Chapter 11
Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko.
Tahimik lang akong nagmamasid sa paligid habang panay ang kurot ko sa sariling mga daliri.
This is not a dream. I'm wide awake right now. This is not a freaking dream! Totoo ang mga nakikita ko ngayon at talagang nasa Magus Academy na ako! This... this amazing and I'm freaking out right now! Damn!
"Adira." Natigilan ako sa ginawa noong tawagin ako ni Franceen. Napabaling ako dito at namataan ang pag-aalala sa mga mata nito. Hilaw akong ngumiti kay Franceen at napabuntong-hininga na lamang.
Kahit siguro sabihin kong ayos lang ako ay tiyak kong makikita nito ang takot sa mukha ko. Ngayong nandito na ako sa Magus Academy, biglang binalot ng takot ang buong pagkatao ko. Wala akong alam sa lugar na ito. Wala akong alam maliban sa katotohanang nanggaling sa mundong ito ang aking namayapang ina. I'm clueless here at kung hindi ko lang kasama sila Gabriel at Franceen, natitiyak kong kahit pagtayo sa kumpulan ng mga taong ito ay hindi ko magagawa nang maayos!
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Franceen at hinawakan ang kamay ko. "Stop it, okay. Kanina ko pa napapansing nanginginig ka. Everything's fine here, Adira. Nandito tayo para mag-aral sa academy. Walang masamang mangyayari sa'yo sa lugar na ito."
"I... I think maling sumama ako dito," mahinang sambit ko at napatingin dito. "Dapat ay gumawa na lamang ako ng ibang paraan para makarating dito. Wala... wala sa plano ko ang mapunta dito at maging estudyante ng academy."
"Adira, listen to me," ani Gabriel na siyang nagpaharap sa akin sa kanya. "Kung gusto mong makausap ang hari nang mas mabilis, kailangan mong maging parte ng academy."
"But why? Can't I just go to him and talk about my died mother?"
"Hindi iyon magiging madali, Adira," marahang sambit muli ni Gabriel at humugot ng isang malalim na hininga. "Ranks and power, Adira. Iyon ang kailangan mo para mas mapabilis ang pagkikita niyo ng hari ng Magus Empire."
Napakagat ako ng pang-ibabang labi ko at wala sa sariling napatingin sa harapan namin, sa entablado kung nasaan naroon ang iilang mahahalagang tao dito sa Magus Academy.
"Kailangan mong tumayo at pumuwesto sa tabi nila kung nais mo talagang makaharap at makausap ang hari, Adira," it was Franceen again. Napalunok akong muli at hindi inalis ang paningin sa harapan namin. "Be a Scholar. I know you can do that."
Scholar. Really? Paano ko naman gagawin iyon?
"At kapag nagawa mo na iyon, talk to the High Priest. He rules this place," dagdag pa ni Gabriel na siyang ikinaawang ng mga labi ko.
High Priest?
"Sino sa kanila ang High Priest na tinutukoy niyo?" wala sa sariling tanong ko sa dalawa at inisa-isang tingnan ang mga high rank Magian na nasa may entablado ngayon.
"Wala sa kanila ang High Priest ng Magus Academy, Adira."
"Paano ko magagawang makausap ang High Priest kung hindi ko naman alam ang itsura nito?" naguguluhang tanong ko at napailing na lamang. This is beyond impossible! Mukhang wala na akong pag-asa sa lugar na ito!
"Kapag makita mo ito, tiyak kong makikilala mo ito agad, Adira. He's one of the most powerful Magian we have here in Magus Empire. He screams power and authority. You can definitely recognize him."
Hindi ko na nasundan pa ang mga sumunod na nangyari. Nakatulala lang ako at noong makarinig ako ng isang pamilyar na tinig, napakurap ako at mabilis na napabaling sa likuran ko.
"Oh my God, Adira!" Napakurap akong muli at napaawang na lamang ang mga labi noong mamataan kung sino ito.
"Rebecca-"
"You're safe, my God!" bulalas ni Rebecca at mabilis na niyakap ako. "Paano ka nakarating dito?"
"I... Uhm-"
"Who is she, Adira?" rinig kong tanong ni Franceen sa akin kaya naman ay napabaling ako sa gawi nito. "Is she your friend?"
"She's my mother's-"
"I'm Rebecca Gaimbert. Adira's guardian."
"Franceen, Gabriel, siya ang kasama ko bago ako mapadpad sa Rensha Village," sambit ko sa dalawa at binalingan ang mga ito. Mayamaya lang ay napakunot ang noo ko noong mamataan ang gulat sa mga mukha nito. Wala sa sarili kong binalingan muli si Rebecca at noong nagkibit-balikat lang ito sa akin, napataas ang isang kilay ko.
"You're a Gaimbert?" tila maingat na tanong ni Gabriel kay Rebecca na siyang muling ikinabaling ko sa puwesto nito. "The... the Gaimbert we know? Seriously?"
"I am," kaswal na sagot naman ni Rebecca sa tabi ko.
"What's your relationship with the current High Priest?" tanong naman ni Franceen na siyang gulat na ikinalingon ko kay Rebecca.
"Do I need to answer that?" kunot-noong balik na tanong ni Rebecca sa dalawa.
"Yes!" halos sabay na tugon nila Franceen at Gabriel.
Napaayos ako nang pagkakatayo at hinintay na lamang ang magiging sagot ni Rebecca sa kanila. At noong akmang magsasalita na sana itong muli, mabilis kaming natigilan sa pag-uusap nang biglang may tumawag sa kanya. Halos sabay-sabay kaming lumingon sa nagsalita at napa-arko na lamang ang isang kilay ko noong makitang si Leo iyon, iyong isang Scholar na nagbigay ng pagsusulit sa amin sa Rensha Village.
"Miss Rebecca, I'm glad you made it here," anito na siyang lalong ikina-arko ng isang kilay ko.
"He called you Miss Rebecca?" tanong ko dito at binalingan itong muli. "Now I'm really lost here. And you say that you're a Gaimbert. Anong ibig sabihin non?"
"It means she's a high rank Magian, Novice," wika ni Leo na siyang ikinakunot lalo ng noo ko.
"Leo, stop," seryosong wika ni Rebecca at umayos nang pagkakatayo. "You don't have the right to speak to her like that."
"She's a Novice from Rensha Village, Miss Rebecca. She's nothing."
"She's more than just nothing, Leo. Baka kapag malaman mo kung sino itong tinatawag mong Novice ay biglang umurong ang dila mo."
"Pero Miss-"
"Adira, let's go. Isang araw na ang nawala sa atin simula noong makabalik tayo rito. We can't waste any of our time now," sambit muli ni Rebecca at hindi na binigyan pansin pa si Leo. Tahimik nitong tiningnan si Franceen at Gabriel at marahang tinanguhan ang dalawa. "Thank you for taking care of Adira. I owe you one, Magian."
"That... that was nothing," tila nahihirapang sambit ni Gabriel at tiningnan ako. "Mukhang hindi mo na kailangan pa ang tulong namin dito, Adira."
Tumango ako dito at napabuntong-hininga na lamang. "Rebecca brought me here. Afterall, I'm her responsibility," tipid na sambit ko at nginitian ang dalawa. "Thank you for helping me. Kapag maayos ko na ang lahat, babalik ako dito. Hahanapin ko kayong dalawa."
"Hihintayin namin iyan, Adira," ani Franceen at tiningnan si Rebecca. "Take care of her."
"Miss Rebecca-"
"I said stop, Leonard," mariing sambit ni Rebecca sa nagsalita at masamang tiningnan ito. "Adira is no longer a Novice here. Ako na mismo ang makikipag-usap sa administrator ng Magus Academy."
"You can't do that, Miss Rebecca! Unang araw pa lang niya dito sa academy. Hindi siya basta-bastang makakaalis dito," ani Leo at tiningnan ako. "Alam mo iyon, hindi ba? Sinabi namin iyon noong makapasa ka sa pagsusulit sa Rensha Village."
"But I'm not really here to be a student. I'm sorry pero sasama ako kay Rebecca at aalis sa academy."
"Let her go, Leonard. Sa ibang Novice mo ituon ang atensiyon mo. Adira doesn't belong here anyway. And having a title such as a Novice is beneath her. Stop calling her like that, okay? Let's go, Adira. Ako na ang bahala sa'yo sa High Priest ng Magus Academy," yaya muli ni Rebecca sa akin at nagsimula nang maglakad.
Napatango na lamang ako dito at tiningnan muli ang dalawang Magian na naging kaibigan ko na.
"Mag-iingat kayo dito," tipid na wika ko sa dalawa at mabilis na sinundan na si Rebecca.
Malalaki ang hakbang na ginawa ko para mahabol si Rebecca. At noong nasa tabi na niya ako, hindi na ako nag-abala pang magtanong sa kanya. Pareho kaming tahimik hanggang sa makalabas na kami sa hall kung saan nagtipon-tipon kanina ang mga bagong estudyante ng Magus Academy.
Panay ang pagmamasid ko pa rin sa paligid at talagang nakakamangha ang mga nakikita ko.
This is Magus Academy. A place where they teach different magics. A place where a Magian is being train and power up his or her magical ability. This place is such a good one but I'm not here for this.
I'm here for my mother's family, our family.
I'm here to know the truth. I'm here to know my real identity. Not as the girl who struggled so hard just to be alive in the other side, but a girl who they claimed to be part of something incredible in this magical world.
"My brother is the current High Priest of this place, Adira. Siya ang gagawa ng paraan para makausap mo ang hari ng Magus Empire."
Now I get it.
Kaya naman pala ganoon na lamang ang naging reaksiyon ni Gabriel kanina noong malamang isang Gaimbert si Rebecca.
A Gaimbert ruled this place. And this woman, the one who helped my mother before and now, my guardian, is one of the high ranks, and respected Magian of this world.
"Kapag makausap mo na ito, ipakita mo lamang ang singsing na pagmamay-ari ng iyong ina, Adira. Malalaman na agad nito ang totoong katauhan mo sa pamamagitan ng singsing na iyan."
Napatango na lamang ako kay Rebecca at palihim na dinama ang suot na singsing.
This is it.
I'm going to know the real deal here.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top