Kapitulo XIX - Alone
"The real magic lies within you..."
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata ngunit halos maipikit ko itong muli nang salubungin ako ng nakakasilaw na sikat ng araw mula sa labas ng bintana. Bumangon ako at napagtantong narito ako ngayon sa aking silid sa palasyo ng Nephos.
Naglakad ako patungo sa pinto ng aking silid nang mapansing nakaawang ito nang kaunti. Sinalubong ako ng katahimikan at kadiliman ng hallway na labis kong ipinagtaka. Nagulat ako nang maramdaman ang unti-unting paglabas ng aking mga pakpak kasabay ng paglinaw ng aking paningin. Teka... bakit lumalabas pa rin ang tunay kong anyo kahit mataas na ang sikat ng Haring Araw?
"Astra..." Agad kong nilingon kung sino ang tumawag sa akin at nagulat nang makita ang isang pamilyar na mukha sa kabilang dulo ng hallway. Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin bago ngumiti nang matamis.
Wala akong alaala kasama ang aking ina dahil maaga siyang binawian ng buhay kapalit ng pagkabuhay namin ng aking kakambal na si Sage. Tanging larawan na ipininta ng aking ama ang pinanghahawakan kong alaala ng kanyang mukha, ngunit alam kong hindi ako nagkakamali sa nakikita ko sa aking harapan ngayon.
"M-mama?" Wala sa sarili akong naglakad papalapit sa kanya. Inangat ko ang aking kamay upang abutin ang nakalahad niyang kamay, ngunit kasabay ng paghawak ko nito ay ang paglalaho niyang tila isang bula.
Tumalikod ako nang marinig ang tunog ng mga kuliglig na karaniwan lamang lumalakas kapag nasa loob ng kagubatan. Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid at napagtantong nasa loob na ako ng isang madilim na maze. Nalilito akong tumingala sa kalangitan at nakita ang kabilugan ng buwan na natatakluban ng mga ulap.
"Mama?" Muli kong sinubukang hanapin ang aking ina sa paligid ngunit kahit saan ako lumingon at pumunta ay tanging matatayog na pader lamang ang aking nakikita. Paano ako napunta rito? Nasaan na ang aking ina? Bakit nagpakita siya sa akin pagkalipas ng labing-walong taon?
Nabalik ako sa realidad nang lumikha ng isang malakas na tunog ang pagtapak ng isa kong paa sa mga tuyong dahon. Nabitin sa ere ang aking paghinga nang makitang lumubog ang bahagi ng sahig na naapakan ko at bigla itong umilaw. Agad akong napaatras papalayo nang mapansing unti-unting kumakalat ang liwanag mula sa parisukat na sahig. Halos mabuwal ako sa pagkakatayo nang biglang yumanig ang lupang inaapakan ko.
Sinubukan kong umangat mula sa lupa at lumipad gamit ang aking mga pakpak, ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi ko ito ma-kontrol. Bawat pagaspas ng aking pakpak ay tila may dumadaloy na kuryente mula roon patungo sa aking pala-pulsuhan kung saan nakasuot ang aking pilak na purselas.
Naramdaman ko ang pamumuo ng mga butil ng pawis sa aking noo at ang pagkabog ng aking dibdib. Hindi ko na napigilan ang mapatili nang biglang bumuka ang lupa at hinigop ang aking katawan pababa sa malalim at tila walang katapusang bangin. Inangat ko ang aking kamay nang may makitang hubog ng isang babaeng natatakluban ang kabilugan ng buwan.
I can feel my body floating in the air as my body continues to fall down the endless cliff. Nang maramdaman ng aking mga paa ang lupa sa ibaba ay muli kong iminulat ang aking mga mata. Tumapak sa lupa ang aking mga paa na tila ba marahan akong inilapag ng hangin sa kailaliman ng madilim na banging ito. My fairy wings faded as the torches of light lit up one by one, slowly revealing a mysterious entrance of a cave.
Nagulat ako nang biglang kuminang ang pendant ng kuwintas na suot ko kasabay ng pagbulusok ng liwanag mula sa loob ng kuweba patungo sa akin. Hinarang ko ang kamay sa aking mata upang takpan ang nakakasilaw na liwanag at hindi na rin naiwasan ang mapapikit.
Napaahon ako mula sa pagkakahiga at agad hinabol ang aking paghinga. Nilibot ko ang tingin sa paligid at napagtantong narito ako sa aking lumang dormitoryo. Pinalis ko agad ang malalamig na butil ng pawis sa aking noo. I can still feel my heart pounding and my hands trembling. Anong nais ipahiwatig ng panaginip na iyon? Ano ang nilalaman ng misteryosong kuweba at bakit ako dinala ng aking mga paa roon?
Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may humawak sa balikat ko. Sinalubong ako ng nababalisang mukha ng aking kapatid na si Sage. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pinihit ako paharap sa kanya. "Astra, we need to get out of here now!" mariing aniya.
"W-why? What's wrong? Anong nangyayari?"
Suminghap siya bago walang pag-aalinlangang hinablot ang pala-pulsuhan ko at hinila ako palabas ng silid. Ibinaba ko ang tingin sa lupang inaapakan nang maramdaman ang mamasa-masang damo na nadaraanan namin. Lumitaw ang malaki at makinang na pakpak ni Sage kasabay ng pag-angat namin mula sa lupa. Hinayaan ko siyang dalhin ako sa kung saan man niya gustong magpunta kahit na hindi ko pa rin maintindihan ang sitwasyon.
Nang makarating sa isang tago at madilim na bahagi ng gubat ay napagdesisyunan ni Sage na lumapag at magtago sa itaas ng isang malaking puno. Halata pa rin ang pagka-aligaga niya habang tahimik na nagmamasid sa paligid. Nang masigurong wala na iyong mga humahabol sa amin ay unti-unti nang lumuwag ang pagkakahawak niya sa aking pala-pulsuhan.
"Ano bang nangyayari, Sage? Ba-bakit ba tayo tumatakas?" nalilito pa ring tanong ko sa kanya.
Sinandal niya ang kanyang likod sa puno at pagod na ipinikit ang mga mata. Napansin ko ang pamumuo ng maliliit na butil ng pawis sa kanyang noo at ang bahagyang pag-igting ng kanyang panga. "Your life is in danger, Astra," napapaos na sabi niya.
Agad nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya ngunit nanatiling tikom ang aking bibig. Nang mapansin niya ang pananahimik ko ay muli niyang iminulat ang kanyang mga mata at ibinalik ang nag-aalalang tingin sa akin.
"They are after you..." dugtong niya.
"But why? Did I do something wrong? Mayroon ba akong nilabag na batas ng Galaxias? Hindi ba't mga kawal ng Galaxias yung humahabol sa atin?" naguguluhang tanong ko. "May kinalaman ba ito sa pagka-demote ko sa Class B? Pero hindi naman iyon dapat ginagawang big deal, 'di ba?"
Marahan siyang umiling bago hinawakan ang magkabilang balikat ko. "They are after you because you..." he slightly paused and contemplated for a moment. "...are the chosen one."
I scoffed. "What do you mean I'm the chosen one? I don't even have any magical power!"
Natigilan ako nang mapansin ang unti-unting paglaki ng kulay kahel na liwanag sa likuran ng aking repleksyon sa mga mata ni Sage. Dahan-dahan akong lumingon upang tingnan kung saan iyon nanggagaling at agad namilog ang aking mga mata nang makita ang isang malaking bola ng apoy na mabilis na tumutungo sa aming direksyon. Ipinikit ko nang mariin ang aking mga mata at niyakap nang mahigpit ang aking kapatid.
Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga habang habol-habol ang aking paghinga. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid at napagtantong narito ako sa aking bagong silid sa Class B dormitories. Pinalis ko ang malalamig na butil ng pawis sa aking noo at nagpakawala ng isang mahabang buntong-hininga. I could still feel my heart pounding and my hands trembling because of that terrible dream.
Sinulyapan ko ang orasan sa ibabaw ng aking bedside table at nakitang alas tres pa lamang ng madaling araw. Binaluktot ko ang aking tuhod at niyakap ito nang mahigpit bago hinilig ang aking noo sa mga braso. I have never been afraid of darkness and being alone, but now it's slowly getting into me. The silence only intensified the chaos inside my head.
Bumangon ako at kinuha mula sa aking cabinet ang mga nakatago kong armas na ginagamit ko upang mag-ensayo noon. Nagpalit ako ng isang puting t-shirt, khaki shorts, at black jacket. Iniladlad ko ang aking mahabang buhok at tinitigan ang aking repleksyon sa salamin. Dinampot ko ang gunting at pinasadahan ng daliri ang dulo ng aking buhok. Itinapat ko ang gunting sa aking buhok hanggang sa ilalim ng aking tainga ngunit natigilan ako nang umalingawngaw sa aking pandinig ang pagsinghap ng mahal na reyna.
"Ang mga babae mula sa ating pamilya ay dapat mahinhin at elegante ang kilos at pananamit. You should look pleasing and presentable at all times because you represent the royal family," pangaral sa akin ni Queen Elizabeth na malamig na nakatingin sa aking repleksyon.
My hands trembled, and I could feel the cold sweat trickling on my forehead. Nabalik ako sa realidad nang dumulas mula sa kamay ko ang gunting na hawak ko. Napaatras ako nang tuluyan itong malaglag sa sahig kasabay ng paglalaho ng repleksyon ni Queen Elizabeth sa aking tabi. Nararamdaman ko pa rin ang paninikip ng aking dibdib habang nakatulala sa gunting na muntik nang tumama sa aking paa kung hindi ko ito naiwasan. Pinulot ko ito gamit ang nanginginig pa ring kamay at ipinatong muli sa ibabaw ng aking dresser.
Ipinuyod ko na lamang nang mataas ang aking mahabang buhok at tinalikuran ang aking repleksyon sa salamin. Humugot muna ako nang hininga bago napagdesisyunang lumabas ng aking dormitoryo. Pinasadahan ko muna ng tingin ang madilim na paligid habang naglalakad palabas ng Nexus Academy bago inilabas ang aking mga pakpak at lumipad patungo sa entrada ng aming rehiyon.
Sinalubong ako ng tahimik na kapaligiran at maligamgam na hanging nahahaluan ng kaunting alikabok pagkalagpas ko sa malaking arko ng Camp Nephos. Dahan-dahan akong bumaba sa lupa at itinago ang aking pakpak bago humalo sa ilang mga taong naglalakad din patungo sa malaking istasyon. Pinagmasdan ko ang kalagayan ng bayan malapit sa istasyon ng tren ngayon at hindi na napigilan ang mapabuntong-hininga.
Habang naglalakad sa kapatagan ay tumingala ako sa madilim na kalangitan at napangiti nang malungkot nang mapansing natatabunan ng mga ulap ang liwanag ng buwan. Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa istasyon at sumakay sa tren ng Galaxias.
Nang huminto na ang tren sa istasyon ng Camp Sunne ay mabilis akong tumayo at binitbit ang dalang string bag na bigay pa sa akin noon ng aking kaibigan na si Amaia bago bumaba ng tren. Pagtapak pa lang ng aking mga paa sa kanilang istasyon ay nagtayuan na agad ang mga balahibo ko. Bumagal ang aking paglalakad habang pinapasadahan ng tingin ang paligid. Bilang lang yata ng aking mga daliri sa kamay ang mga taong naririto sa istasyon at karamihan pa ay paalis kaysa parating.
Agad akong tumungo sa bahay ni Angelina kung saan kami nag-eensayo noon. I could hardly remember how to get there on my own because it was a long time ago. The last time I was here with Angelina and Amaia, everything was perfectly normal.
Habang tinutulak pabukas ang gate ng kanilang bahay ng aking matalik na kaibigan ay hindi ko mapigilang maalala ang masasayang araw habang magkakasama kaming magkakaibigan. The moment I went through their front yard, the wind full of dust violently blew and I couldn't help but close my eyes to avoid letting some dust inside my eyes. Pagkamulat ng aking mga mata ay hindi ko na napigilan ang pangingilid ng aking mga luha. Ipinatong ko sa ibabaw ng malaking bato ang aking dalang bag at pinasadahan ng tingin ang madilim at tahimik na paligid.
Maybe I was meant to be alone... but perhaps it was for the better. I think it's better for me to be alone because I only end up destroying everything I touch. It's probably better to be alone instead of letting others see how vulnerable I am. I'd rather be alone because solitude gives me more comfort than I can ever get from being with people I don't know if they genuinely care for me. Being alone means being away from chaos and drama. And when I'm alone, nobody can hurt me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top