Chapter 12
Hindi ko na alam kung pang-ilang butonghininga na ang ginawa ko ngayon. Panay ang pisil ko rin sa mga daliri ko dahil hindi ko mapakalma nang maayos ang sarili!
What the hell is wrong me?
Bakit ngayon ba ako tinamaan ng takot? Bakit ngayong minuto na lamang ay hinihintay ko at malalaman ko na ang tungkol sa totoong katauhan ng sariling ina? Damn me!
"Breathe, Adira." Natigilan ako sa kinauupuan ko at wala sa sariling binalingan si Rebecca sa tabi ko. "Relax okay. I'm here, okay. Wala kang dapat ipangamba. Magiging maayos din ang lahat kaya naman ay ikalma mo ang sarili mo. Clear your mind and just breathe."
Hindi ko na nagawang magsalita pa at napatango na lamang kay Rebecca. Muli akong humugot ng isang malalim na hininga at napayuko na lamang. Dinama kong muli ang singsing ng aking ina at pilit na inalala kung gaano kahalaga ang singsing na ito sa kanya.
Bata pa lamang ako ay nakikita ko na ito sa kanya. Ni hindi niya yata ito hiniwalay sa daliri niya. This ring was precious to my mom and now I know the reason behind it. It was the key for her to return to her real world. And now that she's gone, ako na ang gumamit ng singsing na ito para mapunta sa mundong ito.
Naging tahimik kaming pareho ni Rebecca at noong maramdaman ko ang pagtayo nito sa kinauupuan niya, mabilis akong umayos sa pagkakaupo at binalingan ang pintuan kung saan papasok dapat ang High Priest ng Magus Academy.
Wala sa sariling napaawang ang mga labi ko at dahan-dahang tumayo na rin mula sa kinauupuan noong mamataan ang kanina pa naming hinihintay na makita at makausap.
"High Priest," mahinang wika ni Rebecca sa tabi ko habang hindi ko maalis ang mga mata sa bagong dating. Dahan-dahan ang bawat hakbang nito hanggang sa tuluyang nasa harapan na namin ang High Priest ng Magus Academy.
Napalunok ako noong makaramdaman ako ng kakaiba sa paligid. Ang kaninang kalmado at tahimik na silid ay tila nagkaroon ng biglaan tensiyon. Napakurap ako at tila naubusan ng hininga noong marinig ang boses nito.
"Rebecca, you're finally back," kalmadong sambit nito at noong dumako sa akin ang paningin nito, mabilis akong napaayos nang pagkakatayo ko. "Adira Madeline-"
"She's not Lady Adira Madeline, High Priest," singit ni Rebecca na siyang ikinakunot ng noo ng kapatid nito. "She's Adira Maude Serano - Astaseul, High Priest. She's-"
"Her highness's daughter." Halos ibulong nito ang mga katagang iyon habang nakatingin pa rin sa akin. Muli akong napakurap at tila hinahanap ang mga salitang nais sambitin sa kaharap. "You looked exactly like her highness, Adira Maude-"
"Her highness? Is that my mother?" singit at wala sa sariling tanong ko dito.
"Hindi ba sinabi ni Rebecca sa iyo ang tungkol sa ina mo?" marahang tanong nito sa akin na siyang ikinailing ko naman. "Bumalik kayo sa mundong ito ng wala kang alam sa pagkatao mo?" dagdag pa nito at tila hindi makapaniwalang nandito ako sa mundong ito at hanggang ngayon ay wala alam sa kung anong lugar na pinuntahan ko.
"High Priest, we have rules. Alam mong-"
"I know the rules, Rebecca," anito at namataan ko ang pagbuntonghininga niya. Palihim nitong tiningnan ang dalawang tahimik na kasama nito at muling itinuon sa amin ni Rebecca ang buong atensiyon. "Let's go. Sa opisina ko tayo mag-usap," mabilis na yaya nito sa amin at tinalikuran na kami ng kapatid nito.
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at tiningnan lamang ang papalayong bulto ng High Priest ng Magus Academy. Tahimik ko itong pinagmasdan at noong mawala na ito sa paningin ko ay mabilis akong napabuntonghininga. Mayamaya lang ay napabaling ako kay Rebecca noong kumilos ito. Namataan ko ang seryosong titig nito sa akin at marahang tinanguhan ako.
"Let's go, Adira. Mas makakabuti sa'yo kung manggagaling sa High Priest ang mga impormasiyong nais mong malaman tungkol sa ina mo. Don't worry, our family is a loyal servant and friend of your mother. Lahat ay gagawin ng pamilya namin para sa pamilya niyo."
Napalunok ako sa tinuran ni Rebecca. Mataman itong tumangong muli sa akin at nagsimula na ring maglakad patungo sa daang tinahak ng kapatid nito. Muli akong napabuntonghininga at sinundan na rin si Rebecca palabas sa silid na kinaroroonan namin ngayon.
Tahimik lang kami ni Rebecca hanggang sa tuluyan na kaming nasa loob ng opisina ng High Priest ng Magus Academy. Mayamaya lang ay nagpaalam na ang dalawang kasama nito at tuluyan na kaming iniwan sa loob ng silid. Muling inihakbang ni Rebecca ang mga paa nito at lumapit sa mesa kung saan prenteng nakaupo ang kapatid nito.
"So, tell me what happened, Rebecca. Bakit kayong dalawa lang ang nakabalik dito sa Magus Empire? Nasaan si Renee at ang ating Reyna?"
Napakunot muli ang noo ko sa narinig. Inihakbang kong muli ang mga paa at nilapitan na ang magkapatid. Marahang naupo si Rebecca sa upuang nasa gilid niya at tiningnan ako.
"Renee is dead, High Priest," marahang sambit nito at binalingan ang kapatid. "Her highness is dead, too."
"What happened? Hindi basta-bastang mamamatay ang isang Magian sa mundong iyon," seryosong saad nito at tinignan ako. "Alam mo ba ang dahilan nang pagkamatay ng iyong ina?"
"Accident," marahang sambit ko at pilit na inaalala ang mga katagang binitawan ng mga kamag-anak namin noong malaman kong naaksidente si Mama. Nasa isang business trip ito at naaksidente iyong sinasakyan nilang kotse. Iyon lamang at wala ng iba pa silang sinabi sa akin.
"Her highness was a powerful Magian. Imposibleng mamatay ito sa isang aksidente lamang."
"What do you mean by that? Sa tingin mo ba ay nagsinungaling ang mga kamag-anak namin tungkol sa pagkamatay ng aking ina?" Napakagat ako ng pang-ibabang labi at pilit na ikinakalma ang sarili. Kung totoo ngang hindi dahil sa aksidente ang ikinamatay ni Mama, talagang babalikan ko ang mga sakim naming kamag-anak! My mother doesn't deserve this! Hindi dapat ito namatay sa mga kamay nila!
"My sister, Renee, died because of an illness, Adira," ani Rebecca na siyang ikinatigil ko. "Hindi naman ganoon ang naging kondisyon ng iyong ina, hindi ba?"
Napailing ako sa naging katanungan ni Rebecca. Mas diniinan ko ang pagkakakuyom ng mga kamao ko habang pilit na nilalabanan ang emosyon ko. Wala itong sakit at natitiyak kong maayos ang kalagayan nito bago siya sumama sa business trip nila!
Those bastards! Anong ginawa nila sa Mama ko?
"Paano kayo nakabalik dito sa Magus Empire, Rebecca? Kung wala na ang ating Reyna, paano kayo nakabalik dito?" tanong muli ng High Priest na siyang ikinabaling ko sa kanya.
"Adira used the ring, High Priest. With the magic spell created by her highness, we managed to travel here safely."
"She can use her spell?" marahang tanong ng High Priest na siyang ikinatango ni Rebecca sa kapatid.
"Word magic. She uses that kind of magic, too," muling turan ni Rebecca na siyang ikinatango ng High Priest.
"Matagal mo na bang alam ang tungkol sa kakayahan mo, Adira? Hanggang anong lebel ang kaya mong gawin sa kapangyarihang iyan?"
"What?" takang tanong ko sa High Priest at napailing na lamang. "Kung hindi ako napadpad sa The Nexus, hindi ko malalaman ang tungkol sa kakayahan ko. At kung walang umatake sa amin sa lugar na iyon, tiyak kong hindi ko magagamit ang word magic na iyon at hindi mapupunta sa mundong ito."
"Umatake?" Napakunot ang noo ng High Priest habang hindi inaalis ang paningin sa akin. "May mga umatake sa inyo sa kabilang mundong pinanggalingan niyo?"
"Yes, High Priest," mabilis na sagot ni Rebecca sa kapatid.
Umayos nang pagkakaupo ang High Priest at inilagay ang magkabilang kamay sa ibabaw ng mesa. "Mukhang tama lang ang pagbabalik niyo rito sa Magus Empire."
"What do you mean?" takang tanong ko dito at ipinilig ang ulo pakanan. May nangyayari rin bang kaguluhan sa mundong ito?
"Our enemies are moving now. Ito ang matagal na naming hinihintay," saad ng High Priest na siyang ikinatigil ko. Enemies. So, may kaguluhan nga sa imperyong ito.
"The enemies? You mean the one who framed her highness?" tanong naman ni Rebecca na siyang mabilis na ikinaawang ng mga labi ko.
"She was framed... What the... Kaya ba ito napadpad sa mundong pinanggalingan namin?" mariing tanong ko sa magkapatid at noong hindi sila nagsalita, mabilis kong ibinagsak sa mesa ang kamay ko. "Please tell me, ano ba talaga ang nangyari sa kanya? Who the hell framed her? Bakit umalis ito dito sa Magus Empire kung siya naman pala ang reyna ng mundong ito?"
"Adira-"
"Kayo na rin ang nagsabi sa akin, isa siyang makapangyarihang Magian. Pero... pero bakit ganoon ang kinahantungan niya? My mom... she was the best, most kind person I knew. Kaya naman bakit ganito? Bakit kailangan siyang traydorin ng mga tao sa imperyong ito at sa kabilang mundo kinalakihan ko? Ano ginawa niya at bakit ganito ang nangyari sa kanya? Rebecca, please, nakikiusap ako sa'yo. Tell me, ano ang totoong nangyari sa kanya?"
"She was a threat to the throne, Adira," marahang sambit ng High Priest na siyang ikinaawang ng labi ko. "But... it was just a rumor, and it ruined her reputation as the Queen. And because of that, she was framed and claimed to be a traitor of this empire."
Oh my God!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top