Kapitulo XVI - Shadow
"Mamá, please calm down," pabulong na pigil ni Papa sa nanggagalaiting si Queen Elizabeth. Sinubukan niyang abutin ang kanyang siko ngunit marahas niya itong iniwas.
Muli ibinalik ng reyna ang nanlilisik niyang tingin sa akin. "The youngest daughter of the ruler of the enchanted home doesn't have magic!?" she dramatically scoffed. "This is ridiculous!"
"Elizabeth," mariing pigil sa kanya ni Queen Marina bago nag-aalalang sumulyap sa akin.
Inismiran lamang siya ni Queen Elizabeth bago muli akong pinagtaasan ng kilay. Tears pooled in my eyes when I saw the pure disappointment and disgust in her eyes. "No one from the royal family is weak and powerless! Isang kahihiyan ito sa royal family!" madamdaming dagdag niya.
I tried to hold in my tears and equaled her intense gaze. I swallowed the lump in my throat and maintained my composure. Stay calm, Astra. You're a respectable lady. Hindi lang kayo ang naririto sa loob ng bulwagan ngayong gabi.
She narrowed her eyes. "And you still have the guts to look at me like that? Gan'yan ba dapat umasta ang may dugong-bughaw?"
Agad kong ibinagsak ang tingin sa sahig at mariing itinikom ang aking mga labi. I gritted my teeth, hoping it would release the building frustration I was feeling.
"Akala mo ba ay hindi ko alam kung paano ka pumuslit patungo sa Sunne upang makapag-ensayo ng pakikipaglaban kasama ang isang rebelde?" She chuckled a bit. "How are you related to Amaia Maxine Miranda's disappearance?"
Narinig ko ang pag-usbong ng bulungan mula sa mga bisitang nasa ibaba at nakakasaksi sa nangyayari ngayon. Pinanatili ko lang ang tingin sa sahig habang nakayuko at sinusubukang pakalmahin ang sarili. Sinubukan kong palabasin sa kabilang tainga ang lahat ng akusasyong binibitiwan ni Queen Elizabeth sa akin, ngunit kahit anong pilit ko ay tumatagos pa rin ito sa aking puso.
Sarkastiko siyang tumawa habang pinagmamasdan ang reaksyon ko. "Para saan? You want to become stronger? Kahit anong gawin mo, hinding-hindi mo malalagpasan ang kakambal mo. You are nothing but a shadow of your twin brother's achievements and overwhelming power. You will never surpass him in all aspects, and you will never fulfill your dream to become the successor of your father's throne."
"Lola, please..." mahinahong pigil ni Sage kay Queen Elizabeth, ngunit hindi siya nito pinansin.
"Kahit pagbali-baliktarin mo ang mundo, babae ka lang! Ang isang babaeng katulad mo ay hindi kayang mamuno ng isang kaharian at dapat ay manatili lamang sa loob ng isang tahanan!"
Taas-noo kong inangat ang aking tingin at sinubukang labanan ang intensidad ng kanyang tingin sa akin. "With all due respect, Your Majesty..." panimula ko bago saglit na yumuko bilang simbolo ng respeto sa kanya. "Opo, babae ako, pero hindi 'babae lang'. Gusto ko pong maging pinuno ng bayang ito upang ipagpatuloy ang legacy ni Papa at higit sa lahat, gusto ko ring patunayan sa inyo na ang isang babaeng katulad ko ay hindi lang limitado sa pagiging ilaw ng tahanan, dahil kaya rin naming mamuno at maging isang ina ng bayan."
Mas lalong nanlisik ang kanyang mga mata sa naging sagot ko. Napansin ko ang pagbigat ng kanyang paghinga at ang pamumula ng kanyang pisngi dahil sa galit. Nagulat ako nang iduro niya ako at akmang susugurin ngunit napigilan siya agad ni Papa. "You are disrespectful, irresponsible, and tactless! How dare you disrespect me?!" nanggagalaiting sabi niya.
"Elizabeth, calm down," nauubos ang pasensyang pigil sa kanya ni Queen Marina, ngunit hindi pa rin nagpatinag ang nanggagalaiting reyna.
"You're nothing but an ordinary girl without any magical abilities! How can you lead a powerful clan where magic is everything when you don't even have one?"
Pinasadahan ko ng tingin ang lahat ng nakarinig sa sinabi ng mahal na reyna. Nakita ko ang panghuhusga at pagkadismaya sa kanilang mga mata kaya bumagsak ang tingin ko sa sahig. I pursed my lips tightly when I felt the bitterness spreading in my throat.
"Stop." Empress Gaia's voice thundered in the grand palace lobby, making my insides twitch in nervousness.
Nagtindigan yata ang lahat ng balahibo ko nang salubungin ko ang malamig na tingin ng royal empress ng Galaxias. Nakitaan ko rin ng takot ang mga mata ni Queen Elizabeth habang pinapanood ang paglalakad papalapit sa kanya ng empress. Nilipat sa akin ni Empress Gaia ang kanyang tingin ngunit hindi ito nagtagal at agad nilipat sa aking ama.
"I want you to end this party and shut the palace gates now," mariing sabi ng empress na agad namang sinunod ng mga kawal ni Papa.
"Send all the guests home immediately," utos ni Papa kay Duke Gregory na nakatayo sa tabi niya at tahimik lang na nakapanood sa amin.
Bahagyang yuumuko ang duke bilang simbolo ng pagpupugay sa mahal na prinsipe. "As you wish, Your Royal Highness," tugon niya sa utos ni Papa bago nilipat sa akin ang nag-aalalang tingin.
Nang masigurong nakauwi na ang lahat ng bisita ay mas naramdaman ko ang panliliit ng sarili habang kasama ang buong pamilya. Nang muling magtama ang tingin namin ni Empress Gaia ay parang piniga ang puso ko. Agad akong nag-iwas ng tingin nang maramdaman ang pangingilid ng kanina pa nagbabadyang luha sa aking mga mata. Walang pag-aalinlangan ko silang tinalikuran lahat bago tumakbo pababa ng malaking hagdan.
Narinig ko ang ilang ulit na pagtawag sa akin ni Sage at ni Papa ngunit hindi ko na sila nilingon pa. Tinakbo ko ang daan palabas ng palasyo at dumiretso sa aming malaking hardin. Hindi ko na ininda ang sakit ng aking paa dahil sa pagtakbo habang nakasuot ng heels.
Nang makarating sa gitna ng malaking hardin kung saan palagi akong pumupunta ay napaupo ako sa sahig sa tapat ng malaking fountain. Inilubog ko ang aking mukha sa ibabaw ng aking mga braso at ipinatong ito sa marmol. I poured all my bottled-up emotions and cried my heart out. Muling umalingawngaw sa aking isipan ang lahat ng masasakit na salitang binitiwan ni Queen Elizabeth kanina.
Ang isang babaeng katulad mo ay hindi kayang mamuno ng isang kaharian at dapat ay manatili lamang sa loob ng isang tahanan!
How can you lead a powerful clan where magic is everything when you don't even have one?
You're nothing but an ordinary girl without any magical abilities!
I clenched my fists and bit my lower lip. "Why are you so weak and powerless, Astra?" iritadong bulong ko sa sarili.
You are nothing but a shadow of your twin brother's achievements and overwhelming power.
You will never surpass him in all aspects, and you will never fulfill your dream to become the successor of your father's throne.
Halos magdugo ang aking labi dahil sa diin ng aking pagkakakagat. Dahan-dahan kong ibinuka ang nakakuyom kong mga kamao nang maramdaman ang muling pag-akyat ng pait sa aking lalamunan.
Noon pa man, alam kong walang-wala talaga akong binatbat kay Sage. He was gifted, while I was born with nothing. Nasa kanya na ang lahat at maliwanag na rin ang kanyang kinabukasan, samantala ako ay tila karugtong lang ng lahat ng biyayang ipinagkaloob sa kanya. Everyone adored him for being blessed with extraordinary abilities and for his undeniable charm and humility. Ako? Tinitingala lamang dahil sa pagiging anak ni Grand Prince Ostes at pagiging bahagi ng royal family.
I always had to work harder to prove to everyone that I was worth it. Kailangan ko munang ipakita sa kanila na kaya ko rin bago nila ako tingalain katulad ng pagtingala nila sa mga kapatid ko. Everyone sees the potential in him na hindi nila makita sa akin dahil babae ako. They only see me as the daughter of the ruler of the enchanted home and the younger sister of Headmistress Callista. Nakikita lang nila ako bilang kakambal ng pinagpala kong kapatid na si Callix Sage, but they never see me as Astra Calliope.
Nakaramdam ako ng mainit na pagpatong ng kamay sa aking ulo na siyang nagpaangat sa tingin ko. Nagtama ang tingin namin ni Sage na muling nagpaahon sa pait na nararamdaman ko. "Anong ginagawa mo rito?" malamig na tanong ko sa kanya.
Umupo siya sa harapan ko at inilahad ang kanyang panyo sa akin. Ibinaba ko ang tingin doon ngunit hindi ko ito tinanggap. Muli kong inangat ang tingin sa kanya at pinanatiling tikom ang aking bibig.
Bumuntong-hininga siya at nilapit sa aking mukha ang panyo bago sinubukang palisin ang aking mga luha, ngunit iniwas ko agad ang aking mukha. "Pasok na tayo sa loob, Astra... Magpalit ka na muna ng damit at magpahinga sa silid mo," mahinahong aniya.
Ipinatong niya ang kanyang suot na coat sa ibabaw ng aking balikat na agad ko namang tinanggal. "Get lost, Sage!" I hissed.
Nakita ko ang pagdaan ng kaunting gulat sa kanyang mata na agad din namang naglaho nang kumurap siya. "I'm not leaving unless you go inside with me," buo ang desisyong sabi niya.
Napasinghap ako sa sinabi niya. Pinilit kong tumayo kahit hinang-hina na ang katawan ko. Sinubukan niya akong alalayan ngunit agad kong tinampal ang kamay niya. "I said get lost, Sage! I don't need you here!"
Muli siyang napabuntong-hininga sa sinabi ko. "Stop being hard-headed for once, Astra. Magkakasakit ka sa ginagawa mo—"
"Wala kang pakialam!" singhal ko sa kanya. He pursed his lips tightly and calmly looked at me. Humampas ang malamig na simoy ng hangin kaya nakaramdam ako ng kaunting panlalamig lalo na't off-shoulder dress ang suot ko. Akmang pipihit na sana ako paalis ngunit muling hinablot ni Sage ang pala-pulsuhan ko.
"Astra, tara na sa loob—"
Marahas kong kinalas ang kanyang pagkakahawak sa akin at pinukulan siya ng masamang tingin. "Ano ba?! Bakit ba ang kulit mo? Ayaw nga kitang makita! Ayaw kitang makasama! Alin ba roon ang hindi mo maintindihan?"
Bahagya siyang natigilan sa sinabi ko. I was slightly taken aback by what I said, but I had already made up my mind. "Astra, I'm just worried—"
"P'wes hindi ko kailangan ng awa o simpatiya mo, Sage! Pagod na akong magmukhang mahina! Pagod na pagod na akong mai-kumpara sa'yo! Pakiramdam ko ipinanganak lang ako para maging anino ng liwanag mo! Hanggang kailan ko papatunayan ang sarili ko na karapat-dapat akong maging bahagi ng pamilyang 'to? Hanggang kailan ko papatunayan na may silbi rin ako sa pamilyang 'to?" I fumed before finally walking away, but he grabbed my wrist again.
Bago pa ako makapagbato ng panibagong masasakit na salita sa kanya ay natigilan agad ako nang makita ang malambot na ekspresyon ng kanyang mukha. His sorrowful eyes immediately pierced through my heart.
Nagulat ako nang hilahin niya ako patungo sa isang mainit na yakap. "I'm sorry..." he croaked. "I didn't know you've been going through a lot all this time."
Muling nangilid ang mga luha ko dahil sa sinabi niya. Naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko kasabay ng pag-agos ng panibagong luha mula sa aking mga mata.
"You weren't a shadow to me, Astra. You are my other half. You will always be a part of me, just like I am to you. Hindi ako magiging buo kung wala ka." Tinutop ko ang aking bibig upang pigilan ang paglakas ng aking mga hikbi dahil sa sinabi niya.
"You don't have to prove yourself every time. You are who you are, and that is your power. You are unique and extraordinary. You are Astra Calliope Gray, and no one can do it like you," marahang aniya na siyang tumagos sa puso ko. "You're the only one I would consider as my rival, may kapangyarihan ka man o wala. But when all else fails, remember that you always have me, not as your rival, but as your brother."
Hinigpitan ko ang yakap sa aking kapatid at ibinaon ang aking mukha sa kanyang dibdib. I smiled through my tears while cherishing this moment. Ako na yata ang pinakapinagpalang tao sa mundo, dahil mayroon akong kapatid na katulad ni Sage. Siya lang ang nag-iisang taong may kakayahang iparamdam sa akin na mahalaga ako. Siya lang ang nag-iisang taong kayang intindihin ang tunay na nararamdaman ko.
"At kung dumating man ang araw na mamamatay ako at muling isisilang sa mundong ito, ikaw pa rin ang hihilingin kong maging kapatid ko, Astra..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top