Chapter 15
"Adira!" rinig kong sigaw nila Leonard sa labas ng silid. "Open the door!"
"I told you, I can't move!" sigaw kong muli at pilit na iginagalaw ang katawan. Marahas akong napabuntonghininga at tiningnan ang kabuuan ng silid. Damn it! Ano bang nangyari? Kaninong kapangyarihan ang pilit na pinipigilan akong gumalaw? "Leonard! Mauna na kayong umalis sa palasyo!"
"What? We can't do that, Adira!"
"We don't have much time here! Mauna na kayo! Ako na ang bahala sa sarili ko!" sigaw kong muli at napunta sa bakanteng kama ang paningin. "Go now, Leonard! Kailangang makalabas na kayo sa lugar na ito!" mariing sambit ko at ikinuyom ang mga kamao. Hindi ko inalis sa kama ang paningin at noong may namataan akong kakaiba, naging alerto ako.
"Adira, hindi ka-"
"Umalis na kayo!" malakas kong sigaw at pilit na iginalaw ang kamay. "Umalis na kayo bago pa dumating ang ibang kawal sa silid na ito!"
"Damn it! Let's go, Bea!" rinig kong bulalas ni Leonard sa labas ng silid. Narinig ko pa ang pagtatalo ng dalawa sa kung anong gagawin at noong sa wakas ay napagkasunduan na nilang umalis, napatango na lamang ako. Nanatili ako sa kinatatayuan at noong hindi ko na naramdaman ang presensiya ng dalawa, napabuntonghininga na lamang ako.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at sinubukang muling gumawa. Napairap na lamang ako at akmang magsasalita na sana ako, bigla akong nakaramdaman muli ng kakaibang enerhiya sa loob ng silid. Nagpalinga-linga ako at segundo lang ay naramdaman kong unti-unting nawala ang kapangyarihang pumipigil sa akin kanina! At noong tuluyang maigalaw kong muli ang katawan, mabilis akong naglakad patungo sa bakanteng kama ng hari at itinaas ang kanang kamay.
Napakunot ang noo ko noong makaramdaman ako ng kakaiba sa paligid ng kama ng hari.
"An invisible barrier," mahinang turan ko noong mapagtanto ang kapangyarihan nararamdaman kanina pa. "Now what to do, Adira? Think!" bulalas kong muli at noong biglang umilaw ang singsing na suot ko, natigilan ako.
My mother's ring!
Mayamaya lang ay naramdaman ko ang biglang pag-init ng singsing na suot kaya naman mabilis ko itong inalis sa daliri. Mataman ko itong tiningnan at noong makarinig ako nang mahinang pagtawag sa pangalan ko, muli akong napatingin sa bakanteng kama ng hari.
Napahugot muna ako ng isang malalim na hininga at dahan-dahang itinapat ang singsing ng ina sa bakanteng kama. Mayamaya lang ay hinagis ko ito. Tahimik ko itong pinagmasdan at bago pa man ito lumapat sa mismong kama, umilaw itong muli. Bahagya akong napaatras sa kinatatayuan ko at noong mawala na ang liwanag mula sa singsing, napaawang ang labi ko.
"What the hell?" bulalas ko noong makitang may nakahiga na sa bakanteng kama kanina. Wala sa sarili ko itong pinagmasdan at noong mapagtanto kung sino ang taong ito, mabilis kong kinuha ang singsing ni Mama at muling isinuot ito sa daliri ko. "The king of Magus Empire," mahinang turan ko at tiningnan ang kalagayan nito. He's unconscious. At kung pagbabasehan ang itsura nito, mukhang matagal na itong nakakulong sa silid na ito.
"It's not the king's chamber anymore. It's a prison."
"Sa lahat nang nangyayari sa Magus Empire ngayon, yes, the king is in prison."
Napailing ako noong maalala iyong mga sinabi nila Leonard kanina. Yes, they were right about this one. He's in prison. In his own empire, the great king of Magus Empire is hopeless and unaware of what's happening in his own palace!
"What happened to you? Bakit naging ganito ang kalagayan mo?" tanong ko at muling itinaas ang kamay. Ngunit bago ko pa mahawakan ang walang malay na hari, mabilis na nanlaki ang mata ko at napaatras muli dahil sa malakas na enerhiyang dumaloy sa kamay ko. "Damn it!"
The invisible barrier!
Napamura na lamang ako at umayos nan ang pagkakatayo.
Now what? Paano ko maaalis ang invisible barrier na ito?
Think, Adira! Think!
Ilang minuto akong nakatayo lang at nakatitig sa hari ng Magus Empire. Mayamaya lang ay napasabunot ako sa buhok ko at napatingala na lamang. I can't think any other way to free him! Wala akong alam na spell or magic na maaaring makatulong sa kanya! Ang alam ko lang ay iyong sariling kapangyarihan ko!
"Word magic." Natigilan ako at napatingin muli sa kalagayan ng hari. "I think I can dispel the invisible barrier with my word magic."
Right! It might work!
Hindi na ako nagsayang pa ng oras. Muli kong inihakbang ang mga paa pabalik sa gilid ng kama at tiningnang muli ang kalagayan ng hari ng Magus Empire. Seconds later, I closed my eyes and concentrate. "Dispellere," wala sa sariling sambit ko at muling iminulat ang mga mata. Itinaas ko ang dalawang kamay at itinutok ito sa puwesto ng hari. Please, make it work!
Akmang magsasalita na sana akong muli noong makarinig ako ng mga yapak sa labas ng silid. Nanlaki ang mga mata ko at napamura na lamang sa isipan. Muli kong itinuon sa hari ang tensiyon at noong mas inilapit ko ang kamay sa invisible barrier, napangiwi na lamang ako noong muling dumaloy sa mga kamay ko ang malakas at kakaibang enerhiya. "Dispellere," ulit na wika ko at mas lalong lumakas ang enerhiyang nararamdaman!
"Please, dispel na barrier!" mariing saad ko at mas lalong idiniin ang kamay sa invisible barrier.
"Someone's inside the king's chamber!"
Nanlaki ang mga mata ko noong marinig iyon. Agad akong napatingin sa pinto ng silid at namataan ang pilit na binubuksan nila ang nakasarang pinto.
"Locked," mahinang sambit ko at mas lalong tumibay ang pagkakasara ng pinto. Napatango na lamang ako at muling tumingin sa hari. "Now, let's finish this," dagdag na sambit ko at mas idiniin ang kamay sa barrier. Mayamaya lang ay napasigaw na ako dahil sa tindi ng enerhiyang nararamdaman sa mga kamay. Tila nasusunog na ang mga kamay ko dahil sa init! At noong mamataan ko ang muling pag-ilaw ng suot na singsing ko, nanlaki ang mga mata ko.
Napamura na lamang ako sa isipan noong tumilapon ang katawan ko dahil sa malakas na enerhiyang biglang sumabog sa puwesto kung saan nakahiga ang hari. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at napadaing na lamang noong maramdaman ang sakit sa katawan. Mayamaya lang ay iminulat ko ang mga mata at binalingan ang kamang kinaroroonan ng hari.
"Finally," mahinang sambit ko at pilit na itinayo ang sarili. The invisible barrier is gone! My magic worked! "You're finally free... your highness," dagdag na wika ko pa at dahan-dahan na naglakad pabalik sa gilid ng kama niya. Noong makalapit na ako rito, hindi muna ako gumawa ng kahit ano. Tahimik kong pinagmasdan ito habang nakalutang ang katawan sa may kama at noong biglang iminulat nito ang mga mata niya, naging alerto ako.
What a tremendous amount of magic! Nakakapangilabot ang lakas ng kapangyarihang nararamdaman ko mula sa kanya!
"Who are you?" malamig na tanong nito sa akin habang unti-unting lumalapat ang katawan sa kama. "Why did you release me?"
"Because I need something from you," maingat na sagot ko habang hindi pa rin inaalis ang paningin sa kanya.
"I already gave my everything for this empire. Wala na akong maibibigay sa'yo, Magian," malungkot na saad nito sa akin at napabuntonghininga. Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi ko sa tinuran nito. Mayamaya lang ay nakaupo na ang hari at napatingin sa pinto ng silid. "You're not one of her allies. Tell me, who are you, Magian? Who sent you here?"
"My mother sent me here," mahinang sagot ko at hindi pa rin inaalis ang paningin sa hari. "Siya ang dahilan kung bakit narito ako ngayon sa palasyo mo."
"Your mother sent you here?" tanong ng hari sa akin at muling bumaling sa nakasarang pinto. "Para sa anong dahilan? To kill me?"
"And why would I kill you?" Kunot-noong tanong ko sa kanya.
"Because everyone in this place is trying to kill me," sagot niya at binalingang muli ako. "And the reason why I'm still alive until now is because of the barrier I've created." Natigilan ako sa kinatatayuan ako. Mayamaya lang ay napaawang ang labi ko noong mapagtanto ang ibig sabihin ng mga katagang binitawan nito. "But you dispel it, Magian. You dispel the only thing that protected me from them."
"I... I don't..."
"Without the barrier, my life is in great danger."
Oh my God! Anong ginawa ko?
"They're coming," dagdag pa ng hari at tumayo na sa kinauupuan niya. "I will ask you again, Magian. Are you here to kill me?"
"O-of course not! Bakit ko naman gagawin iyon sa hari ng imperyong ito?"
"That's good to hear. Now, let's leave this room. Hindi nila maaaring malaman na gising na ako at wala nang bisa pa ang barrier na ginawa ko laban sa kanila." Napatango na lamang ako sa hari at noong ikinurap ko ang mga mata ko ay bigla akong nakaramdaman nang matinding pagkahilo.
Damn! What is this?
Mabilis kong ipinikit ang mga mata ko at ikinalma ang sarili. What kind of magic is this? Ito ba ang kapangyarihan ng hari ng Magus Empire?
"Anong ginawa mo, Magian?"
Mabilis akong napamulat ng mga mata at napatingin sa puwesto ng hari. Taka ko itong tiningnan at wala sa sariling napatingin sa paligid. What? Bakit nasa loob pa rin kami ng silid nito? Akala ko ba'y aalis na kami sa lugar na ito? What happened?
"Anong ginawa mo sa akin at bakit hindi ko makontrol ang sariling kapangyarihan ko?"
Napaawang ang labi ko sa sinabi nito. Wala sa sarili akong napatingin sa mga kamay ko, pabalik sa hari ng Magus Empire.
I swear to God, wala akong ginawa sa kanya! Wala akong...
"Who are you, Magian? Bakit suot mo ang singsing na iyan?" rinig kong tanong muli ng hari sa akin habang nakatingin na rin sa mga kamay ko. "Paano napunta sa'yo ang singsing ng reyna ko?"
Napakurap akong muli at hindi nakasagot agad sa naging tanong nito sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top