Kapitulo XV - Birthday Part 2
"Happy Birthday, anak!" magiliw na bati sa akin ng aking ama bago ibinuka ang kanyang mga bisig na agad ko namang pinaunlakan. Mas lalong lumawak ang aking ngiti nang hagkan niya ang ibabaw ng ulo ko. "You've grown into a fine and strong lady! You got your mother's—"
"Of course, that's how a lady from the royal family should be," mapait na pagsingit ni Queen Elizabeth sa aming usapan na ngayon ay nakatayo pala sa likod ni Papa matapos bumati sa aking kapatid. "Nananalaytay sa kanya ang dugo ng kagalang-galang na Emperor Galaxius at Empress Gaia. It would be a disgrace to have a weak descendant in this family."
Bumitiw ako sa yakap at agad umambang babati sa kanya, ngunit agad niya akong pinigilan at inismidan. Naitikom ko na lamang ang aking bibig at nahihiyang ibinagsak ang tingin sa sahig. "Maraming salamat po sa pagdalo, Queen Elizabeth..." sabi ko gamit ang maliit na boses. Narinig ko ang pagtikhim ni Papa sa aking gilid kaya nalilito akong napatingin sa kanya.
"G-Greetings, Your Imperial Majesty," bati ni Queen Elizabeth na siyang nagpaangat agad sa tingin ko. Namilog ang mga mata ko nang makita sa aking harapan si Empress Gaia na inaalalayan ng kanyang servants at naglalakad papalapit sa akin.
Agad din akong napayuko bilang pagpupugay sa kanya, ngunit nagulat ako nang maramdaman ang kanyang marahang paghawak sa aking siko. Nang i-angat ko ang tingin sa kanya ay sumilay ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi. "Happy Birthday, Astra Calliope..."
Nangilid ang mga luha ko nang maramdaman ang mainit na haplos sa aking puso dahil sa sinserong pagbati ng kagalang-galang na empress ng Galaxias sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang lumapit siya sa akin at pinalis ang nangingilid kong luha gamit ang kanyang panyo. "Thank you, Your Majesty..." nahihiyang sabi ko.
"Don't cry, apo. It's your birthday today!" natatawang sabi ng empress. Pinasadahan niya ng tingin ang aking kabuuan bago marahang hinawakan ang aking pisngi gamit ang isa niyang kamay. "Your beauty and elegance greatly resemble your mother. I'm sure she's always watching you from afar. You grew up so well..."
I smiled through my tears while listening to her remarks. Sa buong royal family, si Empress Gaia ang unang tumanggap sa aking ina bilang bahagi ng pamilya. My mother, the deceased Grand Princess Akami Gray, was not born from a noble family. She paved her way to the top of her class through excellence and magic. She immediately caught the attention of everyone, even the high-ranking nobles, because of her captivating beauty, intelligence, and pure heart, which captured the attention of my royal father.
She was one of the strongest encantados next to my father and the royal family. Kaya lang, maaga siyang binawian ng buhay. Everyone grieved for her sudden death, except for Queen Elizabeth and Queen Betana. Noon pa man ay hindi na talaga nila tanggap ang aking ina dahil sa pinagmulan niya at sa kanyang estado sa buhay, but Queen Marina and Empress Gaia were an exception.
Noon pa man ay naging mabuti na ang turing ng empress sa aming magkakapatid. Ayon pa sa kuwento ni Manang Wanda, palagi raw siyang bumibisita rito matapos ikasal si Mama at Papa. Madalas daw siyang nagpapadala ng maraming regalo noong ipinagbubuntis pa lang kami ni Mama.
Queen Marina, Grand Prince Neraios' birth mother, was very compassionate towards us, too. Noong namatay si Mama, isa siya sa tumulong kay Papa sa pag-aalaga sa amin ni Sage at Ate Callista dahil abala sa pagluluksa ang aming ama at napapabayaan na kaming magkakapatid.
Bumeso sa akin si Queen Marina at yumakap. "Happy Birthday, my lovely princess!" maligayang bati niya sa akin.
Ngumiti ako nang matamis sa reyna nang bumitiw ako sa yakap. "Thank you, Mamá! Maraming salamat po sa pagdalo niyo rito nila Tito Neraios at Tita Aliscel..."
She chuckled a bit. "Of course, hija! Mawawala ba naman ako sa espesyal na kaarawan ng mga paborito kong apo!?" makahulugang aniya. "At isa pa, matagal na naming pinaghandaan ito ni Aliscel kaya talagang dadalo kami!"
Ngumuso ako upang itago ang nagbabadyang ngiti sa aking labi bago sinulyapan ang aking kapatid na naglalakad papalapit sa amin. Nahagip ng aking paningin ang pasimpleng pagsulyap ni Queen Elizabeth sa akin. Suplada siyang nag-iwas ng tingin sa akin at umismid bago lumapit sa empress at nakipag-usap. Nag-iwas na lang ako ng tingin at hindi na hinayaan pang bumagabag iyon sa akin.
"Happy Birthday, Callix, apo! Binatang-binata ka na talaga!" nangingiting bati ni Queen Marina sa aking kakambal.
Bumeso siya sa reyna bago humawak sa aking likod. "Maraming salamat po sa pagdalo, Mamá..." nangingiting ani Sage bago sumulyap sa akin.
Matapos ang ilan pang pagbati at kumustahan ay bumalik na kami sa kanya-kanyang upuan upang panoorin ang ilang pagtatanghal na hinanda para sa amin. Mayroong mga sumayaw ng kani-kanilang katutubong sayaw at mayroon ding nagtanghal gamit ang isang pamosong dula tungkol sa pagkakakilala ni late Emperor Galaxius at Empress Gaia.
"Astra, are you hungry?" Nilingon ko ang aking kapatid dahil sa bulong niya. Ngumiti ako at umiling ngunit nanatili ang tingin niya sa akin. "Are you sure? P'wede naman tayong magpahinga at kumain muna sa silid natin. Bumalik na lang tayo sa huling presentation."
I pouted and rolled my eyes. "I want to enjoy the show, Sage. Bakit ba gusto mo na agad umalis? Mamaya pa naman tayo magbibihis, ah?"
I saw a hint of uneasiness in his eyes, which made me frown. Ibinagsak niya ang tingin sa paa ko. "Hindi pa ba masakit ang mga paa mo? 'Di ba ayaw mong magsuot ng heels? Magpalit ka na rin muna ng cocktail dress mo."
My eyebrows furrowed even more. "Kakapalit ko lang ng gown, Sage... Napapagod na ako kakapalit kaya gusto ko munang maupo rito at manood sa mga magtatanghal," napapagod na sagot ko. "Kung gusto mong umalis, p'wede mo naman akong iwan muna rito."
Napansin ko ang sunod-sunod na pagsulyap niya sa malayo bago nababalisang tumingin sa akin. "How about you go to the restroom first? Gusto mo bang ihatid kita?" aniya bago hinawakan agad ang pala-pulsuhan ko ngunit agad ko itong binawi.
Suminghap ako at iritadong nilingon ang kanina niya pa sinusulyapan. Agad nanuyo ang lalamunan ko nang magtama ang tingin namin ng isang pamilyar na mata. His blood-red eyes directed at me immediately sent shivers down my spine. Umangat ang isang gilid ng kanyang labi habang naglalakad papalapit sa kinauupuan namin ni Sage ngayon. Natataranta naman akong tumayo at yumuko bilang pagpupugay sa mahal na prinsipe ng Camp Asteres.
"Greetings, Your Royal Highness..." sabay na pagbati namin ni Sage. Napayuko rin sa gilid ko si Manang Wanda na umaalalay sa akin.
Grand Prince Remus laughed heartily. "You may both rise," aniya habang sinesenyasan kaming umayos ng tindig.
Nagulat ako nang lumapit muna siya sa akin at umambang yayakap na nag-aalinlangan ko namang tinanggap. Nang bumitiw siya ay sumulyap siya sa aking kakambal ngunit nagtagal ang kanyang tingin sa akin. "Happy 18th Birthday, Astra Calliope and Callix Sage!" Nagtayuan yata lahat ng balahibo ko dahil sa pagbati niya sa amin. "May all your aspirations in life come true."
I have no memory of him being a real uncle to us. I always find him ruthless, cold, arrogant, and scary. His blood-red hawk eyes made him even more intimidating than he already was. Siya ang panganay na anak ni King Sherbet at legitimate son ni Queen Betana. He is the twin brother of Grand Prince Romulus, the ruler of the subdivision Asteres Planetai. I find him and Tito Romulus very peculiar. Kailanman ay hindi ko sila nakitang magkasama at bihira ko lang din silang makita sa mga okasyong dinadaluhan ng royal family.
"T-thank you, Tito Remus..." sabi ko gamit ang maliit na boses habang nananatiling nakatingin sa sahig.
He chuckled a bit. "Are you scared of me?" Mabilis akong umiling bilang sagot kaya muli siyang natawa. "Then, why can't you look me in the eyes? Mukha ba akong sahig?"
Napalunok ako nang sunod-sunod bago dahan-dahang inangat ang tingin sa kanyang kulay pulang mata. Sumilay ang isang kakaibang ngiti sa kanyang labi na nagpaahon lalo sa kaba ko.
I was never fond of him because of his intimidating aura. No wonder he is the father of the land of the unseen, the land full of assassins. Halos lahat yata ng kilala kong nagmula sa mataas na pamilya sa Camp Asteres ay mayroong ganitong klaseng aura, except for Cygnus, I think? Or baka naman judgmental lang talaga ako?
"So-sorry po..." nahihiyang sabi ko.
"Grand Prince Remus," pormal na tawag ni Sage sa kanya na bahagyang nagpaluwag sa paghinga ko.
Agad binawi ng prinsipe ang kanyang tingin mula sa akin. Napansin ko ang pagbabago ng kanyang ekspresyon nang ilipat niya ang tingin kay Sage. "Callix Sage," he said coolly.
Nagpabalik-balik ang tingin ko nang mapansin ang namumuong tensyon sa kanilang dalawa. Naputol lang ito nang i-anunsyo ang pagtatapos ng dula at ang pagsisimula ng huling pagtatanghal na papangunahan ng Anderson clan kung saan kabilang si Estefania. They sang an enchantment song for the gods, commonly sung for the royal family's birthday celebrants.
Bago matapos ang kanilang pagtatanghal ay sinabihan na kaming bumalik ni Sage sa kanya-kanyang silid upang magbihis sa huling pagkakataon. Nagpaiwan muna si Sage roon upang tapusin ang pagtatanghal nila Steffy, na hinayaan ko naman dahil hindi naman siya mahihirapan sa pagbibihis katulad ko. Pagkabalik namin sa malaking bulwagan ay nagsimula nang umawit ang lahat ng bisita para sa aming dalawa.
"Happy Birthday to you..." nangingiting pag-awit ni Sage habang nakatingin sa akin. Hindi ko na napigilan ang mapahalakhak habang pinapalis ang mga nangingilid kong luha bago pabiro siyang hinampas sa braso.
My lips slowly parted in amusement when the guests lifted their two fingers and kissed its tips. Umilaw ang kanilang mga daliri nang iharap nila ito habang nakatingala sa amin. My lips slowly curved into a sweet smile when the whole grand palace lobby shined like a galaxy full of stars and an enchanted forest full of fireflies.
Hinawakan ko ang kamay ni Sage bago sabay kaming humarap sa aming malaking birthday cake. Nagkatinginan kaming dalawa habang nakangiti sa isa't isa. "Happy Birthday, Sage..." I mouthed.
My brother winked at me and smiled. "Likewise, Astra..."
Nang matapos ang pag-awit ng mga bisita ay dahan-dahan ko na ring binitiwan ang kamay ni Sage at lumapit sa kandila. Ipinikit ko ang aking mga mata at hiniling ang kapayapaan ng Camp Nephos at buong Kingdom Galaxias, pati na rin ang matagal ko nang minimithi sa buhay. I slowly opened my eyes and glanced at my twin brother. Tumango siya sa akin bilang senyas na maaari na naming hipan ang kandila. Isang pamilyar na kaba ang umahon sa aking dibdib nang muli kong ibalik ang tingin sa kandila.
I took a deep breath before blowing out the candle. Nang mamatay ang apoy sa kandila ay bigla ring nagtayuan ang mga balahibo ko kasabay ng paghampas ng isang malamig na simoy ng hangin sa aking mukha. Napamulat ako nang biglang umilaw ang mga kamay ni Sage at namuo ang liwanag sa kanyang palad.
Nagpalakpakan ang mga nakasaksi sa pag-usbong ng natitirang kapangyarihan na kukumpleto sa kabuuang ability ng aking kapatid. I stood there in awe while joining the crowd as they cheered for my twin brother. Hindi ko napigilan ang mapasulyap sa aking palad habang patagong inaabangan ang pag-usbong ng sariling kapangyarihan. Naramdaman ko ang paglipat ng tingin sa akin ng mga tao kaya muli kong inangat ang tingin sa kanila.
Dahan-dahang napawi ang palakpakan ng mga bisita at namutawi sa buong bulwagan ang katahimikan habang nakadirekta sa akin ang atensyon ng lahat. Napalunok ako nang sunod-sunod sa nararamdamang matinding pressure. Sinulyapan ko ang royal family na nakapanood din pala sa akin at bakas ang antisipasyon sa mga mata. Naramdaman ko ang pamumuo ng malalamig na butil ng pawis sa aking noo. Ibinalik ko ang tingin sa aking mga nanlalamig na palad at bumagsak ang aking balikat nang makitang wala pa rin akong nararamdaman na kahit anong enerhiyang nagmumula roon.
"Astra..." pabulong na tawag sa akin ni Sage.
Malungkot kong inangat ang tingin sa kanya, ngunit napawi agad ang lungkot ko nang makita ang kanyang maamong ngiti na tila nagpapaalala sa akin na huwag akong sumuko. Tipid akong ngumiti bago marahang tumango at ipinikit ang aking mga mata.
I could feel my heart pounding so hard in my chest as I tried to concentrate and feel the energy inside my body. I took a deep breath and clenched my fists. Slowly, I released the tension in my body as I exhaled and opened my eyes. Nang makitang wala pa ring lumalabas na kapangyarihan sa akin ay muling humataw ang aking puso at umakyat ang pait sa aking lalamunan.
"Anak, what's happening?" mahinahong tanong sa akin ni Papa nang dumalo siya sa akin. Hinawakan niya ang nanginginig kong mga kamay at sinubukang hulihin ang aking tingin. Nakitaan ko ng labis na pag-aalala at pagtataka ang kanyang namumungay na mga mata.
"P-Papa..." napapaos na sabi ko habang nangingilid ang aking mga luha. "Ano pong ibig sabihin nito? Wa-wala po ba akong kapangyarihan?"
Naramdaman ko rin ang pagdalo sa akin ni Sage at ang paghawak niya sa balikat ko. Nilingon ko siya kasabay ng pagtakas ng ilang luha mula sa mga mata ko.
Pinalis ni Papa ang mga luha ko at diretsong tumingin sa aking mga mata. "Lalabas din ang kapangyarihan mo, anak. I think it's still not the right time. Don't give up, okay? We'll try—"
"What is the meaning of this?!" Queen Elizabeth's voice thundered the whole palace lobby.
Napalingon kaming tatlo sa kanya at pinanood ang paglapit niya sa akin. Nakadirekta sa akin ang kanyang nanlilisik na mga mata. Her disappointment in her eyes was evident as she surveyed me from head to foot. I parted my lips to speak, but no words came out. Nanginig lamang ang aking mga labi at muling nangilid ang aking mga luha habang tinatanggap ang mapanghusga niyang tingin sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top