Kapitulo XXIV - Ready

"I am her training partner. What are you talking about, de Grande?" Halos sabay kaming napalingon ni Garethe sa nagsalita at muntik na akong mapairap nang makita ang nakapamulsa kong kakambal na malamig ang tingin sa akin. Sinulyapan niya si Garethe bago taas-noong tiningnan.

Napailing na lang ako sa dalawa at umambang magsisimula nang mag-ensayo mag-isa ngunit natigilan ako nang matanaw mula sa 'di kalayuan ang kaibigang si Estefania. Kumaway ako sa gawi niya upang makuha ang kanyang atensyon. "Steffy!"

Kunot-noo siyang lumingon sa gawi ko at halata ang pagkabigla sa kanyang mukha nang makilala ako. Base sa kanyang kasuotan, sa tingin ko ay balak niyang mag-jogging o mag-workout. Walang pag-aalinlangan siyang tumakbo patungo sa direksyon namin at lumapit sa akin. Sinulyapan niya ang dalawa kong kasama bago ibinalik sa akin ang mga mata niyang nagtatanong.

Pagod akong bumuntong-hininga at sinulyapan ang dalawa kong kasama na tila hindi pa rin nagpapatinag sa isa't isa. "I was supposed to train here all by myself, then suddenly, these two simpletons showed up," I drawled. Sinamaan agad ako ng tingin ng dalawang natamaan sa sinabi ko na ipinagkibit-balikat ko lamang. 

"Really? So are you preparing for the preliminaries, too?" Tumango ako bilang sagot sa tanong ni Steffy sa akin na ikinatuwa niya. "Can I join you, guys? I was planning to jog every morning and ask permission to borrow some weapons to train by myself, too. I'm so glad I found you here!"

"You could have just asked me to accompany you," pagsingit ni Sage sa aming usapan kaya napataas ang isang kilay ko. Ibinalik ko ang tingin kay Steffy at napansin ang bahagyang pamumula ng kanyang pisngi na hindi ko na ikinagulat. I mentally rolled my eyes at them. They're way too obvious!

Ngumiti ako at tumango sa kaibigan. "Of course, you can! Ayoko rin namang mag-training mag-isa, 'no—"

"Anong 'mag-isa'? 'Di ba kasama mo nga ako?" putol ni Garethe sa sasabihin ko kaya sinimangutan ko siya. He raised his brow at me and acted obliviously. "What? I'm just telling the truth. Pumayag ka naman kanina."

"Kasama mo 'kami'," Sage immediately corrected him, emphasizing the last word. "What made you think I would allow you to be with my sister alone?"

Iritado ko silang hinarap bago humalukipkip. "What the hell is wrong with you, guys? Just get lost!"

Mayabang na tiningnan ni Sage si Garethe. "Oo nga, pare... Just back off. Astra doesn't want you here."

Nagsalubong agad ang kilay ni Garethe dahil sa sinabi ni Sage. "How about you get lost instead? Nakisali ka lang din naman dito. Astra and I were supposed to train together without you," pambabara niya sa kapatid ko.

Sage scoffed. "And you think I would leave you alone just because you told me so? I am her brother, so I can be with her if I want to," sarkastikong aniya bago ngumisi. "Bakit ikaw? Ano ka ba ng kapatid ko?"

Pagod kong ipinikit ang aking mga mata at napahawak na lang sa aking sentido. Maybe I overestimated my twin brother too much. I can't believe he would act so childish over something so petty! Ugh!

Pagkalipas ng ilang segundong pananahimik ay sumagot si Garethe. "What's wrong with wanting to train with her? We are good friends and have known each other for ages. Moreover, if we would all be a part of The Chosen Ones, we might as well try to get along and practice working together as a team, right?"

Sage chuckled at his response ngunit agad siyang natahimik nang titigan ko siya nang masama. "P'wede bang tumigil na kayong dalawa?! Sinasayang niyo lang ang oras ko!" iritadong sabi ko. "Wala akong pakialam kung sumama kayo sa amin ni Steffy o hindi. Just please stop annoying the hell out of me every single time!"

Araw-araw ay magkakasama kaming mag-ensayo sa battle field nang ganoong oras. Bago kami magsimula sa pag-eensayo ay nagja-jogging muna kami sa buong campus bilang warm-up. We focused more on wielding different weapons and dueling. Naging ganoon ang routine namin for the whole week before the preliminaries.

Sa huling araw ng aming training bago ang preliminaries, may dumating na hindi inaasahang bisita bago ako tumungo sa battle field. "A-anong ginagawa niyo rito, Angelina?"

Sa unang tingin ay halos hindi ko agad siya nakilala dahil sa naiiba niyang kasuotan. Sa likod niya ay nakatayo ang isang medyo pamilyar na babae na sa tingin ko ay nakita ko rin noon sa Camp Sunne noong huling beses kong nakasama ang mga kaibigan ko. They are wearing ordinary outfits worn by the villagers near the capital of Nephos, making them look like they are citizens of our region. Agad ko silang pinapasok sa loob ng aking dormitoryo bago isinara ang lahat ng aking mga bintana at kinandado ang pinto.

Tinanggal niya ang suot na salakot at ibinaba ang bitbit na bilao sa lamesa bago hinawakan ang aking mga kamay. "Astra, we really need your help," seryosong ani Angelina.

"Ba-bakit? May nangyari ba kay Amaia? May balita na ba kayo kung nasaan na siya? Kumusta na ang Sunne?"

Nangilid ang kanyang mga luha matapos kong banggitin ang pangalan ng aming matalik na kaibigan. "We discovered that Elise Athena Klein is currently pursuing Amaia on Earth."

Awtomatikong nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. I heard a few bad things about that person. From what I remember, I think she was the one who got dispatched from Dauntless Academy and then immediately transferred to Sanctum Academy to cause chaos. Pero paano niya naman natuklasan ang lokasyon ni Amaia?

"What?! Pero paano niya nalamang naroon nga si Amaia? May kinalaman ba siya sa pagkakapadpad ni Amaia roon?"

She heavily sighed. "We don't know for sure, but she might also be involved in the disappearance of our sanctuary. But one thing is for sure... Elise is not powerful enough to be the only one behind this kaya naisip namin nitong kaibigan kong si Louisse na baka mayroong tumutulong o nagdidikta sa kanyang gawin ito," ani Angelina bago makahulugang sinulyapan ang babaeng kasama niya.

Ibinaba niya sa kanyang balikat ang nakabalot na balabal sa kanyang ulo bago lumapit sa akin. "I am Louisse Coste, kaibigan din ni Amaia at Angelina. We cannot guarantee that my theory is true, but I think Elise might be involved with my sister's evil plan. Nalaman kasi naming nawalan pala ng alaala si Amaia noong napadpad siya sa mundo ng mga manna. Hindi ko alam kung ano ang kanyang rason upang gawin ito sa Sanctum Academy at kay Amaia pero isa lang ang sigurado ako... my sister, Reina Louisse Coste, is not a good person," seryosong paliwanag niya bago bumuntong-hininga. "My sister's magical ability involves memory manipulation at maaaring ginamit niya ito kay Amaia kaya nawalan siya ng alaala."

I tried to weigh the truthfulness of her words and action, and somehow, I could feel its authenticity. Hindi ako sigurado kung bakit handa siyang ilaglag nang ganito ang kapatid niya, but if Amaia and Angelina trusts her, then maybe I could trust her, too. At isa pa, kung nandito siya ngayon upang humingi ng tulong sa akin at handang isugal ang kanyang buhay para mailigtas si Amaia, then maybe I was just overthinking her personality. Maybe she's just kind and wise enough to choose a different path from her manipulative sister.

Bahagyang pinisil ni Angelina ang kamay ko kaya ibinalik ko ang tingin sa kanya. "We really need your help, Astra. We must find a way to communicate with Amaia from the other world. May alam ka bang paraan?" I can hear the slight desperation in her voice while trying to keep a strong composure.

Napaupo ako sa sofa at napaisip nang malalim. I tried to absorb everything they had spilled and carefully thought of a possible solution. Nang may maisip ay tumuwid ako nang pagkakaupo at muling hinarap si Angelina at Louisse na parehong tulala at tila may malalim ding iniisip. I snapped my fingers to get their attention. "Dreams!" I exclaimed.

Lumiwanag agad ang mukha ni Angelina dahil sa sinabi ko ngunit nanatili namang magkasalubong ang kilay ni Louisse na tila hindi nakuha ang ibig kong sabihin. "But can we really do that? Do you know how to? Paano?" sunod-sunod na tanong ni Angelina sa akin.

I sighed. "I don't have magical powers, so I can't do it alone for sure... At saka, hindi itinuturo sa amin kung paano ito gawing mag-isa dahil kailangan muna namin itong piliin bilang propesyon bago matutunan," paliwanag ko na siyang ikinalungkot nila, ngunit agad akong bumawi. "But I know someone who can do it for sure!"

Nagkatinginan si Angelina at Louisse dahil sa sinabi ko at bakas ang pagsibol ng pag-asa sa kanilang mga mata. I immediately took them to our Dream class professor, Ms. Ayessa Silva. Bakas ang magkahalong gulat at pagtataka sa mga mata ng aking propesor nang makita ako sa tapat ng kanyang opisina nang ganitong oras. "May problema ba, Ms. Gray? What can I do for you?" mahinahong tanong niya matapos kaming papasukin sa kanyang opisina.

Huminga muna ako nang malalim bago magsalita. "Hindi ko na po ito papahabain pa, Ma'am Silva... We really need your help with something that involves dreams."

Inayos niya ang kanyang salamin at napakurap-kurap sa diretsahang tanong ko. "W-what is it?"

"My friend is lost in the other world, and we need a way to communicate with her. Maaari po ba naming gawin ito?"

Bahagyang nagsalubong ang kilay niya dahil sa tanong ko bago sinulyapan ang mga kasama ko. "W-well, I suppose I can do that for you. Sino ba ang kaibigan niyong nawawala at bakit siya napadpad doon? Hindi ba't ipinagbabawal ang basta-bastang pagtawid sa kabilang mundo nang walang pahintulot mula sa mahal na hari ng Galaxias at mula kay Empress Gaia?" Bakas ang kaunting pagdududa sa tono ng pananalita ni Ma'am Silva.

"Si Am-" Agad kong pinisil ang kamay ni Angelina sa ilalim ng lamesa kaya natigilan siya sa pagsasalita. Makahulugan ko silang tiningnan at mukhang nakuha naman nila agad ang nais kong ipahiwatig.

"Aksidente po siyang napadpad sa mundo ng mga manna dahil naligaw po siya. Nawalan po kasi siya ng alaala dahil sa isang malubhang aksidente kaya hindi niya po maalala ang daan pabalik dito at hindi niya rin po maalala ang kanyang tunay na pagkatao simula noon," maingat na pagtatama ni Louisse kay Angelina kaya nakahinga ako nang maluwag.

Mabuti na lang at nawala na ang pagdududa ng aking propesor sa pagkakadulas ni Angelina kanina. Amaia is temporarily considered a fugitive of Kingdom Galaxias due to her sudden disappearance after the tragedy in Sunne. I'm pretty sure if we told my professor that she was the one we were trying to communicate with, she would immediately reject our request, and we might also get in trouble for this.

"Alright, then. Do you have anything on you related to the person you wanted to communicate with? It can be something that your friend owns, or it can also be anything that is considered very important to them," Ma'am Silva said.

Nagulat ako nang biglang ilabas ni Angelina ang isang metal na espada mula sa kanyang bitbit na string bag at ipinatong ito sa lamesang nasa pagitan naming tatlo at ni Ma'am Ayessa. Agad kong nakilala ang espadang ito nang maramdaman ang pamilyar na enerhiyang nakapalibot sa blade ng espada na similar sa presensya at kapangyarihan ni Amaia. 

Bakas din ang gulat sa mukha ng aking propesor ngunit itinikom na lamang niya ang kanyang bibig at hindi na nagtanong pa. Nilabas niya ang pamilyar na mahikang ginagamit niya sa aming klase at sinubukang hanapin ang koneksyon ng espada sa may-ari nito. Pagkalipas ng ilang sandali ay naaninag namin ang pamilyar na anyo ng isang babaeng agad naman naming nakilala bilang si Amaia.

"Close your eyes, then gently place your hands at the nexus in front of you to communicate your thoughts to the person you are looking for. It will slowly reach them in the form of a dream," paliwanag ng aking propesor na agad naman naming sinunod.

Pagkatapos noon ay agad kaming nagpasalamat kay Ma'am Ayessa dahil sa malaking tulong niya sa amin. Bago tuluyang sumikat ang araw ay patago kong hinatid ang aking mga kaibigan sa borderline ng Camp Nephos. Bago sila tuluyang umalis ay nagpasalamat at nagpaalam sila sa akin. "You are the hope of Sunne, Astra. Tatanawin namin ito bilang malaking utang na loob sa iyo," nakangiting sabi ni Angelina habang hawak ang magkabilang kamay ko.

Bahagyang yumuko si Louisse sa akin upang magbigay-pugay bago tuluyang umalis. "We will surely repay your kindness one day, Princess Astra Gray. May Camp Nephos and Kingdom Galaxias be in peace..."

Tinakbo ko ang daan patungong battle field upang humabol sa training namin. Nagulat ako nang makita silang abala pa rin sa pag-eensayo ng paggamit ng mga armas. Nang matanaw ako mula sa malayo ay agad napahinto si Garethe sa kanyang ginagawa at pinanood akong tumakbo patungo sa kinaroroonan nila. "Bakit ngayon ka lang?" salubong niya sa akin nang makalapit ako. Agad napalingon ang aking kapatid at napahinto rin sa kanyang ginagawa si Steffy.

Nilagpasan ko lamang si Garethe at dumiretso na sa weapons chest upang kumuha ng pana at palaso. "Tinanghali lang ako ng gising," simpleng sagot ko. Humugot ako ng malalim na hininga at pinalis ang mga butil ng pawis sa aking noo bago inayos ang pagkakapuyod ng aking buhok.

"Really?" halatang nagdududang tanong niya.

Sinulyapan kong muli si Garethe at pinagtaasan siya ng isang kilay. "You don't believe me?"

Nagkibit-balikat siya at pinasadahan ng daliri ang kanyang medyo magulong buhok. "You don't look like someone who just woke up to me," he speculated. Napaiwas ako ng tingin sa kanya at napasulyap sa gawi ng aking kapatid na nakamasid sa akin at tila tinitimbang ang ekspresyon ko. "At isa pa, being late was never a part of your vocabulary."

Bago ko pa madepensahan ang sarili ko ay lumapit sa akin ang aking kapatid at inabutan ako ng isang malinis na tuwalya. "Ayos na ba ang pakiramdam mo? Sigurado ka bang wala na ang lagnat mo?" nag-aalalang ani Sage na nagpakunot sa noo ko ngunit agad kong nakuha ang ipinapahiwatig niya kaya agad akong tumango bilang tugon. Ngumiti siya nang tipid sa akin bago pinalis ang mga butil ng pawis sa aking noo. Iniwas ko ang aking mukha at kinuha ang tuwalyang inabot niya sa akin bago pilit na ngumiti.

Inilipat ko ang tingin kay Garethe na may kakaibang emosyong naglalaro sa kanyang mga mata. Hindi ko na napigilan ang mainis sa nakakalitong kinikilos niya nitong mga nakaraang araw. "Ang mahalaga ay ayos na ako at nandito na ako ngayon. I will just train overtime today to make up for being late, okay?" I retorted.

Umamba siyang magsasalita ngunit sumingit agad sa usapan si Steffy at nag-aalalang lumapit sa akin. "You don't have to, Astra. Magpahinga ka na lang muna kaya? We can just train earlier tomorrow, alright?"

Ngumiti ako sa aking kaibigan at umiling. "I appreciate your concern, but I'm really fine, Steffy. At saka, hindi ako mapapakali kung hindi ako magte-train ngayon lalo na't bukas na ang simula ng preliminaries," mahinahong sabi ko sa kanya.

Bumuntong-hininga siya bago marahang tumango. "Alright, alright. Alam ko namang wala akong magagawa kahit sabihin ko sa'yong huwag na. Just don't push yourself too hard, okay? Your health is far more important than the preliminaries," pangaral niya sa akin.

I chuckled and loaded an arrow to my bow before positioning myself in front of the target. "Alright, milady."

Sinamahan nila akong mag-overtime sa training kahit sinabi kong ayos lang kung iwan nila akong mag-isa. Habang naglalakad pabalik sa aming mga dormitoryo pagkatapos ng aming training ay naramdaman ko ang pagsunod ni Sage sa akin kaya huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. Agad din siyang huminto sa paglalakad at ipinasok ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng kanyang suot na pantalon bago mahinahong sinalubong ang tingin ko.

"You're hiding something from me," diretso at siguradong sabi niya.

"Thanks for covering for me earlier. I'm not sure if I needed it, though," pag-iiba ko ng usapan.

Tinimbang niya muna ang ekspresyon ng aking mukha bago nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. "You don't really have to tell me anything, Astra. I just want to make sure everything's okay, and it's not something I need to worry about."

Hindi ko rin napigilan ang mapabuntong-hininga dahil sa sinabi niya. Marahan kong tinapik ang kanyang kaliwang pisngi at ngumiti sa kanya. "I swear, it's nothing serious, Sage. Thank you for respecting my privacy," sinserong sabi ko bago siya iwang mag-isa roon at magpatuloy sa paglalakad pabalik sa aking dormitoryo.

Habang naglalakad mag-isa ay bahagyang bumagabag sa akin ang inasta ng aking kapatid. Now that I think about it, my brother has been acting really odd these past few weeks. Hindi ko alam kung nago-overthink lang ba ako o mayroon talagang kakaiba sa inaasta niya? But yeah, maybe I was just overthinking it. Hopefully...

Iwinaksi ko ang lahat ng negatibong iniisip at pumasok na sa aking dormitoryo upang magpahinga. Kinabukasan ay maaga akong gumising upang mag-jogging sa campus mag-isa. Pagkatapos magwarm-up ay tumakbo na ako pabalik sa aking dormitoryo upang maghanda sa gaganaping preliminaries mamaya. Bago maligo ay hinanda ko muna ang aking susuuting damit at inilatag iyon sa aking kama.

Pinatungan ko ng black field jacket ang suot na black racerback tank top at leggings. Pinarisan ko ito ng isang cargo boots bago isinuot ang kuwintas na bigay sa akin ni King Sherbet noong birthday ko. Pinagmasdan ko ang sariling repleksyon sa salamin habang sinusuklay ang aking mahabang buhok. 

Kinuha ko ang gunting mula sa aking drawer at umambang gugupitin ang aking buhok ngunit nangatog lamang ang kamay ko. Sa huli ay ibinalik ko ang gunting sa drawer at inipuyod na lamang nang mataas ang mahaba kong buhok.

Itinago ko muna sa loob ng aking jacket ang suot kong kuwintas bago lumabas ng aking dormitoryo at naglakad patungo sa Great Hall kung saan magtitipon ang mga kalahok sa preliminaries. Sa oras na makumpleto kami, sabay-sabay kaming tutungo sa main venue kung saan gaganapin ang patimpalak. 

Pagkarating sa Great Hall ay hinanap agad ng paningin ko ang aking kapatid at mga kaibigan. Pagkalipas ng ilang minutong paghahanap ay natagpuan ko sila sa isang lamesa kasama ang kaibigang si Cygnus Maverick na dati ko ring kaklase sa Class A. Nang makalapit ako ay agad tumayo si Cygnus at lumapit sa akin upang hawakan ang kanan kong kamay at hagkan ang likod nito. "Greetings, Your Royal Highness," pormal na bati niya sa akin bago ngumiti nang matamis at kumindat.

Muntik na akong mapairap sa inasta niya matapos bitiwan ang palad ko, ngunit hindi ko na napigilan ang mapangiti dahil hindi nag-iba ang kanyang trato sa akin pagkatapos ng lahat. Ibinigay niya sa akin ang kanyang upuan sa tabi ni Garethe na tinanggap ko na lamang. Tumabi si Cygnus sa akin at nangumusta. 

Naramdaman ko naman ang mariing tingin sa akin ng isang katabi ko na hindi ko pinansin hanggang sa dumating na ang duke ng Nephos upang mag-anunsyo tungkol sa gaganaping patimpalak. Kasabay niyang pumasok ang ilang official ng Nephos at ang headmistress ng Nexus Academy.

"Greetings, my lovely mages of Nexus Academy! We're gathered here today for a wonderful occasion to create another history in Camp Nephos!" magiliw na pagbati ni Duke Gregory sa amin.

Nakisabay na lang ako sa palakpakan ng mga estudyante kahit lumilipad na ang isip ko sa mga maaaring mangyari sa gaganaping preliminaries. Pinagsalikop ko ang nanlalamig kong mga kamay at sinubukang pakalmahin ang sarili habang nakikinig sa kanyang talumpati.

"Ikinalulungkot kong sabihin na hindi makakadalo ang mahal na prinsipe ng Nephos ngayon dahil abala siya sa kanyang tungkulin bilang pinuno ng ating tahanan. Ngunit ikinagagalak ko ring sabihin na mararamdaman natin ang kanyang pisikal na presensya sa gaganaping qualifier finals kung saan tatanghalin ang limang miyembro ng The Chosen Ones," dagdag niya.

Matapos ang kanyang welcoming speech ay iginiya na ang lahat ng mga kalahok sa portal papasok sa special train ng Galaxias express na magdadala sa amin patungo sa main venue ng competition.

"I'll see you in the finals, Astra Calliope," pabulong na sabi sa akin ni Garethe bago naunang pumasok sa portal.

Huminga muna ako nang malalim bago humakbang papasok sa portal at sinalubong ng matinding liwanag. Nagising na lamang akong mag-isa sa isang maliit na compartment ng tren. Isinandal ko ang likod ng aking ulo sa headrest ng kinauupuan at inilabas mula sa jacket ko ang aking kuwintas upang hawakan nang mahigpit ang pendant nito habang hinahanda ang aking isipan sa lahat ng maaaring mangyari mamaya. 

Nagising lamang ako dahil sa mahinang katok sa pinto ng aking compartment. Napangiti agad ako nang makita ang kaibigang si Estefania na nasa tapat lamang pala ng aking compartment. Umupo siya sa tapat ko at hinawakan ang isa kong kamay. "Are you ready to get to the top and take over the competition?" nangingiting tanong niya sa akin.

Ngumiti ako nang matamis sa kanya bago marahang tumango. "Yeah. I feel like this might be what I have been preparing for my whole life..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top