Chapter 21

Pabagsak kong inihiga ang katawan sa kama.

Ramdam ko ang pananakit ng buong katawan kaya naman ay mariin kong ipinikit ang mga mata at pinilit ang sariling makapagpahinga na. Today was a rough day. Sa loob ng dalawang linggong pagsasanay kasama sila Gabriel at Franceen, ngayong araw ang pinakamahirap sa akin. Akala ko'y sanay na ako sa kapangyarihan ng dalawa. Hindi ko akalain na mahihirapan akong pagsabaying kalabanin ang dalawang iyon. Looks like lumakas na rin sila. At kagaya ko, natitiyak kong mas tumaas na ngayon ang lebel ng kapangyarihan namin kumpara noong araw na dumating kami rito sa Magus Academy.

Hinayaan ko na lamang ang sariling makapagpahinga. I cleared my mind and tried to relax a bit. Maingat kong hinawakan ang suot na singsing at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

"Adira."

Mabilis akong napatingin sa likuran ko noong marinig ang pagtawag ni Mama sa akin. Malungkot akong ngumiti sa kanya noong mamataan ko itong nakatayo habang nakatingin sa akin.

Nasa Nirvana na naman ako.

"Ma, I'm here again," sambit ko at nagsimula nang maglakad palapit sa ina. "Kakatapos lang nang training namin ng mga kaibigan ko." Pagkukuwento ko sa kanya at hinawakan ang kamay nito. "How are you, Ma? Hindi ka ba nalulungkot dito sa Nirvana?"

"Hindi naman," sagot nito at marahang hinaplos ang mukha ko. "You looked tired, Adira. Magpahinga ka, anak. Baka napapabayaan mo na ang sarili mo dahil sa kagustuhang mabawi ang palasyo sa mga kaaway natin."

"I'm good, Ma. Wala kang dapat na ipag-alala sa akin."

"Adira, anak-"

"I promised you remember? Babawiin ko ang kung anong kinuha nila sa'yo, sa pamilya natin. Hindi rin ako titigil hangga't hindi ko nalilinis ang pangalan mo sa Magus Empire."

"Adira, hindi mo kailangang gawin ito," aniya na siyang ikinatigil ko. Hindi ako kumilos sa kinatatayuan at matamang tiningnan lamang ang ina. "Hindi mo kailangang gawin ang lahat ng ito para sa akin."

Napakurap ako sa tinuran nito. Mayamaya lang ay napailing ako at tipid na nginitian ito.

"Ma, I'm here because of you. Napadpad ako sa Magus Empire dahil gusto kong malaman ang lahat-lahat tungkol sa'yo. And now that I'm here, hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito. You deserve this, Ma. You deserve to be recognized again as the Queen of this empire."

"But you don't deserve to suffer, Adira. Hindi ito ang mundong ipinangako ko noong isinilang kita, anak. This world... this world is in chaos. You don't deserve this. Masasaktan ka lang, anak," malungkot na wika nito at niyakap ako. "I want to fight alongside with you, Adira. Gusto kitang samahan sa lahat nang laban mo sa mundong ito. But... I-"

"Ma, ako na ang bahala. Ako... ako na ang tatapos sa nasimulan mo rito sa Magus Empire. You don't have to worry about me. Just... just guide me, Ma. Ako na ang bahalang lumaban para sa ating dalawa."

Iminulat ko ang mga mata at wala sa sariling inilagay ang kamay sa may dibdib ko. Malungkot akong napangiti at inalala ang naging pag-uusap namin ni Mama sa Nirvana. Mayamaya lang ay napahugot ako ng isang malalim na hininga at ikinalma ang malakas na pagtibok ng puso ko.

"Ako na po ang bahala rito, Mama. I will do everything to save the honor of the royal family." Napahugot akong muli ng isang malalim na hininga at noong akmang ipipikit ko sanang muli ang mga mata, mabilis akong natigilan noong maramdaman ang isang pamilyang na kapangyarihan. Mabilis akong napabangon mula sa pagkakahiga at tumayo na.

Malalaking hakbang ang ginawa ko hanggang sa makalabas ako sa silid ko. Dere-deretso ang lakad ko at noong nasa dulo na ako ng pasilyo, mabilis akong natigilan sa paghakbang ng mga paa noong mamataan ko ang hari ng Magus Empire!

He's back!

The king... my father's back!

Muli kong inihakbang ang mga paa at nilapitan na ang amang hari. Mataman lang itong nakatingin sa akin at noong nasa harapan na niya ako, maingat akong yumukod sa harapan niya bilang pagbigay galang sa presensya nito. Tahimik akong umayos nang pagkakatayo at bago ko pa ito muling tingnan sa mga mata niya, isang mahigpit na yakap ang ibinigay nito sa akin.

Sa gulat ko ay hindi ako nakakibo sa kinatatayuan ko. Napaawang na lamang ang labi ko at tahimik na dinama ang mainit at mahigpit na yakap ng ama. Mayamaya lang ay natigilan ako sa kinatatayuan. Napakunot ang noo ko at bahagyang naging alerto sa paligid. What is this? Bakit may kung ano akong nararamdaman ngayon sa presensya ng ama?

"Kumusta na, Adira? Kumusta ang pagsasanay niyo ng mga kaibigan mo?" Magkasunod na tanong nito at humiwalay na sa akin. Tipid akong napangiti sa ama at muling umayos nang pagkakatayo sa harapan nito. Palihim kong kinagat ang pang-ibabang labi at pinakiramdaman pa rin ang kakaibang presensyang nararamdaman ko sa kanya.

"Ayos lang po," sagot ko at pinakiramdaman itong muli. "Naibalik na po ba ang kapangyarihang nawala sa'yo?" maingat na tanong ko pa sa kanya. Something's not right here. Hindi ko na lang makuha kung ano ito! Damn it!

"Hindi lahat," aniya na siyang ikinatigil ko. "But I think we can manage to fight against our enemy. Ang sabi ng ibang Scholars sa akin ay mas nakokontrol mo na ngayon ang kapangyarihan mo, Adira." Tumango ako sa kanya at habang hindi inaalis ang paningin sa ama. "That's good to hear. Come on. Naghihintay na ang High Priest sa atin. Pag-uusapan na natin ang pagsugod sa palasyo."

"Wala ang High Priest sa Magus Academy ngayon," maingat na wika ko at pinagmasdan ang naging reaksiyon ng ama. "Hindi ba sinabi niya ito sa'yo bago kayo umalis dito?" Kita ko ang kalituhan sa mukha nito at mayamaya lang ay naging normal ulit ang ekspresyon nito.

"Oh," sambit ng ama at bahagyang natawa sa kinatatayuan niya. Lalong kumunot ang noo ko sa inasal nito kaya naman ay nakumpirma ko ang hinala ko kanina. Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at lumapit muli rito. "Nakalimutan ko, Adira."

"Nakalimutan o sadyang hindi mo alam ang tungkol sa bagay na ito?" mariing tanong ko na siyang ikinagulat nito.

"Ilang linggo akong nawala rito kaya naman ay talagang nakalimutan ko ito, Adira. Hintayin na lamang natin ang High Priest. Kapag makabalik na ito sa lakad niya, tsaka na natin pag-usapan ang mga plano natin."

"Walang pag-uusap na magaganap, Your Highness," sambit kong muli na siyang ikinataka nito sa akin. "We don't disclose any information to our enemy."

"Enemy?" takang tanong niya at noong akmang magsasalita na sana itong muli ay mabilis akong kumilos sa kinatatayuan ko. I immediately grab him and pinned him against the wall. "Adira!"

"Stop saying my name," wika ko at mas idiniin ito sa pader. "Wala kang karapatang sambitin ang pangalan ko at ng aking ina!"

"Ano bang pinagsasabi mo? Bitawan mo nga ako!" sigaw niya at pilit na kumakawala sa pagkakahawak ko. "Adira-"

"Freeze," I mouthed and looked straight into his eyes. "Stop the act. You're not the king," dagdag ko pa na siyang ikinatigil nito. "You're not my father."

"Ano bang-"

"Kung ako sa'yo, titigilan ko na ang pagkopya sa anyo ng hari. Dahil kung hindi, ako mismo ang mag-aalis ng kapangyarihan mo. With just one word, I can dispel your magic."

"Adira-"

"Binalaan na kita. Walang sisihan sa susunod na mangyayari sa'yo. De-"

"Stop!" sigaw nito at masamang tiningnan ako. "Fine!" dagdag pa nito at mariing ipinikit ang mga mata. Hindi ko inalis ang paningin sa kaharap at noong magbago ang anyo nito, napangisi ako. "Ano? Masaya ka na?" sigaw ng babaeng nasa harapan ko ngayon. Binitawan ko na ito at humakbang ng isang beses palayo sa kanya. "Unfreeze me, Adira!"

"Sorry not sorry. Hindi ko gagawin iyon."

"What?" gulat na tanong nito at mas lalong sumama ang tingin sa akin. "Unfreeze me, you bitch!"

"Mali ka ng taong ginaya, Magian. At mas lalong mali ka ng taong niloko." Ngumisi muli ako sa kaharap. "At isa pa, my father will never hug me without my permission. That was your mistake, and because of that, you suck. You have an amazing ability though. Copying someone's physical features. I can say, you got me there, Magian. Too bad, hindi ako ganoon ka walang alam sa mundong ito."

"Adira, unfreeze me!"

"I said stop saying that name! Wala kang karapatang sambitin iyan pagkatapos nang ginawa mo!" sigaw ko sa kanya at itinaas ang kanang kamay. Kita kong nanlaki ang mga mata nito at kusang umawang ang labi nito.

"What... are you d-doing?" tila nahihirapang tanong nito sa akin. "Pa-pakawalan mo ako. I... I can't breathe."

"I told you, mali ka ng taong niloko mo!"

"Adira? What's happening here?" Napakurap ako noong marinig ang boses ni Gabriel sa gawing kanan ko. Hindi ko ito binalingan at nanatili lang ang mga mata sa babaeng nahihirapan sa harapan ko. Segundo lang ay naramdaman ko ang presensiya ni Gabriel sa tabi ko at narinig ang mahinang pagsinghap nito. "What... Hayna? Ano... Adira, anong nangyayari? Bakit mo sinasaktan si Hayna?"

"You know her?" tanong ko kay Gabriel habang nasa babae pa rin ang buong atensiyon. Hayna? I never heard her name before. Ano naman kaya ang dahilan nito sa ginawa niya ngayon? Is she an enemy from the palace? Who knows.

"Of course, I know her! Kaklase ko siya, Adira! Ano bang nangyayari? Hayna, anong ginawa mo?"

"I... I can't-"

"She deceived me and tried to get some information from me," seryosong saad ko at ibinaba na ang kamay. Napasinghap ang babae at sunod-sunod na napaubo. Mataman ko itong pinagmasdan at noong makita naghahabol pa rin ito ng sariling hininga, napangiwi ako. "You're lucky that Gabriel arrived, Magian, but still, I will report this to the High Priest. I will definitely ask him to expel you."

"Adira-"

"Let's go, Gabriel. Ayaw ko nang magsayang ng oras sa Magian na ito," malamig na turan ko sa kaibigan at nagsimula nang maglakad palayo sa kanila.

Damn it!

Anong nagawa ko sa Magian na iyon? Kahit na sinubukan niya akong linlangin ay dapat ay hindi ko iyon ginawa sa kanya! That was too much! I was... I was consumed by anger. I was blinded by my emotion.

No. This is not good.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top