Kapitulo IV - Labyrinth

"Finished or not finished, pass your works..." anunsyo ng aming guro sa Chemistry class na si Ma'am Anastacia.

Patamad akong tumayo at lumapit sa kanyang lamesa upang magpasa ng aking assignment. Ngayong araw, tinuruan kami ng aming guro kung paano gumawa ng potion para sa magandang panaginip. Magagamit kasi namin ito para sa Dream class kung saan pinag-aaralan at binabantayan namin ang mga panaginip ng mga manna o normal na taong nakatira mula sa Earth.

Dito sa Nexus Academy, ang pangunahin naming pinag-aaralan ay kung paano hulihin ang masasamang panaginip at kung paano kontrolin ang aming mga magic attribute because when we graduate, we can choose whether to serve the kingdom as a Galaxias mage or be an observer or regulator of the manna's dreams here in Nephos.

Maraming nangangarap maging mage upang maglingkod sa kaharian ng Galaxias pero para sa iba na ayaw mapalayo sa kani-kanilang pamilya at mahal sa buhay dito sa Nephos, pipiliin na lang nilang maging dream catcher at manatili dito sa aming rehiyon.

We, the encantados, are said to be one with nature. Every family owns a magic attribute passed down from generation to generation—Fire, Water, Air, Earth, Light, and Dark.

"Astra, saan ka pupunta? May isang oras pa tayong vacant ngayon, 'di ba?" tanong sa akin ni Estefania habang naglalakad kami papalabas ng classroom.

Nagkibit-balikat ako. "Magpapalamig lang muna ako, Steffy..." matamang sabi ko.

Bumalatay ang pag-aalala sa kanyang mukha nang mapansin ang pagiging matamlay ko. "Gusto mo bang samahan kita?"

Pilit akong ngumiti bago umiling sa kanya. "Huwag na, delikado ang pupuntahan ko."

Bahagyang namilog ang singkit niyang mga mata dahil sa sinabi ko. "Papasok ka na naman ba sa restricted area?!"

I sighed. "Curious kasi ako kung anong itinatago sa Labyrinth ng Nexus Academy. Sampung taon na akong pumapasok at nagpapabalik-balik doon ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin natatagpuan ang dulo ng maze."

Napailing siya at napabuntong-hininga sa sinabi ko. "Ikaw lang talaga ang kaibigan kong babae na napakahilig maghalughog ng mga misteryoso at delikadong lugar! Ang tigas talaga ng ulo mo! Ilang beses ka nang nag-aagaw buhay na lumabas mula roon sa Labyrinth pero hindi ka pa rin talaga nadadala!"

I chuckled and ignored her bit exaggerated remark. Ever since I was a child, I have liked exploring and discovering the mysteries surrounding our kingdom's enchanted places. Naniniwala kasi akong lahat ng lugar at bagay sa mundong ito ay may itinatagong sikreto kahit gaano pa ito ka-ganda o kalinis tingnan.

Of course, I also believe that Nexus Academy, Hogar de los Encantados, is not an exemption to that rule. Sometimes, the greatest and darkest secrets can be hidden in the most enchanted places.

Nang makarating ako sa North wing kung saan nakatayo ang restricted area ng Nexus Academy ay walang pag-aalinlangan akong lumapit sa gate at kinalas ang kandado nito. My heart almost jumped out of my chest when I felt a warm hand pulling my wrist. Agad kong nilingon ang taong pumigil sa akin at agad umahon ang iritasyon ko nang makilala kung sino ito.

"Ano na naman ba, Garethe?!" singhal ko sa kanya.

His thick and strong arched brow rose slightly as he surveyed me from head to foot. When our eyes met again, I immediately saw the flecks of silver in his blue-grey eyes. "Saan ka pupunta?"

Napairap ako sa tanong niya. Simula noong naaksidente kami ni Sage, naging mahigpit na rin sa amin si Papa. Mas pinag-igting niya ang seguridad naming dalawa, partikular na sa akin dahil babae ako. Ibinilin at pinabantayan niya ako rito sa anak ng kanyang matalik na kaibigan na isa sa pinagpipilian ni Papa na maging fiancé ko. Dahil lalaki si Sage, hindi na siya binigyan pa ng magbabantay sa kanya ngunit mahigpit na ipinagbilin sa kanya ni Papa na sabay kami palaging uuwi kasama ang mga guwardiyang ipinadala niya.

"Wala ka bang mata? Nakita mo na ngang papasok ako sa gate na ito, tapos magtatanong ka pa kung saan ako pupunta," sarkastikong sagot ko.

Bahagyang umigting ang kanyang panga dahil sa pabalang na sagot ko. "Princess Astra, His Royal Highness asked me to look after you⁠—"

Marahas kong binawi ang pala-pulsuhan ko sa kanya bago sinamaan siya ng tingin. "P'wede ba, Garethe!? Hindi na ako bata! Tigilan mo na nga ang pagsunod-sunod mo sa akin dito sa school!"

Bago pa siya makapagsalita ay tinalikuran ko na agad siya at mabilis na pumasok sa loob ng Labyrinth. Kinuha ko mula sa aking bitbit na maliit na string bag ang dala kong dagger at matapang na naglakad papasok sa maze. Saglit kong sinulyapan ang entrada at nakahinga nang maluwag nang makitang hindi sumunod sa akin si Garethe.

Muli kong binalik ang tingin sa daan at naging mas alerto sa paligid. Sa ilang taong pagpapabalik-balik ko rito ay kabisado ko na ang ilang pasikot-sikot ng Labyrinth. The whole maze continuously switches the position of its high walls every time the nimbostratus or cumulonimbus clouds pour continuous rain. Ilang linggo nang hindi umuulan kaya naman kabisado ko pa rin ang dating posisyon ng mga pader at ang activated traps na nakakalat sa buong maze. Nahinuha kong mayroon itong sinusunod na certain pattern sa tuwing nagbabago ang posisyon ng mga pader kaya inililista ko palagi ang lahat ng pagbabago rito sa tuwing pumapasok ako.

Inapakan ko ang isang bahagi ng sahig na may hidden trap bago agad gumulong pailalim sa isang makapal na halaman. Bumangon ako at tahimik na gumapang patungo sa kabilang pader upang magtago. Pinanood kong sumulpot ang mga makakapal na baging mula sa lupa na siyang nagsisilbing galamay ng isang halimaw na puno.

Hinigpitan ko ang hawak ko sa punyal habang hinahanap ang weak spot ng puno. When I found it, I immediately jumped out and skillfully cut off its vines which caught the tree monster by surprise. Habang hindi pa siya nakakabawi ay agad kong ibinato ang aking punyal na agad namang bumaon sa sentro ng kanyang katawan. The monster growled in pain as it slowly sunk into the ground again.

Walang pag-aalinlangan akong tumakbo at nilagpasan ang halimaw na patuloy pa ring lumulubog sa lupa. Nang makarating sa isang bahagi ng maze na sa tingin ko ay hindi ko pa napupuntahan noon ay huminto muna ako at tahimik na nagmasid sa paligid. My heart pounded in extreme anticipation when I thought about what awaited me at the end of this maze. Malapit na nga ba ako sa dulo ng Labyrinth? Ano naman kaya ang makikita ko roon?

The moment I took a step forward, the whole ground shook violently. I immediately hid when I heard a distant loud growl of an unknown creature. Napapikit ako nang may pumatak na tubig sa aking mukha. Dahan-dahan kong inangat ang aking tingin sa kalangitang unti-unti na palang dumidilim. "Shit, uulan na..." bulong ko sa sarili.

I cursed under my breath when I felt the rain start to pour. Agad akong pumihit paalis doon at tinakbo ang palikong daan kung saan ako dumaan kanina. Tila nalaglag ang puso ko sa sahig nang may makabanggaang tao pagkaliko ko. Abot-abot ang aking paghinga dahil sa kaba at gulat ngunit nakahinga ako nang maluwag nang makilala si Garethe.

"Bakit mo ako sinundan dito?" pagsusungit ko.

Namilog ang mga mata ko nang bigla niyang hawakan ang magkabilang braso ko at tingnan nang diretso sa mata. "Are you alright?"

I ignored his question and immediately held his wrist. "We need to get out of here as soon as possible," mariing sabi ko sa kanya bago agad siyang hinila patakbo at paalis doon.

Narinig muli namin ang malakas na ungol ng isang kakaibang nilalang o hayop mula sa malayo kasabay ng unti-unting paglakas ng buhos ng ulan. The ground shook more violently when the walls started moving slowly and changed their position. Agad kong hinila si Garethe paliko sa shortcut na alam ko.

"'Wag d'yan, Astra!" pigil niya sa akin.

Napakunot ang noo ko ngunit hindi ko pa rin pinansin ang babala niya. I cursed loudly when I unintentionally stepped on a hidden trap. A massive vine full of sharp thorns grabbed my ankles. Agad itong bumulusok mula sa lupa at ibinitin ako patiwarik sa ere na siyang nagpatili sa akin. Sinubukan kong kunin at abutin sa aking string bag ang extra dagger na dala ko. "Damn!" I groaned when my dagger fell on the ground.

Before I knew it, the huge vine was cut in half. Napapikit ako nang mariin at napatili habang hinihintay ang aking pagbagsak sa lupa. Nabitin sa ere ang paghinga ko nang maramdaman ang pagsalo sa akin ng mga bisig ni Garethe. It was as if I was caught by a warm and comforting breeze. Nang imulat ko ang aking mga mata ay agad kong nakitaan ng pag-aalala sa kanyang mukha.

I hissed when I felt the twitching pain in my ankles. Agad napatingin doon si Garethe at napaigting ang panga nang makita itong nagdurugo dahil sa ilang bumaong tinik. My heart pounded so hard in my chest, and my lips trembled when his hand gently touched my swollen ankles full of thorns. Memories of my encounter with the rebels a month ago immediately clouded my mind, and my senses slowly became dull.

Agad akong bumaba sa pagkakapangko sa akin ni Garethe kaya napabagsak ako sa lupa. Mabilis akong gumapang paatras at papalayo sa kanya. Nang maramdaman ang pader sa aking likod ay niyakap ko ang aking mga tuhod upang maibsan ang labis na panginginig ng aking katawan dahil sa takot. Umalingawngaw muli sa aking pandinig ang mala-demonyong halakhak ng mga lalaking nang-harass sa akin noon kaya napapikit ako nang mariin. Inilubog ko lalo ang aking mukha sa pagitan ng aking mga tuhod habang mariing tinatakpan ang magkabila kong tainga gamit ang nakakuyom kong mga kamao.

"Princess Astra..."

Mas lalong nanginig ang buong katawan ko nang maramdaman ang paghakbang niya papalapit sa akin. "H-huwag! 'Wag kang lalapit! Lumayo ka sa akin!" pagmamakaawa ko habang umiiyak. "'Wag mo akong hawakan!"

"Astra, si Garethe 'to..." aniya bago sinubukang abutin ang siko ko ngunit agad ko itong iniwas sa kanya.

I feel nauseous, and I can almost feel like I'm about to throw up. I parted my trembling lips and gasped for air. Garethe slowly crouched and offered his hand to me. Nang imulat ko ang mga mata ay nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luha. Nagtagal ang tingin ko sa nakalahad niyang kamay. Dahan-dahan kong inangat ang aking tingin sa kanyang mukha at nakitaan ito ng sinseridad. I slowly released my clenched fists covering my ears and placed my trembling hand on his.

Marahan niya itong hinawakan na tila ba mababasag ito kapag hinawakan niya ito nang mahigpit. Maingat siyang dumalo sa akin upang alalayan ako sa pagtayo. He gently pulled me into a hug as soon as I buried my face in his chest. 

Nanginig ang balikat ko dahil sa labis na pag-iyak. Naramdaman ko ang marahan niyang paghaplos sa aking buhok at pagtapik sa aking likod. "Shh... I'm here, Astra. You're not alone," he whispered.

Hinigpitan ko ang kapit sa kanyang damit at mas lalong nilubog ang aking mukha sa kanyang dibdib. I shook my head while sobbing. "Si Sage... Sasaktan nila ang kapatid ko!" I croaked.

"They won't. Hinding-hindi na nila kayo malalapitan kahit kailan. Wala nang magtatangka pa sa buhay niyo..." he assured me.

Unti-unting bumagal ang paghinga ko at bahagyang kumalma ang tibok ng aking puso. Dahan-dahan akong kumawala sa mga bisig niya upang palisin ang mga luha ko. Nang i-angat ko ang tingin sa kanyang mukha ay nakita ko ang pagngiti ng kanyang mga mata nang ngumiti siya sa akin.

He gently patted my head. "Aalis na tayo rito..." aniya bago muling nilahad ang kamay sa akin.

Ibinaba ko ang tingin dito bago pinag-isipan kung tatanggapin ko ba ulit ito o hindi. Nawala ito bigla sa isip ko nang maramdaman ang paghapdi at pagkirot ng paa ko. Mabuti na lang dahil nasalo agad ako ni Garethe kaya hindi ako tuluyang napabagsak sa sahig. My lips parted when he turned his back on me and crouched on the ground. "Sakay na. Bubuhatin na lang kita palabas dito," sabi niya habang bahagyang nakalingon sa akin.

I cleared my throat and looked away. "Huwag na. Kaya ko naman ang sarili ko," pagsusuplada ko sa kanya.

He shook his head in disbelief. Halos mapatili ako sa gulat nang bigla niya akong buhatin at isakay sa kanyang likod. Agad akong napakapit sa kanyang leeg dahil sa takot na mahulog. Naging ganoon ang ayos namin hanggang sa makalabas kami ng Labyrinth. Ibinaba niya lang ako nang makarating kami sa infirmary upang maipagamot ang mga sugat ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top