Chapter 18
Tahimik lang akong nakasunod kay Amin habang maingat na naglalakad sa isang mahabang pasilyo. Dere-deretso lang ang lakad naming dalawa at noong marating namin ang dulong bahagi ng pasilyong tinatahak, sabay kaming natigil sa paglalakad. Mataman kong pinakiramdaman ang sunod na gagawin nito kaya naman noong bumaling ito sa akin, tahimik akong umayos nang pagkakatayo.
"Iyon ang daan patungo sa likod na bahagi ng palasyo, Adira," anito at itinuro ang daan sa gawing kaliwa namin. Isang nakasarang pinto ang namataan ko sa gawing itinuro nito. "Ako na ang bahala sa mga kawal na nagbabantay sa parteng ito ng palasyo. Kapag mabuksan mo na ang nakasarang pintong iyon, huwag ka nang magsayang pa ng oras. Lisanin mo na ang lugar na ito at magtungo ka kung saan naroon ang hari."
Napakunot ang noo ko sa tinuran nito.
"Paano ka?" takang tanong ko at hindi inalis sa kanya ang buong atensiyon. "Hindi kita iiwan dito. Kapag malaman ni Rivana ang ginawa mong pagpapatakas sa akin, natitiyak kong hindi lang paggapos ang gagawin nito sa'yo! Sumama ka na sa akin Amin. Mas magiging ligtas ka sa labas ng palasyo."
"Hindi ako maaring umalis sa palasyo, Adira. Isa ako sa tapat na tagapagsilibi ng pamilya mo. Kahit anong mangyari, hindi ko maaaring lisanin ito hangga't hindi pa kayo nakakabalik sa lugar na ito."
"Pero Amin-"
"Kailangan ng Magus Empire ang hari nito, Adira. Make sure na makakabalik kayo rito ng hari. Maghihintay kami. Maghihintay kami sa pagbabalik ninyo."
Napatango na lamang ako kay Amin at muling binalingan ang pintong tinutukoy nito. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at nagpaalam na kay Amin.
"Be careful, Amin. And please, wait for us. Babalik kami. Ibabalik namin sa royal family ang pangangalaga sa buong Magus Empire."
"We'll be waiting for you and the King, Your Highness." Hindi na ako nagsalita pa at muling tinanguhan si Amin. "Go, Adira. Umalis ka na."
Hindi na ako nagsayang pa ng oras. Mabilis kong inihakbang ang mga paa at tinakbo ang distansya patungo sa pintong itinuro kanina ni Amin. Ngunit bago pa man ako tuluyang makalapit dito, dalawang kawal ng palasyo ang humarang sa akin. Napangiwi ako at mabilis na itinaas ang kanang kamay.
"Fly," mahinang turan ko at ikinumpas ang kamay. Agad namang lumutang sa ere ang dalawang kawal at mabilis na tumilapon palayo sa dinaraanan ko. Hindi na ako nag-abala pang tingnan ang kalagayan ng dalawa. Nagpatuloy na ako sa pagtakbo at noong tuluyang nasa tapat na ako ng pinto, mabilis kong hinawakan ang doorhandle nito at binuksan na.
Isang malawak na hardin ang bumungad sa akin. Napakunot ang noo ko at isinara na ang pintong dinaanan. Maingat kong inihakbang ang mga paa at hinanap ang daang magdadala sa akin ng tuluyan palabas ng palasyo.
"This is not good," wika ko at tumakbo patungo sa gawing kanang parte ng hardin. Hindi ko alam ang pasikot-sikot dito sa palasyo! Kung hindi ako makakalabas dito, baka mahuli na naman ako ng mga kawal ni Rivana! Masasayang lang ang ginawa ni Amin para sa akin! Damn it!
Malalaking hakbang ang ginawa ko hanggang sa matigil ako at matamang tiningnan ang isang malaking bulaklak. Nagpalinga-linga ako at namataan ang pagkakaiba nito sa ibang bulalak na narito ngayon sa hardin. Napalunok ako at wala sa sariling lumapit dito.
"What is this?" mahinang tanong ko sa sarili at inangat ang isang kamay. This flower... it's not an ordinary one. I can feel it. May kung ano sa bulaklak na ito! Napabuntonghininga na lamang ako at tinuloy ang binabalak. Muli kong iginalaw ang kamay at noong dumapo ito nang tuluyan sa bulaklak, mabilis akong napaatras palayo rito. Wala sa sarili akong napatingin sa kamay ko at noong tiningnan kong muli ang bulaklak sa harapan, mabilis na napaawang ang labi ko. "A portal."
Inisang hakbang ko ang distansya ko sa nakikita. Yes! It's a freaking portal!
Nagpalinga-linga ako sa kabuuan ng hardin ng palasyo at mabilis na umayos nang pagkakatayo.
Wala na akong pagpipilian pa. Hindi ko makita ang daan palabas ng hardin at ang tanging nasa harapan ko na lamang ngayon ay ang portal na ito. This is my only option here. Kung hindi ko ito gagamitin, paniguradong mahuhuli na naman ako ng mga kawal ng palasyo!
"Damn it! Bahala na!" Muli kong inilapit ang kamay sa may portal at noong makaramdaman ako ng kakaiba mula roon, agad na napapikit ang mga mata! "Shit!" bulalas ko noong kusang pumasok ang katawan ko sa may portal. Naging alerto ako at hinayaan na lamang ang katawan. Ipinikit ko ang mga mata noong bigla akong nasilaw sa loob ng portal at noong makaramdam ako ng biglaang pagkahilo, napangiwi ako.
"It's gonna be okay, Adira. Relax. Just-"
Hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin noong bigla akong kinapos ng hininga! Mabilis akong napamulat ng mga mata at napahawak sa may dibdib ko.
Breathe, Adira. Breathe!
Damn it!
Mabilis akong napaluhod sa kinatatayuan at napaawang na lamang ang mga labi. At noong makaramdaman ako nang matinding enerhiya sa gawing unahan ko ay napailing na lamang ako. I'm doomed! Mukhang hindi na ako makakalabas ng buhay sa portal na ito! Damn it!
Kahit na nanghihina, pilit kong itinayo ang sarili. No. Hindi ako maaaring sumuko na lamang dito. I need to move and survive from here. I made a promise. Kailangan kong makalabas ng buhay sa lugar na ito at kitain ang amang hari!
Napailing na lamang ako at gamit ang natitirang lakas, inihakbang kong muli ang mga paa. Itinuon ko ang paningin sa harapan at nagpatuloy sa paglalakad. At noong halos ilang hakbang na lamang ang layo ko sa pinanggagalingan ng kapangyarihang naramdaman ko kanina, mabilis akong napako sa kinatatayuan ko.
Kusang umawang ang labi ko at marahang inangat ang isang kamay. Mayamaya lang ay malungkot akong ngumiti sa kaharap at unti-unting nawalan na nang lakas.
"M-Mama..."
Hindi ko na nasundan pa ang mga sumunod na nangyari. Ang huling naalala ko na lamang ay ang pagbagsak ng katawan ko at namataan ang isang pamilyar na bulto ng tao sa dulo ng lagusan.
"Mama!" bulalas ko at mabilis na napaupo sa kinahihigaan. Napahawak ako sa may dibdib ko at napangiwi na lamang noong maramdaman ang malakas na kabog ng puso ko. Napabuntonghininga ako at mabilis na natigilan noong maalala ang nangyari sa akin. "It was her. Sigurado ako sa nakita kanina," mahinang turan ko sa sarili at noong bahagyang kumalma na ang kabog ng puso ko, maingat kong tiningnan kung nasaan ako.
An unfamiliar room.
Nagpalinga-linga ako sa kinaroroonan. Ilang minuto pa akong nanatili sa puwesto at noong wala akong maramdamang kakaiba sa paligid at sa sarili, maingat akong kumilos. Umalis na ako sa kama at maingat na naglakad patungo sa bintana ng silid. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at hinawi ang kurtinang nasa harapan.
"What the-"
Hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin ko noong mapagtanto kung nasaan ako.
"Paano ako napunta sa lugar na ito? Paanong nasa Magus Academy na ako?"
"Finally." Natigilan ako sa kinatatayuan ko at mabilis na binalingan ang nagsalita. "You're awake." Nanlaki ang mga mata ko at umayos na nang pagkakatayo. He's here! Nandito ang hari ng Magus Empire!
"Your... Your Highness."
"I'm glad you're safe, Magian," anito at humakbang ng isang beses palapit sa puwesto ko. "Ang buong akala ko'y hindi ka na makakalabas pa sa palasyo."
"I..."
"You used the portal created only for the royal family members," anito na siyang ikinatigil ko. Hindi inalis ng hari ang mapanuring titig sa akin hanggang sa tuluyan na itong makalapit sa kinatatayuan ko. "And your name is Adira, tama ba ako?" Napakurap ako at nanatiling tahimik sa harapan ng hari. "Now tell me, Magian. What's your connection with the former queen of this empire? Anong koneksiyon mo sa aking reyna?"
Napakagat ako ng pang-ibabang labi at mabilis na nag-iwas nang tingin sa hari.
"Adira... that name belongs to my queen, my beloved wife," matamang saad pa nito na siyang ikinatigil ko.
"Your queen," mahinang turan ko at muling tiningnan ang hari. Mariing kong ikinuyom ang mga kamao at umayos nang pagkakatayo. "Tell me what happened to your queen, Your Highness. And after that, I will tell you who the hell am I."
"I-"
"Iyon lang ang dahilan kung bakit nandito ako sa mundong ito." Napakurap ako at hindi na napigilan pa ang mga luha sa mata. Damn! Bakit ako umiiyak? At talagang sa harapan pa ng hari! Napailing na lamang ako at hinayaan ang mga luha sa mata. Namataan kong natigilan ang hari habang nakatingin pa rin akin. "Kung hindi dahil sa kanya, hinding-hindi ako babalik sa magulong mundo ito. I... I wanted to know what happened to her. I wanted to know why the hell she left this world! She was the queen of this empire, so, bakit siya umalis dito at dinala ako sa mundong hindi naman pala kami nabibilang? Bakit-"
"Adira... a-anak-"
"I'm not your child!" bulalas ko at nanghihinang tiningnan ito. "I'm... I'm just my mother's daughter. Hindi ako anak ng hari ng imperyong ito." Napayuko ako at mabilis na inalis ang mga luha sa mukha. "I'm just here for my mother. I'm here to know her, to know her reasons, to know why the hell she left this empire. I'm here to be her child, not to be the King's daughter."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top