Chapter 20
"You are a princess, Adira?" gulat na tanong ni Franceen sa akin noong sinabi ko sa kanila ang tungkol sa totoong pagkatao ko at bumaling kay Gabriel na kanina pa tahimik at pinagmamasdan ako. "She's a princess, Gabriel! Oh my God!"
"I can clearly hear you, Franceen. Huwag kang sumigaw diyan," ani Gabriel at seryosong tiningnan ako. "Ano na ang plano mo ngayon?"
"Wait... Sandali nga!" sigaw muli ni Franceen at itinuro si Gabriel. "You know about this? Alam mong prinsesa itong si Adira?"
"She's the daughter of the former queen, so yes, alam ko," sagot ni Gabriel sa kaibigan na siyang mabilis na ikinahampas ni Franceen sa balikat nito. "What the hell? Ano bang problema mo?"
"Alam mo naman pala! Bakit hindi mo sinabi sa akin?" inis na tanong nito.
"Dahil hindi ka nagtanong," walang emosyong sagot ni Gabriel na siyang ikinatawa ko. Halos sabay namang bumaling ang dalawa sa puwesto ko na siyang ikinatigil ko. Umayos ako nang pagkakaupo at tipid na nginitian ang dalawa.
"Calm down, Franceen. Noong una, kahit ako ay hindi ko alam kung sino ako sa mundong ito. I just found out recently about my real identity," sambit ko at uminom ng tubig. Tahimik lang na nakamasid sa akin ang dalawa kaya naman noong matapos na akong uminom, muli kong nginitian ang dalawa. "Siguro ay alam niyo na ang dahilan kung bakit ko kayo pinapunta rito."
"I have an idea, but I want to hear it from you, your highness," ani Gabriel na siyang ikinalaki ng mga mata ko.
"Your what?" Natawa ako at napailing. "Please, just call me Adira. Magkaibigan naman tayo. No need to call me like that."
"Ayos lang ba talagang tawagin ka lang sa pangalan mo?" Tila nag-aalangang tanong ni Franceen na siyang ikinatango ko sa kanya.
"Of course, Franceen. Iyon naman talaga ang pangalan ko." Muli akong ngumiti rito. Mayamaya lang ay humugot ako ng isang malalim na hininga at matamang tiningnan ang dalawang kasama kong mag-agahan ngayon. Umayos ako nang pagkakaupo at inilagay sa ibabaw ng mesa ang dalawang kamay. "I need your help," seryosong wika ko.
"Help?" tanong ni Gabriel at umayos na rin nang pagkakaupo. "Anong klaseng tulong ang kailangan mo sa amin, Adira?"
"I want to know about the current queen of the empire. Wala ngayon si Rebecca at kayo lamang ang kakilala ko rito sa academy. I need to know her para naman ay makaisip ako nang paraan para matalo ito."
"Matalo ang kasalukuyang reyna?" tanong ni Franceen at binalingan Gabriel. "Hindi ba pagtataksil sa imperyo iyang binabalak mo, Adira?"
"Sila ang unang nagtaksil sa imperyo, Franceen," sambit ko at humugot ng isang malalim na hininga. "Simula noong kinalaban nila ang aking ina, ang dating reyna, ay kalaban na sila ng imperyo."
"Ang dating reyna," mahinang wika ni Gabriel na siyang ikinabaling ko sa kanya. Namataan ko ang pagkunot ng noo nito habang tila may inaalala. "Narinig ko lang ito kay ama pero hindi ba wala rito sa Magus Empire ang dating reyna?" Tumango ako sa kanya at hinintay ang susunod na sasabihin nito. "Anong nangyari sa dating reyna? Bakit hindi mo ito kasama sa pagbabalik dito sa imperyo natin?"
"She was killed, Gabriel," sagot ko na siyang ikinatigil ng dalawa. "At kaya ako narito ay dahil sa kanya. Kaya ako nagbalik sa mundong ito para alamin ang katotohanan sa pagkamatay niya. Noong una ay akala ko may ibang rason kung bakit ako napadpad sa mundong ito. Akala ko ay makikilala ko lamang nang lubos ang aking ina. And... I didn't expect that there was a deeper reason why she was killed. Na may mga tao pala talagang nais na patayin ito bago pa man ako isilang."
"Adira-"
"She was a good person," saad ko pa sa mga kaharap. "Natitiyak kong marami itong natulungan noong reyna pa ito ng Magus Empire."
"She was," ani Gabriel na siyang malungkot na ikinangiti ko. "Isa na ang pamilya ko sa natulungan ng dating reyna," dagdag pa niya at hindi inalis sa akin ang mga mata. "Tutulungan kita, Adira. Tutulungan kita kagaya nang pagtulong ng dating reyna sa pamilya ko."
"Ako rin, Adira," turan ni Franceen na siyang nagpatuwa sa akin. "Hindi ko man kilala ang dating reyna, alam kong mabuti itong tao."
"Maraming salamat sa inyong dalawa." Nakangiting wika ko at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga. "Now tell me, anong mayroon sa kasalukuyang reyna ng Magus Empire?"
"Alam ng lahat na gumagamit ang reyna ng kakaibang mahika," panimula ni Gabriel na siyang ikinaseryoso kong muli. "Queen Alvah uses Void Magic."
"Void Magic?" tanong ko at mabilis na kinagat ang pang-ibabang labi.
"It can erase any kind of magic that ever exist. Minsan na ring pinagbawalan ang ganoong klaseng mahika rito sa Magus. Masyadong mapanganib ang paggamit nito. It can kill its user. At noong dumating dito ang pamilya ng kasalukuyang reyna, biglang nagbago ang lahat, lalo na noong nagkagulo sa royal family. Queen Alvah can perfectly use that magic."
Napatango ako sa sinabi ni Gabriel. I can fight against void magic. Kaya kong pigilan ito bago pa man tumalab sa akin ang kahit anong spell na ibibigay sa akin!
"How about Rivana?" tanong ko noong maalala ko ito. Hindi nagsalita si Gabriel kaya naman ay napatingin ako kay Franceen. Bahagyang napaarko pa ang isang kilay ko noong mamataan ang pagngiwi nito.
"That girl? Nah, even me can handle her," anito at nagkibit-balikat sa harapan ko.
"Really? Bakit? Ano bang kapangyarihan ang ginagamit nito?" takang tanong ko kay Franceen.
"She's strong, yes, but she can't use any particular magic. Ang lakas ng katawan nito ang sekreto nito sa labanan. And me, being a spatial magic user, I can definitely defeat her in a blink of an eye. Ilalayo ko lang ito sa sentro nang labanan, then, she's done."
"That's cheating," komento naman Gabriel na siyang ikinatawa ni Franceen sa tabi nito.
"No, stupid. That's what we called strategy!" anito at muling tumawa. Napangiti na lamang ako sa bangayan ng dalawa. Mabuti na lang talaga ay nakilala ko ang mga ito. It's good to have someone like them.
"Ano na ang plano mo ngayon, Adira? Hindi ba umalis ang hari at ang ilang Scholars ng academy?" Mayamaya'y tanong ni Gabriel sa akin. Tapos na kaming kumain ngayon at handa nang umalis sa silid kung saan kami kumain ng agahan. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at ipinakita sa kanila ang isang susi na ibinigay sa akin ni Rebecca kanina bago umalis.
"Hindi ko kayang talunin ngayon ang kasalukuyang reyna. Sa lebel ng kapangyarihan ko, natitiyak kong ni hindi ako makakalapit sa kanya," wika ko na siyang ikinakunot ng noo ng dalawa. "Kailangan kong magsanay. Kailangan maging handa ako bago pa man bumalik ang hari."
"Kasama ba kami sa pagsasanay na iyan?" tanong ni Franceen na siyang mabilis na ikinatango ko.
"Nasabi ko na rin sa High Priest ang tungkol dito. Exempted kayong dalawa sa mga klase ninyo. I need someone who can support and join me with my training. I need to strengthen my stamina, too, para naman ay hindi ako nawawalan nang malay kapag gumagamit ako ng mahika. And with the current level of your magic, paniguradong sabay-sabay tayong lalakas kung magtutulungan tayong tatlo."
Nagkatinginan ang dalawa at mayamaya lang ay sabay na tumango sa akin.
"Maaasahan mo kami, Adira. Tutulungan ka namin at sisiguraduhing maibabalik sa iyo ang trono sa palasyo," ani Franceen at nginitian ako. Gumanti ako nang ngiti sa kaibigan at palihim na hinawakan ang singsing ng ina.
This is it, Mama. Wala nang atrasan ito.
"Let's go. Huwag na tayong magsayang pa ng oras. Kailangan mas maging malakas tayo bago pa bumalik ang hari mula sa paglalakbay nito." Sabay na tumango ang mga kaibigan ko at nagsimula na kaming maglakad palabas ng silid na kinaroroonan namin ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top