Kapitulo XXVIII - Will

Sunod-sunod akong napailing habang marahang tinatapik ang pisngi ng aking kapatid. "S-Sage, gumising ka, please! Nangako ka sa aking hindi mo ako iiwan, 'di ba?" humihikbing sabi ko. Inangat ko ang nanlalamig niyang kamay at ipinatong ito sa aking pisngi. "Huwag mo naman akong biruin nang ganito! Gusto mo lang makita ang reaksyon ko kapag nawala ka sa 'kin, 'di ba? Heto na, oh! Itigil mo na 'to, please..."

Gamit ang nanginginig na kamay ay sinubukan kong tanggalin ang metal na palasong nakabaon sa kaliwang bahagi ng dibdib ng aking kapatid. Nang maramdaman ang presensya ng matapang na uri ng lason sa talim ng palaso nito ay kumabog ang dibdib ko. Lalong nanlabo ang aking paningin dahil sa pamumuo ng panibagong luha nang walang maramdamang pulso mula kay Sage.

Niyakap ko nang mahigpit ang walang malay kong kapatid habang pinipigilan ang sariling humagulgol. Pakiramdam ko ay lalong dinudurog ang puso ko nang unti-unting rumehistro sa aking isipan ang nangyari. 

Dahan-dahang napaangat ang tingin ko nang may makitang hubog ng taong tumatakbo papalapit sa amin mula sa kadiliman ng kagubatan. Pinalis ko ang aking mga luha at sinubukang kilalanin kung sino iyon. Nang tuluyan siyang makalapit sa amin ay pumungay ang kanyang mga mata habang nagpapabalik-balik ng tingin sa aming dalawa ng kapatid ko.

Lumuhod si Garethe sa harapan ko bago marahang pinalis ang aking mga luha sa pisngi. "Astra..." Bumagsak ang tingin ko sa dala niyang pana at mga palaso na unti-unting nagpakunot ng noo ko. Sinubukan niyang hulihin ang aking tingin at napansin ko ang paglambot ng ekspresyon ng kanyang mukha. "Were you hurt?"

Unti-unting nanikip ang aking dibdib nang may mabuong hinuha. Agad kong iniwas ang aking mukha sa kanya at tinulak papalayo ang kanyang kamay na ikinagulat niya. "S-stay away from me, you monster!" nanggagalaiting sabi ko sa kanya bago nilayo ang aking kapatid mula sa kanya.

Sinubukan niya muling lumapit sa akin ngunit walang pag-aalinlangan ko siyang tinulak kaya nabuwal siya sa pagkakaluhod. Mas lalong pumungay ang kanyang mga mata kaya napaiwas ako ng tingin. "Astra, calm down..." mahinahong tawag niya sa akin.

Dahan-dahan kong ibinaba ang katawan ng aking kapatid sa lupa at ginamit ang natitirang lakas upang piliting tumayo. Agad din siyang tumayo upang subukan akong alalayan ngunit tinampal ko agad palayo ang kanyang kamay at umatras palayo sa kanya. "Anong ginagawa mo rito, huh? May kinalaman ka ba sa nangyari, de Grande!?" I accused him angrily.

Namilog ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ko at sunod-sunod na napailing. "Of course not! Astra, what are you—"

"Liar!" I hissed. Kahit nanlalabo at nagdidilim na ang aking paningin ay sinubukan ko pa ring umatras papalayo kay Garethe. Itinuro ko ang pana at palasong nilapag niya sa lupa na agad niya ring sinulyapan. "Then why are you roaming around the enchanted forest this late while carrying a bow and a quiver full of metal arrows, huh?"

"It's not what you think—"

"A metal arrow with poison magic at its tip pierced through my brother's heart from a distance which instantly took his life," namamaos na sabi ko na pumutol sa kanyang nais sabihin. Sinubukan niyang lumapit sa akin upang hawakan ang aking siko ngunit ginamit ko ang natitira kong lakas upang itulak siya papalayo. "And you, Garethe Columbus de Grande, is walking with a bow and a set of metal arrows in the darkness of the enchanted forest the night before my twin brother's coronation. Coincidence? I think not."

A new set of tears pooled in my eyes when I looked at the corpse of my twin brother again. "All his life, Sage has always been a good person and a perfect brother to me... I cannot think of any sensible reason for someone to take his life away like this without any signs of remorse!" Ikinuyom ko ang aking mga kamao habang nakatingin sa kanya gamit ang nanlilisik na mga mata. "Unless... someone close to him betrayed him for their own greed and satisfaction."

Suminghap siya at sunod-sunod na napailing sa mga akusasyon ko sa kanya. "Astra, please hear me out first..."

Umiling ako bago tumawa nang may bahid sarkasmo. "And you think I would listen to your explanations? First of all, there is literally no reason for you to be here, Garethe," mariing sabi ko. "At isa pa, isn't it a bit coincidental for you to be here at the exact time and place where my brother was assassinated?"

Pagod niyang hinilamos ang palad sa kanyang mukha at napansin ko ang bahagyang pamumula ng kanyang mga mata nang muli niyang inangat ang tingin sa akin. Mas lalong nanikip ang aking dibdib nang marahan niyang hawakan ang aking siko habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko kaya napaiwas ako ng tingin. "Astra, I didn't kill your brother..." mahinahong aniya.

Inawang ko ang aking bibig upang habulin ang aking paghinga nang maramdaman ang pagtindi ng paninikip nito. My vision became even more blurry, and my head felt lighter. Bago ako tuluyang mabuwal sa pagkakatayo ay nasalo niya agad ako ngunit pinilit kong magpumiglas sa kanyang pagkakahawak kahit tila wala itong epekto.

"Stay away from me, de Grande," pagmamakaawa ko sa kanya habang humihikbi at sinusubukang alisin ang kanyang kamay na nakasuporta sa akin kahit nanlalambot na ako. "Y-you're a murderer..."

Tuluyang nagdilim ang aking paningin kasabay ng pagbigat ng aking katawan. Ang huli kong nakita ay ang namumungay na mga mata ni Garethe habang paulit-ulit na sinasambit ang aking pangalan bago ako tuluyang nawalan ng malay.

"Sinong magsasabi sa prinsesa tungkol dito? Masyado nang mabigat para sa kanya ang pagkamatay ng kanyang kakambal... Hindi ko alam kung makakaya niya pa ba itong tanggapin ngayon."

"Pero kung hindi natin sasabihin sa kanya ang tungkol dito, baka maging huli na ang lahat..."

Nagsalubong ang aking kilay dahil sa narinig habang dahan-dahang iminumulat ang aking mga mata. Bumungad sa aking paningin ang kisame ng aking silid sa palasyo ng Nephos. Agad akong dinaluhan ng mga tagapaglingkod na nagbabantay sa akin nang makita akong magising. 

Napansin kong nakaupo sa aking tabi ang royal healer na gumamot sa akin noong huli akong nagkasakit sa kapitolyo ng Galaxias. Sa kanyang tabi naman ay nakatayo si Manang Wanda na sa tingin ko ay isa sa narinig kong nagsalita kanina.

Kahit sumasakit pa rin ang aking ulo ay pinilit kong bumangon mula sa pagkakahiga. Hinilot ko ang aking sentido at pilit inangat ang tingin kay Manang Wanda na bakas ang pag-aalala at lungkot sa mga mata. Tears slowly pooled in my eyes when I remembered everything that had happened earlier. "Si Sage po?" namamaos na tanong ko sa kanya.

Umupo sa tabi ko si Manang Wanda at pinalis ang nag-uunahan kong mga luna habang umiiling. Bumagsak ang aking tingin sa nanginginig kong mga kamay at tinutop ang aking bibig nang hindi na napigilan ang mapahagulgol. "Astra, hija... Hinahanap ka ng Papa mo ngayon," malungkot na sabi niya na muling nagpaangat sa tingin ko.

Abot-abot ang pagtahip ng aking puso habang naglalakad patungo sa silid ni Papa dahil sa kakaibang kabang nararamdaman kasabay ng sakit na nararamdaman para sa pagkawala ng aking pinakamamahal na kapatid. Sinalubong kami ni Ate Callista na agad pinalis ang kanyang mga luha nang makita kaming papalapit sa silid.

Ramdam ko ang pagbigat ng bawat hakbang ko habang naglalakad palapit sa aking ama. "Papa..." Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata nang maramdaman ang pag-upo ko sa kanyang tabi. Agad kong hinawakan ang kanyang kamay at marahan itong hinaplos. "Kumusta po ang pakiramdam mo?"

Inawang niya ang namumutla at nanunuyong mga labi upang magsalita. "A-Astra, anak... Nasaan ang kapatid mo?"

Napayuko ako at napakagat nang mariin sa ibaba kong labi upang pigilan ang pagtakas ng mga hikbi mula sa aking labi. "I-I'm sorry, Papa," I muttered. "This is all my fault! I couldn't protect my brother..."

Gamit ang nanginginig na kamay ay sinubukan niyang i-angat ang mukha ko upang palisin ang nag-uunahan kong mga luha ngunit tila hindi ito maubos-ubos. Umiling siya at ngumiti nang malungkot sa akin. Mas lalong nadurog ang aking puso nang makita ang pagtakas ng ilang luha mula sa kanyang mga mata. "I know it's not your fault, anak. Please don't blame yourself..."

Nagulat ako nang sunod-sunod na mapaubo si Papa at hindi nakatakas sa aking paningin ang ilang patak ng dugo sa kanyang ginamit na panyo. "Papa!" gulat kong sambit at agad dumalo sa kanya nang mapansin ang paghihirap niyang huminga. Sinenyasan ko ang mga royal healer upang dumalo sa kanya ngunit agad niya akong pinigilan.

Nagpakawala si Papa ng isang mahabang buntong-hininga bago muling nagsalita. "Astra, anak... No matter what happens, never blame yourself for the things you cannot control." Hinawakan niya ang nanlalamig kong kamay habang nakatingin sa akin. "Just remember that I am proud of what you've become today. Please never stop believing in yourself because you are more capable than what you and other people think."

Sinenyasan ni Papa na lumapit si Ate Callista sa amin na agad naman niyang sinunod habang pinapalis ang kanyang mga luha. "Papa..." namamaos na sabi ni Ate Callista bago hinawakan ang kabilang balikat ko at marahan itong pinisil.

Kahit nanunuyo at namumutla ang mga labi ay sinubukan pa ring ngumiti nang matamis ng aming ama habang pinagmamasdan kami ni Ate Callista kaya muling nangilid ang mga luha ko. "I will forever be grateful to have the three of you as my children. Sana ay mapatawad niyo ako kung hindi ko gaanong naparamdam sa inyo ang pagiging ama ko..." ani Papa sa amin.

Sunod-sunod akong umiling at hinawakan nang mahigpit ang kamay ni Papa. Lalong lumakas ang mga hikbi ni Ate Callista sa tabi ko na mas lalong dumurog sa aking puso. "Papa, please don't say that! You have always been a good father to us!" pagtatama ko sa kanya ngunit ngumiti lamang siya sa akin.

"I hope you never get tired of finding the truth behind your brother's death. I know one day, the truth shall prevail," mahinahong aniya bago marahang ipinikit ang kanyang mga mata at huminga nang malalim.

Napansin ko ang unti-unting pag-aliwalas ng mukha ng aming ama kasunod ng dahan-dahang pagluwag ng kanyang pagkakahawak sa aking kamay. Napatayo ako sa gulat at agad nilapitan ang aking ama. "P-Papa?" tawag ko sa kanya gamit ang nanginginig na boses.

Nang hindi na siya kumibo o tumugon sa tawag ko ay tuluyang nanlambot ang aking mga tuhod. Sinalo agad ako ni Ate Callista at muling inalalayan paupo sa aking upuan kanina. Niyakap niya patagilid ang aking ulo habang nag-uunahan sa pagpatak ang aking mga luha.

 Dahan-dahan kong pinasadahan ng tingin ang paligid at nakita ang pagbibigay-pugay ng lahat ng mga naglilingkod kay Papa at ilan pang mga opisyal na naririto ngayon sa silid na nakasaksi sa pagpanaw ng mahal na prinsipe ng Nephos.

That same night, I lost the two most valuable people in my life...

Pagkatapos ng higit isang linggong burol ay inilibing ang aking ama at kakambal sa tabi ng puntod ng aking namayapang ina at ng mahal na Emperor ng Galaxias. It was a painful day for everyone who adored the ruler of the enchanted home, but no more tears have fallen from my eyes since that night. Pakiramdam ko ay para na rin akong binawian ng buhay at nawalan na ng saysay ang buhay ko.

Bukod sa labis na sakit na nararamdaman ay hindi ko mapigilan ang pangingibabaw ng galit sa aking puso– galit para sa taong hanggang ngayon ay malayang nagagawa ang kanyang gusto matapos itong gawin kay Sage para sa pansariling interes at kasakiman, samantala kaming mga nagmamahal sa kapatid ko ay naiwang mag-isa at nagdurusa ngayon. I will never stop until I find out who did this to my brother. I will make sure that monster will suffer so much hanggang sa magsisi siya kung bakit pa siya nabubuhay ngayon matapos niyang gawin iyon sa kapatid ko.

After the day of burial, Queen Elizabeth asked for a brief meeting with the officials of Nephos and Galaxias, including the royal family and the leaders of each powerful clan in Nephos. Pagkapasok ko pa lamang sa silid kung saan gaganapin ang pagpupulong ay naramdaman ko agad ang ilang mapanghusgang mga mata sa akin, kabilang na ang matalim na tingin ni Queen Elizabeth sa akin. 

Umupo ako sa pagitan ni Queen Marina at Grand Prince Neraios na inabutan agad ako ng isang basong tubig. Ngumiti ako nang tipid sa kanila at nagpasalamat sa kanilang kabutihan ngunit nanatili lamang akong nakatulala sa lamesa.

My brother and father's death made me realize how valuable time plays in our life. Death might change everything, but time will always remain constant. You never know if today is the last time you can show the people you care about how grateful you are to have them in your life. You never know if today could be the last time you could tell the people you love how much you love them. The thing is, you won't even know if it's the last time until you realize there's no more time left.

Time is a gift that most of us take for granted. We tend to forget that we can never find it again when it is lost. We always think there would be more chances, and we always believe that we still have a lifetime to make up for all the lost time, but in reality, we don't. The truth is, we can never make up for it. The only thing we can do is to live in the present and try to do better in the future.

Nabalik lamang ako sa realidad nang biglang tumayo si Queen Elizabeth at idinirekta ang tingin sa akin. "Ever since receiving the news about my beloved son and grandson's death, hindi ako makatulog kakaisip kung ano ang dahilan ng kalangitan kung bakit bigla silang binawi mula sa atin," she looked away and dramatically wiped her tears.

Ibinagsak ko ang tingin sa aking mga kamay nang maramdaman ang muling paninikip ng aking dibdib. "Astra, hija..." Inangat ko ang tingin kay Duke Gregory nang tawagin niya ako. "Naiintindihan ko ang matinding sakit na nararamdaman mo ngayon at pasensya na kung tatanungin namin sa iyo ito pero... maaari mo bang isalaysay sa amin ang tunay na nangyari sa iyong kapatid noong gabing iyon?"

Nagtama ang tingin namin ni Queen Elizabeth at naramdaman ko agad ang panghuhusga at pagdududa niya sa lahat ng sasabihin ko. I swallowed the lump in my throat before speaking. "M-my brother and I just returned from a long trip after the qualifier finals for The Chosen Ones. Naisipan ho muna naming mamahinga sa enchanted forest bago umuwi—"

"Why would you let your brother unarmed and unguarded the night before his coronation day? At saka, bakit nga ba kayo nanatili sa enchanted forest kung p'wede namang sa palasyo na lang kayo mamahinga?" pagputol sa akin ni Queen Elizabeth. "Was that according to your request, hija?"

Binagsak ko ang tingin sa aking nanlalamig na mga kamay bago sumagot. "Sinabi ko po sa kanyang mamahinga muna kami saglit doon dahil gusto ko po siyang makausap tungkol sa—"

Napaangat ang isang kilay ni Queen Elizabeth dahil sa naging sagot ko. "So ikaw nga mismo ang humiling na manatili kayo roon, imbis na pumasok at mamahinga sa palasyo?" may bahid-pagdududang tanong niya sa akin.

Pinagsalikop ko ang aking kamay sa ibabaw ng aking kandungan bago huminga nang malalim at sumagot. "O-opo..."

Pabagsak niyang ipinatong ang isa niyang kamay sa lamesa kaya muling napaangat ang tingin ko sa kanya. "Kung ganoon, ibig sabihin ay alam mo rin siguro na walang suot na kahit anong proteksyon o dalang armas ang kapatid mo, pero nakiusap ka pa rin na manatili kayo roon?" The accusation in the tone of the queen's voice became more evident now.

"Pe-pero hindi ko naman po alam na mayroong magtatangka sa buhay ng kapatid ko sa gitna ng gabi!" Nangilid ang mga luha ko bago galit na nilipat ang tingin kay Garethe na tahimik na nakaupo sa tabi ng kanyang ama. "At isa pa, who would dare to hurt anyone from the royal family near a palace surrounded by hundreds of knights?"

Simula noong naaksidente kami ni Sage sa enchanted forest noon, hinigpitan na ang seguridad sa lahat ng lugar na nakapalibot sa palasyo, kabilang na ang kagubatan. Kung ang taong gumawa nito ay hindi kilala ng mga nagbabantay sa kapitolyo, hindi nila ito basta-basta papapasukin o palalapitin pa sa aming palasyo. Kaya kung titingnang mabuti ang nangyaring pag-atake, malakas ang paniniwala kong hindi isang estranghero sa amin ang taong gumawa nito.

"Your Majesty..." mahinahong pagsingit ni Duke Gregory sa aming mainit na usapan kaya napalingon kaming lahat sa kanya. Nag-aalalang sumulyap sa akin ang duke bago ibinalik ang tingin kay Queen Elizabeth. "Wala ho akong balak kuwestiyunin ang inyong mga hinuha, ngunit sa tingin ko naman po ay walang masamang intensyon ang mahal na prinsesa sa sarili niyang kakambal. Nasaksihan ko ho ang paglaki ng dalawang batang iyan at nakita ko ho kung gaano nila pahalagahan ang isa't isa."

Umismid si Queen Elizabeth at umirap sa akin. "Kahit na! You should have known, hija... Everyone knows that the prophecy chose your brother to be the successor to your father's throne, so his life will always be in danger," mapait na sabi ng reyna bago bumuntong-hininga at iniba ang usapan. "Anyway, I'll be leaving the whole investigation to you, Gregory. If you find any leads to the suspect, sabihin mo agad sa akin nang mapatawan ng pinakamabigat na parusa ang kung sino mang gumawa nito sa aking apo."

Lumipat ang tingin ko kay Garethe at naikuyom ko agad ang aking kamao. If his father would lead the investigation of my brother's death, I'm sure he can conveniently come clean even if he's not innocent! "Pero naroon din po si—"

"I will do my best to lead this investigation, Your Majesty," ani Duke Gregory bago nagbigay-pugay sa mahal na reyna. "Ipinapangako kong makukuha ng royal family ang hustisya para sa pagkamatay ng namayapang crown prince ng Nephos..."

"Very well, then..." ani Queen Elizabeth bago bumuntong-hininga at pinasadahan ng tingin ang mga opisyal at pinunong naririto ngayon sa pagpupulong. "Now that the ruler of the enchanted home and his successor are both gone, what do you think about crowning a new successor to the throne?"

Umusbong ang bulung-bulungan sa buong silid, ngunit agad nagsalita ang isa sa mga pinuno ng Maverick clan. "Base sa resulta ng nakaraang qualifier finals for The Chosen Ones, I think the first-born of the de Grande clan was the second strongest candidate next to Prince Callix Sage. Hindi ba magandang ideya kung siya ang maging tagapagmana ng trono tutal ay iyon din naman ang purpose ng kompetisyon?" suhestiyon ng tiyuhin ni Cygnus.

Narinig ko ang pagsang-ayon ng karamihan sa sinabi ng pinuno ng Maverick clan, lalo na ang ilan sa mga pinuno ng de Grande clan at Commoners clan, ngunit agad sumabat sa usapan si Duke Gregory. "With all due respect, I still believe that we need to do the fairest possible way to choose the new successor of the late Grand Prince's throne in honor of his death," aniya na nagpatahimik sa lahat. "Naniniwala ako sa kakayahan ng anak kong si Garethe, ngunit sa tingin ko ay mas maganda kung idadaan natin ito sa isang botohan upang mapili kung sino talaga sa tingin ng karamihan ang nararapat para sa trono..."

Agad sumang-ayon ang mga pinuno, partikular na si Queen Elizabeth at ilan pang miyembro ng royal family sa sinabi ng duke ng Nephos, ngunit bago pa man magsimula ang botohan ay agad kaming natahimik at napalingon nang biglang bumukas ang pinto ng silid at pumasok si Manang Wanda na nagmamadaling lumakad palapit kay Queen Marina. Gamit ang nanginginig na mga kamay ay inabot niya ang isang kasulatan sa reyna bago yumuko at umatras patungo sa isang gilid.

"What's with the commotion?" naiintrigang tanong ni Queen Elizabeth habang nakatingin sa kasulatang hawak ni Queen Marina.

Magkasalubong ang dalawang kilay ni Queen Marina habang dahan-dahang binubuksan ang kasulatang inabot ni Manang Wanda at agad natutop ang kanyang bibig matapos basahin ang nilalaman nito. Bakas ang kuryosidad sa mga mukha ng mga taong lumahok sa pagpupulong, lalong-lalo na si Queen Elizabeth na halatang hindi mapakali sa kanyang kinauupuan.

Nagulat ako nang dahan-dahang ilipat ni Queen Marina ang kanyang tingin sa akin. "The late crown prince left a will and testament for the successor of the throne..." she trailed off before looking at the officials of Nephos. "Inilagay niya sa isang kasulatan na kung sakali mang mayroong mangyari sa kanya bago o sa araw mismo ng koronasyon ay ililipat niya ang korona sa kanyang kakambal na si Astra Calliope Gray."

Agad napaawang ang aking mga labi dahil sa gulat at sumasalamin sa akin ang reaksyon ng bawat opisyal at pinunong naririto ngayon sa silid. Hindi ko na mapigilan ang mapatingin kay Garethe at agad nagsalubong ang kilay ko nang makitang may naglalarong kakaibang emosyon sa kanyang mga mata habang nananatiling tikom ang bibig.

"I-is that even a valid will?!" pagkukuwestiyon ni Queen Elizabeth sa kasulatan.

Marahang tumango si Queen Marina bago ipinakita sa lahat ang nilalaman ng kasulatan. "Yes, Your Majesty... The late Grand Prince Ostes also placed his signature beside the crown prince's."

Umusbong ang usap-usapan sa silid samantala si Queen Elizabeth naman ay hindi makapaniwalang napaupo sa kanyang upuan at hinilot ang kanyang sentido. Sa kabila ng labis kong pagkagulat ay mas lalong tumindi ang aking paghihinala kay Garethe dahil sa naging reaksyon nito sa nilalaman ng last will ng aking kapatid.

You never expected this to happen, didn't you? Nasira ba ng will na ito ang plano mo, de Grande? Akala mo ba ay basta-basta mo na lang makukuha ang gusto mo pagkatapos mong mabura sa iyong landas ang kapatid ko? I will make sure that you suffer from all the consequences of what you have done the moment I find out and prove it was you all along!

"Isn't she too young for this?" rinig kong komento ng isang opisyal.

"Hindi ba't walang kapangyarihan ang batang iyan? How can she lead the most powerful race in Galaxias if she's feeble and powerless?"

"I don't think she is capable of leading the enchanted home, Your Majesty!"

Umahon ako mula sa pagkakaupo at walang pag-aalinlangang pinalabas ang sagradong espada ng Nephos na nagpatahimik sa lahat ng nasa silid. Namilog ang mga mata ni Queen Elizabeth habang nakatingin sa hawak kong espada at napaubo nang sunod-sunod.

Isa-isa kong pinasadahan ng tingin ang lahat ng nasa silid habang nangingilid ang aking mga luha. "Decades ago, my father led this land the same age I am today... " panimula ko bago hinigpitan ang pagkakahawak sa grip ng aking espada. "I don't think you are worried because I am too young to lead this powerful race, but rather because I am a woman. I think you are bothered because there's no history of a woman leading a land, especially in the history of our enchanted home."

Sa gitna ng katahimikan ay sumabat ang isang pinuno mula sa de Grande clan. "Pero, hija, wala ka pa ring kapangyarihan—"

Walang kahirap-hirap kong itinarak sa mahabang lamesa ang talim ng sagradong espada ng Nephos na nagpatahimik sa kanya. "Then what is the purpose of Nexus Academy to our enchanted home? Hindi ba't lahat ng naririto sa silid ngayon ay nanggaling din doon?" 

Sinulyapan ko si Ate Callista na tahimik lamang na nakikinig sa akin habang marahang pinapalis ang kanyang mga luha. "Nexus Academy is the sanctuary for young mages like me, which is also where we all came from. It is the sanctuary that nurtured the best mages in Nephos today. Anong halaga ng santuwaryong ito kung sa kapangyarihan lamang pala ng magiging pinuno ng Nephos aasa ang mga mamamayan nito?"

Unti-unting naglaho ang sagradong espada ng Nephos sa aking palad kasabay ng pagpapalis ko ng aking mga luha. Pinasadahan ko ng tingin ang mga tao sa silid na sabay-sabay nag-iwas ng tingin sa akin pagkatapos ng aking sinabi.

Ngumiti ako nang mapait sa kanila bago nilipat ang tingin kay Queen Elizabeth na agad ding napaiwas ng tingin sa akin. "Of course, you wouldn't be concerned if I were my brother. Sage would also be powerful enough to lead the enchanted home even if he was younger than me, and I cannot argue with that." Muli kong inangat ang aking ulo bago taas-noong tumingin sa kanila. "But if this is his last will, I will do my best and be a good leader of the enchanted home in my twin brother's honor. Doubt and shame me all you want, but I will never back down, and I will fulfill the last wish of my beloved brother."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top