ako at napanganga na lamang noong makitang nasa loob ako ng isang bilog. What is this? A magic circle? No way! "Matagal ka na naming hinihintay na magbalik dito sa Nexus, Adira."
"Hindi ko po talaga alam ang mga sinasabi niyo. Pakawalan niyo na ako. Please." Pakiusap ko dito at pilit na iginagalaw ang mga paa.
"Adira, makinig ka muna sa akin-"
"No!" Sigaw ko at seryosong tiningnan ito. "Pumunta ako dito para malinawagan sa mga nangyayari sa akin ngunit sa mga pinakita mo sa akin, I don't think I can handle this! Uuwi na po ako."
"Kumalma ka, Adira."
"No!"
"Adira Maude Serano – Astaseul, the fallen heir of King Solomon of Magus Empire. The great Magian of her generation," sunod-sunod na sambit nito na siyang lalong ikinakunot ng noo ko. "That's you, Adira. At ang dahilan kung bakit nandito ka ay dahil ito ang nais ng ina mo. Adira Madeline Serano, that was your mom's real name, right?"
Napalunok ako.
Hindi ko lubos akalain na maririnig kong muli ang buo at totoong pangalan ni Mama. Ilang taon na rin ang nakalilipas simula noong pinagbawalan niya akong bigkasin ang totoong pangalan nito. Hindi ko alam kung ano ang totoong rason kung bakit ayaw niya sa pangalang iyon ngunit ngayon narinig ko itong muli, tila may kung anong kirot sa dibdib ko na siyang nagpawala ng lakas ko ngayon.
"Anong mga nalalaman mo tungkol sa ina ko?" mahinang tanong ko dito.
Mommy was really a secretive person. Simula noong nagsimula na akong mag-aral at natuto na ako sa mga bagay-bagay sa paligid ko, naging mas masikreto ito. She even changed her name! Noong una ay gusto kong magtanong dito ngunit kalaunan ay hinayaan ko na lamang. I respect my mother, so much. Alam kong may rason ito sa lahat ng ginagawa niya.
"You mother... she was the one who saved me and my sister, Renee, and brought us here in this world. And for us to survive, she sealed us using her magic power. This ring," aniya at ipinakita sa akin ang singsing ng ina. "Ito ang ginamit niya para baguhin ang itsura namin. Para walang makahanap sa amin sa mundong ito."
"What?" Napakurap-kurap ako. Kaya ba nagbago bigla ang itsura nito noong mahawakan niya ang singsing kanina?
"Twenty-one years and now, the seal is broken," dagdag pa nito at ibinalik sa mga kamay ko ang singsing. "Labing isang taon akong naghintay, Adira. At kagaya nga nang sinabi ng ina mo, kapag mawala na ang bisa ng kapangyarihan nito sa akin, kailangan kong bumalik sa Magus kasama ang nag-iisang tagapagmana ng buong kaharian."
"At ako iyon?"
"Yes, Adira. Ikaw iyon. Tapos na ang pagtatago natin sa mundong ito. Kailangan na nating bumalik sa totoong mundo natin."
"No." Naiiling na sambit ko. "Hindi ako sasama sa'yo. Uuwi na ako!"
"Uuwi tayo sa Magus Empire, Adira. Iyon ang bilin sa akin ng iyong ina bago siya tuluyang lumayo sa amin noong dumating kami sa mundong. This is my mission, Adira. Ang ibalik ka sa Magus Empire."
"I'm not..."
Hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin noong maramdaman ko ang mainit na pakiramdam sa daliri ko. Wala sa sarili akong napatingin dito at napaawang na lamang ng labi noong makitang nakasuot na ang singsing ni Mama sa ring finger ko!
"What..."
"Wear this necklace, too," ani ng babae at inihagis sa akin ang kuwintas na hawak-hawak. Bahagyan akong napapitlag sa ginawa niya at napamura na lamang noong nakakabit na sa leeg ko ang kuwintas!
Damn! This is not happening to me! Kailangan kong makalabas dito sa Nexus Shop na ito!
"Tatapusin mo ang sinimulan ng iyong ina, Adira. Kailangan ng buong Magus Empire ang kapangyarihan mo. Kailangan ka namin para maibalik ang kapayapaan sa buong imperyo ng Magus."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top