Chapter 25
Sunod-sunod na pagsabog sa paligid ang narinig ko na siyang nagpangisi sa akin.
"Looks like it worked," mahinang turan ko at maingat na inalis ang kamay sa kristal. Ramdam ko pa rin ang enerhiyang na nanalaytay ngayon sa buong katawan ko. It feels nice for a second but knowing how dangerous and power this magic, I don't know if I can risk myself using it again. "Paniguradong itong airship na ito ang susunod na sasabog. Now, I need to leave this airship," dagdag ko pa at humakbang ng isang beses palayo sa kristal sa harapan. Muli kong isinuot ang eye patch sa kanang mata at kagaya ng inaasahan ko, unti-unting umusok ang magic equipment at bago pa ako tuluyang makalayo mula rito ay sumabog na ito.
Napamura na lamang ako noong biglang tumilapon ang katawan ko. Tumama ang likod ko sa isang matigas na bagay at malakas na bumagsak sa pinaka-sahig ng airship. Muli akong nagmura at noong maramdaman kong unti-unting bumubulusog pababa ang airship na kinaroroonan, maingat kong itinayo ang katawan.
Marahan akong napailing at ibinalanse ang katawan. Humugot muna ako ng isang beses bago kumilos muli. Mabilis akong tumakbo patungo sa pinaka-deck ng airship at noong mamataan ko ang mga kawal na ginamitan ko kanina ng word magic ko, mabilis kong ikinumpas ang kanang kamay at pinawalang bisa ang word spell ko kanina.
"Move your asses if you want to survive!" sigaw ko at nagpatuloy na sa pagtakbo. Noong nasa deck na ako, dumungaw ako sa baba kung saan babagsak ang airship na kinaroroonan ngayon. The magic barrier is still active. Bago pa man tumama ang airship na ito roon, natitiyak kong sasabog na ito nang tuluyan. I need to leave before that happens! "This is really a suicide, Adira." Umiling ako at mabilis na umatras. Humugot muli ako ng isang malalim na hininga at noong naging handa na ako, mabilis akong tumakbo at tuluyan nang tumalon paalis sa bumubulusog na airship ng kalaban namin.
Noong naka-ere na ako, agad kong ikinumpas ang dalawang kamay. Gamit ang natitirang lakas na mayroon ako, pinilit kong makagawa ng wind barrier at pinalibutan ang buong katawan. Kung tatama man ang katawan ko sa magic barrier ng academy, hindi ako masyadong mapupuruhan. It will lessen the impact. Mas mabuti na ang ganito kaysa naman tumama mismo ang katawan ko sa barrier ng academy.
Muli akong humugot ng isang malalim na hininga at tiningnan ang distansya ko sa magic barrier ng academy. At noong ilang pulgada na lamang ang layo ko ay bigla akong nakakita ng isang magic portal.
Franceen! This is her magic!
Nice timing!
Hindi na ako nagsayang pa ng oras. Muli kong ikinumpas ang kamay at dinala ang katawan sa mismong portal na nakita. At noong makapasok na ako rito, bigla akong natigilan. Isang madilim at malawak na espasyo ang bumungad sa mga mata ko. Nagpalinga-linga ako at hinanap ang lagusan palabas ngunit wala akong maaninag.
What is this? Hindi ba ito kagagawan ni Franceen? Damn!
"A trap," mahinang turan ko at pinakiramdaman ang paligid. Mayamaya lang ay napakunot ang noo ko noong makaramdam ako ng presensiya sa paligid. Muli ako nagpalinga-linga at noong may nakita akong isang bulto ng tao 'di kalayuan sa kinatatayuan ko, naging alerto ako.
"Look who's here." Natigilan ako noong marinig ko itong magsalita. A man's voice. "The princess of the Magus Empire is here."
"Who are you?" matamang tanong ko at pilit na inaaninag ang mukha nito. Damn it! Hindi ko talaga makita ang itsura nito dahil sa dilim! "Nasaan ako?"
"Oh, you've been here before, Princess Adira," anito na siyang ikinataka ko. I've been here before? Kailan pa? As far as I remember, kailan man ay hindi pa ako napadpad sa portal na ito! That's weird.
"What do you mean by that?" mahinahong tanong ko sa lalaki habang pilit na inaaninag ang mukha nito.
"This place is one of the Nexus portals here in Magus Empire, Princess Adira, and I guard this place," sagot niya at nagsimulang maglakad palapit sa akin. Napako ako sa kinatatayuan ko at hindi inalis ang paningin sa kanya. This is a Nexus? The same Nexus na ginamit namin ni Rebecca para makabalik sa mundong ito? No way! Bakit naman ako mapupunta sa lugar na ito? "You accidentally opened one of the Nexus portals, Adira. You wanted to save your life from the battle, right? And because of that, you opened this portal and went through it. To save yourself."
What? Oo pumasok ako rito dahil ang buong akala ko ay kagagawan ito ni Franceen! I didn't open this goddamn portal! Napailing na lamang ako at kinalma ang sarili.
"May kakayahan akong buksan ang isang Nexus portal?" Naguguluhang tanong ko pa rito habang hindi pa rin inaalis ang paningin sa kanya.
"You're a royal, of course, you can do whatever you want to do in this world," aniya at tuluyan nang nakarating sa harapan ko. I froze again and looked at him, shocked. "This Nexus portals were created by your ancestors. You have all the abilities to control it," pagpapatuloy niya sa mga sinasabi samantalang nakatanga lang ako sa harapan niya.
It took me a few seconds before finally speak again. This time, kinabahan na ako sa nangyayari sa lugar na ito. Dapat ay hindi na ako pumasok sa portal na ito kanina! Damn me!
"T-tito?" halos walang tinig na wika ko habang hindi pa rin makapaniwalang nakatingin sa lalaking nasa harapan. This can't be real! Bakit nandito ang kamag-anak naming sa kabilang mundo? "You're a Magian, too?" dagdag na tanong ko pa na siyang mabilis na ikinailing nito sa akin.
"Mali ka nang inaakala sa akin, Adira. Hindi ako ang Tito mo sa mundo ng mga tao. I... I just copy his physical appearance para naman ay maharap kita," aniya na siyang ikinakunot lalo ng noo ko. He copied him? "I have no physical body in this world, Adira. I can be anyone you know outside the Nexus."
"You can be anyone and yet, you choose that man who I hated the most before," hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. "That man killed my mother."
"The current queen of this empire killed your mother, not this man."
"What?"
"I saw everything, Adira. Walang kinalaman ang mga tao sa mundong pinanggalingan mo sa nangyari sa dating reyna ng imperyong ito. Yes, they're greedy but they didn't kill the former queen," matamang sambit nito at mabilis na nawala sa harapan ko. Agad akong nagpalingon-lingon at hinanap ito sa paligid. "Your mother once told me this, Adira. Being part of the royal family was both gift and cursed, and it's up to you to decide what's best for you. You have all the capabilities, the power and the knowledge to save this world."
Hindi ako kumibo at nagpatuloy lang sa pakikinig sa kanya. Umayos ako nang pagkakatayo at pinakiramdaman na lamang ang presensiya nito. Mayamaya lang ay nagkaroon ng dalawang lagusan sa loob ng Nexus. Natigilan ako at hindi inalis ang paningin sa dalawang lagusang kakabukas lamang.
"The former queen gave me this last job, Adira," muling wika nito na siyang ikinatigil kong muli. "To help you to choose your own path."
"My what?" Naiiling na tanong ko sa kanya.
"Nexus is a place where you can freely choose your own destiny. See those portals? One of them connects to the other world, just like the world where you grew up. And the other one, connects to the royal palace, the place where you were born." Napaawang ang labi ko sa tinuran nito. "Ginawa na ito noon ng iyong ina, Adira."
"And she chose the portal that connects to the world where I grew up," mahinang turan ko.
"To save you, of course."
"But she left this empire!"
"To save the empire, she needed to save you first."
What?
"The former queen was a great Magian. The moment she stepped inside this Nexus, she knew that you are going to save this world. And for you to do that, you need to survive first from all the chaos of this empire."
"And for me to survive, I need to leave this place." Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko. Napakurap ako at pilit na pinipigilan ang paghikbi. My mother sacrificed everything to save me. She gave up the throne for me to survive.
Mabilis kong inalis ang mga luha sa mata. Humugot ako ng isang malalim na hininga at mayamaya lang ay napansin ko ang unti-unting pagliwanag ng Nexus. Mabilis akong natigilan at napatingin muli sa dalawang portal na namataan ko kanina. "What was the last job my mother gave you again?" tanong ko at nagsimulang maglakad palapit sa dalawang portal.
"Help you choose your own destiny."
Humugot muli ako nang isang malalim na hininga at tiningnan mabuti ang dalawang portal. "Noong binigkas ko ang spell noon para makabalik dito, napagdesisyunan ko na ang kapalaran ko," turan ko at muling inihakbang ang mga paa hanggang sa nasa tapat na ako mismo ng isang portal.
"So, you already decided your destiny?" tanong nito sa akin na siyang ikinatango ko na lamang.
"I want to save this empire. Para sa aking ina, sa amang hari na naiwan naming noon at sa lahat ng taong naghintay sa pagbabalik ko. I'm here because I was destined to be here." Napakuyom ako ng mga kamao at muling hinanap ito sa kawalan. "Thank you. Thank you for waiting for me. Thank you for keeping this Nexus until I returned to this world."
"My job is done here, Adira. Once you enter to that portal, this Nexus will cease to exist... so am I."
"Thank you," muling turan ko at binalingan muli ang portal sa harapan ko. "Ipagpapatuloy ko ang sinimulan noon ng aking ina. But this time, I will definitely make sure that we will win. Kahit anong mangyari, sisiguraduhin kong mababalik sa kaayusan ang buong Magus Empire."
"You sounded like the former queen, Princess Adira. You are truly her child."
Napatango na lamang ako at hindi na kumibo pa. Humugot muli ako ng isang malalim na hininga at noong tuluyan na akong makapasok sa portal, agad akong nakaramdaman nang pagkahilo. Mabilis kong ipinikit ang mga mata at noong makarinig ako ng iilang pamilyar na ingay sa paligid, agad akong umayos nang pagkakatayo at iminulat muli ang mga mata.
"What the hell?" Napaawang ang labi ko at mabilis na ipinalibot ang paningin sa paligid. "Anong ginagawa ko rito? Bakit... nandito ako?"
"Nice costume!"
"Matagal pa ang Halloween Party pero bakit nakapustura ka na, Miss?"
"You looked fantastic, by the way."
Damn it!
Wrong portal!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top