Kapitulo XXIX - Attack
After days of preparation, the most awaited and controversial coronation day for the successor to the late Grand Prince Ostes' throne has finally arrived. It was supposed to happen three days ago, but it was suspended and rescheduled due to unforeseen circumstances in Camp Sunne. Apparently, Amaia and her people decided to infiltrate the capital of Galaxias para humanap ng hustisya at alamin ang katotohanan tungkol sa pagkawala ng kanilang santwaryo sa mapa ng Galaxias.
The ceremony for the coronation will be conducted in front of the palace of Nephos at lahat ng mga opisyal at pinuno ng iba't ibang powerful clans ng aming rehiyon ay inimbitahang dumalo rito. Nakaupo sa entablado ang hari katabi ang mahal na empress ng Galaxias na si Empress Gaia. Sa kabila naman niya ay nakaupo ang asawa niyang si Queen Marina at Queen Elizabeth.
Ang mga mamamayan ng Nephos ay saksi sa gaganaping seremonya para sa aking pag-upo sa trono ng aking ama. Puno ng pag-asa ang mga mata ng mga kabataan ng Nephos taliwas sa pagkadismaya ng ilang mga nakatatanda, lalo na ang mga kabilang sa makapangyarihang pamilya. Itinago ko ang kabang nadarama sa mahinahong ekspresyon ng aking mukha habang naglalakad sa gitna ng red carpet patungo sa harapan ng entablado.
Yumuko ako sa harapan ng mga kasalukuyang pinuno ng aming kaharian na si Haring Sherbet at Empress Gaia upang magbigay-pugay sa kanila. Pagkatapos ay inangat ko ang aking ulo at dahan-dahang ibinagsak sa sahig ang mahabang saya ng aking magarbong kasuotan na sinuot ko bilang bahagi ng tradisyon ng pagpuputong ng korona sa bagong mamumuno ng rehiyon.
"Princess Astra Calliope Gray of the royal family, is Your Highness willing to take the Oath?" tanong ni Lord Cerberus sa akin.
Huminga muna ako nang malalim bago buo ang loob na sumagot sa tanong ng royal advisor ni Haring Sherbet. "Yes, I am willing."
Tinanggap ko ang sagradong libro ng Galaxias mula sa mahal na empress ng Galaxias na bakas ang ligaya sa mga mata habang nakangiti sa akin. Muli kong hinarap ang royal advisor bago itinaas ang kanan kong kamay kapantay ng aking ulo upang manumpa.
"Will you solemnly promise to govern the enchanted land of Camp Nephos according to its respective laws and customs?" tanong ni Lord Cerberus bago muling inangat ang tingin sa akin.
"I solemnly promise to do so," diretso kong sagot.
"Will you solemnly promise to maintain the Laws of Galaxias and preserve all the rights and privileges of the citizens of Nephos according to the law? Do you promise not to commit anything that may harm or destroy the peace within the kingdom and its people? Will you promise to do everything to protect hogar de los encantados and its people to the utmost of your power?"
The corners of my lips rose a bit before answering. "All this I promise to do."
Dahan-dahan kong ibinaba ang aking kanang kamay at hinarap ang mga mamamayan ng Nephos bago ipinatong ang aking kanang palad sa ibabaw ng sagradong aklat na hawak na ngayon ng royal advisor para sa akin. Sa kabilang gilid ko ay nakatayo ang assistant niya na bitbit ang sagradong espada ng Nephos na nakapatong sa isang mahabang pulang kutson.
"I, Princess Astra Calliope Gray of the royal family, solemnly swear in front of the citizens of hogar de los encantados that I will perform and keep everything I have promised to do. May Camp Nephos and Kingdom Galaxias be in peace." Marahan kong hinagkan ang sagradong aklat ng Galaxias bago muling hinarap ang royal family sa entablado. Inalalayan ako ni Manang Wanda at ng ilan pang tagapaglingkod paakyat sa entablado upang lumapit sa hari.
Agad tumayo si Haring Sherbet nang huminto ako sa kanyang harapan upang lumuhod. Tinanggap niya ang sagradong espada mula sa mga kamay ng assistant ng royal advisor bago marahang ipinatong ito sa magkabila kong balikat bilang simbolo ng pagtanggap niya sa aking sinumpaan.
Muli akong inalalayan ni Manang Wanda patayo at iginiya patungo sa bakanteng trono ng pinuno ng Nephos sa gitna ng entablado. Nangilid ang aking mga luha habang pinapasadahan ng tingin ang mga mamamayang puno ng pag-asa ang mga mata habang pinapanood ang sagradong seremonya.
Nilipat ko ang tingin sa duke ng Nephos at pinanood ang kanyang pag-akyat sa entablado bitbit ang gintong korona na suot ng aking ama noon. Nagbigay-pugay muna siya sa mga pinuno ng Galaxias bago huminto at lumuhod sa aking harapan upang magbigay-pugay rin.
Nang muli siyang tumayo ay nagtama ang tingin naming dalawa bago siya magsalita. "And by the power vested in me by Grand Prince Ostes of Camp Nephos and King Sherbet of Kingdom Galaxias, I now pronounce you as the new ruler of the enchanted home," pormal na anunsyo ni Duke Gregory bago marahang ipinatong sa ibabaw ng aking ulo ang sagradong korona at lumuhod habang nakayuko ang ulo sa sahig. "Long live, Grand Princess Astra Calliope Gray!"
Dahan-dahan akong umahon mula sa pagkakaupo at naglakad sa gitna ng entablado habang pinapasadahan ng tingin ang mga mamamayan ng Nephos na pare-parehong nagbigay-pugay sa akin katulad ng duke. "Long live, Grand Princess Astra Calliope Gray!"
Tears slowly pooled in my eyes when I felt a sting in my heart. I already know that achieving your dreams depends on how much you are willing to sacrifice, but I didn't think I had to give up this much. I didn't know I had to lose people who were dearest to me just to fulfill my ultimate dream. They were the only ones I had, the only ones I could trust with all my heart, and now that they're gone, I feel so alone and lost. Kung alam ko lang na ito pala ang kapalit ng pagtupad sa pangarap ko, sana noon pa lang ay hindi ko na ito pinangarap...
"Astra, anak... No matter what happens, never blame yourself for the things you cannot control. Just remember that I am proud of what you've become today. Please never stop believing in yourself because you are more capable than what you and other people think."
Marahan kong ipinikit ang aking mga mata at ngumiti nang malungkot nang umalingawngaw sa aking isipan ang mga huling katagang sinabi sa akin ni Papa bago siya tuluyang binawian ng buhay. I wonder if they're proud of me, too... I hope I made you proud again, Papa. This one's for you and Sage.
Days after the coronation day, tambak na agad ang mga trabahong kailangan kong asikasuhin at ayusin mula sa mga naiwang tungkulin ng aking ama. Marami pa ring usap-usapan tungkol sa aking pag-upo sa trono kapalit ng aking namayapang kapatid at ama, ngunit pagkalipas ng ilang araw ay unti-unti na rin itong humupa. Gayunpaman, hindi pa rin nawawala ang mangilan-ngilang pagdududa sa akin ng mga mamamayan ng Nephos dahil sa aking kasarian at kawalan ng kapangyarihan.
Napahinto ako sa ginagawa nang biglang may kumatok sa aking opisina na agad ko namang pinapasok. Ngumiti sa akin ang duke at nagbigay-pugay bago umupo sa isang upuan sa harapan ng lamesa ko.
"Your Royal Highness..." panimula niya na nakakuha sa atensyon ko. "Napag-isipan mo na ba ang tungkol sa pagpili ng iyong magiging royal advisor sa iyong termino? Hindi naman sa pagkukwestiyon sa iyong kakayahan, ngunit sa tingin ko ay kailangan mo ng taong maggagabay sa iyo dahil marami ka pang kailangang matutunan tungkol sa pamumuno ng isang rehiyon..."
Nagpatuloy ako sa pagtatatak ng mga kasulatan matapos itong basahin nang masinsinan bago sinulyapan ang duke at marahang tumango. Sinenyasan ko si Manang Wanda na nakaupo sa isang wooden desk malapit sa pinto ng aking opisina na agad namang lumapit sa akin at tumayo sa harapan ng duke. "I want Lady Arjuanda from the Herrera clan to be my official advisor," seryosong sabi ko na halatang hindi inaasahan ni Duke Gregory.
Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng mga papeles at hindi pinansin ang eksaheradang reaksyon ng duke. Duke Gregory used to be my father's advisor before kaya naiintindihan ko ang gulat at pagtatakang nararamdaman niya ngayon. At isa pa, kilala niya si Manang Wanda bilang tagapaglingkod sa aming pamilya noong nabubuhay pa ang aking ama at kapatid kaya naman nakakabigla talaga ang hinihiling kong mangyari.
"I apologize in advance for my poor choice of words, but..." he trailed off before looking apologetically at Manang Wanda. "You need someone competent and knowledgeable about the Laws of Galaxias and Camp Nephos for your official advisor, Your Royal Highness."
Napaangat ang isang kilay ko dahil sa sinabi ng duke. "What do you mean? If I remember correctly, Lady Arjuanda came from one of the powerful clans when my royal mother was still alive. I'm sure you know about the Herrera clan, right?" makahulugang tanong ko na nagpatahimik sa kanya. "I think your wife, the late Duchess Elena de Grande, came from the same clan as hers."
Muli niyang sinulyapan si Manang Wanda bago suminghap at muling umapela. "But you need someone who knows about palace affairs—"
Sabay kaming napalingon kay Manang Wanda nang putulin niya ang nais sabihin ng duke. "Mawalang galang na ho, pero huwag niyo naman ho sanang husgahan ang pagkatao at kakayahan ko base sa estado ng pamumuhay at trabaho ko noong nabubuhay pa ang mahal na prinsipe. I was born in the Herrera clan, one of the powerful clans with the wind attribute during the late Grand Prince Ostes and Grand Princess Akami Gray's reign. Sigurado po akong kilala niyo ang kapatid kong si Elena Herrera na napangasawa niyo..." makahulugang aniya na nagpatikom sa bibig ng duke. "I chose my job as Grand Princess Astra's servant before because I adore the late Grand Princess so much, and I see her in this young woman..."
Bakas sa mukha ng duke na gusto niya pa ring umapela at makipagtalo, ngunit napahinto siya nang salubungin ang malamig na tingin ko matapos kong tanggalin ang suot kong reading glasses. Pansamantala ko munang ibinaba ang mga papeles na hawak at sumandal sa aking upuan bago pinagsalikop ang aking mga palad. "Bakit? Mayroon po ba kayong nais i-suhestiyon sa akin na maging official advisor ko?" taas ang isang kilay na tanong ko sa kanya.
Napalunok siya bago sunod-sunod na tumango. "A-ang anak kong si Gare—"
Agad akong umahon sa pagkakasandal at pabagsak na ipinatong ang isang kamay sa lamesa na umalingawngaw sa buong silid. Bakas ang gulat sa mukha ng duke at ni Manang Wanda dahil sa aking ginawa. "Lady Arjuanda Herrera will begin her duty as my official advisor starting today. Maaasahan ko ba ang pag-aasikaso mo tungkol dito, Duke Gregory?" mariing tanong ko sa kanya.
Nanginig ang kanyang mga labi dahil sa takot at agad na napayuko. "O-of course! Anything for Your Royal Highness..."
Walang pag-aalinlangan akong tumayo at naglakad palabas ng aking opisina. Nagmamadali namang sumunod sa akin si Manang Wanda upang alalayan ako. "Bibisita po ako ngayon sa kapitolyo upang tingnan ang kondisyon ng mga mamamayan sa mga liblib na lugar nito," sabi ko sa kanya. Marahan kong ipinatong ang aking palad sa nakalahad na kamay ng isa pang tagapaglingkod upang alalayan akong maglakad palabas ng palasyo.
Iilan lang ang hiniling kong makasama sa paglalakbay patungong kapitolyo dahil ayoko namang makakuha masyado ng atensyon sa mga mamamayan kapag isang batalyon ang nakabuntot sa akin tuwing umaalis ako ng palasyo. Isinama ko lang si Manang Wanda at ang isa pang tagapaglingkod na magbibitbit ng aking hinandang regalo para sa mahal na hari ng Galaxias. Sa likod naman namin ay nakasunod si Sir Rommel, isa sa pinakapinagkakatiwalaang tagapagbantay ni Papa noong nabubuhay pa siya.
Awtomatiko akong napahinto sa paglalakad nang makasalubong namin sa daan ang nag-iisang anak ni Duke Gregory. Mariin kong itinikom ang aking bibig at taas-noong sinalubong ang kanyang tingin sa akin. Agad siyang lumuhod gamit ang isang tuhod upang magbigay-pugay sa akin. "Greetings, Your Royal Highness..."
Inangat ko ang isang kamay upang tanggapin ito at nagsimula nang maglakad upang lagpasan siya ngunit nagulat ako nang hawakan niya ang pala-pulsuhan ko. "Astra..."
Namilog ang mga mata ko nang biglang hugutin ni Sir Rommel ang kanyang espada at itinutok ito sa leeg ni Garethe dahil sa pagsambit niya sa pangalan ko. "I-I'm fine! Iwan niyo po muna kaming dalawa..." napipilitang sabi ko sa mga tagapaglingkod na agad naman nilang sinunod.
Mas pumungay ang mga mata ni Garethe nang magtama ang tingin namin matapos panoorin ang pag-alis ng mga kasama ko. Nanatiling malamig ang tingin ko sa kanya habang hinihintay ang nais niyang sabihin sa akin. "How are you doing?" he calmly asked.
"I'm doing good," simpleng sagot ko. Sinulyapan ko ang aking relo bago ibinalik ang tingin sa kanya. "Do you have anything else to say? May importante kasi akong lakad."
I noticed how his Adam's apple protruded a bit before speaking. Tumalikod na ako at umambang aalis, ngunit napahinto ako nang muli siyang magsalita. "I-I just want to say that if you need anything, you know I'm just one call away, Astra," sinserong sabi niya.
Napatiim ang aking bagang dahil sa sinabi niya. "I appreciate your concern, but I don't need it," malamig na sabi ko bago walang pag-aalinlangang nagpatuloy sa paglalakad at iniwan siya roon.
Sa loob ng limang taon kong pamumuno sa Nephos, nasaksihan ko kung paano unti-unting nagbago ang tingin sa akin ng mga mamamayan ng Nephos. Ang dating pagdududa sa kanilang mga mata ay dahan-dahang napalitan ng pag-asa at pagtitiwala. The first few years of leading the enchanted home were more difficult than I expected.
Aside from all the palace affairs that I had to deal with on a daily basis, mas pinagtuunan ko ng pansin ang pagpapalakas ng depensa ng aming rehiyon para sa mga teroristang sunod-sunod ang pag-atake simula noong malaman nilang ako ang pumalit sa trono ni Papa. Isa sa mga tumulong sa akin sa pagpapatibay ng depensa ng aming rehiyon at sa aking pamumuno ay si Tito Neraios.
Hindi ko masasabing madali ang pagkuha ng tiwala ng mga mamamayan ng Nephos. Isa siguro sa naging dahilan kung bakit tuluyan kong nakuha ang kanilang tiwala ay iyong pagsabak ko mismo sa mga giyera upang protektahan ang aming rehiyon.
I was leading the front lines during those battles not because I wasn't afraid to die but because I had a whole sanctuary to protect. Simula noong matalo at mahuli namin ang malaking grupo ng teroristang umatake sa aming rehiyon, wala nang nagtangka pang hamakin ang aming santuwaryo. It took several battles to fully gain their trust, but it was all worth it in the end.
Bukod sa tuluyang paglakas ng depensa ng aming rehiyon, lalo ring naging masagana ang mga hanapbuhay at naging mapayapa ang pamumuhay ng mga mamamayan. Isa na rin iyon sa dahilan kung bakit tuluyang napamahal sa akin ang aking tungkulin. Ngayon ay naintindihan ko na kung bakit labis ang pagmamahal ni Papa sa pamumuno noong nabubuhay pa siya. Leading the most powerful race in Galaxias is a difficult task, but the satisfaction I get from seeing the joy and hope in my people's eyes makes it all worth it.
Nakarinig ako ng mahinang katok sa pinto ng aking opisina na agad ko namang pinapasok. Nagulat ako nang makita ang royal advisor ni Haring Sherbet kaya naman napatuwid ako nang pagkakaupo. "Greetings, Your Royal Highness!" pormal na pagbati niya sa akin.
"Lord Cerberus, napabisita ho kayo?" nakangiting salubong ko sa kanya bago sinenyasan siyang umupo, ngunit unti-unting napawi ang ngiti ko nang mapansing hindi siya kumibo. "May problema ho ba sa palasyo?"
Bumuntong-hininga muna siya bago muling nagsalita. "I have bad news for you, Your Royal Highness..." seryosong aniya.
Nagsalubong agad ang aking kilay at napalunok. "A-ano po iyon?"
"Your grandfather was found dead on his throne yesterday evening. Ang sabi nila ay si Prinsipe Neraios daw ang huling nakausap ng hari kaya siya ang pinaghihinalaang suspect," anunsyo niya.
Natutop ko ang aking bibig dahil sa labis na pagkabigla at napahawak nang mahigpit sa pendant ng kuwintas na bigay sa akin ng mahal na hari. I tried my best to contain my emotions as I walked down the aisle while looking at the urn of my beloved grandfather, the king of Galaxias. Nang makalapit ay dahan-dahan kong hinubad ang suot kong kuwintas at sinabit ito sa kanyang banga gamit ang nanginginig kong mga kamay.
No matter what everyone says, I will always see my grandfather as a good person and a good king because I saw that he cared a lot about our kingdom and its people more than anyone else. Sa tingin ko ay ginawa niya lamang ang nararapat noon at kung mayroon man siyang mga nagawang pagkakamali, I'm sure he deeply regrets about it.
At isa pa, he truly loved his wife, Queen Betana, to the point that he would do anything she wanted as long as it would make her happy. After the incidents in Camp Lunaticus and Camp Sunne, alam kong tanggap niya ang kanyang mga pagkakamali at handa siyang pagbayaran iyon habambuhay. Pero kung iyon ang dahilan kung bakit walang puso siyang pinatay ng taong gumawa nito, I will make sure they will pay for it. I will never forgive people who take justice into their own hands for their satisfaction.
These past few years, hindi pa rin ako humihinto at sumusuko sa paghahanap ng katarungan sa pagkamatay ng aking kapatid, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw ang katotohanan sa likod nito. Duke Gregory helped with the investigation, but it doesn't seem to be making any progress. Dahil doon, nagbukas ako ng sarili kong imbestigasyon at hindi namin iyon ipinaalam sa ibang mga opisyal. Tito Neraios helped me find more leads, ngunit imbis na makahanap ng leads tungkol sa suspect ay may nakita kaming mas malaking issue.
Kapalit ng kabutihang-loob ni Tito Neraios sa pagtulong sa aking imbestigasyon, tumulong din ako sa imbestigasyon ng biglaan niyang pagkakaroon ng malubhang karamdaman noon at natuklasan namin kung sino ang nasa likod nito– si Grand Princess Aliscel na namanipula pala ng isa sa mga may-sala sa biglaang paglalaho ng Camp Sunne sa mapa ng Galaxias.
We found a rare chemical used as a deadly poison during ancient times. Napag-alaman naming hindi pala tunay na gamot ang ipinainom sa kanya ng prinsesa kundi isang uri na pala ng lason na dahan-dahan ang paglabas ng nakakamatay na epekto sa katawan ng uminom nito.
The same toxic chemical that almost took Grand Prince Neraios' life under Princess Aliscel's care was also obtained as a component in my father's 'medicine'. Natuklasan naming ito pala ang ininom ni Papa noong unang beses siyang nagkasakit at iyon ang hinatol na gamot sa kanya ng mga royal healer. Walang kamuwang-muwang ang aking ama na ang kanya palang iniinom na gamot noon ay ang sanhi ng unti-unting paghina ng kanyang katawan at nagpabilis ng paglubha ng kanyang karamdaman na siyang ikinamatay niya.
If our deductions were correct, I think the person who slowly intoxicated my father might be the same person who killed or ordered to kill my twin brother. Sa loob ng ilang taon ay sinubukan naming hanapin ang mga royal healer na pinapasok noon sa palasyo upang gamutin ang aking ama ngunit hindi na namin matugis ang mga ito. Wala ring bakas ng kanilang paglabas o muling pagpasok sa aming rehiyon kaya naman nakapagtataka ang kanilang biglaang pagkawala.
"Grand Princess Astra!"
Napalingon ako sa taong tumawag sa akin at nagulat nang makita si Manang Wanda kasama ang ilan sa mga kawal ng palasyo na naiwan doon upang magbantay habang naririto ako sa libing ng aking lolo. Bakas ang takot sa kanilang mukha na nagpakunot ng noo ko. Umamba silang magbibigay-pugay sa akin ngunit agad ko silang pinigilan. "Is there anything wrong?" tanong ko.
"M-may umaatake po sa ating kapitolyo! Papalapit na po sila ngayon sa palasyo!" balita sa akin ni Manang Wanda.
Agad namilog ang mga mata ko dahil sa kanyang sinabi at agad sinenyasan ang kasama kong mage upang ipakita sa akin ang kasalukuyang nangyayari sa aming rehiyon. "Sino ang mga umaatake?"
"Nagkaroon daw ng isyu sa bayang pinamumunuan ng de Grande clan at naghahamon sila ng digmaan bilang rebolusyon dahil sa pagkamatay ni Haring Sherbet," seryosong paliwanag ni Manang Wanda.
Naikuyom ko ang mga kamao dahil sa nararamdamang galit habang pinapanood ang dahan-dahang pagkawasak ng kapitolyo. "Order all the soldiers of Nephos to close our borders from every region and prioritize the safety of the civilians first. Tell the remaining knights in the palace to do their best to buy a little more time bago ako makabalik sa palasyo," mariing utos ko sa kanila bago walang pag-aalinlangang lumipad pabalik sa Camp Nephos.
How dare they attack the capital when I am not there! At isa pa, hindi handa ang mga naka-assign sa depensa sa labas ng aming rehiyon kung sa loob nagmumula ang kaguluhan! Talagang kinuha nila ang pagkakataong umatake dahil alam nilang mahina ang depensa ngayong dumalo kami sa burol ng mahal na hari ng Galaxias!
Nanginig ang aking mga kamay nang makita ang kaliwa't kanang pagsabog sa kapitolyo at ang paglalagablab ng enchanted forest na nakapalibot sa aming palasyo. Walang pag-aalinlangan kong nilabas ang sagradong espada ng Nephos at bumaba sa tapat ng entrada ng palasyo. Naikuyom ko agad ang aking kamao nang makitang papalapit na sa amin ang malaking grupo ng teroristang gustong umatake sa aming palasyo.
"Grand Princess Astra!" Nalipat ang atensyon ko kay Duke Gregory na lumabas mula sa aming palasyo at lumapit sa akin upang humingi ng saklolo. Bakas ang takot sa kanyang mukha at nababalot ng dugo ang kanyang kasuotan. "Tu-tulungan mo kami! Mayroong mga nakapasok sa palasyo at umatake sa amin!"
Namilog ang mga mata ko sa kanyang sinabi at umambang papasok na sa palasyo, ngunit nagulat ako nang maramdaman ang mabilis na pagtarak ng isang matalim na dagger sa aking tagiliran. Agad bumulwak ang dugo mula sa aking bibig habang dahan-dahang ibinabalik ang aking tingin kay Duke Gregory na mayroong ngising-asong naglalaro sa mga labi.
"H-how dare you do this to me..." nahihirapang sabi ko habang hawak ang grip ng dagger na nakatarak sa akin.
Humalakhak siya nang mala-demonyo at sinenyasan ang kanyang batalyon upang kalabanin ang natitira kong mga kawal na isinama ko upang protektahan ang palasyo. "Alam mo ba ang pakiramdam nang maagawan ng matagal mo nang inaatim kahit labis mo itong pinaghirapan?" may bahid-galit niyang tanong sa akin.
Nag-apoy ang galit sa aking dibdib habang sinusubukang i-angat ang hawak kong espada ngunit wala na akong sapat na lakas upang lumaban. Napadaing ako sa sakit nang muli niyang hugutin ang balaraw at itinarak ulit ito sa aking tagiliran. Nanlalabo na rin ang aking paningin dahil sa mga luha habang umuubo ng dugo.
"Ginawa ko ang lahat para mapapunta sa anak ko ang tronong matagal ko nang pinapangarap, pero ano ang ginawa mo?! Minanipula mo ang kapatid at ama mo para mapasaiyo ang trono!" nanggagalaiting ani Duke Gregory bago muling hinugot ang balaraw na nakatarak sa aking tagiliran at sinaksak ito sa aking sikmura. "Makasarili ka! Ikaw ang tunay na pumatay sa kapatid at ama mo!"
Nabuwal ako sa pagkakatayo habang hawak ang grip ng dagger na nakatarak sa akin at sinubukan itong tanggalin. "Long live, Camp Nephos! May Kingdom Galaxias and Camp Nephos be in peace!" aniya bago humalakhak nang mala-demonyo at kinuha mula sa akin ang aking korona. Galit kong pinanood ang kanyang paglalakad papasok sa loob ng palasyo at iniwan akong nag-aagaw buhay sa dagat ng naglalabang mga kawal at terorista.
Inangat ko ang tingin sa bughaw na kalangitan na napupuno ng mga ulap na tumatakip sa mataas na sikat ng Haring Araw. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha mula sa aking mga mata habang pinagmamasdan ito kasabay ng unti-unting pagdidilim ng aking paningin.
Humugot ako ng malalim na hininga bago dahan-dahang ipinikit ang aking mga mata. "Patawad, Sage. Patawad, Papa... Nabigo ko po kayo."
Nagulat ako nang maramdaman ang dahan-dahang pag-angat ng aking katawan mula sa lupa kaya muli kong sinubukang imulat ang aking mga mata. Sinubukan kong maaninag ang mukha ng taong dumampot sa akin na nakasuot ng itim na kapa at natatakluban ng hood ang kalahati ng kanyang mukha. Inawang ko ang nanunuyo kong mga labi upang subukang magsalita, ngunit unti-unting nagdilim ang aking paningin hanggang sa tuluyan akong mawalan ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top