Kapitulo XXI - Rush

Nagulat ako nang gamitin ni Garethe ang isa niyang kamay upang itulak nang walang kahirap-hirap ang talim ng kahoy na espadang itinutok ko sa kanyang leeg. Hindi pa ako nakakabawi sa kanyang ginawa ay mabilis niyang binaliktad ang posisyon naming dalawa at kinulong sa kanyang palad ang mga braso kong nakapilipit. Binawi niya ang espadang hawak ko at siya naman ngayon ang nagtutok ng talim nito sa leeg ko. Tumindig ang aking mga balahibo nang maramdaman ko ang kanyang mainit na hininga sa aking tainga at batok kasabay ng pagdikit ng kanyang dibdib sa aking likod.

I groaned out of frustration as I tried to escape his tight grip, but I couldn't. Mas lalo niyang idinikit ang talim ng espada sa aking leeg kaya napasinghap ako at bahagyang inangat ang aking baba upang umiwas. Hinawakan ko ang talim ng espada upang pigilan itong dumikit sa aking leeg.

"I don't think you understand the difference between saving someone and protecting them," he whispered. "Alam kong hindi mo na kailangan ng taong sasagip sa'yo because you are not a damsel in distress who needs to be saved all the time. You are a valuable, strong, and independent woman I want to protect because this cruel world does not deserve someone as precious as you."

I parted my lips to speak, but I don't know why I was suddenly lost for words. Pinilit kong lunukin ang nakabara sa aking lalamunan nang maramdaman ang paninikip ng aking dibdib.

"And let me tell you one thing, Astra Calliope..." panimula niya. "Everything you hear is an opinion, not a fact, and everything you see is your perspective, not the truth. Keep in mind that you are the master of your own sea, so you can choose and do whatever you want. Remember, this world favors the brave, not the powerful."

Nagulat ako nang bigla niyang ilayo ang talim ng espada sa aking leeg at ibinaon ito sa lupa. I was still in disarray while watching him walk away from me without taking back his words.

Nabalik lamang ako sa realidad nang hugutin ng kaklase ko ang espadang nakabaon sa lupa. Tumikhim ako at inayos ang aking tindig bago naglakad pabalik sa portal at walang pag-aalinlangang umalis sa klase. Hinintay ko na lamang ang tunog ng school bell nang sumapit na ang oras upang tumungo kami sa Great Hall para sa important announcement ng headmistress.

"Astra!"

Nilingon ko ang kaibigang si Estefania na kumakaway sa gawi ko at sinesenyasan akong tumabi sa kanila. Tumango ako at naglakad patungo sa kinaroroonan nila. Agad naman niya akong sinalubong ng yakap nang makalapit ako at nagsimula siyang magkuwento tungkol sa araw niya na kahit papaano ay nagpagaan sa bigat na nararamdaman ko simula kanina pa. 

Natigil lang ang aming pagkukuwentuhan nang dumating na sa Great Hall ang headmistress kasama ang mga professor namin at ilang officials ng Galaxias.

"A pleasant afternoon to the future mages of Nephos!" magiliw na bati ni Headmistress C sa aming lahat.

Sabay-sabay kaming tumayo at inilagay ang kanang kamao sa kaliwang dibdib bago yumuko at bumati pabalik sa punong-guro ng Nexus Academy. "Good afternoon, Headmistress C!"

Itinaas ng headmistress ang isa niyang kamay at sinenyasan kaming maupo muli na agad naman naming sinunod. "Ipinatawag ko kayo rito ngayon para sa isang mahalagang anunsyo na dinala mismo ng duke rito kanina mula sa mahal na prinsipe ng Camp Nephos," aniya.

Bahagyang napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya. Kung totoo nga'ng ito ang ipinunta ni Duke Gregory kanina, then Garethe must be telling the truth, huh? Unless...

A small cloud of light formed at the center of the palm of the headmistress, slowly projecting a holographic figure of Grand Prince Ostes beside the podium. "Good day, future guardians of the enchanted home! The time has finally come for officially picking The Chosen Ones, who will represent our region in the upcoming annual Choque de la Magia tournament. This year will be different because each of The Chosen Ones will also be given a chance to prove themselves and compete in the upcoming battle for the throne that will be held this year," magiliw na anunsyo ng prinsipe.

I heard a lot of gasps after a long silence. Tuluyan nang nabasag ang katahimikan nang nagsimulang magbulungan ang mga estudyante dahil sa hinayag na anunsyo ng prinsipe. Sinulyapan ko ang aking kapatid sa katabing lamesa na magkasalubong ang kilay ngunit nanatiling nakatikom ang kanyang bibig.

Hindi ko na napigilan ang mapaisip dahil sa anunsyo ni Papa. Ito ba talaga ang ipinadadalang balita ni Papa? Pero 'di ba't masyado pang maaga para sa battle for the throne? Naiintindihan ko ang pagpapaaga ng schedule ng pamimili ng The Chosen Ones kasi na-postpone naman ito noong nakaraang taon dahil sa malaking kaguluhang nangyari sa Sanctum Academy. Usually, the preliminaries for The Chosen Ones of Nephos happen by the end of the school year or about two to three months after the annual departmental examination.

Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit binubuksan na agad ang possibility na mag-compete ang The Chosen Ones for the throne this year? I mean... ibang usapan na yung trono kumpara sa Choque de la Magia tournament na taon-taon namang ginaganap. Hindi pa naman panahon para bumaba sa posisyon si Papa, ah? 

Battle for the throne means competing with the other chosen successors of the throne in the past few years that were also picked from the annual tournament. Kung pinapaaga nila ang kompetisyon na dapat ay gaganapin lang sa tamang panahon, ibig sabihin ba ay dumating na ang panahong iyon? Pero, bakit? Why does it seem like they are rushing everything?

Muling natahimik ang lahat nang patunugin ng nakaupong sekretarya ng headmistress ang wine glass na nakapatong sa mahabang lamesa sa kanyang harapan. "Order in the Great Hall, please," pormal na ani Secretary Anya na siyang nakakuha sa atensyon naming lahat.

"Further details will be posted within this day. If you have questions or inquiries regarding this matter, you can either wait for the official memo, or you can visit my office for a consultation," mahinahong sabi ni Headmistress C kasabay ng unti-unting paglalaho ng holographic figure ni Grand Prince Ostes. "That's all for today, mages! You can now proceed to your following classes."

Agad akong tumayo at nauna nang maglakad palabas ng Great Hall. Narinig ko ang ilang ulit na pagtawag ni Estefania sa pangalan ko ngunit hindi na ako muling lumingon pa. Nanatiling magkasalubong ang kilay ko habang naglalakad palabas ng Nexus Academy. Dumiretso ako patungo sa istasyon ng tren at walang pag-aalinlangang bumiyahe patungong kapitolyo ng Galaxias.

Una sa lahat, hindi ko maintindihan kung bakit hindi sinabi sa amin ni Papa ang tungkol dito? At bakit walang bakas ng pagkabigla sa mukha ni Ate Callista at Sage sa anunsyo ni Papa? Matagal na ba nilang alam ang tungkol dito? Ako na lang ba ang walang alam? Bakit bigla nilang minamadali ang battle for the throne? Gusto na ba talagang bumaba ni Papa sa kanyang posisyon? Ito ba talaga ang gusto niyang mangyari?

Nang makarating sa kapitolyo ay dumiretso agad ako patungo sa palasyo ng Galaxias na nakatayo sa sentro nito. Pinagbuksan agad ako ng gate ng mga kawal ng palasyo nang matanaw nila ako mula pa lang sa malayo. Itinaas ko ang kanang kamay upang tanggapin ang kanilang ginawang pagpupugay bago dumiretso na sa bulwagan. 

Bago pa man ako makahakbang papasok sa entrada ay sinalubong na agad ako ni Aling Martha, isa sa tagapaglingkod ng palasyo na pinakamalapit sa akin. "Napadalaw ka yata rito sa palasyo, Princess Astra?" halatang gulat na bati niya sa akin matapos magbigay-pugay.

"Aling Martha, maaari ko ho bang dalawin si Papa ngayon? Ilang linggo ko na ho kasi siyang hindi nakikita. May itatanong lang ho sana akong importante," diretsong sabi ko.

Bakas ang pagkabalisa sa kanyang mukha. "A-ah, sige, sandali lang, hija... Ipapaalam ko muna sa mahal na prinsipe ang iyong pagdating—"

Itinaas ko ang aking kamay at umiling. "Huwag na po, ako na ang bahalang magsabi. Nasaan po ba siya ngayon?"

Napalunok siya nang sunod-sunod bago sumagot. "Na-nasa hardin yata, mahal na prinsesa..."

Ngumiti ako nang tipid sa kanya bago nagpasalamat. Hindi ko na hinintay pa ang kanyang sagot at agad nang tumungo sa hardin ng palasyo. Malayo pa lang ay natatanaw ko na ang aking amang tahimik na nakaupo sa isang bench at nakamasid sa rumaragasang tubig ng malaking fountain sa gitna ng hardin.

Naagaw ko ang atensyon ng ilan sa mga tagapaglingkod na nakapalibot at nagsisilbi sa kanya kaya sabay-sabay silang yumuko at gumilid maliban na lang sa may hawak ng payong at malaking pamaypay. Sumulyap din sa gawi ko ang aking ama at saglit na bumalatay ang gulat sa kanyang mukha ngunit agad niya itong tinakluban ng ngiti. Sinenyasan ko ang mga tagapagsilbi niya na iwan muna kaming dalawa na agad naman nilang sinunod.

Huminto ako sa kanyang harapan at nagbigay-pugay. "Greetings, Your Royal Highness..."

"Astra, anak..." nangingiting aniya.

Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso habang pinagmamasdan ang aking ama. Kumikintab na ang kanyang buhok at kapansin-pansin din ang bilis ng kanyang pagtanda sa maikling panahon na hindi kami nagkita. Sa kabila ng nanunuyo at namumutla niyang mga labi ay nakasilay ang isang malungkot na ngiti. Bahagyang nanlabo ang aking paningin dahil sa namumuong mga luha habang humahakbang palapit sa aking ama at umambang yayakap. "P-Papa..." namamaos na sambit ko.

Dahan-dahan akong bumitiw sa yakap at pinagmasdang mabuti ang aking ama. "Bakit napadalaw ka rito, anak? May problema ba?" Bakas ang magkahalong pangungulila at pag-aalala sa kanyang mukha. Bukod sa kapansin-pansing pagtanda ay halata rin ang laki ng ipinayat ng aking ama. Napansin ko ito nang makitang maluwag na sa kanya ang kanyang suot na pulang robang niregalo ko sa kanya noong nakaraang kaarawan niya.

Pinalis ko ang ilang nakatakas na luha sa aking pisngi at nilunok ang nakabara sa aking lalamunan. "Bakit hindi ka na umuuwi sa palasyo natin, Papa? Mas marami naman tayong magaling na manggagamot doon sa Nephos. At saka, p'wede mo namang tapusin ang trabaho mo roon sa opisina mo, 'di ba, 'Pa? Umuwi ka na sa atin, please..."

Hindi nakatakas sa aking paningin ang pagdaan ng lungkot sa namumungay na mga mata ni Papa bago siya nag-iwas ng tingin. Tumingala siya sa bughaw na kalangitan at nagpakawala ng mahabang buntong-hininga. "Kaunting panahon na lang, hija... Uuwi agad ako sa Nephos kapag naayos ko na ang lahat ng problema rito. Gusto ko ay wala na akong babauning problema habang naglalakbay pabalik sa ating tahanan. I only want the best for Camp Nephos, so I won't go home until I finish dealing with all the damages I've made to our sacred land when I was gone."

Hinawakan ko ang kanyang kamay at binalot ito gamit ang aking mga palad kaya napasulyap siya sa gawi ko. "Pero hindi mo kasalanan ang pagkakaroon mo ng sakit noon, Papa! And now that you've regained consciousness, why do you continue to overwork yourself? You need to rest every once in a while, 'Pa... Hindi natin alam, baka 'yan pala ang dahilan kung bakit nagkasakit ka noon. How can you return to our home and lead our land in that condition? We need you to come back stronger, Papa. The enchanted home isn't the same without you," mariing sabi ko sa kanya.

Ibinalik niya ang tingin sa fountain at pinagmasdan ang kanyang repleksyon doon. Nanatiling nakatikom ang kanyang bibig dahil sa sinabi ko kaya binasag kong muli ang katahimikan. "Speaking of leading our land, bakit parang minamadali niyo nga po pala ang battle for the throne—" Naputol agad ang aking sasabihin nang biglang mawalan ng malay ang aking ama sa harapan ko. Mabuti na lang ay nasalo ko agad ang kanyang ulo at likod kaya nabuwal din ako sa pagkakatayo.

Ipinatong ko ang likod ng kanyang ulo sa aking kandungan bago hinawakan ang isa niyang kamay at bahagyang tinapik ang kanyang pisngi. Nanginig lalo ang aking kamay nang mapansin ang panlalamig ng kanyang mga kamay at pisngi. Inalog ko ang kanyang balikat at marahang tinapik ang kanyang pisngi. "P-Papa?"

"Princess Astra, anong nangyari—" Napahinto agad si Aling Martha nang makita ang walang malay kong ama sa aking kandungan. Nabitiwan niya ang bitbit na tray ng pagkain sa lupa at agad dumalo sa amin. "Tu-tulong! Tu-tumawag kayo ng mga manggagamot ngayon din!" sigaw niya sa mga nagsisilbi kay Papa.

Nanginig ang aking labi habang paulit-ulit pa ring sinusubukang gisingin ang aking ama. Nanlalabo na ang aking paningin dahil sa pamumuo ng luha sa aking mga mata at ramdam na ramdam ko ang hirap sa paghinga. "Gu-gumising ka, Papa!" halos pabulong na sabi ko.

Halos hindi ko na naramdaman ang pag-alalay at pagbuhat sa akin ng mga tagapaglingkod ng palasyo palayo sa wala pa ring malay na katawan ng aking ama. Agad siyang dinaluhan ng royal healers ng Galaxias na ipinatawag ng nag-aalalang si Duke Gregory at Grand Prince Neraios na mukhang kalalabas lang mula sa palasyo. Lumipat sa akin ang nag-aalalang tingin ni Tito Neraios at iyon ang huli kong alaala bago tuluyang nagdilim ang paligid.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top