Chapter 22

Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko. Panay ang kagat ko rin sa pang-ibabang labi ko habang nakatingin sa nakasarang pinto sa harapan.

Mayamaya lang ay wala sa sarili akong napatingin muli sa mga kasama ko ngayon. Lahat sila ay tahimik at mukhang kalmado lang sa mga puwesto nila. Ako lang yata ang hindi mapakali at kinakabahan ngayon! Damn it!

"Adira, relax." Napabaling ako kay Leo noong magsalita ito. Kahilera ko ngayon ang mga Scholar ng Magus Academy at kagaya ng ibang kasama namin, tahimik lang ang mga itong nakaabang sa pagbukas ng pinto. "Hindi mo kailangang kabahan. He's your father. You'll be fine. Just relax."

"He's the king, Leo. The king of this empire," mahinang turan ko at humugot ng isang malalim na hininga. "Kahit na anak pa niya ako, siya pa rin ang hari ng mundong ito."

Hindi na kumibong muli si Leo sa tabi ko. Naging tahimik kaming muli at noong may dalawang kawal ang naglakad patungo sa pinto ng silid na kinaroroonan namin ngayon, mabilis akong napaayos nang pagkakatayo. Napalunok ako at mariing ikinuyom ang mga kamao.

He's here.

The king of Magus Empire is finally here!

Hindi ko inalis ang paningin sa may pinto at noong tuluyan na itong buksan ng dalawang kawal na nakatayo roon, agad kong naramdaman ang kakaibang presensyang hindi ko naramdaman noong unang pagkikita namin ng aking ama.

Powerful. Intimidating. Ang dalawang iyan agad ang napansin ko sa kanya. Napakurap ako at napako naman ang paningin sa mga kasama nito. Sa tabi niya ay ang Hight Priest ng Magus Academy, Melchizedek Gaimbert, at iilang high rank Magian na namumuno rin sa buong academy. So... this is the real king of Magus Empire, the powerful king before the chaos started. Nagbalik na talaga siya.

Nagsimula nang maglakad ang hari at ang mga kasama nito. Napansin ko ang pagyukod ng mga kasama ko sa silid kaya naman ay gumaya na rin ako sa kanila. Ramdam ko ang tensiyon sa buong silid at noong nakarating na ang hari at ang mga kasama nito sa maliit ng entablado sa harapan, halos sabay-sabay kaming umayos nang pagkakatayo. Humarap kami sa kanila at tahimik na pinagmasdan ang mga bagong dating.

"Everyone," panimula ng High Priest ng Magus Academy at tiningnan kami. "Our king is back. Hail to our king, King Solomon Enarez Astaseul!"

"Hail to our king!" sigaw ng mga kasama ko na siyang bahagyang ikinagulat ko sa puwesto. Napalunok ako at matamang tumitig sa ama. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin din sa amin at noong dumako sa puwesto ko ang paningin nito, namataan ko ang bahagyang pagtango niya sa akin. Tipid akong gumanti ng tango sa ama at noong magsalitang muli ang High Priest ng Magus Academy, napako ako sa kinatatayuan ko.

"And I would like to introduce to you... the princess of our empire, daughter of our great king and our late queen. The one who saved our majesty from the palace, Princess Adira Maude Serano – Astaseul."

What?

Dahil sa gulat ay hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ako. Wala ito sa usapan namin! Bakit naman nila ako ipapakilala bilang prinsesa ng imperyong ito?

"Adira," rinig kong tawag sa akin ni Leo sa tabi ko ngunit hindi ko ito binigyan pansin. Nakatanga lang akong nakatingin sa harapan namin. "Breathe, Adira." Sa pagkakataong ito ay napakurap na ako at kusang umawang ang mga labi ko. Huminga ako kagaya nang sinabi ni Leo sa akin. "Go, Adira. Pumanhik ka na at sumama sa kanila. Your people are waiting for you."

My people?

Wala sa sarili akong napatingin sa kabuuan ng silid. At noong makitang nakatingin na pala silang lahat sa kinatatayuan ko ay kusang napaawang muli ang mga labi ko. Napakurap ako at napabaling muli sa entablado kung saan naroon ang ama. Ngumiti ito sa akin at maingat na inangat ang kamay at inilahad sa akin.

"Come here, Adira," anito na siyang ikinalakas ng tibok ng puso ko. Ngumiti muli ang aking ama at tinanguhan ako. Kusang humakbang naman ang mga paa ko at naglakad patungo sa entablado kung saan naroon ang mga mahahalagang tao ng Magus Empire. Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at noong nasa tabi na ako ng ama, maingat nitong hinawakan ang kamay ko. "My people are yours too, Adira. And our empire... you are the future. Come on, face our people."

"But-"

"Adira." Napatingin naman ako sa High Priest noong tawagin nito ang pangalan ko. Tumango ito sa akin at umatras ito ng isang beses. Napatingin ako sa kinatatayuan niya kanina at napakurap na lamang noong marinig ang pagbati sa akin ng mga Magian na kasama namin.

"Our loyalty is yours, Your Highness!" sambit nila na siyang ikinabaling ko sa ama.

"This is-"

"I'm so sorry, darling, but we need you to do this. Dapat malaman ng lahat ang totoong katauhan mo," aniya at bahagyang humigpit ang pagkakahawak sa kamay ko. "Minsan na silang nawalan nang pag-asa, Adira. Noong nabuwag ang royal family sa palasyo, nawalan na nang pag-asa ang mga tapat na Magian na nagsisilbi sa atin. Ngunit noong nalaman nila ang pagbabalik mo sa imperyong ito, muling nagkaroon sila nang lakas para lumaban. You are our strength, Adira. Our hope, our future."

Napaawang muli ang mga labi ko sa narinig at wala sa sariling napatingin sa mga Magian na kasama namin sa loob ng silid. Kita at ramdam ko ang pag-asa sa mga mata nila. Napadako naman ang paningin ko sa mga Scholar ng Magus Academy at noong halos sabay-sabay na yumukod ang mga ito, naging emosyonal na ako.

Can I do this?

Kaya ko bang panindigan ang pagiging prinsesa ng imperyong ito? Kaya ko bang maging pag-asa ng mga Magian na narito ngayon?

Pagkatapos nang pagtitipon namin ay umalis na sa silid ang mga Magian na lumahok dito. Naiwan naman kami ng hari at ng High Priest sa entablado at tahimik na pinagmamasdan ang huling mga Magian na lumabas sa silid.

Isang malalim na pagbuntonghininga ang ginawa ko at hinarap muli ang dalawa.

"Alam kong gusto niyo lang bigyan nang pag-asa ang mga Magian na narito kanina pero bakit ni hindi niyo man lang ito sinabi sa akin?" tanong ko na siyang seryosong ikinatingin lamang ng dalawa sa akin. "I will do everything for this empire, alam niyo iyan, pero sana'y sinabi niyo man lang sa akin ang plano niyo bago niyo sabihin sa lahat ang tungkol sa pagkatao ko. Paano kung hindi ko magampanan ang pagiging isang miyembro ng royal family? Paano kung-"

"Adira, anak, alam na ng lahat ang tungkol sa'yo. Formality na lamang ang naganap kanina sa silid na ito," sambit ng hari na siyang ikinairap ko sa kawalan. Yeah right. Alam na pala talaga ng buong Magus Academy ang tungkol sa totoong katauhan ko. But still, I wasn't prepared! Ni hindi ko nga nagawang magsalita sa harapan ng mga Magian na narito kanina! They caught me off guard! Damn it!

"Ngayong alam na ng lahat ang tungkol sa'yo, paniguradong nakaabot na ito ngayon sa palasyo. Hindi magtatagal ay kikilos na si Alvah para hanapin ka, Adira," ani ng High Priest na siyang ikinatahimik ko. "Hindi ito titigil hangga't hindi na uubos ang miyembro ng royal family dito sa Magus Empire."

"Hindi masasaktan ni Alvah ang anak ko, Melchizedek. Haharapin muna niya ako bago niya masaktan ang anak ko," saad naman ng ama na siyang ikinatingin kong muli sa kanya. "Nagawa na niyang saktan noon ang reyna ko. Hindi ko na hahayaan pang maulit ang ginawa niya noon."

"I can handle myself, Your Highness," sambit ko na siyang ikinakunot naman ng noo ng ama. "Mas tuonan mo nang pansin ang ibang mahalagang bagay. This is war, Your Highness, our war. Hindi mo na dapat pa alalahanin ako. I can fight."

"Pero Adira-"

"Noong wala kayo rito sa Magus Academy ay nagsanay din ako. I'm stronger now. Hindi ako magiging pabigat sa magiging laban natin, so please, huwag niyo na po akong alalahanin. Mas tuonan niyo nang pansin ang kung paano mababawi natin ang palasyo mula sa pamumuno ni Queen Alvah."

"Don't call her like that, Adira," mariing sambit nito na siyang ikinatigil ko naman. "She's not the queen of this empire. Wala siyang karapatan sa tronong kinauupuan niya ngayon. She doesn't belong there."

Napalunok ako at tumango na lamang sa ama. Bumaling naman ako sa High Priest at namataan ang pagtango nito sa akin.

"Tanging ang ina mo lamang ang reyna ng Magus Empire, Adira. Wala ng iba pa," dagdag pa ng aking ama na siyang ikinatango ko na lamang muli sa kanya.

Noong matapos ang pag-uusap namin ng ama at ng High Priest ng Magus Academy, mabilis akong nagpaalam sa dalawa. Lumabas na ako sa silid kung saan kami nagtipon-tipon kanina at noong maisara ko na ang pinto ay maingat kong inihakbang ang mga paa palayo rito.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at deretso lamang ang tingin sa unahan ko. Dahan-dahan ang bawat habang ng mga paa ko at noong liliko na sana ako sa isang pasilyo, mabilis akong natigilan at napahawak sa pader.

Napakurap ako at mabilis na napailing.

"What the hell?" mahinang bulalas at napahawak sa kanang mata ko. "Anong... nangyayari sa akin?" tanong ko pa noong maramdaman ang pag-iinit ng mata ko.

Shit! What is this?

Muli akong napakurap at noong inalis ko ang kamay sa kanang mata ko, napaawang na lamang ang mga labi ko.

Magic.

This is magic.

Napaayos ako nang pagkakatayo at muling ikinurap ang mata. Dahan-dahan kong inangat muli ang isa kamay at ngayon ay ang kaliwang mata ko naman ang hinawakan ko. At noong nakumpirma ko kung ano ang mayroon sa kanang mata, mabilis akong umatras at bumaling sa daang tinahak kanina. Iginalaw kong muli ang mga paa at dali-daling bumalik sa silid kung saan ko iniwan ang ama at ang High Priest ng Magus Academy.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top