Chapter 10
"Hindi natin siya isasama, Leo!"
"Paanong hindi, Bea? Nakapasa siya sa pagsusulit na ibinigay natin!"
"Leo, hindi niya ipinasa ang pagsusulit natin para makapasok sa academy. May iba siyang dahilan kaya naman ay hindi siya maaring sumama sa atin pabalik sa academy!"
"Pero-"
"Tumigil na kayo sa pagtatalo."
Napairap na lamang ako sa mga Scholar na kanina pa na nagsasagutan sa harapan ko. Pinaglaruan ko na lamang ang magic ball na nasa kanang kamay ko habang nakatingin pa rin sa kanila.
"We don't have the authority to do this, Leo," malamig na turan ng isa pang lalaking Scholar at binalingan ako. "Kung hindi siya magiging estudyante ng academy, hindi siya sasama sa atin."
Damn!
Napabuntong-hininga na lamang ako at mabilis na natigilan noong biglang lumutang sa ere ang magic ball na nasa kamay ko. Napabaling ako rito at napaawang na lamang ang mga labi noong mabilis itong nawala sa kamay ko. Napatingin ako sa Scholar na nagsalita kanina at napaayos na lamang nang pagkakatayo noong makitang nasa kamay na niya ang hawak-hawak ko kanina.
"Kung pagbabasehan ang resulta ng pagsusulit mo, isa ka sa mga nakapasa, Magian. At nasa iyo rin ang desisyon kung sasama ka sa amin bilang estudyante ng academy o hindi. Dahil wala kaming ibang dahilan para isama ka sa amin kung hindi ka mananatili sa academy. If you're not going to be one of our new students, then... you'll stay here."
"Jerome-"
"Let the girl decide, Ruby. Tama si Jerome. Nakapasa ito sa pagsusulit na ibinigay natin at bilang Scholar ng academy, marapat lang na bigyan natin ito ng pagkakataong magdesisyon para sa sarili niya."
Namataan ko ang pag-irap nong isang babae sa akin kaya naman ay napataas ang isang kilay ko dito.
Mayamaya lang ay nagsidatingan na ang ibang mga taga-Resha Village dala-dala iyong mga magic ball na pinapahanap ng mga Scholar ng Magus Academy. Minuto lang ay nasa tabi ko ng muli si Gabriel at Franceen na may kanya-kanyang magic ball sa kamay. They passed!
"May nahanap ka bang magic ball, Adira?" Napabaling ako kay Gabriel at tahimik na tumango dito. Kita ko ang pagkunot ng noo nito at tumingin sa harapan namin kung nasaan ang mga Scholar. "Ikaw ang unang nakahanap ng isa sa mga magic ball?"
"Awesome!" Rinig kong sambit ni Franceen sa tabi ko kaya naman ay tipid akong napangisi.
Now, I just need to decide here.
Kung sasama ako sa mga Scholar na ito, paniguradong magiging estudyante ako ng Magus Academy. At kung mangyayari iyon, mukhang matatagalan ako bago makapunta sa Magus Empire palace. I will be stuck inside the academy and study about freaking magics in this freaking world!
No. Hindi ako magsasayang ng oras ko sa lugar na iyon! I need to see the royal family and asked them about my dead mother!
Damn it!
"Congratulations, Magian," wika ni Jerome, iyong isang lalaking Scholar, at humakbang ng isang beses. Mataman niya kaming tinignan at noong dumapo sa akin ang paningin nito, napa-arko na lamang ang isang kilay ko sa kanya. "Noong hinawakan niyo kanina ang magic ball na nakita niyo, awtomatikong parte na kayo ng Magus Academy bilang Novice."
Say what?
Napaawang ang labi ko at gulat lang na nakatingin dito.
"Sa kanang palapulsuan niyo, may makikita kayong marka," wika naman nang isang babaeng scholar na kung hindi ako nagkakamali ay Bea ang pangalan nito. "Iyan ang markang nagpapatunay na parte na kayo ng academy. You're now a Novice of the Magus Academy."
Oh, boy. This is not good!
"Finally." Napabaling ako sa gawi ni Gabriel at napakagat na lamang ng pang-ibabang labi noong mamataan ang kagalakan sa mukha nito. Tiningnan ko naman si Franceen at noong makita ang tuwa rin sa mukha nito, napabuntong-hininga na lamang ako.
Muli akong bumaling sa harapan kung nasaan ang mga Scholar at noong makita ang pananuring mga titig ni Jerome sa akin, napailing na lamang ako.
I guess I don't a choice here anymore.
Kung makakapasok ako sa academy, maaaring makalabas naman ako roon at magtungo sa palasyo ng Magus Empire para hanapin ang kahit sinong miyembro ng royal family!
Damn this. Sana nga talaga ay tama itong desisyon ko! Wala akong alam sa lugar na ito at kung may isang maling desisyon akong gawin dito, paniguradong ikapapahamak ko ito!
Again... Rebecca, where the hell are you?
Mabilis na lumipas ang oras. Ang tatlong oras na ibinigay ng mga Scholar sa mga taga-Rensha Village ay mabilis na naubos at ngayon ay handa na ang lahat sa pag-alis namin.
Napalunok ako at inalala ang mga sinabi ng Chief village sa akin.
"Hindi maganda ang estado ng royal family ngayon, Adira. Kailangan mong mag-ingat kong nais mong makaharap ang hari natin."
Royal family.
Talaga bang nabibilang si Mama sa pamilyang iyon?
Bumuntong-hininga ako at muling tumingin sa kawalan.
"So, paano mo nga nagawang makahanap ng magic ball ng hindi man lang umaalis dito sa sentro ng Rensha Village?" Napakurap ako noong magtanong muli si Franceen sa akin. Napangiwi ako at nailing dito.
"Franceen, tama na iyan," mabilis na suway ni Gabriel sa kaibigan nito.
"I'm just curious, Gab."
"Then stop being curious. Hayaan mo na si Adira," anito muli at tinanguhan ako.
Walang alam si Franceen sa kung anong dahilan ko kung bakit ko nais makarating sa sentro ng Magus Empire. Alam ni Gabriel dahil sa kanya ako ibinilin ng ama niya at nangakong tutulungan akong makapunta sa Magus Empire palace. Mas alam niya ang lugar na ito kaya naman ay wala na akong nagawa pa. I need someone who can help me. At mukhang mapagkakatiwalaan naman ito at ang ama niya.
"Magians." Halos sabay-sabay kaming napatingin sa harapan noong magsalitang muli si Jerome. "Aalis na tayo," anito at binalingan ang isa pang Scholar na katabi nito. Tumango ito sa kasama at namataan ko ang pagtaas nito ng kamay.
Napakunot ang noo ko at napaawang na lamang ang labi noong makita ang ginawa nito.
"A high-level Spatial Magic. Wow," mahinang bulalas ni Franceen na siyang ikinabaling ko sa gawi niya. Mukhang naramdaman nito ang pagtingin ko sa kanya kaya naman ay binalingan na rin niya ako. "Spatial Magic is a rare magic here in Magus Empire, Adira. The Magian who uses this magic can manipulate the fabric of space. Awesome, right?"
"You mean... hindi na natin kailangang sumakay ng kahit ano para makarating sa sentro ng Magus Empire? Dadaan lang tayo sa Spatial Magic na iyan?"
"Exactly," dagdag pa nito at muling bumaling sa harapan namin. "How I wish I can do that, too."
"You can do that too, Franceen. With years of trainings, you can absolutely manage to manipulate a larger scale of space," mahinang turan ni Gabriel na siyang ikinangiti ko. So, Franceen uses Spatial Magic too! Napatingin ako sa puwesto ni Gabriel at tahimik na pinagmasdan ito.
Ano kaya ang kapangyarihang taglay ni Gabriel? Wala kasi itong nabanggit man lang sa akin!
"He uses Creation Magic, Adira," wika ni Franceen na siyang ikinagulat ko. "Sa lahat nang nandito, si Gabriel ang may malaking potensiyal para maging parte ng Scholar ng Magus Academy."
"Franceen-"
"He's good. Hindi lang talaga siya kagaya ng ibang taga-nayon na gustong ipakita sa lahat ang kakayahan niya."
"And now, you can show them what you've got," mahinang turan ko dito at muling tiningnan ang Spatial Magic na ginagawa ng Scholar sa may unahan namin. "Once you enter the academy, you can show them your abilities."
"We will show them, Adira. Tayong tatlo. We will represent Rensha Village," dagdag pa ni Franceen na siyang ikinatango ko na lamang.
"Let's go, Magians," ani ng Scholar na Spatial Magic user at nagsimula nang magsikilos ang mga taga-Rensha Village.
Nauna ang dalawang babaeng Scholar sa pagpasok sa spatial magic at sinundan ng iba pang Magian na nasa unahan namin. Napalunok ako at nagsimula na kaming kumilos ni Gabriel at Franceen. Mabibigat ang bawat hakbang ko hanggang sa tuluyang makalapit na kami sa tatlo pang Scholars ng Magus Academy na naiwan dito sa Rensha Village. Tumigil ako sa paghakbang at tiningnan sila. Ikinuyom ko ang mga kamao at mabilis na nag-iwas nang tingin noong magtagpo ang mga mata namin ni Jerome. I sighed. Binalingan ko na lamang muli sila Gabriel at noong tumango ito sa akin, muli akong kumilos at inihakbang muli ang mga paa patungo sa Spatial Magic na siyang magdadala sa amin sa sentro ng Magus Empire.
"Don't worry, Adira. Franceen and I will help you," mahinang turan ni Gabriel sa akin at tuluyan na kaming pumasok sa Spatial Magic.
Bahagya pa akong natigilan sa dilim ng paligid. Nagpalinga-linga ako at nagpatuloy na sa pagkilos. Ikinalma ko ang sarili at pilit na itinatatak sa isipan ang dahilan kung bakit ako nandito, kung bakit ako nagdesisyong pumasok sa Magus Academy!
This is for my mother. This is for her!
Ilang hakbang lang pa ang ginawa ko at mabilis akong napapikit dahil sa biglaang pagkasilaw ng mga mata ko. Bahagya akong yumuko at noong maka-adjust na ang mga mata ko sa liwanag, mabilis akong umayos nang pagkakatayo at tiningnan ang paligid ko.
"Wow," mahinang bulalas ko at inilibot ang paningin ko sa lugar kung nasaan ako ngayon.
Is this freaking real?
"Welcome to Magus Academy, Novice."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top