Chapter 27

"Amy, it's okay now. They're gone," mahinang sambit ko sa kaibigan at niyakap ito.

Ramdam ko ang panginginig ni Amy dahil sa takot kaya naman ay napahigpit ang yakap ko rito. At noong makakalma na ito at tumahan na sa pag-iyak, maingat niya akong tiningnan. Mayamaya lang ay tumingin ito sa paligid at hinanap ang dalawang Magian na tinapos ko kani-kanina lang.

"S-sino ang mga iyon? At... kilala nila ang Mama mo? Sila ba ang pumatay sa kanya, Adira?" takot na tanong nito sa akin.

"Hindi ko rin alam kung sila talaga ang pumatay kay Mama," mahinang sagot ko at umayos nang pagkakatayo. "At kung sila man talaga ang may sala, tama lang ang ginawa ko sa kanila."

"What happened to them?"

"I... I finished them," malamig na turan ko na siyang ikinagulat ni Amy.

"Y-you finished them... you mean?"

"You don't need to know everything, Amy. Para na rin ito sa kaligtasan mo." Humugot ako ng isang malalim na hininga at tiningnan ang daan patungo sa Nexus shop. "Kailangan ko nang umalis, Amy. Kailangan ko nang pumunta sa Nexus."

"Adira, hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari sa'yo pero hindi ikaw ito. You need to stop this. Mapapahamak ka sa ginagawa mo," matamang sambit ni Amy at hinawakan ang kamay ko. "Stay here. Huwag ka nang pumunta sa Nexus shop na iyan!"

"I can't stop now, Amy. Sa loob ng dalawang buwan, nalaman ko ang lahat-lahat tungkol sa pagkatao ko. I've learned about my real identity and... about my parents. Hindi ako nagmula sa mundong ito, Amy. I don't belong here... so, I need to leave."

"Adira-"

"I'm so sorry, Amy, pero ito ang totoong ako. Believe it or not, totoo lahat nang sinasabi ko sa'yo. So, please... I need to go. Magus Empire needs me. My people need me."

"Your people? What do you mean by that?"

"Amy, I... I'm Adira Maude Serano... Astaseul. A member of the royal family, daughter of the current king of Magus Empire, the princess of my world," sambit ko na siyang ikinatanga ng kaibigan sa harapan ko. "This is the real me, Amy. And my mother, she was the former queen. Siya ang nagdala sa akin sa mundong ito. She left our world to save me and now, Magus Empire needs me. It's time for me to go home."

Natigilan ako noong makitang umiiyak na naman si Amy. Mabilis niya akong niyakap nang mahigpit at nagpatuloy sa pag-iyak sa bisig ko.

"Thanks for everything, Amy. Kahit anong mangyari, hindi kita makakalimutan. You're my friend. No matter what happen to me in my own world, you will forever be my friend, Amy."

"Mag-iingat ka sa gagawin mo, Adira," umiiyak na wika ni Amy. Tumango ako sa kanya at marahang tinapik ang likuran nito. "You will forever be my friend, too. No matter what happen, I won't forget you. Kahit saang mundo ka pa naroon, kahit anong katauhan mo pa, ikaw pa rin ang Adira na kilala ko, na kaibigan ko."

Noong kumalma na si Amy ay nagtungo na kami sa Nexus shop. Tahimik kaming nakatayo sa tapat ng shop at noong mapagdesisyunan ko nang pumasok, binalingan kong muli si Amy.

"Kapag tuluyan na akong nakapasok sa loob, umalis ka na sa lugar na ito. Hindi ko alam kung may iba pang Magian ang malapit dito. You need to leave this place and don't ever come back. Don't look for me, too. Kapag nakapasok na ako sa portal, hindi na ako babalik pa."

Tumango si Amy sa akin at hindi na nagsalita pa. Tipid akong ngumiti sa kaibigan at nagsimula nang ihakbang ang mga paa. Maingat akong lumapit sa pinto ng Nexus shop at noong buksan ko ang pinto nito, mabilis na akong pumasok sa loob.

Pagkasara ko ng pinto ay agad kong tiningnan ang kabuuan ng shop. Maayos na ito ngayon. Walang bakas nang kaguluhan noong inatake kami ni Rebecca rito. Is this part of its magic? Dahil kung oo, talagang nakakamangha ang Nexus shop na ito!

"The book. I need the book where the spell was written," mahinang turan ko sa sarili at inihakbang muli ang mga paa. Dali-dali akong nagtungo sa bookshelves at hinanap ang librong naglalaman ng spell na siyang magbubukas ng portal patungo sa Magus Empire!

Panay ang mura ko sa isipan noong mahigat sampung minuto na akong naghahanap sa librong ginamit ko noon. Halos mailabas ko na lahat ng libro sa bookshelves ngunit hindi ko ito makita! Damn it! I need to find it quickly!

"Where's that goddamn book?" inis na bulalas ko at noong maglalakad na sana ako papunta sa isa pang bookshelf noong mabilis akong natigilan. Wala sa sarili akong napatingin sa suot na singsing at inaangat ito. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at marahang inalis ito sa daliri. "Rebecca told me before that this ring is the key. Key... a key to open a Nexus portal."

Umayos ako nang pagkakatayo at mabilis na inihagis sa ere ang singsing ng aking ina. Tinanggal ko rin ang eye patch na suot at iminulat ang kanang mata. "Magic enchant, open portal," mahinang turan ko at umilaw ang singsing ni Mama. Inangat ko ang parehong mga kamay at iginalaw ito paikot. Segundo lang ay nakaramdam ako ng isang pamilyar na enerhiya.

Nexus portal! It worked! A portal is about to open!

Pinagpatuloy ko ang ginagawa hanggang sa tuluyan kong makita ang portal. Napangiti na lamang ako at itinigil na ang mga kamay sa paggalaw. Ibinalik ko ang eye patch sa kanang mata at inangat naman ang kaliwang kamay. Dahan-dahan namang lumutang pabalik sa akin ang singsing ng ina. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago isuot muli ang singsing sa daliri ko. Noong matapos na ako sa ginagawa, muli kong tiningnan ang portal at walang ingay na inihakbang ang mga paa. Humugot muli ako ng isang malalim na hininga at tumingin sa paligid.

Ito na ang huling beses na mapapadpad ako sa mundong ito. This place, this world... I don't belong here. At isa pa, kung babalik pa ako rito, natitiyak kong mapapahamak lang ang mga taong malapit sa akin. I don't want them to suffer. I will protect them by leaving them behind.

"I... I'm going home now," mahinang turan ko at muling bumaling sa portal. "Mama... tatapusin ko kung ano ang nasimulan mo," dagdag ko pa at tuluyan nang pumasok sa Nexus portal.

Kagaya nang inaasahan ko, bigla akong nakaramdam nang pagkahilo. Ipinikit ko na lamang ang mga mata at ikinalma ang sarili. Ilang beses na akong nakapasok sa isang portal kaya naman ay dapat na masanay na ako sa ganitong senaryo. Pinakiramdaman ko muna ang paligid at noong imulat ko ang mga mata, namataan ko ang lagusan palabas sa portal na ginawa ko. Humugot ako ng isang malalim na hininga at pinagpatuloy ang paghakbang ng mga paa.

"I'm back... Magus Empire."

Nagkakagulong mga kawal ng palasyo ang bumungad sa mga mata ko. Agad namang akong kumilos sa kinatatayuan at nagtago sa gilid kung saan hindi nila mapapansin ang presensiya ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at pinagmasdan ang mga galaw ng kalaban.

"Kasama nila ang High Priest ng academy! Be ready! They're coming!" sigaw ng isang kawal na siyang ikinatigil ko.

"Nasa main gate na ang ibang Scholars! Pigilan niyo sila! Huwag niyo silang hayaang makapasok sa palasyo!" sigaw naman ng isa na siyang tipid na ikinatango ko. They're here.

"Guard the Queen's chamber! Protect the Queen!"

Queen. That's Alvah!

Mabilis akong umalis sa kinatatayuan at kinuha ang pansin ng dalawang kawal na halos kakadaan lang kanina. Mabilis silang bumaling sa gawi ko at gulat na tiningnan ako. Akmang kikilos na sana ang dalawa noong naunahan ko ang mga ito. Mabilis akong kumilos sa kinatatayuan at sa isang iglap ay nasa harapan na nila ako. Sabay kong hinawakan ang balikat nila at mahinang nagsalita. "Kneel," turan ko na siyang mabilis na sinunod ng dalawang kawal.

"H-hindi ako ma-makagalaw," sambit ng isang kawal at sinubukang kumilos mula sa pagkakaluhod sa harapan.

"Stop moving," saad naman ng isa sa kasama at tiningnan ako. "Kilala ko ang kapangyarihang ito. Hindi natin puwedeng suwayin ang utos nito."

"Tell me, nasaan ang silid ng kasalukuyang reyna ng palasyong ito?" matamang tanong ko at umatras ng isang beses palayo sa kanila. Nanatili silang nakaluhod at hindi makakilos. "I will release you from my word spell magic once you told me where's the queen's chamber. At pagkatapos non, umalis na kayo sa lugar na ito. If you want to live and escape from my father's wrath, better run."

"Kung sasabihin namin sa'yo, hindi mo kami papatayin?" may takot na tanong ng isa sa akin. "Anong kasiguraduhang hindi mo kami tatapusin?"

"I'm a member of the royal family, daughter of the current king, you have my words, Magian."

"A r-royal... you are the-"

"Your highness!" Mabilis akong natigilan noong marinig ang boses ni Leo. Napabaling ako sa gawi nito at hindi na nagulat pa noong makita ko ang grupo nito. Tama nga ang hinala ko. Sila iyong Scholars na tinutukoy ng mga kawal kanina. "Are you okay?" tanong nito noong tuluyang silang nakalapit sa akin. Tumango lamang ako sa kanya at muling binalingan ang dalawang kawal na nakaluhod sa harapan ko.

"Too late, nandito na sila," turan ko sa dalawa at mabilis na itinutok ng ibang Scholars ang dulo ng mga espada nila sa leeg ng dalawang kawal. "I will look for the Queen's chamber. Kayo na ang bahala sa ibang kawal na kakampi ni Alvah."

"Sasamahan kita," mabilis na turan ni Leo na siyang ikinailing ko. Napatingin ako sa likuran niya at namataan ang presensiya ni Amin na ngayon ay nakikipaglaban sa kapwa kawal nito. "My late mother's knight is here. Siya na ang bahala sa akin."

Napatingin naman sila Leo sa tinutukoy ko at noong mapatumba na ni Amin ang kalaban nito, mabilis itong tumakbo at lumapit sa kinatatayuan namin.

"Your highness," aniya at yumukod. "I'm glad you're back."

"And I'm glad that you're still alive, Amin," turan ko at umayos na ito nang pagkakatayo. "Let's go. My target is waiting for me."

"Ako na ang bahala sa mahal na prinsesa. May iilang kawal dito na hindi tapat na nagsisilbi kay Alvah. Kung makikita at makakaharap niyo sila, sabihin niyo lang ang pangalan ko. They will immediately stop and help you, Scholars."

"Hindi namin kailangan nang tulong nila. They're traitors of this empire. We will execute them, too," malamig na turan ni Leo na siyang ikinailing ko. Hinarap ko ang mga Scholars at matamang tiningnan ang mga ito.

They're mad, I can see and feel it. Pero kung lahat ng nandito ay paparusahan nila, baka pati mga tapat na kawal ng royal family ay madamay sa galit nila kay Alvah at sa mga tauhan nito.

"Leo, I have a task for you and your team," wika ko na siyang ikinatigil nito sa kinatatayuan niya. "Find Alvah's daughter, Rivanna. Find and bring her to me. I want her alive. Ako ang magpaparusa sa babaeng iyon."

"Yes, Your Highness," mabilis namang tugon nito sa akin at bahagyang yumukod sa harapan ko.

Napatango na lamang ako at muling tiningnan si Amin.

"Lead the way, Amin. Alvah's waiting for me," wika kong muli at kumilos na.

Just wait, Mama. Matatapos na rin sa wakas ang gulo sa palasyong ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top