Wakas: Epilogue
"Anak..." Napalingon ako nang marinig kumatok sa pinto ang aking ama at pumasok sa aking silid habang naghahanda ako sa pagbisita sa palasyo ng Nephos upang pormal na makilala ang kambal na anak ni Tito Ostes. I met them both for a brief moment when I first visited the palace when I was young, pero hindi ko pa sila gaanong kilala, lalo na ang bunsong babaeng anak ng prinsipe.
Even though I have met the young princess during the incident in the enchanted forest before, ngayon ko lang sila pormal na makikilala at maaaring maging kaibigan. I am not sure if the young princess wants to be friends with me, though. For some reason, I think she dislikes my presence a lot. Napansin ko iyon noong sinundan ko siya sa restricted area dahil inutusan ako ni Papa na bantayan siya palagi at huwag hahayaang mag-isa simula noong nanganib ang kanilang buhay ng prinsipe.
Inayos ni Papa ang suot kong bowtie habang seryosong nakatingin sa akin. "I want you to be extra nice towards the young princess, okay?" Bahagyang nagsalubong ang kilay ko sa kanyang sinabi, ngunit agad ko ring nakuha ang ipinapahiwatig niya. "The prophecy chose Princess Astra Calliope to become the next leader of the enchanted home when the time comes. I hope you can try to become good friends with her... I think you already know what I mean, right?"
Napaiwas ako ng tingin sa kanya at nagpakawala ng isang buntong-hininga. I wasn't exactly close with my father since I was young, but I know and can feel how much he cares for me. Tita Arjuanda, my deceased mother's younger sister, told me the truth about my biological father before.
Hindi kailanman nabanggit sa akin ni Papa ang tungkol sa kanyang kakambal na si Gustavo de Grande, ngunit kay Tita Wanda ko naman nalaman na hindi ko pala tunay na ama si Papa. Napag-alaman ko ring si Papa lamang ang kumupkop at umako sa akin noong namatay ang aking tunay na ama kaya nanatili ako sa puder ng de Grande clan.
These past few years, palagi nang bukambibig ni Papa sa akin ang tungkol sa pagkuha ko sa loob ng bunsong babaeng anak ng mahal na prinsipe. Napansin kong noon pa man ay pinapangarap na ni Papa ang magkaroon ng mataas na posisyon sa gobyerno kaya naman noong ipinagkatiwala sa kanya ni Grand Prince Ostes ang kanyang titulo bilang duke ng Nephos ay agad siyang naghanda ng isang enggrandeng selebrasyon.
But lately, napapansin kong tila mayroon pa siyang mas mataas na hinahangad at nararamdaman kong may kinalaman ako roon. Kung ano man iyon ay hindi ko rin alam, but one thing is for sure, hindi ko susundin ang gusto niya kung mayroon akong maaapakang tao o kung mailalagay nito sa panganib ang kaharian at ang mga mahahalagang tao sa buhay ko.
Noong nasa tamang edad na ako, I slowly realized why my father was so fond of the young princess so much, ngunit nang makilala ko nang tuluyan si Astra Calliope Gray ay nagkaroon ako ng iba pang dahilan kung bakit gusto kong mapalapit sa kanya.
The way she slowly descended from the upper floor of the Nephos palace was like watching a goddess descended from the heavens. Hindi ako mapakali nang maramdaman ang pagsunod ng kanyang kuryosong tingin sa bawat kilos ko.
Nang magtama ang tingin naming dalawa ay mas lalo lamang tumindi ang hindi maipaliwanag na kabang nararamdaman ko sa aking dibdib. Naputol lamang ang aming titigan nang biglang magsalita ang mahal na prinsipe sa gitna ng katahimikan. "It looks like there will be a strong connection between your son and my daughter, Gregory!" makahulugang sabi ni Tito Ostes bago sumulyap sa kanyang bunsong anak na babae. "Astra, anak, do you think he could pass as your fian-"
Nagulat ako nang pormal na yumuko ang prinsesa upang bumati sa akin. "Nice to meet you, Lord de Grande..." aniya bago inangat ang malamig na tingin sa akin taliwas sa matamis na ngiti sa kanyang mapupulang labi.
Pakiramdam ko ay tila nanuyo ang aking lalamunan at panandalian kong nakalimutan ang tamang pagbati sa isang miyembro ng royal family habang nalulunod sa kanyang mga mata. Nabalik lamang ako sa realidad nang dugtungan niya ang kanyang sinabi. "My father wants us to become good friends. Ayos lang ba sa'yo?"
Mabilis akong nakabawi at itinago ang kabang nararamdaman sa pamamagitan ng pormal na pagbati at pagsagot sa kanya. "It's an honor to be one of your friends, Your Royal Highness..." mahinahong sabi ko, emphasizing the word 'friends' which made her smile a bit.
Simula noong araw na iyon, pakiramdam ko ay mas lalong tumindi ang kagustuhan kong makilala siya lalo. While looking after her from afar, I slowly became more and more drawn to her.
Astra Calliope has the mindset of a queen and the heart of a warrior. Even after discovering that she doesn't have any magical power, I knew she was powerful enough, not because she wasn't afraid, but because she always faced everything head-on despite the fear. One thing I admire a lot about her ay alam niya kung ano ang gusto niya at ginagamit niya iyon bilang motivation upang harapin ang lahat ng pagsubok na ibinibigay sa kanya.
Other women fear the fire, but Astra Calliope chooses to become it. Sabi ni Papa, the most dangerous woman is the one who refuses to rely on someone else's sword to save her because she carries her own.
"Well, let me tell you something, Garethe de Grande..." she trailed off before looking at me intently with her cold emerald eyes. "I appreciate your effort to look after me all the time, but I don't need it. Just leave me alone and stop acting like a hero because I am not a freaking damsel in distress."
Although Astra never shows that she needs to rely on anyone, her twin brother knows her a little too much. "Sometimes, she tends to push away what she truly wants because she wants it too much, and it scares her. She tends to push people away and act like she doesn't need anyone, but in reality, she just needs someone patient enough to stay by her side and make her feel that she isn't alone. She cares for people too much, and that can be either her greatest weakness or strength," seryosong sabi ni Sage nang mapag-usapan namin ang kalagayan ni Astra matapos siyang ma-demote sa Class B.
Simula noong magkakilala kami ni Sage matapos ang insidente sa enchanted forest ilang taon na ang nakalilipas ay agad kaming nagkasundo. Nang malaman niyang may sakit ang kanyang ama at napansin niyang tila lalo lamang lumalala ang karamdaman nito habang ginagamot ay isa siya sa mga unang taong naghinala kay Papa.
Imbis na itago sa akin ang kanyang hinala ay sinabi niya agad ito sa akin kaya tinulungan ko siya sa pagkalap ng mga ebidensya. Sage knew that I would always choose what's best for the enchanted home and for the people I care about, even at the cost of my clan's dignity. Isa siguro iyon sa dahilan kung bakit mabilis kaming nagkasundo at tumatag ang aming pagkakaibigan.
Nang matuklasan namin ang ginagawa ni Papa kay Tito Ostes ay agad kaming naghanap ng makakalap na ebidensyang maaari naming gamitin laban sa kanya upang masagip ang mahal na prinsipe. Sa tulong ni Tita Wanda ay pinapalitan namin sa isang royal healer ang gamot na iniinom ni Tito Ostes at simula noon ay panandaliang bumuti ang karamdaman ng mahal na prinsipe.
We immediately conducted a secret investigation against my father hanggang sa maungkat din namin ang madilim na nakaraan tungkol sa aking tunay na ama at kay Papa sa tulong din ni Tita Arjuanda.
We gathered people willing to dedicate their lives to help us protect and keep the peace within the enchanted home and help those in need. Hindi kalaunan ay unti-unting lumaki ang aming grupo nang matipon din namin ang iba't ibang miyembro mula sa iba't ibang rehiyon na nais ding panatilihin ang kapayapaan sa aming kaharian at maparusahan ang lahat ng may sala sa ngalan ng hustisya.
Noong una ay napag-usapan na namin ni Sage ang tungkol sa battle for the throne na magaganap pagkatapos ng patimpalak para sa The Chosen Ones. Ang nag-iisa naming naisip na paraan upang makakuha ng tiyempo para mailantad ang katiwalian ng aking ama ay ang pagkakapanalo ni Sage sa laban upang siya ang mapiling maging susunod na tagapagmana sa trono ng mahal na prinsipe. But after the qualifier finals for The Chosen Ones, tila nag-iba ang ihip ng hangin at biglang umayon sa aming plano ang tadhana.
The moment we found out that Sage was chosen by the prophecy to be the successor to the throne, naghanda agad kami ng panibagong plano dahil sa biglaang pagbilis ng mga pangyayari. My cousin, Serena de Grande, was one of the greatest allies in our organization who helped us gather information about my father's plans. Ang pinakagumimbal sa aming lahat ay ang plano ni Papa na ipapatay ang crown prince sa mismong araw ng coronation.
The morning before the coronation day, umuwi kami ng pinsan kong si Serena sa aming bayan at naabutan ko si Papa kausap ang ilan sa mga pinuno ng de Grande clan na kabilang sa listahan ng mayroong itinatagong katiwalian. Nagkatinginan agad kami ng pinsan ko at nanatiling alerto sa maaari naming makalap na impormasyon tungkol sa mga gagawing hakbang ni Papa. Dahil kabilang kami sa aming clan, sigurado akong hinding-hindi kami pagdududahan lalo na't hindi nila alam na may ugnayan kami ng crown prince.
"Ako mismo ang nag-suhestiyon kay Ostes tungkol sa pagpapasa ng trono sa kanyang bunsong anak na lalaki," rinig kong panimula ni Papa habang nagtatago kami ni Serena sa kabilang silid at nakikinig gamit ang isang magic tool na pinahiram sa amin ni Cygnus Maverick mula sa Camp Asteres. "Hindi ako makapaniwalang hindi pa rin nagbabago ang itinakda ng propesiya! Akala ko pa naman ay magbabago na ang kapalaran ni Astra dahil hindi lumabas ang kanyang kapangyarihan!"
"Ano na ang plano mo ngayon, Gregory?" pabulong na tanong ng ama ni Serena sa kanya. "Akala ko ba ay gusto mong ipakasal ang panganay mong anak sa prinsesa kapag naupo na ito sa trono? Bakit kailangang idaan mo pa sa prinsipe ang plano? Hindi ba't mas lalo tayong mahihirapang makuha sa kanya iyon?"
Magiliw na humalakhak si Papa kaya napatiim ang aking bagang. "You'll see why..." makahulugang aniya na nagpatindi sa paghihinala ko. "Sinisigurado kong mapapasakamay ng anak ko ang trono ng Nephos kahit anong mangyari."
Agad kaming tumungo ni Serena sa forsaken village at inimbitahan ang mga pangunahing miyembro sa isang mabilisang pagpupulong upang ilahad sa kanila ang aming nalaman. "There is no doubt that Papa will do something to prevent you from getting the throne on the coronation day tomorrow, Sage. Sa pagkakakilala ko sa kanya, alam kong gagawin niya ang lahat upang makuha ang gusto niya. I'm worried that you and your family's lives might be in danger," nag-aalalang sabi ko kay Sage.
Itinukod ni Sage ang kanyang dalawang kamay sa mahabang lamesa at umigting ang kanyang panga. Pagkalipas ng ilang sandaling pananahimik upang mag-isip ay muli siyang nagsalita. "Let's set up a trap on the day of the ceremony," seryosong aniya bago inilipat ang tingin sa akin. "Use me as your bait."
Nagsalubong agad ang kilay ko nang hindi makuha ang kanyang sinabi. Ipinaliwanag agad ni Sage sa amin ang nais niyang mangyari na ikinagulat naming lahat. He told us about his bait-and-switch plan and asked for our full cooperation.
He will first try to bait the assassins who would try to execute him in the enchanted forest, while the rest of us would dress up like him and blend in with the crowd to confuse them. Pagkatapos ay pupuslit ang prinsipe sa isang liblib na daan patungong kapitolyo at tutungo sa dating tinitirhan ni Tita Arjuanda upang maghanda bago dumiretso sa seremonya sa palasyo nang walang nakakapansin.
Aniya'y sa oras na tuluyan niyang makuha ang trono ay mas madali na siyang makakakilos at makakagawa ng paraan upang mapatalsik sa posisyon ang aking ama at mailantad ang katiwalian ng ilan sa mga miyembro ng de Grande clan.
"Paano kung ang plano pala ni Tito Gregory ay ipapatay ka sa mismong seremonya?" nag-aalalang tanong sa kanya ng pinsan kong si Guillone.
Mabilis na umiling si Sage at umayos ng tindig. "I'm a hundred percent sure he wouldn't dare to do that. Para na rin niyang inilantad ang kanyang sarili sa harapan ng mga opisyal ng Nephos at ng Galaxias kung ganoon. The palace would be heavily guarded, not only by the Nephos soldiers but also by the deployed soldiers from Camp Asteres sent by Tito Remus and Tito Romulus," siguradong aniya.
"But what if it fails?" seryosong tanong ko na nakakuha ng atensyon ni Sage.
Nagpakawala siya ng mahabang buntong-hininga bago seryosong tumingin sa akin. "If everything goes wrong, I want you to take charge of everything from then on, Garethe."
Napataas ang isang kilay ko sa kanyang sinabi. "And what do you mean by that?"
Nagkibit-balikat siya. "I don't know... Maybe take over the throne for me?"
Umiling ako at napatiim-bagang. "You know I can't do that, Sage. I can't, and I won't," mariing sabi ko. "Besides, para na rin nating ibinigay kay Papa ang gusto niya kung susundin ko ang gusto mong mangyari. Bakit hindi na lang natin sundin ang tunay na isinasaad ng propesiya?"
Bumagsak ang tingin ni Sage sa lamesa at napansin ko ang bahagyang pag-igting ng kanyang panga. "May tiwala ako sa kakayahan ni Astra, pero wala akong tiwala sa mga taong nakapalibot sa kanya. I don't want to give such a huge responsibility to my twin sister and just leave her alone. I can't afford to risk my sister's life for this," namamaos na aniya bago seryosong inangat ang tingin sa amin. "Look, there's no such thing as a perfect plan, but I want you to put your faith in me, guys. I cannot promise that this will work, but if anything goes wrong, I want you to put your trust in Garethe because he'll know what to do."
Huminga ako nang malalim at isa-isa ring pinasadahan ng tingin ang mga tao sa silid kung saan kami nagpupulong ngayon. "I cannot promise you anything, either. But I'll do my best to ensure that the enchanted home will never fall into the hands of my malevolent father," I said with full conviction.
Pagkatapos ng aming naging pagpupulong ay sabay kaming naglakad ni Sage pabalik sa kapitolyo gamit ang tagong daan sa kagubatan. Napansin ko ang kanyang pananahimik simula kanina pa kaya agad akong huminto sa paglalakad at tinapat siya.
"Seryoso ka ba sa sinabi mo kanina?" diretsong tanong ko na nagpahinto at nagpalingon sa kanya. "Please tell me you're lying because I don't want to take the throne. I don't think I can lead the enchanted home, Sage."
Bahagya siyang natawa sa sinabi ko at napailing. "I just want our people to put their faith in you because I know you will make sure that Astra will take what's supposed to be hers," aniya bago inabot sa akin ang isang maliit na sobre na mayroong tatak ng mahal na prinsipe ng Nephos. "I want you to give this letter to Manang Wanda when the right time comes, no matter what..."
Nagsalubong ang kilay ko nang tanggapin ang inabot niyang sobre sa akin, ngunit agad akong napatiim-bagang nang mapagtanto ang ibig sabihin nito. "Are you doing this plan because you are certain you won't survive?" mariing tanong ko na nagpapawi sa ngiti niya.
Nag-iwas siya ng tingin sa akin at tumingala sa bughaw na kalangitang natatabunan ng matatayog na puno. Naikuyom ko ang aking kamao nang mapagtanto ang kahulugan ng kanyang katahimikan. "You've got to be kidding me, Callix Sage..." I whispered out of disbelief.
Nakapamulsa niyang ibinalik ang tingin sa akin at sumeryoso. "Kaya nga ngayon pa lang ay ipinagkakatiwala ko na ang buhay ng kapatid kong si Astra sa iyo, Garethe... Sabi ng propesiya ay ako lamang ang magbibigay-daan para sa kanyang tagumpay, and if this is what the prophecy meant by that, I want you to make sure that my twin sister will rightfully claim what's supposed to be hers no matter what. Can I trust you with that?"
Kinalas ko ang nakakuyom na kamao at nagpakawala ng malalim na hininga bago nag-iwas ng tingin. "I cannot promise you anything..."
Napaangat muli ang tingin ko kay Sage nang ipatong niya ang isa niyang kamay sa balikat ko. "I trust you with my life, Garethe. At alam kong may nararamdaman ka para sa kapatid kong si Astra," makahulugang aniya na nagpasinghap sa akin.
I knew Sage was the first to notice my growing attraction toward her twin sister. Hindi ko alam kung kailan at paano niya nalaman iyon pero isang araw ay kinumpronta niya na lang ako bigla tungkol dito.
"If you want my sister to be an angel in your life, then you must first create heaven for her because angels do not live in hell. Only then will I see you as someone worthy enough for her." Isa iyon sa mga sinabi niyang pinakatumatak sa akin, kaya naman simula noon ay nagpursigi ako upang patunayan ang sarili ko na karapat-dapat ako para kay Astra.
"I know my sister too well, Garethe... Hindi ako tutol sa kung ano mang nais mong gawin upang maiparamdam mo kay Astra ang pagmamahal mo, pero sana lang ay huwag mong iparamdam sa kanya na wala siyang karapatang magdesisyon para sa sarili niya," ani Sage bago seryosong tumingin sa akin. "Gusto niyang maranasang umibig nang totoo sa taong nais niyang makasama hanggang sa pagtanda. So if you really want to marry my sister someday, do everything you can to deserve her and make her fall for you naturally."
"Alright..." namamaos na sabi ko. Umangat ang isang gilid ng kanyang labi dahil sa tugon ko bago itinapat sa akin ang kanyang kamao na agad ko namang tinanggap.
Hanggang sa pag-uwi ko sa aming bayan kinagabihan ay nagpaulit-ulit sa aking isipan ang sinabi ni Sage sa akin. Agad namang napawi ang lahat ng iniisip ko nang makita si Papa na may kausap sa hardin na isang taong nakasuot ng purong itim na kasuotan at natatakluban ang kalahati ng kanyang mukha.
Mabilis akong nagtago sa gilid ng entrada ng aming mansion at pinagmasdan sila mula sa distansya. Napakunot ang noo ko nang dahan-dahang tanggalin ni Papa ang kanyang singsing na may lamang itim na likido at nilipat ang kalahati nito sa isang maliit na vial bago inabot sa kanyang kausap. Pagkatapos ay pinanood niya itong lumabas sa back door ng aming mansion.
Naghintay muna ako ng ilang minuto sa aking pinagtataguan bago pumasok sa aming bahay. Bakas ang gulat sa mukha ni Papa nang salubungin niya ako sa bulwagan at halatang kakapasok niya lang din sa loob ng aming bahay. "Oh, anak! Maaga ka yatang nakauwi ngayon?" medyo gulat na tanong niya sa akin.
Ibinaba ko ang tingin sa kanyang singsing na pa-simple niyang itinago sa kanyang likod. "Maghahanda po kasi ako para sa gaganaping coronation ceremony ng prinsipe bukas," mahinahong sagot ko bago inangat ang tingin sa kanyang mga mata.
Hindi nakatakas sa aking paningin ang kakaibang emosyong dumaan sa kanyang mga mata na agad niyang itinago sa isang ngisi. "Gano'n ba? Oh, sige... Magpahinga ka na, anak," aniya bago umambang maglalakad na pabalik sa kanyang opisina, ngunit napahinto siya nang tapatin ko siya.
"Papa, bakit parang paubos na ang lamang likido ng singsing mo?" diretsong tanong ko sa ama.
Nanatili siyang nakatalikod sa akin at hindi nakatakas sa aking paningin ang bahagyang pangangatal ng kanyang mga daliri sa kamay. "Ah, na-natapon kasi kanina noong nagtitimpla ako ng sarili kong kape..." sagot niya bago ikinubli ang kabang nararamdaman sa isang mahinang tawa.
"Buti ay hindi napahalo sa iniinom niyo iyon... Sa susunod ay mag-iingat po kayo," kunot-noong sabi ko bago nagkibit-balikat at umambang maglalakad na paakyat sa hagdan ngunit napahinto ako sa huli niyang sinabi.
"Oo nga, mabuti na lang dahil kung hindi ay paniguradong ikamamatay ko ito," natatawang aniya bago naglakad papasok sa kanyang opisina.
Namilog ang aking mga mata at walang pag-aalinlangang tumakbo pabalik sa kapitolyo upang hanapin si Sage na sa pagkakaalala ko ay nakipagkita sa kanyang kakambal sa enchanted forest ngayon.
Ibig sabihin ay lason pala ang nilalaman ng kanyang singsing at iyon ang inabot niya sa taong kausap niya kanina sa tapat ng bahay? Kung ganoon, ano ang pakay ng taong iyon at bakit siya kinausap ng Papa ko ngayong dis-oras ng gabi? Kanino nila ito gagamitin? Kay Sage ba? Binago ba nila ang kanilang gagawing pag-atake?
"Shit..." I cursed under my breath as I tried to fly faster towards the enchanted forest using my wings, ngunit pagkarating ko sa enchanted forest ay huli na ang lahat. Nanginig ang nakakuyom kong mga kamao nang makitang luhaan si Astra habang nasa kandungan niya ang walang malay na si Sage.
Walang pag-aalinlangan akong tumakbo palapit sa kanila kaya napaangat ang tingin niya sa akin. For the first time in my life, I have seen her heart and soul through her eyes. Nawala ang lamig sa kanyang mga mata na ginagamit niya noon upang maikubli ang emosyong kanyang nararamdaman. For the first time in my life, I have seen her show that she needs a shoulder to rely on.
Nang makita ko ang galit sa mga mata ni Astra habang tinutulak niya ako palayo ay tila dinudurog ang puso ko, but I know I can never blame her anger towards me. After all, kasalanan ko naman talaga kung bakit namatay ang kapatid niya.
Sana noong nakita ko pa lang ang taong inutusan ni Papa na ipapatay si Sage ay pinigilan ko na siya. Sana mas mabilis kong napagtanto ang binabalak ni Papa noong gabing iyon. Sana mas mabilis akong nakalipad pabalik sa kapitolyo at nahanap silang dalawa. If only I came a little bit sooner... If I had arrived a little faster, I could have saved her brother's life.
"Astra, if you need any help, you know you can always count on me-" Agad akong napahinto sa pagsasalita at paglalakad nang bigla niya akong harapin at titigan nang matalim.
"I appreciate your offer, but you should have kept that to yourself, Garethe..." malamig na aniya bago nag-iwas ng tingin at tinalikuran ako. "I went through one of the worst situations in my life without anyone by my side, so you cannot tell me I can't do anything on my own." Gusto ko sana siyang sundan o pigilang umalis ngunit tila nanigas ako sa aking kinatatayuan.
Astra is brave, strong, and full of fire. She is as gentle as a cloud and as fierce as a storm. No one could ever stop her because her passion burns brighter than her fears. She made me realize that nothing can ever dim the light that shines from within. She made me believe that not all the clouds in the sky come to bring darkness- some come to make the sunsets more beautiful.
It's her heart of gold that makes her even more beautiful. She's a warm light that gives warmth to the people around her, and I will never regret being a light that made her path even brighter. I don't think I could ever love someone else in this world as much as I love her.
Dahan-dahan kong isinara ang suot kong locket na mayroong litrato niya at hinubad ito bago iniwan sa sulong ng aking bedside table. Itinaas ko ang hood ng suot kong jacket bago tahimik na umalis sa aking tinutuluyan sa kapitolyo upang tumulak patungong istasyon ng tren ng Galaxias. Nang makarating sa istasyon ay naupo muna ako sa isang bench habang naghihintay sa sasakyang tren paalis ng Nephos.
Para sa akin ay sapat nang masiguro ang kaligtasan ni Astra bago ako tuluyang umalis sa kanyang tabi. At isa pa, alam kong marinig ko lamang ang boses niya sa huling pagkakataon ay magbabago na ang isip ko at baka hindi na ako tumuloy pa sa pag-alis. And I know that saying goodbye to her before I go will only become more painful for me because I know I will never be able to say hello to her again.
Gusto kong umalis upang hayaan siyang makalimutan ang lahat ng sakit na idinulot ko at ng pamilya ko sa kanya. I want to give her the full closure she needs because I know seeing me will only remind her of the pain of yesterday. Astra deserves all the love and happiness this whole world can give. She deserves better than everything she has suffered, and I don't want to cause her any more pain.
"Lord Garethe Columbus of the de Grande clan." Napawi ang lahat ng iniisip ko at napaangat ang tingin sa nagsalita. Nagsalubong ang kilay ko nang makita ang isang hilera ng mga kawal ng Nephos sa aking harapan na lumapit sa akin bago hinawakan ang magkabila kong braso.
"A-anong ibig sabihin nito?" naguguluhang tanong ko sa kanila.
"Ipinag-uutos ni Queen Elizabeth na arestuhin ka sa salang pakikipag-ugnayan sa taong nagpapatay sa namayapang Grand Prince Ostes at Prince Callix Sage ng royal family," sabi ng pinuno ng royal guards na dumampot sa akin.
Napabuntong-hininga na lang ako at hinayaan silang dalhin ako patungo sa palasyo ng Nephos. Napangiti ako nang malungkot sa sarili nang maisip ang nararamdaman ni Astra. Oo nga naman, masyadong makasarili ang gusto kong mangyari. If this is what would ease her mind and forget all the pain of yesterday, handa akong ibigay sa kanya ang ninanais niya...
"Didn't you promise to never leave me?!" Natulala ako sa babaeng nakatayo sa harapan ko ngayon matapos akong pakawalan ng mga guwardiyang bumitbit sa akin dito sa bulwagan ng palasyo ng Nephos.
Naitikom ko ang nakaawang na bibig at nabalik sa realidad nang humalukipkip siya at pinagtaasan ako ng isang kilay. I cleared my throat before speaking. "Sinigurado ko lang na ligtas ka bago ako tuluyang umalis..." namamaos na sagot ko sa kanya bago ibinagsak ang tingin sa sahig. "You've already suffered enough because of my family, and I don't want to cause you any more pain."
Bakas sa mukha ng mahal na prinsesa ng Nephos na hindi niya nagustuhan ang naging sagot ko kaya hindi bumaba ang nakataas niyang isang kilay. "Oh, tapos?"
Binasa ko ang ibabang labi bago nagpakawala ng isang mahabang buntong-hininga. Naramdaman ko ang dahan-dahan niyang paglapit sa akin at nang huminto siya sa harapan ko ay muli kong inangat ang tingin sa kanya. Nagulat ako nang bigla niya akong kuwelyuhan at nilapit ang kanyang mukha sa akin kaya hindi ko na napigilan ang pagbaba ng tingin ko sa kanyang mapupulang labi. "You really have the nerve to leave me without saying goodbye!?" singhal niya sa akin.
Nakahinga lamang ako nang maluwag nang pakawalan niya ako, ngunit nanatili pa rin ang mahigpit na kapit niya sa aking damit. Napalunok ako nang ilabas niya ang liham na ipinadala ko sa kanya kanina bago ako tuluyang umalis ng Nephos. "And you dare to leave me alone after saying what you truly feel towards me!" dagdag niya bago hinampas ang aking dibdib. Hindi nakatakas sa aking paningin ang pangingilid ng kanyang mga luha sa mga mata.
Marahan kong inangat ang kanyang baba at hinuli ang kanyang tingin. Inawang ko ang aking bibig upang magsalita ngunit tila naubusan ako ng sasabihin. Her set of prominent emerald eyes that matches the off-shoulder emerald ball gown she's wearing right now shone because of her tears.
"I want you to know that I'm really sorry for pushing you away when I had only meant to bring you closer," sinserong aniya. Mas lalong pumungay ang kanyang mga mata habang nakatingin nang diretso sa akin. Isinandal niya ang kanyang noo sa kaliwang bahagi ng aking dibdib at nagpatuloy sa pagsasalita. "You're also special to me, Garethe... I can't explain with just words how much you mean to me, but you're the only one who can make me feel this way even before. You're the only one I am afraid of losing and the one I want to keep in my life."
Muli kong inangat ang kanyang baba at hinuli ang kanyang tingin bago marahang pinalis ang kanyang mga luha at hinagkan ang kanyang noo. Hindi ko na napigilan ang pagtakas ng isang ngiti sa aking labi nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit at itinago ang kanyang mukha sa aking dibdib. "And I want you to stay with me for the rest of my life, de Grande. Yes, this is an order," sabi ni Astra gamit ang isang maliit na boses na tuluyang nagpahalakhak sa akin.
Hinampas niya ang aking braso habang itinatago pa rin ang kanyang mukha sa aking dibdib kaya mas lumawak ang ngiti ko. Dahan-dahan akong bumitiw sa kanyang yakap at pinagmasdan ang kanyang namumulang mukha.
Nakangiti akong umatras upang bahagyang dumistansya sa kanya bago yumuko at marahang dinampi ang aking labi sa likod ng kanyang kanang kamay upang magbigay-pugay sa mahal na prinsesa at nag-iisang babaeng handa kong pag-alayan ng aking buong buhay.
"Your wish is my command, my princess..." pormal na sabi ko na siyang nagpasilay ng isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top