Kapitulo XXII - Realize

"Astra..." Nagising ako nang may maramdamang marahang haplos sa aking pisngi. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at sinalubong agad ng kadiliman ng paligid. Nilingon ko ang tabi ng aking higaan at nagsalubong ang aking kilay nang may maaninag na hubog ng isang babaeng nakaupo sa tabi ko.

Kinusot ko ang aking mga mata at sinubukang kilalanin ang babaeng gumising sa akin. Narinig ko ang mahinang pitik ng daliri kasabay ng pagsindi ng isang kandilang hawak niya. Napakurap-kurap ako at napabangon nang makilala kung sino iyon.

"M-Mama?" Naaninag ko ang unti-unting pagsilay ng isang matamis na ngiti sa kanyang labi. Napansin ko ang mabilis na pagkaupos ng kandilang sinindihan niya na ipinagtaka ko.

Kasabay ng tuluyang pagkamatay ng sindi ng kandilang hawak niya ay umalingawngaw sa aking pandinig ang kanyang huling sinabi na siyang tumatak sa aking isipan. "Sometimes, the greatest and darkest secrets can be hidden in the most enchanted places, anak..." makahulugang aniya.

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga, ngunit agad kong pinagsisihan iyon at napahawak sa aking ulo nang maramdaman ang matinding pagkirot nito. Naramdaman ko ang panlalamig ng aking pawis habang namimilipit sa sakit. Ipinikit ko nang mariin ang aking mga mata at hinabol ang aking paghinga.

"Princess Astra?" Nakilala ko agad ang boses ni Manang Wanda mula sa labas ng silid. Narinig ko ang mabilis at mabibigat na yabag niya palapit sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at inalalayan ako pahiga sa kama. Bahagya lamang akong kumalma nang marahan niyang hilutin ang aking sentido. "Medyo nawawala na ba ang sakit ng ulo mo?" Natunugan ko ang pag-aalala sa kanyang boses.

Marahan akong tumango bilang sagot. Narinig ko ang ilan pang mga yabag papasok sa aking silid kaya sinubukan kong imulat ang aking mga mata at sinalubong ng nakakasilaw na liwanag ng chandelier sa silid. Dumiretso agad sa aking tabi si Sage at hinawakan ang nanlalamig kong kamay. Sa likod niya ay nakamasid sa amin si Grand Prince Neraios na bakas din ang pag-aalala sa mukha. "Ayos ka lang ba? May masakit pa ba sa'yo? Saglit lang, paparating na rito 'yong ipinatawag kong royal healer—"

Bahagya kong pinisil ang kamay ng aking kapatid kaya nabitin sa ere ang kanyang sasabihin. "A-ayos lang ako, Sage... Please calm down," namamaos na pagpigil ko sa kanya.

Nagpakawala siya ng isang mahabang buntong-hininga bago marahang ipinikit ang mga mata at bahagyang umigting ang panga. "Alright..." mahinahong aniya.

I chuckled a bit at his visible frustration. Umupo siya sa tabi ko bago marahang hinilot ang aking kamay. Sinulyapan ko si Grand Prince Neraios na hindi pa rin napapawi ang pag-aalala sa mukha habang nakatayo sa pintuan ng silid. "Tito Neraios, ayos lang po ako... Magpahinga ka na muna. Kagagaling mo lang din po sa sakit mo, 'di ba?" paalala ko sa kanya.

Bumuntong-hininga siya bago malungkot na ngumiti sa akin. "Nag-aalala lang ako sa iyo, hija. Nasaksihan ko kasing nawalan ka ng malay dahil nabigla ka kanina—"

Agad akong napabalikwas mula sa pagkakahiga at namilog ang mga mata. Unti-unting bumuhos sa akin ang mga alaala ng naging pag-uusap namin ni Papa sa hardin at kung bakit ako naririto ngayon. Kahit bahagya pa ring nanghihina ay walang pag-aalinlangan akong tumakbo palabas ng silid upang hanapin kung nasaan ang aking ama, ngunit bago pa man ako tuluyang makalabas ng silid ay hinarang agad ako ng aking kapatid.

"Calm down, Astra. Papa is fine now. You need to rest first—"

Sinamaan ko siya ng tingin at marahas na kinalas ang kanyang pagkakahawak sa braso ko. "How the hell can you still stay calm in this situation, Sage? Do you really think I would calm down after watching our father lose consciousness before my eyes earlier?! Wala akong pakialam kung hindi pa mabuti ang pakiramdam ko, I need to see him right now to make sure he's okay," I said with pure conviction.

Napasinghap siya sa sinabi ko at walang pag-aalinlangan akong binuhat kaya muntik na akong mapatili sa gulat. "Let's go together, then. Nag-aalala rin ako kay Papa, but not showing how worried I am doesn't mean I don't care at all. At isa pa, I don't think I should leave my stubborn twin sister alone right now, knowing how reckless she can be," paismid na sabi niya. Napairap ako sa huling sinabi niya at sumimangot na lamang habang hinahayaan siyang buhatin ako patungo sa silid kung saan naka-confine si Papa ngayon.

Nasa labas pa lamang ng silid ay naririnig ko na ang magiliw na halakhak ni Papa kaya nagsalubong agad ang kilay ko. Nang buksan ni Sage ang pinto ay napatingin agad sa gawi namin si Duke Gregory na nakaupo sa tabi ng aking amang nakasandal ang likod sa headrest ng kanyang malaking kama. Agad tumayo ang duke upang magbigay-pugay bago bahagyang tumabi upang magbigay-daan sa amin.

"Anak, mabuti na ba ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ni Papa sa akin.

Dahan-dahan akong ibinaba ng aking kapatid sa upuan sa tabi ng aking ama. "How about you, Papa? Mabuti na po ba ang pakiramdam mo? Akala ko—"

Naputol ang aking sasabihin nang hawakan niya ang aking kamay at marahan itong pinisil. "You have nothing to worry about, anak... Nalipasan lang ako ng gutom at nakalimutan kong uminom ng gamot kanina kaya sinumpong na naman ang aking karamdaman," aniya na siyang nagpagaan kahit papaano sa nararamdaman ko ngunit nanatili pa rin ang aking bahagyang pagdududa. 

Sinulyapan ni Papa si Duke Gregory na tahimik na nakamasid sa amin. "Mabuti na lang ay nandito rin sa kapitolyo ngayon ang royal healers na gumamot sa akin noon sa Nephos. Malaking bagay talaga ang palaging pagbisita sa akin ng Tito Gregory mo upang mangumusta sa akin at siguraduhing mabuti ang kalagayan ko. Marami siyang kilalang magagaling na royal healers dito na agad niyang pinapunta rito sa palasyo nang marinig ang nangyari sa akin."

Nilipat ko ang tingin sa duke na nahihiyang niyuko ang kanyang ulo dahil sa papuri ng prinsipe. "Walang anuman iyon, Ostes. Ginagawa ko lang ang nararapat bilang iyong matalik na kaibigan at alam kong makabubuti ang tuluyang pagbuti ng iyong kalagayan para sa ating rehiyon."

Magiliw na humalakhak si Papa sa sinabi ng duke. "Hindi talaga ako nagsisising sa iyo ko ipinagkatiwala ang iyong posisyon, Gregory," nangingiting aniya.

Narinig ko ang mahinang pagbukas ng pinto ng silid at magagaang yabag palapit sa akin kaya nilingon ko kung sino iyon. Dumiretso palapit sa akin si Manang Wanda at bumulong. "Mahal na prinsesa, oras na para bumalik sa Nephos dahil may pasok pa kayo ng mahal na prinsipe kinabukasan. Ipinag-uutos ng iyong Ate Callista na sa palasyo ng Nephos ka muna umuwi upang masiguro ng royal healer natin doon na mabuti na talaga ang iyong karamdaman at mapayagan ka niyang pumasok sa paaralan bukas."

Kahit medyo labag sa aking kalooban iyon ay marahan na lamang akong tumango at sumulyap kay Papa. "Papa, kailangan na po naming bumalik sa Nephos pero may gusto lang po sana akong itanong sa inyo bago ako umuwi," diretsong sabi ko sa kanya bago makahulugang sumulyap sa mga tao sa silid.

Kahit medyo nag-aalinlangan pa ay walang nagawa si Sage kundi sumunod nang makuha ang ipinapahiwatig ko. Sinenyasan niya ang mga nagbabantay kay Papa upang iwan muna kaming dalawa sa silid. Agad silang sumunod sa kanyang utos at mabilis na lumabas ng silid. Umamba ring aalis si Manang Wanda ngunit napahinto siya nang kausapin siya ng duke.

"Arjuanda, kumusta na?" rinig kong bati ni Duke Gregory kay Manang Wanda na siyang nakakuha ng atensyon ko.

Napakunot ang noo ko sa biglaang pagbati niya kaya napasulyap ako sa kanilang dalawa. Nanatiling nakayuko ang ulo ni Manang Wanda habang hinihintay na maunang lumabas si Duke Gregory sa silid bago siya sumunod. Pagkalabas nila sa silid ay ibinalik ko na ang tingin kay Papa at sumeryoso.

"Papa, what's the rush about the battle for the throne after Choque de la Magia? Hindi ba't hindi pa naman ito ang tamang panahon para roon?" diretsong tanong ko na ikinabigla niya. "Bakit hindi na lang po muna tayo mag-focus sa preliminaries para sa pagpili ng mga susunod na miyembro ng The Chosen Ones ng Nephos upang maiuwi naman natin ang kampeonato ngayong taon?"

He heavily sighed and looked away. "Hindi naman namin gustong madaliin ang pagpili sa tagapagmana ng aking trono... Napagtanto ko lang na kailangan kong maghanda dahil hindi natin alam kung ano ang maaaring mangyari ngayon o sa mga susunod pang araw..." makahulugang paliwanag niya bago sumulyap sa akin at ngumiti. "Nitong mga nakaraang araw ay napag-isip isip ko ang tungkol sa pagpaplano para sa kinabukasan ng ating rehiyon because we never know what the future holds for our enchanted home. Kapag nasiguro ko nang mapupunta ito sa mabuting mga kamay ay mapapayapa na ang aking isipan at maaari na akong bumaba sa aking pwesto upang magpahinga at makasama ang aking pamilya."

"Pero, 'Pa, wala namang problema sa pamumuno mo at sigurado akong tingin ng mga mamamayan ng Nephos ay magaling kang pinuno. Kaya bakit kailangan mong madaliin ang pagpapasa mo ng trono? How can we ensure that the next leader of the enchanted home will be like you? I still think it's too early for this!"

Natigilan ako sa pagsasalita nang marahan niyang hawakan ang kamay ko bago ngumiti nang malungkot sa akin. "Pero tumatanda na ako, anak... Hindi natin alam kung hanggang kailan ko pa kayang mamuno ng isang rehiyon. We cannot guarantee what the future holds; all we have is now. We can only think about facing today's problem using today's strengths so that we can worry less about tomorrow," mahinahong aniya.

With that, realizations slowly hit me. I was too busy growing up and minding my own life and aspirations that I forgot my father was also growing old.

Nangilid ang aking luha nang maramdaman ang paninikip ng aking dibdib dahil sa napagtanto. Gamit ang isa niyang kamay ay sinubukan niyang palisin ang nangingilid kong luha. "Sa mga panahong nakaratay ako ay napagtanto kong hindi ko man lang naiparamdam sa inyo ni Callix ang pagiging ama ko. I never got to spend more time with you and your brother. I was a father to our land first before being a father to you. I realized how dedicated I am to leading our land and realized I have never been a devoted father to you..."

Tuluyang nanlabo ang aking paningin dahil sa luha. "Papa..." namamaos na sabi ko. Gusto ko siyang pigilan at sabihing naiintindihan ko kung gaano kabigat ang tungkulin niya para sa aming rehiyon ngunit tila nilamon na ng bigat ng aking nararamdaman ang lahat ng gusto kong sabihin.

Ngumiti siya nang malungkot at ipinatong ang kanyang palad sa isang pisngi ko. Hinawakan ko ito nang mahigpit at hinayaan ang sariling maging mahina sa harapan ng aking ama. Napagtanto ko kung gaano ako nangungulila sa pagmamahal ng aking mga magulang. I grew up thinking my life is not a fairytale just because I'm a royal dahil hindi kami pinalaki ng aking ama upang maging mapagmataas.

During my childhood, my definition of a good father in a family is being a good father of the land. Akala ko ay normal lang ang aming pamumuhay dahil hindi ko naramdaman na naiiba kami sa lahat, and I admire my father for raising us like that. 

Bata pa lang ako, akala ko ay normal lang din na mas mahaba ang ginugugol niyang oras sa kanyang trabaho dahil bata pa lang ako ay pinaintindi na sa akin ni Ate Callista kung gaano kalaki ang responsibilidad ni Papa bilang pinuno ng isang rehiyon. But seeing him express his deepest regret now breaks my heart.

"I realized what I truly want to achieve for the rest of my life... to become a good father to my family. I want to spend more time with you and get to know you more. At kung ang pagbitiw sa aking posisyon lang ang tanging paraan upang matupad ko iyon, I would gladly step down instead to be with my family. Sana ay mapatawad niyo ako ni Callix at Callista sa lahat ng aking mga pagkukulang sa inyo, anak," aniya na talaga namang tumatak sa aking isipan.

I have never thought poorly of him kahit nalaman ko ang tungkol sa nangyari noong binawian ng buhay ang aking ina matapos kaming ipanganak ni Sage. Hindi ko inakalang hanggang ngayon pala ay bitbit niya ang pagsisising iyon at kitang-kita sa kanya kung gaano niya pinagsisisihan ang lahat ng kanyang mga naging kakulangan at kasalanan bilang ama.

Pinalis ko ang aking mga luha at bahagyang pinisil ang kanyang kamay. "Papa, I want to participate in the preliminaries for The Chosen Ones and make you proud," buo ang loob na sabi ko.

Halatang natigilan siya sa sinabi ko ngunit pagkaraan ng ilang sandali ay muling sumilay ang ngiti sa kanyang labi. "If you really want to, then go for it. Do it for yourself and not for anyone else. Please never stop chasing your dreams, anak. Inaamin ko noon, nagduda ako sa kakayahan mo, but seeing you like this after everything that happened, I finally understand. I know that nothing can stop you because the fire in your heart keeps burning no matter what. As long as you keep that flame burning in you, you will always be guided by its light."

Pagkauwi namin sa Nephos ay sinunod ko ang gustong mangyari ni Ate Callista kaya hinintay ko munang matapos ang check up sa akin ng royal healer na personal niyang pinili para sa akin. Maghahatinggabi na nang payagan akong bumalik sa aking dormitoryo sa Nexus Academy. Nagpahatid na lang kami ni Sage sa karwahe kaya mabilis din kaming nakarating sa aming paroroonan. 

Pagkarating sa paaralan ay dumiretso na agad ako sa aking dormitoryo upang magpahinga. Nang masiguro ni Sage na nakapasok na ako sa aking silid ay bumalik na rin siya sa kanyang dormitoryo.

Kinabukasan ay maaga akong gumising upang tingnan ang official memo na pinaskil sa dashboard ng opisina ng headmistress tungkol sa gaganaping preliminaries ng The Chosen Ones. Katulad ng nakaraang preliminaries, ganoon pa rin ang magiging bracket. Lahat ng mago-audition para sa The Chosen Ones ay kinakailangang kabilang sa isa sa limang clans ng Nephos: the Gray clan, kung saan ako kabilang, the Anderson clan, the Maverick clan, the de Grande clan, and last, but definitely not the least, the Commoners clan.

Maaaring maisip ng iba na masyadong unfair ang bracket dahil kailangan mo munang makabilang sa alinman sa nabanggit na clans kung gusto mong lumahok sa patimpalak, but I think it's fair enough. The Chosen Ones can be considered as an elite squad composed of different people from different clans who earned their way to the top. All the powerful clans weren't there just because they had the greatest connections and money. They worked hard for what they have now and earned their spots at the top. Ang kani-kanilang pamilya ay nagtataglay rin ng natatanging kapangyarihan na ipinasa ng kanilang mga ninuno sa bawat henerasyon. At isa pa, there will always be a chance for other people outside the powerful clans to join the preliminaries, the Commoners clan; thus, I think it's fair.

The participating clans will have ten representatives competing in the preliminaries' first round. Magkakaroon ng seeding from top 50 down to top 25, down to top 13 players who will then proceed to the qualifiers. Mula sa 13 finalists na sasabak sa qualifier finals, ang top 5 na matitira ay siyang tatanghaling The Chosen Ones of Nexus Academy. At kung itutuloy nga ni Papa ang tungkol sa battle for the throne, ibig sabihin ay lahat ng mapipili bilang The Chosen Ones ngayong taon ay maaaring mapasama sa listahan ng lalaban upang maging tagapagmana ng trono ng pinuno ng aming rehiyon.

"Are you planning to join the preliminaries?" Napataas ang isang kilay ko at sumulyap sa aking kakambal na nakatayo rin pala sa tabi ko at nakatingin din sa memo na binabasa ko.

"Why? You think I won't?" may bahid-sarkasmong sabi ko.

He sighed and looked at me nonchalantly. "No, I am certain you would join."

I mentally rolled my eyes. "Kilala mo ako, Sage. I will never back down when it comes to my aspirations. Wala akong pakialam kung pati buong Nephos ay gustong pigilan ang gusto ko." Saglit akong natigilan nang maalala ang sinabi sa akin ni Garethe kahapon. "After all, this world favors the brave, not the powerful," wala sa sariling dagdag ko.

Nanatili siyang tahimik sa sinabi ko kaya naisipan ko nang bumalik sa aking dorm, ngunit nagulat ako nang hablutin niya ang pala-pulsuhan ko kaya napaharap ako muli sa kanya. "Do you trust me, Astra?" seryosong tanong ni Sage sa akin.

Agad nagsalubong ang kilay ko dahil sa kanyang tanong. Ilang sandali ko munang sinubukang timbangin kung gaano ka-seryoso ang tanong niya bago ako sumagot. "Of course. I trust you with my life, Sage."

Bahagyang umaliwalas ang kanyang mukha dahil sa sagot ko at tila nabunutan ng tinik sa kanyang lalamunan. Dahan-dahan niyang niluwagan ang pagkakahawak sa aking pala-pulsuhan bago nagpakawala ng mahabang buntong-hininga at marahang tumango. "Alright, then..." mahinahong aniya.

Kahit nalilito sa inasta ng aking kapatid ay nagkibit-balikat na lamang ako at nagpatuloy na sa paglalakad pabalik sa Class B dormitories upang maghanda sa aking unang klase para sa araw na ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top