Chapter 28
Simula noong malaman ko ang tungkol sa totoong nangyari sa aking ina, kung bakit ito napadpad sa mundong kinalakihan ko, ipinangako kong gagawin ko ang lahat para hindi masayang ang sakripisyong ginagaw nito para sa akin. Na gagawin ko ang lahat para malinis ang pangalan nito sa mundong ito. Na ipaghihiganti ko ito sa lahat ng Magian sumira sa kanya.
And now, I'm about to fulfil those promises.
Nasa tapat na ako ngayon sa silid ni Alvah, ang kasalukuyang reyna ng Magus Empire, ang babaeng sumira sa pangalan ng aking ina. I'm here and I'm about to face her. I'm gonna make her pay, sa kahit anong paraan, sisiguraduhin kong pagbabayaran niya lahat nang kasamaang ginawa niya sa mundong ito!
"Can you handle her alone, Your Highness?" tanong ni Amin na siyang ikinatango ko na lamang sa kanya. "I'll guard this room. Ikaw na ang bahala kay Alvah."
"Alright," wika ko at mariing ikinuyom ang mga kamao. Binalingan ko si Amin at muling tinanguhan ito. Hinawakan ko na ang door handle ng pinto at mabilis na binuksan iyon.
Isang tahimik at walang taong silid ang bumungad sa akin. Isinara ko ang pinto sa likuran at humakbang ng isang beses. Seryosong kong tiningnan ang kabuuan ng silid at noong makaramdam ako ng kakaiba sa gawing kanan ko, mabilis akong bumaling dito at inalerto ang sarili.
"Don't kill me!" sigaw ng isang babae habang nakaupo sa pinakasulok na bahagi ng silid. Taka ko itong pinagmasdan at muling tiningnan ang kabuuan ng silid. She's not here. Alvah's not here, damn it! Mukhang alam na nitong may maghahanap sa kanya sa silid na ito! Ngayon ay saan ko ito hahanapin?
"Who are you?" seryosong tanong ko sa babae at inihakbang ang mga paa palapit sa kinauupuan nito.
"Please, no! Huwag mo akong patayin!"
"Calm down. I won't kill you," wika ako at huminto na sa paglalakad noong nasa harapan na niya ako. "Who are you? Anong ginagawa mo sa silid ng reyna?"
"I'm... I'm her servant. Pinagsisilbihan ko ang reyna noong bigla kaming nakarinig ng ingay sa labas ng silid. She... she left. Kung ang reyna ang pakay mo, wa-wala na siya rito!"
Hindi ako nagsalita at tiningnan lamang ang babae. Mayamaya lang ay ipinilig ko ang ulo pakanan at pinakiramdaman ito nang mabuti.
Something's not right here.
Bakit naman aalis sa silid na ito si Alvah? This is her chamber. Kung may kaguluhan sa palasyo, ang lugar na ito ang pinakaligtas na lugar para sa kanya. This is not right. Something's off here.
"Come on. Mas ligtas sa labas ng silid na ito. May mga Scholars na-"
Hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin sa babae noong hinawakan ko ito. Natigilan ako sa kinatatayuan ko at wala sa sariling napatingin sa kamay kong lumusot lamang sa braso ng babae.
She's not real! An illusion!
Agad akong umatras sa babaeng kausap kanina at seryosong napatingin muli sa kabuuan ng silid. She's an illusion at paniguradong hindi lang ito nag-iisa sa silid na ito. Sa ganitong uri ng mahika, natitiyak kong ang walang lamang silid na ito ay isang ilusiyon lang din. She's still here. Malakas ang kutob kong nasa silid lang na ito si Alvah at siya ang may kagagawan ng ilusyong ito!
Humakbang pa ako ng isang beses at muling pinagmasdan nang mabuti ang walang lamang silid. Napabuntonghininga na lamang ako at maingat na inalis ang eye patch sa kanang mata. Looks like magagamit ko na naman ang kapangyarihan ng matang ito!
"Evil eye," mahinang turan at naramdaman ang pag-iinit ng kanang mata. "Hear my words, eliminate Alvah's illusion magic within this room," dagdag ko pa at noong mamataan kong unti-unting nagliwanag ang buong silid, napangisi ako.
There. I saw her, the current Queen of Magus Empire, the woman who killed my mother, the one who ruined my family!
"Alvah!" sigaw ko sa pangalan niya at agad na ikinilos ang mga paa. Mabilis kong nilapitan si Alvah sa puwesto nito at noong nasa harapan na niya ako, kusang umawang ang labi ko. Damn it! Another illusion! She's not real! Shit! "Stop hiding and face me, Alvah!" sigaw ko at muling ipinalibot ang paningin. Damn it! "Evil eye, hear my words. Bring to me the real Alvah," malamig na turan ko at noong muling magliwanag ang buong silid na kinaroroonan, naikuyom ko na lamang ang mga kamao noong makita ang seryoso at totoong Alvah na nakatingin sa kinatatayuan ako. "Stop your game, Alvah, and face me."
"Hindi ko inaakalang ikaw ang unang makakarating sa silid na ito," seryosong wika ni Alvah na siyang ikinakuyom ko lalo ng mga kamao ko. "Ang buong akala ko ay si Solomon o 'di kaya si Melchizedek ang unang makakaharap ko sa labanang ito. You impressed me, Magian."
"Hindi na nila kailangang pang kalabanin ka. Ang presensiya ko ay sapat na para tapusin ang kasamaan mo sa mundong ito," turan ko at ibinalik ang eye patch sa kanang mata.
"Tapusin?" Nakangising tanong nito at bahagyang tumawa. "Hindi pa tayo nagsisimula, Magian. Stop your nonsense. Hindi mo ako matatalo. I doubt if you can even cast a single magic against me."
"Oh, I can, Alvah. I can definitely cast a magic that can defeat you," seryosong saad ko at itinaas ang kanang kamay. Segundo lang ay ikinumpas ko ito at isang malakas na hangin ang pumalibot sa buong silid. At kagaya nang inaasahan ko, unti-unting nawala ang wind magic na ginawa ko noong itinaas na rin ni Alvah ang isang kamay. Her annoying Void Magic!
"See?" aniya at pinataasan ako ng isang kilay. "Your magic can't defeat me. You stand powerless against me, Magian."
"Really?" tanong ko at pinagtaasan na rin ito ng isang kilay. "Magic don't work against your Void Magic but this," turan ko pa at ipinakita sa kanya ang nakakuyom na kamao. "It might work."
"Your fist?" Tumawa itong muli at inilingan ako. "You don't know me at all, Magian."
"Hindi mo rin ako kilala, Alvah," seryosong wika ko at sa isang iglap ay nasa harapan na niya ako. Gamit ang natitirang wind magic sa silid, ginamit ko ito para mas pagaanin ang katawan ko. Mabilis akong nakakilos sa kinatatayuan ko at ngayon ay nasa harapan na mismo ni Alvah.
"Hindi mo alam kung saan nanggagaling ang lakas ng loob kong harapin ko. I will defeat you, Alvah. Sa kahit anong paraan pa," dagdag ko pa at malakas na sinuntok ito sa tagiliran niya.
Mukhang hindi inaasahan ni Alvah ang pag-atake ko kaya naman ay hindi nito nasangga ang suntok ko. Gulat itong nakatingin sa akin at noong akmang lalayo na sana ito sa akin, mabilis ko itong pinigilan. Hinawakan ko ang braso nito at inihakbang paatras ang isang paa. Nagpumiglas si Alvah kaya naman ay binitawan ko na ito at noong akmang kikilos na sana ito palayo sa akin, mabilis kong iginalaw ang paang inatras ko kanina at malakas na sinipa ito.
"Damn it!" bulalas ni Alvah noong tumilapon ito sa kabilang bahagi ng silid. Umayos naman ako nang pagkakatayo at matamang tiningnan ito.
Mukhang tama nga sila Franceen at Gabriel. Mas nagtuon si Alvah na palakasin ang Void Magic nito. At kung makikipaglaban ito nang hindi ginagamit ang kapangyarihan niya, natitiyak kong siya ngayon ang dehado sa aming dalawa. Mabuti na lang ay kasama sa naging training naming tatlo ang palakasin ang mga katawan namin!
"How dare you to hurt the Queen!" sigaw ni Alvah sa akin at dahan-dahang itinayo ang sarili. "You will pay for this, Magian! I will definitely kill you!" dagdag pa niya at mabilis na itinaas ang isang kamay. "Maling-mali ang pagsugod mo sa chamber na ito. I'm the Queen of this empire! Ako ang pinakamakapangyarihan sa mundong ito!" Kinumpas nito ang kamay niya kaya naman ay naging alerto ako.
Inihanda ko ang sarili at noong mapagtanto ko kung anong klaseng mahika ang ginawa niya, mabilis kong pinagkrus ang dalawang kamay sa harapan ko. Void Magic against my Word Magic. Hindi compatible ang dalawa ito at natitiyak kong ni isa sa amin ay walang mananalo sa ganitong laban. She will just cast her spell and I will just block it off before even reach me.
"Word magic, burst," mahinang turan ko mabilis na kinalas ang pagkakakrus ng dalawang kamay sa harapan ko. Hindi ko inalis ang paningin sa mahikang pinakawalan ni Alvah at noong unti-unting nawala ang bisa nito, tahimik kong tiningnan ang gulat na si Alvah. "Our magics doesn't stand against each other. You cast; I dispel. Just give up already, Alvah."
"Give up? Nagpapatawa ka ba, Magian. I'm the Queen of this empire!"
"You're not the Queen of Magus Empire!" matamang wika ko at masamang tiningnan ito. "You just stole that throne! You're not even a member of the royal family kaya naman ay wala kang karapatan sa posisyon na iyan!"
"I am a royal!" sigaw ni Alvah na siyang ikinatigil ko. "I am a royal and I deserved this throne, Magian. I deserved this more than her, the former Queen, the traitor of this empire!"
"My mother was not a traitor!" matamang sambit ko na siyang ikinatigil muli ni Alvah. "The former Queen did everything to save this empire. She was far from being a traitor!"
"You are Adira Madeline's daughter?" gulat na tanong sa akin. Hindi ako kumibo at pinagmasdan lamang si Alvah. "No... she was not pregnant when she left this world. Paanong... it can't be," bulong nito na siyang ikinakunot ng noo ko. "What's your name, Magian? Tell me. Anong pangalan mo?"
"Mahalaga pa ba iyon?" tanong ko sa kanya at umayos nang pagkakatayo. "Hindi mo na kailangan pang malaman ang pangalan ko."
"No! Tell me!" sigaw ni Alvah at muling ikinumpas ang kamay. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya kaya naman ay agad kong kinontra ang Void Magic nito. Ikinumpas ko rin ang kamay at pinawalang bisa ang mahika nito. "That traitor! I will never forgive her!" galit na sigaw muli nito at muling ikinumpas ang mga kamay.
Now she's gone mad!
"Kahit patay na ito ay pinapahirapan pa rin ako!" Mas malakas na sigaw ni Alvah at mayamaya lang ay naramdaman ko ang pagyanig ng silid. Naalerto ako at palihim na tiningnan ang nangyayari sa silid na kinaroroonan namin ngayon. "Damn her!" sigaw muli ni Alvah sa puwesto niya.
Sa pagkakataong ito ay napaatras ako at mabilis na binalanse ang katawan. Mas lumakas ang pagyanig sa buong silid at noong binalingan kong muli si Alvah ay mabilis na natigilan ako. Namataan ko ang kakaibang ekspresiyon nito sa mukha at noong biglang nawala ito sa harapan ko, mabilis akong napakurap. Umayos ako nang pagkakatayo at hinanap ito sa kabuuan ng silid.
Damn it!
She escaped! Natakasan ako ng lintek na Alvah na iyon!
Napamura na lamang muli ako sa isipan at dali-daling naglakad patungo sa pinto ng silid. At noong binuksan ko na iyon, agad akong natigilan sa mga nakita.
What the hell happened here?
"Amin!" tawag ko sa kanya at mabilis na dinaluhan ito sa puwesto nito. "What happened? Ayos ka lang ba?" Magkasunod na tanong ko at binalingan ang limang kawal na ngayon ay nakahandusay sa sahig. Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at muling tiningnan ang sugatan na si Amin. Hinawakan ko ang sugat nito sa tagilaran at pilit na pinipigilan ang pag-agos ng dugo mula roon. "Stay still. Paniguradong may healer na kasama ang mga Scholar na narito ngayon sa palasyo."
"Y-your Highness-"
"Stop," pigil ko sa kanya at matamang tiningnan ito. "I need you to stay still, Amin. And please, don't talk. Ireserba mo ang lakas mo."
Namataan ko ang pag-iling ni Amin at ang mahinang pag-ubo nito. Mayamaya lang ay napansin ko ang unti-unting pagbagal nang paghinga niya kaya naman ay naalarma ako.
"Hey, I... I think I can close your wound. Wait... susubukan kong gamitin ang kapangyarihan ko-"
"H-huwag na... mahal na prinsesa."
"Pero-"
"Queen Adira Madeline... she was not a traitor. In fact, s-she saved the last member of the royal family. And that's you, Your Highness."
"I already knew that Amin, kaya naman ay huwag ka nang magsalita."
"Your mother-"
"Amin, stop talking-"
"She's not a bad person. She... she was a victim, too. Don't hate her, Your Highness," anito na siyang ikinatigil ko. "She... she was one of the fallen royals. And Queen Adira M-Madeline helped her," dagdag pa nito at unti-unting ipinikit ang mga mata. Napaawang ang labi ko habang nakatingin pa rin kay Amin. Tinawag ko ito ngunit hindi na ito gumagalaw sa puwesto niya.
"Amin," mahinang tawag kong muli sa pangalan niya at pilit na ginigising ito. No. He can't do this to me! "Anong... anong ibig sabihin ng mga iyon? Amin... open your eyes!" Damn it!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top