Chapter 23

"What's wrong with my right eye?" tanong ko noong matapos itong tingnan ng High Priest.

Hindi agad ito nagsalita at binalingan muna ang aking amang hari. Tahimik ko silang pinagmasdan at noong tumingin itong muli sa akin, sa hindi malamang dahilan ay kinabahan ako. May nalaman ba ito? Napabuntonghininga na lamang ako at ikinalma ang sarili.

"It's burning right now. Hindi maaaring wala lang ito. May mali sa mata ko," mariing turan ko noong hindi pa rin kumibo ang High Priest sa akin.

"Sa ngayon ay hindi pa namin matukoy kung ano ang problema, Adira," sa wakas ay sambit ng High Priest sa akin at may inalahad sa harapan ko. Napakunot ang noo ko at takang tiningnan ang nasa ibabaw ng palad nito. It's an eye patch. Don't tell me gagamitin ko ito? "Sa ngayon ay suotin mo na lang muna ito. Ipagpahinga mo muna ang mata mo, Adira. Baka ay naapektuhan lang ito sa walang tigil na pag-eensayo mo noong mga nakaraang araw."

Ipinilig ko ang ulo pakanan at tiningnan ang ama. Namataan ko ang pagtango nito sa akin kaya anman ay napabuntonghininga na lamang ako. Wala sa sarili kong kinuha ang eye patch sa kamay ng High Priest at isinuot na ito.

"Don't worry, Adira. Hindi maaapektuhan ng mata mo ang kakayahan mong lumaban. Sa ngayon, bumalik ka muna sa silid mo at magpahinga. Magpapatawag din ako ng iilang high rank Magian na maaaring tumingin muli sa mata mo."

"Alright," simpleng turan ko at napabuntonghininga na lamang muli. Mayamaya lang ay nagbukas ang nakasarang pinto ng silid na kinaroroonan at namataan ko ang dalawang kaibigan ko. It was Franceen and Gabriel.

Anong ginagawa ng dalawang ito rito?

"Magians, escort the Princess back to her room," utos ng aking amang hari sa dalawa na siyang ikinagulat ko.

"What... no," mabilis akong umalma sa tinuran nito. "They're my friends, Your Highness. Hindi mo dapat sila inuutusan sa bagay na iyan. I can-"

"Adira, it's fine," it was Franceen. Yumukod ito at maingat na umayos nang pagkakatayo sa puwesto niya. "Sasamahan ka naming bumalik sa silid mo."

"Pero-"

"Magpahinga ka na, Adira. Kapag dumating na ang ibang high rank Magian mamaya, ipapatawag ka na lang naming muli," turan namang muli ng High Priest sa akin.

Wala na akong nagawa pa. Yumukod na ako sa dalawa at binalingan ang mga kaibigan ko. Napailing na lamang ako at nagsimula nang maglakad palapit sa kanila.

"You two don't have to do this," mahinang turan ko na siyang ikinailing na lamang ni Gabriel. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makalabas na kami sa silid.

"This is no big deal, Adira. Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ng hari. We're here because we want to see you. What happened? Anong nangyari sa kanang mata mo?"

"Hindi ko rin alam," sagot ko at hinawakan ang eye patch sa mata. "Bigla na lamang nag-init ang mata kong ito. I think it's magic. Hindi naman makumpirma sa akin ng High Priest kung ano ito kaya naman ay wala rin akong nakuhang sagot mula sa kanya."

"Hindi kaya naapektuhan ito sa walang tigil na pagsasanay natin?" tanong naman ni Franceen na siyang ikinanguso ko na lamang.

"Sana nga ay ganoon ang totoong dahilan," mahinang turan ko at itinuon na sa daan ang buong atensiyon. "Hindi ako maaaring mawalan ng paningin ngayon. Malapit nang magsimula ang laban natin."

"Let's just hope na hindi ito makakasama sa'yo, Adira," wika naman ni Gabriel na siyang ikinatango ko na lamang sa kanila.

Noong nasa silid na ako, nagpaalam na ang dalawa na babalik na sa kani-kanilang mga silid. Nagpasalamat na ako sa mga kaibigan ko at marahang isinara ang pinto ng silid. Napabutonghininga na lamang ako at naglakad palapit sa kama ko. Naupo sa gilid nito at marahang hinawakan na naman ang suot na eye patch.

Ramdam ko pa rin ang mainit na pakiramdam mula rito. At kung tama ang kanina ko pang hinala, natitiyak kong isang kakaibang kapangyarihan ang may kagagawan nito. Pero ano naman? Simula noong bumalik ako rito sa Magus Academy ay hindi na ako lumabas pa. Tanging sila Gabriel at Franceen lang din ang nakasalamuha ko noong mga nagdaang araw. Kaya naman ay nagtataka ako kung paano nangyari ito sa akin! Damn it!

Napailing na lamang ako at pabagsak na inihiga sa kama ang katawan. Wala sa sarili akong napatitig sa kisame ng silid at napabuntonghininga na lamang muli.

"Malapit na naming mabawi ang palasyo mula sa mga kalaban ng royal family. Kapag magsimula na ang labanan, dapat ay kasama nila ako. Kailangan maging maayos na ang mata ko bago pa magsimula ang totoong labanan."

And for the nineth times, I sighed again.

Ano nga ba ang dapat kong gawin ngayon? Hihintayin ang mga Magian na sinasabi ng High Priest sa akin kanina?

Napangiwi ako at mabilis na naupong muli sa kama. Muli kong hinawakan ang suot na eye patch at tumayo na. Naglakad ako patungo sa salamin sa gawing kanan ko at tiningnan ang repleksiyon ko roon.

I need to know and see what's wrong with my eye. Hindi maaaring maghintay na lamang ako rito at hayaan ang kakaibang nangyayari rito! Napailing ako at muling napabuntonghininga. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at maingat na inalis ang suot na eye patch. Hindi ko inalis ang mga mata sa repleksiyon ko sa salamin at noong iminulat ko ang kanang mata, napaawang ang labi ko.

"What the hell is this?" mahinang tanong ko at mas lumapit sa may salamin. Ilang beses akong kumurap at matamang tiningnan ang kabuuan ng kanang mata ko. "Bakit kulay pula ito?"

Wala sa sariling tiningnan ko ang repleksiyon ng kaliwang mata at namataang normal naman ito. Kaya naman ay napangiwi na lamang ako at muling itinuon ang atensiyon sa kanang mata. Imposibleng dahil ito sa naging pagsasanay namin noong nagdaang mga araw. I was never injured. Yes, nauubusan ako ng lakas twuing nagsasanay kami at natitiyak kong hindi ako nasaktan ng mga kaibigan ko noong nag-e-ensayo kami!

"Hindi ito isang normal na pamumula lamang," seryosong saad ko at umayos nang pagkakatayo. Muli kong isinuot ang eye patch at matamang tiningnan ang kabuuan sa salamin. Maliban sa mata, wala ng iba pang kakaiba sa akin. Wala rin akong maramdaman na kahit ano maliban sa mainit na pakiramdamn sa palibot ng kanang mata. "Hindi kaya-"

Hindi ko pa natatapos ang dapat na sasabihin noong bigla akong natigilan. Naging alerto ako at mas pinatalas ang pakiramdam. Mayamaya lang ay napapitlag ako noong makarinig ng isang malakas na pagsabog. Kusang nanlaki ang mga mata ko at napatakbo patungo sa bintana ng silid ko. Agad kong hinawi ang kurtinang naroon at natigilan na lamang makitang nagkakagulo sa labas ng gusaling kinaroroonan.

"An attack!" bulalas ko at napaatras na lamang noong makarinig ng panibagong pagsabog. "Damn it!"

Dali-dali akong naglakad palabas ng silid ko at noong maisara ko ang pinto sa likuran, agad akong natigilan noong marinig ang pagtawag ni Gabriel sa akin. Napatingin ako sa kanya at namataan ang mabilis na paglapit nila ni Franceen sa akin.

"What's happening?" tanong ko sa kanila at napapitlag muli noong makarinig ng isa na namang pagsabog. Damn it!

"Enemies," simpleng sagot ni Gabriel at nagsimula na kaming maglakad palabas sa pasilyong kinaroroonan. "Napapalibutan ng magic barrier ang buong academy. Sa ngayon ay ligtas pa tayo pero kung magpapatuloy ang pag-atake ng mga kalaban, paniguradong mahihirapan tayong i-maintain ang mga barrier."

Napangiwi na lamang ako sa narinig at mas binilisan namin ang pagkilos.

Noong makalabas na kami sa gusali kung saan naroon ang silid ko, agad naming nilapitan ang kumpulan ng mga Magian at nakatingin sa himpapawid. Panibagong pagsabog ang narinig namin at napakuyom na lamang ako ng mga kamao noong makita ang kaunting crack sa magic barrier na promoprotekta sa buong Magus Academy.

"This is not good," rinig kong sambit ni Franceen na siyang ikinakagat ko ng pang-ibabang labi. "We need to strengthen the barriers!"

"No," sambit ko na siyang ikinabaling ng kaibigan ko. Maging ang ibang Magian ay napatingin na rin sa akin. Kita ko ang gulat at bahagyang pagyukod nila ngunit hindi ko na ito binigyan pansin pa. "Kailangan nating makita kung saan nanggagaling ang mga atake ng kalaban natin."

"You mean... aatake rin tayo?" tanong ni Franceen at binalingan si Gabriel.

"Yes," sagot ko at tiningnan ang nagkakagulong mga estudyante ng academy. "Hey," tawag pansin ko sa mga Magian na malapit sa amin. "Hanapin niyo ang ibang Scholars. At kung makikita niyo ang grupo nila Leo, sila ang kausapin niyo tungkol dito. Sabihin niyo mauuna na kami at sumunod sila sa amin sa labas ng academy."

"Pero mapanganib ang gagawin niyo, Princess Adira. Hintayin niyo na lang ang-"

"We can't stay here and just wait," mariing turan ko at binalingan ang dalawang kaibigan. "You're with me, right?"

"Of course, Adira," sagot naman ni Gabriel at tumango sa akin.

"That's good to hear. Now let's move. We'll destroy them before they can even destroy this place," matamang sambit ko at mabilis na kumilos muli.

Tumakbo na kaming tatlo patungo sa main gate ng Magus Academy. Panay ang atake pa rin ng mga kalaban at hindi tinitigilan ang pagsira sa magic barrier ng academy. Napakuyom na lamang muli ako ng mga kamao hanggang sa marating na namin ang gate.

"Open the gate," utos ko sa taga-bantay ng trangkahan.

"Pero-"

"She's the princess. Just follow her order," ani Gabriel na siyang ikinabaling ko sa gawi niya. "Do it now! We need to stop them before they finally destroy our barriers!"

"But we have orders too! Walang estudyante ang dapat na lalabas sa academy."

Akmang magsasalita na sanang muli si Gabriel noong natigilan kaming lahat. Mas malakas na atake ang ginawa ng mga kalaban at sa pagkakataong ito, tuluyan nang nasira ang outer layer ng magic barrier ng Magus Academy. Damn it!

"Open the door. Now!" sigaw ko ngunit hindi pa rin iyon ginagawa ng mga taga-bantay ng trangkahan.

"Damn it! Forgive us but you give me no choice!" bulalas ni Franceen at itinaas ang isang kamay. Kunot-noo ko itong pinagmasdan at noong makitang may ginawa itong portal gamit ang spatial magic niya, mabilis kaming kumilos ni Gabriel. Agad naming hinawakan ang mga taga-bantay at hinala papasok sa portal na ginawa ni Franceen. "Go! Umalis na kayong dalawa! Ilang segundo ko lang kayang panatilihin ang mga ito sa loob!"

"Pero paano ka?" tanong ko habang binubuksan ni Gabriel ang trangkahan sa harapan namin.

"I'll stay here. Ako ang magsasarang muli sa main gate ng academy." Napabuntonghininga ako at tiningnan si Gabriel noong tuluyan na nitong nabuksan ang trangkahan. "Mag-iingat kayo, Adira. Gab, protect her. Protect the princess!"

"No need to say that to me, Franceen. I will definitely protect her!"

"Go, Adira! Stop the enemies! Ako na ang bahala rito" sigaw muli ni Franceen sa akin at tinanguhan ako. Hindi na ako nagsalita pa at mabilis na tinalikuran ito. Nauna na ako kay Gabriel palabas sa academy at dali-daling hinanap ang tamang posisyon ng kalabang umaatake ngayon sa amin.

"Gabriel, can you track them? Masyadong maingay ang paligid. Hindi ko sila mahanap!" Nagpatuloy kami sa pagtakbo ni Gabriel hanggang sa mabilis akong hinawakan nito sa kamay at hinila papalapit sa kanya. Panibagong pagsabog ang narinig ko at sa pagkakataong ito, mas malapit na ito ngayon sa kinatatayuan namin.

"No need to track them, Your Highness. They're here," anito at binatawan na ako. Inalerto ko ang sarili at wala sa sariling napatingin sa himpapawid.

Air ships! Damn it!

"Now what's the plan?" rinig kong tanong ni Gabriel sa tabi ko.

"We're going to destroy those ships," sagot ko at itinaas ang isang kamay. "Maling lugar ang inatake nila," matamang saad ko pa. "Maling mga tao ang kinalaban nila."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top