Chapter 14
"Huwag mong kakalimutan ang talagang pakay mo sa hari, Adira," huling bilin sa akin ng High Priest na siyang tahimik na ikinatango ko lamang. "May limang minuto lang kayo roon. Pagkatapos noon, aalis na kayo sa palasyo. Paul," dagdag pa nito at kinuha ang atensiyon ni Paul na nakatayo sa may likuran ko. "Kahit anong mangyari, huwag niyong iwanan si Adira sa palasyo."
"Noted, sir," anito at naglakad na patungo sa unahan namin.
Tahimik ko itong pinagmasdan at noong itinaas nito ang dalawang gamay at gumawa na ng lagusan na siyang magdadala sa amin sa palasyo, napabaling ako kay Rebecca.
"This is it, Rebecca," mahinang sambit ko at tumango si Rebecca sa akin. "Malalaman ko na ang lahat tungkol sa nangyari kay Mama."
"Yes, Adira," anito at hinawakan ang kamay ko. "Let's go."
Nauna kaming pumasok ni Rebecca sa lagusang ginawa ni Paul. Sumunod naman ang tatlo at noong marating na namin ang dulo ng lagusan, napakunot ang noo ko. Mabilis akong napatingin sa paligid at noong wala akong makitang palasyo sa lugar na napuntahan namin, mabilis akong napatingin sa puwesto ni Paul.
"Where are we?" takang tanong ko at tiningnan muli ang paligid. "Wala tayo sa palasyo ng Magus Empire, tama ba?"
"Hindi pa ako nakakapunta sa palasyo kaya naman ay hanggang dito lang ang sakop at kayang gawin ng kapangyarihan ko."
What?
"Paul already studied the palace map," ani Leonard na siyang ikinabaling ko sa kanya. "And with Bea's magic, we can see the exact palace structure and Paul can use his spatial magic again. Bea, use your creation magic now."
"Creation magic?" tanong ko na siyang ikinatango lang ni Bea sa akin. Mabilis itong kumilos at naglakad palapit sa puwesto ko. Itinaas nito ang kamay at unti-unting gumawa ng repleka ng palasyo ng Magus Empire gamit ang buhangin sa paligid namin. Wala sa sarili akong napangiti dahil sa pagkamangha sa kakayahan nito. This is insanely good!
"This our entrance," ani Leonard at itinuro ang likod na bahagi ng palasyo. Iginalaw naman ni Bea ang kamay at nakita namin nang maayos ang itsura ng daang tatahakin namin. "May tatlong bantay lang dito kaya naman ay mabilis tayong makakaraan dito."
"At habang pumapasok kayo sa likod, kaming dalawa ni Paul ang dadaan sa main entrance ng palasyo," wika ni Rebecca na siyang ikinatango ko. "Here," dagdag pa nito at itinuro ang kulay pula na bahagi sa replekang ginawa ni Bea. "This is the king's chamber. Nag-iisang silid lang ito sa pangatlong palapag kaya naman ay hindi ka mahihirapang makita, Adira."
"Ako na ang bahala sa bagay na iyan," mahinang turan ko at hindi inalis ang paningin sa replekang nasa harapan. Mayamaya lang ay may napansin akong kakaiba kaya naman ay mabilis ko itong itinuro sa mga kasama ko. "What is this?"
"A movement," ani Bea at muling iginalaw ang mga kamay niya. Ipinilig ko ang ulo pakanan at napakunot na lamang ng noo noong makitang mas marami ang bantay sa silid ng hari kaysa sa mga trangkahan ng palasyo! "Six guards."
"Mukhang tama nga ang hinala ng High Priest," ani Paul na siyang ikinaayos ko nang pagkakatayo. "It's not the king's chamber anymore. It's a prison."
"They prisoned the king of this empire?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila.
"Sa lahat nang nangyayari sa Magus Empire ngayon, yes, the king is in prison," ani Leonard na siyang ikinabaling ko kay Rebecca. Umiling ito sa akin kaya naman ay mabilis akong umapila.
"Let's save him," sambit ko na siyang ikinabuntonghininga ni Rebecca.
"Save him? Adira, mahirap na ngang makapasok sa palasyo tapos gagawin pa natin iyan? No, that's not part of this mission. We can't do that."
"Tama si Leonard, Adira," ani Rebecca at nilapitan ako. "Let's focus on our first plan. Kakausapin mo lang ang hari sa silid nito."
"Pero paano kung-"
"Your mother, Adira. Focus on her. Only her," mariing sambit pa nito na siyang ikinatigil ko. Wala sa sarili akong napatinging muli sa repleka ng palasyo na gawa ni Bea at napabuntonghininga na lamang.
"Fine, let's focus on that. Papasok tayo sa palasyo at kakausapin ko lang ang hari."
"Good," ani Paul at may mga itinurong pasilyo sa repleka ng palasyo. "I will activate my spatial magic here. Kapag tapos ka nang kausapin ang hari, leave his chamber and run toward this direction," anito at may itinuro sa labas ng silid ng hari. "Ito naman ang gagamitin namin ni Miss Rebecca at ito ang gagamitin nila Leonard at Bea. You only have thirty seconds to enter my spatial magic. Kapag hindi niyo ito maabutan, kailangan niyong maghintay ng dalawang minuto para sa panibagong lagusan."
"Two minutes? Hindi ba masiyadong matagal naman iyon, Paul?" tanong ni Bea na siyang ikinatango ni Paul sa kanya.
"Masyadong mataas ang concentration ng magic sa buong palasyo. Mahirap kontrolin ang spatial magic sa ganyan klaseng lugar."
"Thirty seconds," mahinang sambit ko at tiningnan si Paul. "Kung walang magiging problema, tiyak kong kaya nating dumaan sa spatial magic ng walang kahirap-hirap."
"Let's pray for that." Napangiwi ako sa sinabi ni Leonard at napailing na lamang. "Let's go," dagdag pa niya at inutusan nang gumawa ng panibagong lagusan si Paul. At noong makagawa na ito ng dalawang magkaibang lagusan, mabilis na kaming kumilos at nagsimula na sa misyon namin.
Kagaya ng naging plano namin, kasama ko si Leonard at Bea, samantalang nasa main gate sila Rebecca at Paul. Kilala si Rebecca bilang kapatid ng High Priest ng Magus Academy kaya naman ay siya ang haharap sa ibang royal na narito sa palasyo.
Mariin kong ikinuyom ang mga kamao ko at noong marating naming tatlo ang dulo ng lagusang ginawa ni Paul, mabilis na kumilos sila Leonard at pinatumbay ang mga taga-bantay sa trangkahang daraanan namin. Silang dalawa na ni Bea ang nagbukas ng trangkahan at noong bumungad sa akin ang palasyo ng Magus Empire, tila biglang may kung anong enerhiya akong naramdaman sa singsing ng aking ina.
Wala sa sarili akong napatingin dito at noong marinig ko ang boses ni Leonard, mabilis kong ibinaba ang kamay ko at sumunod na sa kanila ni Bea.
Tahimik ang parte ng palasyo na dinaraanan namin. Malalaking hakbang ang ginawa namin at noong nasa palapag na kami kung saan naroon ang silid ng hari, nagkatinginan kaming tatlo.
"Kaya mo namang makipaglaban, hindi ba?" tanong ni Leonard na siyang ikinatigil ko. "Here," sambit pa niya at inilahad sa harapan ko ang kanang kamay. Napakunot ang noo ko sa ginagawa niya at noong biglang may lumitaw na espada sa kamay niya, napaawang ang labi ko. "Use this."
"But-"
"Give me a sword too, Leo," ani Bea na siyang mabilis na sinunod ni Leo. Napatingin ako sa kaliwang kamay niya at noong may lumitaw din na espada roon, napakurap ako. "That's his magic. He can summon all the weapon he knows."
"Great," wala sa sariling sambit ko at napatingin sa espadang ibinigay sa akin ni Leonard. Maingat ko itong inangat at nagulat na lamang noong maramdamang magaan lang ito.
"That's one of the best swords we have here in Magus Empire. Don't break it, okay?"
"I don't even know how to use this," naiiling na sambit ko pa at napatingin ulit sa pasilyo kung saan nasa dulo nito ang silid ng hari.
"Make it quite and quick, ladies. Huwag na nating dagdagan ang mga kawal na narito sa palapag na ito."
"Roger that," ani Bea at nauna nang tumakbo palapit sa mga kawal na nagbabantay sa silid ng hari. Mabilis na kumilos na rin si Leonard at noong magsimula na ang mga ito sa pagpapalitan ng mga atake, maingat kong inihakbang ang mga paa.
Tila hindi ko maramdaman ang paglapat ng mga paa ko sa sahig habang naglalakad kaya naman ay bahagya akong tumigil sa paghakbang. Mariin kong ipinikit ang mga mata at ikinalma ang sarili.
You can do this, Adira! Just move and help your comrades!
Muli kong iminulat ang mga mata at noong makitang naging abala si Bea sa pagsangga sa isang atake sa harapan niya, hindi na nito namalayan pa ang isa pang atake sa may likuran niya. Napalunok ako at mabilis na tiningnan ang hawak na espada. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at mabilis na inihagis ang espadang hawak-hawak at pinuntirya ang kawal na nasa likuran ni Bea.
"Nice," ani Bea noong makitang humandusay sa likuran niya ang isang kawal at nginitian ako. Napabaling naman ako kay Leonard at noong makitang ngumisi ito sa akin, napangiwi na lamang ako. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at muling inihakbang ang mga paa. Lumapit ako sa puwesto ni Bea at mabilis na hinugot sa katawan ng kawal ang nakatarak na espada sa may dibdib nito. "Thanks for the help, Adira."
"Any time," sambit ko at noong marinig ko ang mahinang pagmumura ni Leonard habang sinasangga ang atake ng dalawang kawal, mabilis kong itinaas ang hawak na espada. Itinutok ko ito sa isa sa kawal na kaharap nito at mahinang sinambit ang unang salitang nasa isipan. "Freeze."
"What the hell?" rinig kong bulong ni Bea sa tabi ko. "Paanong-"
"Mamaya na nating pag-usap ito," sambit ko at binalingan ang pinto ng silid ng hari. "Papasok na ako sa loob. Kayo na ang bahala rito."
"Roger that," ani Bea at nagpatuloy na sa pakikipaglaban.
Inihakbang ko ang mga paa ko at noong nasa tapat na ako ng pinto, mabilis kong binuksan ito.
Bahagya pa akong nagtaka dahil walang kahirap-hirap kong nabuksan ang silid ng hari at noong tuluyan na akong makapasok sa silid, mabilis kong inihakbang ang mga paa at nagtungo sa higaan nito.
"Where is he?" takang tanong ko noong hindi ko ito nakita sa kama niya. Mabilis kong inilibot ang paningin sa kabuuan ng silid at noong hindi ko ito nakita, mabilis akong umatras at tumakbo palabas ng silid. "Wala rito ang hari sa silid niya!"
"What?" halos sabay na tanong ni Bea at Leonard sa akin. Napakagat ako ng pang-ibabang labi at napatingin sa mga kawal na pinatumba ng dalawa.
"We failed this mission. Let's go. Hanapin na natin iyong lagusan at umalis na tayo rito," seryoso saad ni Leonard at nagsimula nang maglakad patungo sa lugar kung saan naroon ang lagusang inihanda ni Paul para sa amin.
Mabilis namang sumunod si Bea kay Leonard at noong akmang susunod na rin ako sa dalawa, mabilis akong napako sa kinatatayuan ko. Pilit kong iginagalaw ang mga paa ko ngunit ay hindi ko magawang gawin iyon!
"What the hell?" mahinang bulalas ko noong makaramdaman ng kakaibang enerhiya sa loob ng silid.
"Adira! Come on!" rinig kong sigaw ni Bea pero mabilis ko itong inilingan. Muli kong sinubukang igalaw ang mga paa pero kagaya kanina, hindi ko ito maihakbang man lang!
"Adira!"
"I... I can't move!" ganting sigaw ko at bago ko pa mang subukang muling gumalaw, kusang nanlaki ang mga mata ko noong biglang may enerhiyang humila sa akin papasok ng silid at malakas na sumara ang pintong nasa harapan ko!
What the hell?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top