Kapitulo VII - Deal
Kinabukasan ay maaga akong nagising upang maghanda sa pagpasok sa eskuwelahan. I can't believe that my short semestral break has already ended! Parang kahapon lang ay kaka-anunsyo pa lang ng bakasyon namin, ngayon ay papasok na naman ako!
It's just like the logic about Mondays and Fridays— Bakit ang lapit ng Friday sa Monday pero ang layo ng Monday sa Friday? Ugh!
"The look on your face says you want to end this school year already," natatawang puna ni Sage sa akin.
I rolled my eyes and pouted even more. Pagkatapos naming mag-almusal ay sabay na kaming tumulak ni Sage patungo sa Nexus Academy. Awtomatikong naglaho ang disgusto ko sa pagpasok nang makita ang kagandahan ng aming mahal na paaralan mula pa lang sa entrada.
Nexus Academy: Hogar de los Encantados
"Astra!" Napalingon ako sa tumawag sa aking pangalan mula sa 'di kalayuan. Agad akong tumakbo at sinalubong ng yakap ang kaibigan kong si Estefania nang tumakbo rin siya papalapit sa akin.
Nang bumitiw ako sa yakap ay pinasadahan ko ng tingin ang maliit na pagbabago sa kanya. Her silky brown wavy hair swam down her neck like a waterfall. Napansin kong mas humaba at kumapal ito sa loob lamang ng dalawang buwan naming hindi pagkikita.
"You look gorgeous, Steffy..." puri ko sa kanya.
Her cheeks flushed at my sudden compliment. Pabiro niyang hinampas ang braso ko kaya napaiwas ako. "Mas maganda ka, tanga!"
Napahalakhak ako sa sinabi niya. "Bakit may kasama pang mura?!" pabirong reklamo ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at umambang hihilahin na ako papasok sa paaralan. Agad hinanap ng paningin ko ang biglang naglahong kapatid. "Huh? Nasaan na si Sage?" pabulong na tanong ko sa sarili.
Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at nagpahila na lang sa tumatakbong si Steffy. The gentle wind blew as we entered the home of the enchanted ones. Hindi ko napigilan ang pagngiti habang pinagmamasdan ang iba't ibang uri ng encantados na nagtipon-tipon ngayon sa balik-eskuwela. Kung titingnan mo sila sa ilalim ng mataas na sikat ng araw, hindi mo agad maiisip na mayroon silang ibang anyo tuwing gabi. Mukha lang kaming mga normal na estudyante katulad ng ibang mamamayan sa iba pang rehiyon.
I stared at the beauty of our sanctuary in awe. The buildings made of mushrooms looked astonishing and magical as usual. I looked up and saw the ever-changing sky art caused by the clouds that brought infinite images of beauty in different sizes and shapes. Sa likod ng mga ulap ay nagtatago ang nakangiting Haring Araw.
"Are you ready for Defense class?" tanong sa akin ni Steffy.
I lazily hugged my friend's back. "I wanna go home already, Estefania..." I drawled.
Napahalakhak siya dahil sa sinabi ko. "Kakapasok pa lang natin, pero nasa pag-uwi na agad ang isip mo!"
I tilted my head and tried to block her vision. "Huwag na lang kaya nating pasukan ang klase ni Sir Miguel?" I tried to convince her.
Itinulak niya palayo ang mukha ko gamit ang isa niyang kamay. "Oh, tukso! Layuan mo ako!" pag-awit niya sa isang linya ng kilalang kanta na narinig namin mula sa mundo ng mga manna.
I laughed heartily at her jokes until we arrived at our first class. Naghiwalay na kami ng landas ni Steffy dahil nahahati ang aming klase base sa uri ng encantados. She's with the centaurs while, on the other hand, I'm with the fairies. Mahahati lang kami from Class A to Class D kapag kami'y labing-walong taong gulang na at kapag nasa ika-huling taon na kami sa high school.
Natahimik ang lahat dahil sa pagpasok ko sa silid, ngunit kalaunan ay bumalik na rin ang ingay dahil sa pagbati at pagsalubong ng ilan kong kaklase sa akin. "Greetings, Your Royal Highness..."
Ngumiti ako sa kanilang lahat at sinenyasan silang tumayo. Sinulyapan ko ang kakambal kong nakamasid lang sa akin mula sa kanyang kinauupuan. Nagkuwentuhan muna kami ng ilang kaklase ko habang wala pa ang aming guro sa Defense class. Nang dumating siya ay agad kaming nagsibalikan sa kanya-kanyang puwesto.
Tumikhim si Sir Miguel Severus upang makuha ang aming atensyon. "Good day, class! It's your first day after your semestral break but not my first day of teaching, so we'll stick with our routine."
Narinig ko ang kanya-kanyang pagsinghap ng mga kaklase ko dahil sa anunsyo ni Sir Miguel. May ibang humingi pa ng kaunting break muna sa pagduduwelo ngunit hindi sila pinakinggan ng aming medyo istriktong guro.
"Come on! Ang tatamad niyo sa pag-eensayo at pagpapalakas kaya laging talunan ang ating rehiyon tuwing Choque de la Magia!" ani Sir Miguel. "Ayaw niyo bang kayo ang mag-uwi ng una nating kampeonato balang araw?"
Humalukipkip ako at tahimik na pinanood ang pagrereklamo ng aking mga kaklase. Ako lang siguro ang excited palagi sa klase na ito dahil lahat sila ay pare-parehong ayaw sa subject na ito. I was one of the few in this class who liked Defense class and other courses that involved practicing wielding weapons.
Well, the few who like this class include my brother. Of course, he should like it! Malaki ang expectations sa kanya ng mga mamamayan ng Nephos. Being the best in defense would definitely make him an ideal leader, not that I would let him win against me easily. I would be his greatest and strongest rival in the upcoming battle for the throne.
"Weapon of choice," mayabang na sabi sa akin ng makakalaban ko ngayon sa duwelo.
Humalukipkip ako at pinagtaasan siya ng kilay. "Ikaw muna... Pick your best weapon, Cygnus," malamig na sabi ko habang marahang pinapasadahan ng daliri ang mga armas na nasa harapan ko.
I smirked when a thought came to my mind. Cygnus Maverick is a half-blood citizen. His mother was born in Camp Asteres, while his father lives here in Camp Nephos. His dual citizenship makes him move freely inside and outside the borders of the two regions. The Maverick clan is one of the most powerful families in our region, and their attribute is Earth magic. Sigurado akong mataas din ang expectation ng pamilya niya sa kanya para sa darating na battle for the throne.
"What will I gain if I win this duel, Princess?" makahulugang tanong ni Cygnus sa akin.
"Bakit? What if I win this duel instead? Sigurado ka bang kaya mong maibigay ang gusto ko?" mapaglarong tanong ko.
Saglit siyang napaisip sa sinabi ko bago ngumisi. "Of course! You know that I'm a man of words, Princess Astra..." mapanuyang aniya. "Ikaw ba? Kaya mo bang maibigay ang hihilingin ko kapag ako ang nanalo?"
Unti-unting napawi ang ngiti ko. "What do you want from me, Cygnus?" diretsong tanong ko sa kanya.
Bahagya kong nakitaan ng pagkamangha ang kanyang mukha dahil sa pagiging direct to the point ko. "Woah! Easy there, Princess!" He smirked. "Gusto ko kapag natalo kita... ikaw mismo ang magsabi kay Grand Prince Ostes na ako ang lalaking pakakasalan mo."
Umahon ang iritasyon sa aking dibdib. I shifted my weight a bit. "We're too young to talk about marriage, Cy..." mahinahong sabi ko. Sa likod ng kalmadong ekspresyon sa aking mukha ay ang kagustuhang basagin ang nakangisi niyang mukha gamit ang kamao ko. You're just like the others! You're just hungry for the throne and power! I will never marry someone who wants to take advantage of my wealth and royalty!
He chuckled a bit. "Alam natin pareho na maraming nakapila para hingiin ang kamay mo ngayon pa lang, Astra Calliope. We're not too young for this topic anymore! We're almost eighteen now! Sa susunod na taon ay paniguradong ia-anunsyo na ang lalaking pakakasalan mo."
I scoffed. "I'm sorry to burst your bubble, but... you do not belong to the choices, Cygnus. Your city belongs to Nephos already. Mayroon nang naging kasunduan si Papa at Tito Glenn Maverick noon," natatawang sabi ko.
His face darkened even more. "Choose me, then. Add me to your long list of suitors."
I smiled without humor. "And why the hell would I do that? I would rather not do it if it will not benefit the kingdom," mariing sabi ko.
His brow instantly shot up. "Well, it's not like you would lose on purpose, right? Talunin mo ako ngayon, Princess Astra. Kung ayaw mo talagang makuha ko ang gusto ko ay pahirapan mo ako," hamon niya sa akin.
"And if you lose?" I raised a brow when I noticed how he hesitated for a second.
"Okay, if I win... you will tell your father that you want to marry me. Pero kapag natalo ako, I would stop bothering you. Hinding-hindi na ako magbabalak na pilitin kang pakasalan ako," seryosong aniya.
I narrowed my eyes and tried to find a way to outsmart him. I'm confident I would win this duel without trying hard, but... I want a win-win situation. I want to benefit from this, too.
"Iyon lang ba ang makukuha ko?" I pursed my lips and tried to suppress a smile. Matapang ko siyang tiningnan. "I want something different, Cy. I want something more..." I playfully said.
He looked confused. "What do you want?"
I crossed my arms. "Give me anything valuable that you can get from Earth. Specifically, anything where you can store a lot of memories. I know it's possible for you since you're a citizen of Asteres. Kaya mo bang maibigay sa akin 'yon, Cygnus?" mahinahong sabi ko.
Napakurap-kurap siya dahil sa sinabi ko. Alam ng lahat na ipinagbabawal ang pagpuslit ng mga gamit mula sa mundo ng mga manna papasok dito sa Galaxias. Even in Camp Asteres, it is prohibited kahit pa moderno na ang pamumuhay roon at nakakalabas-masok sila sa Earth at Galaxias para sa kanilang mga misyon.
Lahat ng mga may kakayahang makapagpuslit ng kagamitan mula sa Earth ay ang mga nasa makapangyarihang pamilya at may mga koneksyon lamang. And I believe that Cygnus' family is capable of doing something like this. But of course, hindi puwedeng mahuli dahil malaking kahihiyan at kasalanan iyon lalo na't tinitingala sila rito sa Nephos.
"Deal..." namamaos na sagot niya.
Napakurap-kurap ako dahil sa gulat. I can't believe he bought that! It's too risky! But I guess... desperation can really lead you to commit mistakes, huh?
Cygnus' family is almost as powerful as the de Grande clan. Namumuno rin sila ng isang malaking bayan dito sa Nephos. Napagbuklod na ni Papa ang kanilang bayan at ang amin noon dahil sa simpleng kasunduan tungkol sa pantay na trato sa kanilang mga manggagawa. Bahagya nga'ng nagsisi ang kanilang pamilya dahil hindi na sila maaaring makasali sa paligsahan ng maaaring makakuha sa aking kamay balang araw. But Cygnus clearly has more guts than his family, and he has his own ways of getting the things he wants...
"Handa na ba kayong dalawa?" Napatingin kami kay Sir Miguel nang umalingawngaw ang kanyang boses sa paligid.
I snapped my fingers which caught my opponent's attention. "What's your weapon of choice, Lord Maverick?" I asked coolly.
Pinili niya ang isang Excalibur at dinampot ito. Pinili ko naman ang isang malaking dragon sword. Naglaho ang malaking lamesa sa aming harapan at nag-iba na rin ang paligid.
"Same rules. The first one to draw blood wins," anunsyo ni Sir Miguel. "Let the battle... begin!"
Bouncing on the balls of my feet, I readjusted my grip on my dragon sword. I held it over my left shoulder while waiting for Cygnus to make his first move. One second after his fierce eyes met mine, he jumped and quickly slid forward before trying to draw blood on my left arm using his Excalibur. Mabuti na lang at naiharang ko agad ang espada ko at marahas siyang naitulak papalayo.
Quickly, I defended myself when I received another blow. My sword intercepted his, allowing me to trap his blade on my hilt. Naghiwalay muli kami at bahagyang umayos ng tindig. We both stepped backward and assumed our neutral stance.
Taking the offensive, I made a running approach before jumping and feinting an overhead cut from above him. Akala niya ay naiwasan niya na ang atake ko ngunit mas mabilis akong kumilos. I swiftly duck low and slash my sword on his right thigh. Sumirit agad ang kanyang dugo mula sa hiwa kaya napadaing at napaatras siya. I cocked my head to one side as I watched him suffer from excruciating pain. I immediately dropped my sword and rushed to help him stand.
"I did not expect this match to end easily. It was a close fight, Cygnus..." nangingiting sabi ko habang inaalalayan siya patayo.
Mula sa pagkakangiwi ay unti-unting sumilay ang isang ngiti sa kanyang labi. "You did not let your guard down until the end, too. It was a good duel, Astra..." He chuckled. "Damn, I was beaten by a woman!"
I laughed with him, too. Bumalik na kami sa realidad at sinalubong ako ng palakpakan ng aking mga kaklase. Kinakantiyawan naman si Cygnus dahil sa pagkatalo sa akin. Dumapo ang tingin ko sa nag-iisang walang kibo sa gitna ng mga tao. The expression on my twin brother's face was unreadable. His mouth remained in a grim line. Nilapitan ko siya at mayabang na tiningnan.
"Am I really that good to piss you off, Sage?" natatawang sabi ko sa kanya.
His brow shot up. "You know I can do better than that," mayabang na aniya.
I scoffed at him. Bago pa ako makapagsalita ay tinawag ako ni Cygnus at sinenyasang lumapit. Iniwan ko muna ang kapatid ko upang makipag-asaran sa kanya at sa iba pa naming kaibigan. Hindi rin naman ako nagtagal doon at binalikan ko na agad ang kapatid ko.
Nang makalapit ako ay bumuntong-hininga siya. "Kailan pa kayo naging close ni Cygnus?" mariing tanong niya.
I frowned at his question. "Bakit? Magkaibigan ang mga pamilya natin, Sage. Our father wants us to be sociable with the other noble families."
Nanatili ang pagdududa sa kanyang mga mata. "Kaya ba ayaw mong maging fiancé si Garethe dahil si Cygnus ang gusto mong pakasalan?"
I mentally rolled my eyes at his assumption. My brother is just being overly protective as usual! I pinched his cheeks before walking past him. Dumayo ako sa iba pang mga kaibigan ko at nakipagkuwentuhan muna sa kanila habang nakasalang sa duwelo ang iba pa naming kaklase. Pagkatapos ng mga natitirang duwelo ay inubos namin ang natitirang oras upang mag-ensayo sa paggamit ng iba pang mga armas.
"Ano na naman ba, Cygnus?" I impatiently asked him when he dragged me out of the classroom.
Dumaan ang gulat sa kanyang mukha nang makita ang iritasyon sa aking mukha nang harapin ko siya. Kakatapos lang ng Defense class namin at papunta na dapat ako sa susunod naming klase which is Ability class. Kanina pa siya sunod nang sunod sa akin at panay ang tawag sa pangalan ko ngunit hindi ko siya pinapansin dahil busy ako sa pagpa-practice ng paggamit ng baril sa Defense class kanina.
"Kailan tayo ulit magkikita?" tanong niya sa akin.
Napahinto ako sa paglalakad at kunot-noong tumingin sa kanya. "At bakit? Akala ko ba titigilan mo na ako?" nalilitong tanong ko.
Napanguso siya sa sinabi ko. "Paano mo kukunin ang premyo mo, kung gano'n?" makahulugang tanong niya.
Napakurap-kurap ako sa sinabi niya at hindi na napigilan ang mapangisi. "Kailan mo ba iyon maibibigay sa akin? Hindi ba mahirap mahanap ang gusto ko?"
He playfully smirked at me. "Kung gusto mo ay kukunin ko na agad ngayong araw para sa'yo," pagyayabang niya sa akin.
Namilog ang mga mata ko at bahagyang na-intriga sa sinabi niya. "Ta-talaga!? Pero paano? Saan at anong oras tayo magkikita?" pang-uusisa ko.
Humalakhak muna siya bago sumagot. "I can give it to you as soon as possible if that's what you want. Maybe today, after class ay maibibigay ko na. Or kung gusto mo..." he trailed off before leaning closer to my ear. "...samahan mo na lang akong kunin iyon ngayon?" he whispered.
I smirked and slightly pushed him away from me while chuckling. Hindi ko na napigilan ang excitement sa aking mukha. "Oh, e'di ano pang hinihintay natin ngayon? Let's go!" buo ang desisyong sinabi ko bago tinalikuran siya at nagsimula nang maglakad.
Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin. "Sigurado kang sasama ka sa akin? May Ability class pa tayo!" mapaglarong aniya.
Napairap ako sa ka-plastikan niya. "Sasabihin ko na lang bukas na hindi ako nakapasok ngayon dahil masama ang pakiramdam ko..."
"Sinong hindi papasok?"
Napaubo ako dahil sa gulat at nanigas sa aking kinatatayuan nang matunugan ang malamig na boses ng aking kapatid na si Sage. Dahan-dahan kong nilingon ang kinatatayuan niya at nakita siyang nakasandal sa gilid ng isang classroom malapit kung saan kami nag-usap ni Cygnus kanina. Nakahalukipkip siya habang madilim na nakatingin sa amin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top