Chapter 1
Tahimik at walang emosyon akong nakatingin sa puntod ng aking ina.
Hindi ko na rin alintana ang malamig na buhos ng ulan. My whole body is trembling because of cold rain but heck, I don't care! Walang akong pakealam kung magkasakit pa ako pagkatapos ko dito. Wala akong pakealam kung ano pang mangyari sa akin ngayon!
My mom's dead and now, I'm all alone! Ano pa bang mas malalang mangyayari sa akin? Wala na, hindi ba? This is already the worst case scenario for me! I lost my mom and now, I'm here, asking the whole damn universe why did this happened to us?
"Adira, that's enough." I heard my friend said. I didn't bother to look at her and just continue looking at my mother's grave. Nakayuko lang ako at pinagpatuloy sa pagluluksa sa pagkawala ng ina. "Adira..."
"Mauna na kayo." Malamig na turan ko at mariing ikinuyom ang mga kamao. "Uuwi rin ako mayamaya. Just... just let me stay here. I need to be. With my mother. Alone."
"Adira, lalong lumalakas ang ulan. Magkakasakit ka kapag magtagal ka pa dito," anito at sinubukang hawakan ang kamay ko. Napapitlag ako at agad kong inilayo ang kamay sa kaibigan at maingat na binalingan ito.
"Mauna na kayo, Amy," ulit ko dito at nag-iwas muli nang tingin. Muli kong tiningnan ang puntod nang ina at kinagat ko ang pang-ibabang labi. Hindi ko na muling narinig pa ang boses ni Amy at tahimik na iniwan ako. Napabuntong-hininga na lamang ako at dahan-dahang kinuha sa bulsa ang inabot kanina sa akin ng isa sa matalik na kaibigan ni Mama.
"Seriously?" Naiiling na tanong ko at lumuhod sa harapan ng puntod ng ina. "After all your hard works and sacrifices, ito lang ang natira sa'yo? They betrayed you and took everything you established, Ma. Hindi dapat ganito." Galit na sambit ko at mariing hinawakan ang singsing na pagmamay-ari ng aking ina. "Ilang beses ko nang sinabi sa'yo ito noon, Mama. Hindi ka dapat nagtiwala sa mga taong iyon! Look! Tingnan mo kung nasaan ka ngayon!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. I cried. Again. I cried till I run out of tears. Ito na lamang ang kaya kong gawin ngayon. Ang umiyak hanggang sa maubos ang lahat ng sama ng loob ko sa pagkawala ng aking ina.
Simula pagkabata, si Mama na ang kasama ko. I never met my father. Mag-isa akong pinalaki ni Mama at noong magsimula na akong pumasok sa kolehiyo, pansamantalang naiwan ko si Mama sa bahay namin at nanirahan sa isang dormitoryo malapit sa universidad na pinapasukan ko. Naging abala ako sa pag-aaral samantalang naging abala rin ito sa pagtulong sa mga kamag-anak naming may mga negosyo.
Noog una ay tutol pa ako sa pagtulong ni Mama sa mga kamag-anak niya. Wala naman silang naitulong sa amin kaya naman nakapagtatakang sila pa ang lumapit dito para manghingi nang tulong sa negosyo nila. Ilang buwan din ang lumipas bago ako makumbinse ng aking ina na ayos lang na tumulong ito sa kanila. Nagagalak nga ito dahil kahit papaano ay may naiaambag siya sa pamilya namin.
She even invested all our money to their company and now, now that my she's gone, died, everything we used to own are gone too!
"Ang kakapal nila." Mahinang turan ko at mabilis na pinunasan ang mga luha ko. Mariing kong kinagat ang pang-ibabang labi at pilit na ikinakalma ang sarili.
Napatingala ako at dinama ang patak ng ulan sa mukha ko.
"Ano na ang gagawin ko ngayon, Mama? Anong gagawin ko sa singsing na iniwan mo sa akin? Paano ko bubuhayin ang sarili ko ngayon? Ma... bakit... damn!" Napailing na lamang ako at muling tiningnan ang puntod ng ina. "I need to survive, right, Mama? I need to keep moving, to keep living. Iyon naman ang gusto mong gawin ko, hindi ba?" Tanong ko dito at hinaplos ang kamay sa lapida kung saan nakaukit ang pangalan nito.
Mapait akong napangiti at muling nag-unahan ang mga luha ko sa mga mata.
Ilang minuto akong nanatili sa posisyon ko hanggang sa makitang tumila na ang ulan. Humugot ako ng isang malalim na hininga at maingat na inilapag sa may lapida ang singsing na tanging iniwan sa akin ng aking ina. Tiningnan ko ito nang mabuti at nakapagat na lamang ng pang-ibabang labi. The ring is too old for me. Hindi ko na rin naman ito magagamit kaya naman mas mabuting iwan ko na lang ito dito.
"I don't need this, Ma. Sa'yo ito kaya naman ay dapat lang na iwan ko ito dito kung nasaan ka." Mahinang turan ko at umayos na nang pagkakatayo.
Ramdam ko ang lamig dahil sa basang damit. Napangiwi ako dahil unti-unti kong nararamdaman ang sakit ng katawan ko at noong akmang tatalikod na sana ako, mabilis akong natigilan sa pagkilos. Muli akong lumuhod sa harapan ng lapida ni Mama at mabilis na dinampot ang singsing na inilapag ko kanina sa puntod nito.
"It can't be." Mariing sambit ko at hindi inalis sa singsing ang paningin. Napakurap ako ng ilang beses at noong maaninag ko ito nang mabuti, napaawang ang labi ko. "Panoong nangyari ito?"Mahinang tanong ko sa sarili. Iyong kaninang tila tanso at walang halagang singsing ay nag-iba ang itsura! Tila naging kulay ginto na ito at ngayon ay may kumikinang na bato sa gitna nito! What the hell?
"How... What is this, Mama?" Mahinang tanong kong muli at binalingan ang puntod ng aking ina. "What kind of ring is this?" Dagdag ko pa at mariing hinawakan ang singsing ng ina.
Pabagsak kong inihiga ang katawan sa kama at mariing ipinikit ang mga mata.
Ramdam ko ang pananakit ng buong katawan ko. Ni hindi ko nga maigalaw ang mga daliri ko! Damn! Dahil ito marahil sa ilang oras na pagkababad ko sa ilalim ng ulan kanina.
"Damn it!" Bulalas ko at humugot ng isang malalim na hininga.
Hinayaan kong makapagpahinga ang katawan ko at natulog na lamang. I need to rest. Kailangan kong magpahinga para naman magkaroon ako nang sapat na lakas na harapin ang mga taong nanloko sa kawawa kong ina.
Kinabukasan, ramdam ko pa rin ang pananakit ng buong katawan ko. Panay ang mura ko sa isipan dahil sa sama nang pakiramdam ko. Maingat ang bawat galaw ko hanggang sa umalis na ako sa bahay namin. Muli akong bumalik sa kompanya ng kamag-anak namin at kagaya noong huling pakikipag-usap ko sa kanila, ganoon pa rin ang mga katagang binitawan nila sa harapan ko.
"Nalugi ang investment ng Mama mo, Adira. Wala kaming maibibigay sa'yo."
"Pero Tito, imposible po iyang sinasabi mo." Mariing sambit ko. "Kung nalugi ito, hindi ba dapat kasama ang investment niyo? Hindi ba dapat apektado rin po kayo? Nasa iisang kompanya lang kayo ni Mama!"
"Adira, hindi mo alam kung paano umikot ang pera sa business world. Kapag sinabi kong nalugi ito, believe me, mas malala pa ang epekto nito sa kompanya namin."
Masama kong tiningnan ang Tito ko at marahas na tumayo mula sa kinauupuan.
"I may not know how your business work but I'm no child, Tito. Hindi ako pina-aral ng Mama ko para maging walang alam sa mundo. Fine. If you want that money, then go, own it." Seryosong turan ko dito. "My mother trusted you and your company. Sana nga lang ay hindi ka lamunin ng sariling konsensiya mo." Dagdag ko pa at umalis na sa opisina nito.
Napapikit ako at mahigpit na napahawak na lamang sa strap ng bag ko. Humugot ako ng isang malalim na hininga at tiningala ang kulay asul na kalangitan.
Ma, ano na ang gagawin ko ngayon? Paano na ako? Paano na ang pag-aaral ko? Paano ko na ipagpapatuloy ang pangarap mo sa akin?
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at natigilan noong tumunog ang cellphone ko sa loob ng bag. Agad ko itong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag.
"Amy," turan ko noong sagutin ang tawag ng kaibigan ko.
"Nasaan ka ngayon, Adira?" Tanong nito sa kabilang linya.
"Nasa labas ng kompanya ng Tito ko. Katatapos ko lang din itong kausapin."
"Anong balita? May natira raw bang asset ang Mama mo?"
"Negative. Nalugi nga raw iyong investment ni Mama," saad ko at napailing na lamang.
"Nalugi? Nagpapatawa ba sila? Sino naman maniniwala sa pinagsasabi nila?" Tila inis na tanong ng kaibigan ko. "Iba talaga iyang mga kamag-anak niyo, Adira! Ang kakapal talaga ng mga mukha! Imbes na tulungan ka dahil sa nangyari sa Mama mo, mas lalong pinahirapan ka pa talaga!"
Hindi na lamang ako nagsalita at hinayaang mag-rant si Amy sa kabilang linya. Mayamaya lang ay tumigil na ito at sinabi sa akin ang tunay na pakay niya sa pagtawag sa akin.
"I posted the ring online, Adira. Mukhang wala nang interesado sa ganyang singsing sa panahon ngayon."
"Ganoon ba?" I sighed again. "Susubukan ko ngayon sa mga pawn shop. Finals na natin next week. I need funds for my exams."
"Ayos lang ba sa'yong ibenta iyang singsing ng Mama mo? Adira, Iyan lang ang naiwan niya para sa'yo. Sayang naman kung pati iyan ay mawawala na rin sa'yo. Just ask me, Adira. I can help you with your exam fees. Puwede tayong manghiram sa parents ko. Bayaran mo na lang kung may pera ka na."
"Amy, huwag na. Nakakahiya sa magulang mo. At isa pa, huling exam na natin ito. After this, makakapagtapos na rin tayo. I'll just endure this one until we graduate."
"Pero... that's your Mama's ring. Iyan lang ang naiwan niya sa'yo." Ulit nito sa kabilang linya.
"Exactly. Ito lang ang iniwan niya sa akin. Might as well use it."
Pagkatapos nang pa-uusap namin ni Amy, mabilis kong binalik ang cellphone sa bag ko. Hindi ko pa naaalis ang kamay ko sa loob ng bag noong mahawakan ko ang singsing na naroon sa loob. Maingat ko itong kinuha at pinagmasdan nang mabuti.
"I'm sorry, Ma. Pero ito lang kasi talaga ang naiisip kong paraan para magkapera ako ngayon." Mahinang turan ko at ikinuyom ang kamao. "Kukunin ko rin dito. Tutubusin ko rin ito kapag magkatrabaho na ako."
Mabilis akong umalis sa kinatatayuan ko at naghanap ng pawn shop na malapit sa dating kompanyang pinagtratrabahuan ng ina ko.
Pagkalipas ng ilang oras, napahilot na lamang ako sa may sintido ko. I heavily sighed for the ninth times as I leave the pawn shop, another pawn shop to be exact. Pang-ilang shop na ba itong nasa harapan ko? Pang-lima? Pang-anim. At lahat sila ay hindi makita ang halaga ng singsing na dala ko!
No value? Seriously? E, may bato naman ito, ah! Wala akong alam sa mga alahas pero alam kong kahit papaano ay may halaga rin ang singsing na ito! Bakit ba hindi nila makita iyon?
I sighed again.
"Ma..." mariing sambit ko. "Damn this! Kung gusto kong makapag-take ng exam, kailangan kong ma-isangla ang singsing na ito!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top