Chapter 29
"She's not a bad person. She... she was a victim, too. Don't hate her, Your Highness. She... she was one of the fallen royals. And Queen Adira M-Madeline helped her."
Walang emosyon akong nakatingin sa walang buhay na katawan ni Amin. Ilang minuto akong nanatiling ganoon hanggang sa magpasya na akong kumilos muli. Humugot ako ng isang malalim na hininga at mariing ikinuyom ang mga kamao.
Tumatak sa isipan ko ang mga huling salitang binitawan nito sa akin. Queen Adira Madeline helped her. She helped my mother. Mother... No. This can't be true! Adira Madeline is my mother! Wala ng iba pa! Anak ako ni Mama! Damn it! Imposible iyong mga tinuran sa akin kanina ni Amin! Nagkakamali lang ito!
Mabilis akong umiling at maingat na tumayo mula sa pagkakaluhod. Muli kong tiningnan ang walang buhay na katawan ni Amin at bahagyang yumukod sa kanya.
"Thank you for serving the royal family, Amin. I... I will do everything to save this empire. Ibabalik ko ang kaayusan sa lugar na ito." Humugot muli ako ng isang malalim na hininga at inihakbang ng muli ang mga paa.
Mabilis akong tumakbo palayo sa silid ni Alvah kung saan kami naglaban kanina. Seryoso lang ako habang tinatahak ang isang pasilyo at noong nasa dulo na ako nito ay mabilis na bumagal ang paghakbang ko. Ikinuyom ko ang mga kamao at pinakiramdaman ang isang pamilyar na presensya. She's here! At mukhang nakikipaglaban ito ngayon!
Muli kong inihakbang ang mga at noong tuluyan na akong makalabas sa pasilyong tinahak, agad kong inihanda ang sarili at seryosong tiningnan ang palitan ng mga atake mula sa iilang Scholars ng academy at ni Rivanna. Namataan ko pa si Leo sa grupo ng mga Scholars at noong may nakitang akong kakaiba sa likuran nito ay mabilis kong ikinumpas ang kanang kamay ko sa gawi niya.
"Dispel," mahinang turan ko at nawala ang kulay itim na kapangyarihang tatama na sana kay Leo. Isang kumpas pa ng kamay ko ay mabilis na natigilan ang mga naglalaban 'di kalayuan sa kinatatayuan ko. Isang malakas na wind barrier ang ginawa ko na siyang ikinabaling nila sa puwesto ko.
"Your highness!" sigaw ni Leo noong makita ako. Tinanguhan ko ito at muling ikinumpas ang kamay. Mabilis namang napaatras si Rivanna at masamang tiningnan ako.
"You bitch!" mariing bulalas nito at noong akmang aatake na sana itong muli, mabilis itong natigilan noong may isang patalim na lumapat sa leeg niya.
"Don't move," matamang sambit ni Franceen at idinikit pa lalo ang hawak na patalim sa leeg ni Rivanna. "One wrong move... you're dead."
Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko. Pinagmasdan ko lang ang bagong dating at tahimik na nagpasalamat at ligtas ang mga ito. Mabilis kong dinispel ang wind barrier at namataan kong pinatumba ni Gabriel ang iilang kawal na kakampi ni Rivanna. Mayamaya lang ay bumaling ito sa akin at mabilis na nilapitan ako.
"Are you okay? What happened to you?" magkasunod na tanong nito sa akin. Napangiwi naman ako noong maalala ang nangyari sa akin noong pumasok ako sa isang portal. It was a mistake, okay. Pero hindi na mahalaga iyon. Ligtas naman akong nakabalik dito sa Magus Empire.
"Maayos akong nakabalik dito, Gabriel. Huwag mo nang alalahanin ang kung anong nangyari sa akin."
"Bigla kang nawala sa gitna nang labanan, Adira!" bulalas nito na siyang muling ikinangiwi ko. Akmang magsasalita na sana ako noong natigilan ako sa malutong na pagmumura ni Rivanna.
"Bitawan mo ako, ano ba!" sigaw nito ngunit hindi iyon binigyan pansin ni Franceen. Mayamaya lang ay lumapit na rin si Leo sa kanilang dalawa. Natigilan naman si Rivanna at noong may isa pang Scholar ang lumapit sa kanila, unti-unting nanghina ito. Segundo lang ay nanahimik na ito at nawalan na nang malay.
Nanatili ang titig ko kay Rivanna at noong maalala ko ang mga katagang binitawan kanina ni Amin sa akin, napabuntonghininga na lamang ako at matamang tiningnan ang mga kasama.
"Nakatakas sa akin si Alvah. Hindi ko alam kung nasaan na ito pero paniguradong nasa loob pa rin ito ng palasyo. Hindi siya aalis sa lugar na ito. No matter what happen to herr, she will not leave the palace," matamang sambit ko at napakuyom na lamang ang mga kamao.
"Nasa palasyo na rin ang hari. Paniguradong hinahanap na rin nito si Alvah ngayon," imporma sa amin ni Leo at lumapit na rin sa kinatatayuan ko. "Nasaan na ang kasama mo kanina?" tanong niya at tumingin sa kamay ko. Wala sa sariling napatingin na rin ako sa kamay ko at hindi na ako nagulat pa noong makita ang dugo ni Amin sa kamay ko. Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at nag-iwas nang tingin dito.
"He... he's dead," mahinang turan ko at napailing na lamang. Kinalma ko ang sarili at umayos na lamang sa pagkakatayo. "Let's go. We need to finish this already. Masyadong marami na ang naapektuhan sa gulong ito. Kung hindi natin ito matatapos ngayon, baka kung sino pa ang mamatay dahil sa labanang ito." Hindi ko na hinintay pang may magsalita sa kanila. Mabilis akong tumalikod at nagsimula nang maglakad muli.
Hindi ko alam kung saang parte ng palasyo ako pupunta. Basta na lamang akong tumakbo sa kung saan may nararamdaman akong malakas at kakaibang enerhiya. Rare magic ang ginagamit ni Alvah kaya naman malakas ang kutob ko na isa sa enerhiyang nararamdaman ko ngayon ay pagmamay-ari niya!
Akmang liliko na sana ako ng isang panibagong pasilyo noong mabilis akong tumigil sa pagtakbo. Wala sa sarili akong napatingin sa gawing kanan ko at namataan ang isang nakasarang pinto. Mayamaya lang ay naramdaman ko ang presensiya nila Gabriel ngunit hindi ko na iyon binigyan pansin pa. Napako ang paningin ko sa nakasarang pinto at noong akmang kikilos na sana akong muli noong mabilis akong pinigilan ng kaibigan ko.
"What's the problem? May nararamdaman ka bang kakaiba sa silid na iyan?" tanong nito sa akin na siyang ikinatango ko na lamang. Umayos ako nang pagkakatayo at binalingan ang mga kasama.
"I... I just need to check this room. Mauna na kayo sa akin. Hanapin niyo ang hari at tulungan ito sa pakikipaglaban."
"We can't just leave you here, Adira," ani Franceen at lumapit na rin sa akin. "Sasamahan ka namin ni Gabriel."
"But-"
"We're here to help you, Adira. Huwag mo kaming alalahanin. We can fight and protect you," saad ni Gabriel na siyang ikinabaling ko sa dalawa kong kaibigan. "Leo, kami na ang bahala sa mahal na prinsesa. Tulungan niyo na lang ang ibang Magian na kasama natin," seryosong saad muli nito at tiningnan ako. "Let's go, Adira."
Tahimik akong tumango kay Gabriel at tiningnan sila Leo. Bahagya silang yumukod sa akin bago tumalikod at umalis. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at muling binalingan ang silid na tinititigan kanina.
Hindi ko alam pero pamilyar sa akin ang kakaibang enerhiya sa silid na iyon. May kung anong humihila sa akin patungo roon!
"Come on. Tingnan na natin ang silid na ito," ani Franceen at nauna na sa amin sa pagkilos. Maingat itong naglakad patungo sa silid at noong hawakan nito ang door handle, mabilis itong bumaling sa kinatatayuan namin ni Gabriel. "It's open," imporma ni Franceen sa amin.
"Be careful," seryosong bilin ni Gabriel sa kaibigan. Tumango naman si Franceen at maingat na binuksan ang pinto ng silid. Naramdaman ko ang pagiging alerto ni Gabriel sa tabi ko at noong tulyang mabuksan na ni Franceen ang pinto, isang kakaibang enerhiya naman ang naramdaman ko. Wala sa sarili kong ginalaw ang mga paa at lumapit sa kinatatayuan ni Franceen. Pumasok na kasi ito sa silid at noong nasa tabi na niya ako, tahimik kong pinagmasdan ang kabuuan ng silid.
"It's an empty room," ani Franceen.
"It was my mother's room," mahinang turan ko na siyang ikinatigil ng dalawa. Hindi ako maaaring magkamali! I can feel it! Ito ang silid ni Mama noong nasa palasyo pa ito! Wala mang mga gamit ang silid na ito, ramdam ko pa rin ang naging presensya nito sa silid na ito!
"Mabuti at hindi ito sinira ni Queen Alvah. Knowing her, natitiyak kong wala itong ititirang bakas sa kahit sinong miyembro ng royal family. Kahit ang simpleng silid na ito, paniguradong hindi niya ito palalagpasin," wika muli ni Franceen at binalingan ako. "Ayos ka lang ba, Adira? Gusto mo na bang umalis sa silid na ito?"
"I... I don't know," mahinang sambit ko at binalingan na rin ang kaibigan. "May kung anong bumabagabag sa akin ngayon," dagdag ko pa na siyang ikinakunot ng noo ng dalawa.
"Adira, nasa gitna tayo nang labanan ngayon. Kailangan mong mag-focus sa kung anong nangyayari ngayon," wika ni Gabriel na siyang maingat na ikinailing ko. Humugot ako ng isang malalim na hininga at muling tiningnan ang kabuuan ng silid.
"She's not a bad person. She... she was a victim, too. Don't hate her, Your Highness. She... she was one of the fallen royals. And Queen Adira M-Madeline helped her."
Muling umalingawngaw sa tenga ko ang mga katagang binitawan kanina ni Amin sa akin.
Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at napagdesisyunan nang lumabas sa silid na kinaroroonan.
I can't do this! Hindi ako maaaring magpatuloy sa pakikipaglaban sa ganitong kondisyon! Ma-di-distract lang ako at magiging pabigat sa mga kaibigan ko. I need to clear my mind first. I need to calm down and think carefully before doing anything else!
"Saan ka pupunta, Adira?" tanong ni Gabriel noong sinundan muli nila ako. Nasa isang pasilyo na ulit kami ngayon. Dere-deretso lang ang lakad ko at hindi na nilingon pa ang dalawa.
"Hahanapin ko si Alvah," matamang saad ko. I gritted my teeth. Sa mga sinabi ni Amin kanina, hindi ko alam kung may katotohanan ba sa mga iyon. Ni hindi man lang ako naliwanagan sa mga katagang binitawan nito sa harapan ko habang nag-aagaw buhay siya!
But... I remembered her reaction earlier. Iyong nalaman ni Alvah na anak ako ni Mama.
Pain. Betrayal.
And the way she accused my mother as a traitor, may pinanggagalingan ang galit nito sa ina. I sighed and tried to calm myself down.
"I need to ask her about my mother," dagdag ko pa at mas binilisan pa ang paglalakad.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top