Ipinakikilala ang Bagong Home Feed Experience
Kumusta, Wattpadders -
Ito ay isang kapana-panabik na araw para sa ating lahat dito sa Wattpad—ngayon ay inilulunsad namin ang isang bagong karanasan sa Home feed para sa inyo! Ang bagong Home feed ay unti-unting makikita ng lahat ng Wattpadders, at sa darating na mga buwan, ang bawat isa sa inyo ay kalaunang makikita na ang update na ito. Ang bagong Home feed ay dinisenyo at binuo para sa inyo—ang mga miyembro ng ating iba-iba, malikhain, at passionate na community—at hindi na kami makapaghintay na masubukan ninyo ito.
Pero bago natin pag-usapan kung paano natin ito ilulunsad, gusto muna naming ipakita sa inyo ang mga naganap 'behind-the-scenes' at ang mga naging inspirasyon at pagpaplano namin para sa bagong Home feed at nais din naming ibahagi ang aming pangmatagalang vision sa nais naming maging karanasan ninyo sa bagong Home feed na ito.
Balikan natin ang mga nagdaang mga buwan...
Nalaman namin mula sa inyo (sa pamamagitan ng Support ticket, mga personal na panayam, surveys, rebyu sa Google Play Store at App Store, mga thread sa ating Wattpad Community forum, mga komento sa social media, at iba pa) na hindi gumagana ang Home sa inyo. Ang ilan sa mga problemang naranasan ninyo ay:
Mga akdang hindi ninyo gustong makita: Marami sa inyo ang nakapagsabi sa amin na nakikita ninyo ang mga kuwentong hindi ninyo gustong makita o di kaya'y mga kuwentong nakapagpaparamdam sa inyo na hindi kayo nabibilang sa Wattpad. May pakiramdam din na tanging ang mga 'sikat' na kuwento lamang ang naipapakita sa Home.
Mga bagong akda: Nalaman din namin mula sa inyo na nahihirapan kayong makahanap ng mga bago o hindi pa nadisiskubreng mga kuwento. Sa tuwing nagba-browse kayo sa Home, paulit-ulit na kuwento lamang ang lumalabas dito. At wala itong naging pakinabang sa paghahanap ninyo ng mga hidden gems.
Kakulangan ng kontrol sa nilalaman: Naiintindihan din namin na nararamdaman ninyong wala kayong kontrol sa mga kuwentong makikita sa Home. Gusto ninyo ng paraan na makapag-aalis ng mga genre o kuwento na hindi nagbibigay ng interes sa inyo.
Hindi maunawaang konteksto: Sinabi ninyo sa amin na ang paraan ng pagpapakilala ng mga kuwento sa Home ay nakalilito. Bakit nakakita kayo ng ilang mga kuwento— at ano ang dahilan kung bakit ninyo nakikita ang mga rekomendasyong ito?
Ang feedback na ito ay labis na nakatulong sa amin. Ipinaliwanag nito ang mga bagay na hindi namin gaanong napagtuunan ng pansin—kabilang na ang mga paniniwalang ang Wattpad ay lugar kung saan nabibilang ang lahat, na mahalaga ang pagkakaiba-iba ng paraan ng pagkukuwento at ang mga manunulat. Gayundin, ito ay lugar kung saan maaaring ibahagi ng mga manunulat ang kanilang mga boses at mahanap ang kanilang mga mambabasa. Kaya't labis ang pagpapasalamat namin sa lahat ng nagbigay ng feedback na ito.
Malinaw ang aming misyon at iyon ay ang muling balikan ang karanasan natin sa Home. Sa pagsiyasat ng mga teknikal na aspeto, naging maliwanag na ang pinakamagandang paraan ay pagbuo ng bagong Home mula sa umpisa. Sa kasalukuyan, ang Home ngayon ay masyadong mahigpit at komplikado at hindi tayo nito nabibigyan ng pagkakataong pagtuunan ng pansin ang mga bagay na nabanggit sa itaas.
Dahil dito, napagpasyahan naming magsimulang muli. Sinimulan namin sa pamamagitan ng pagtatanong sa aming mga sarili: Ano ba ang dapat na hitsura ng bagong Home—kung saan ang lahat ay nararamdaman na nabibilang sila sa community at bawat isa ay may boses? Maaari ba kaming makabuo ng lugar kung saan maaaring madiskubre ang mga new gems, at maibigay ang mga akdang nais ninyong makita? Lugar kung saan malalaman ng mga miyembro ng community kung ano ang mga bago sa Wattpad, at kung saan maaari nating mapalalim ang ating koneksyon? Sa madaling salita: maaari ba kaming bumuo ng isang Home feed na parang tahanang inuuwian?
Naniniwala kaming magagawa namin ang lahat ng ito—at higit pa. Ang vision namin sa bagong karanasan sa Home na ito ay mabigyan ng pagkakataon ang bawat isa na maramdaman nilang pinahahalagahan sila at sila ay mahalagang bahagi ng Wattpad community. Dahil kapangyarihan ng Wattpad ang mga kuwento, at ang community ay nabuo nang dahil din sa mga kuwentong ito.
Sa kasalukuyan...
Noong Huwebes, Agosto 22, 2019, sinimulan namin ang paglulunsad ng Version 1 ng isang bagong Home feed sa mga piling grupo ng mga Wattpadders sa web (desktop + mobile) at Android. Layunin naming matiyak na maingat ang pagpapakilala nito at masigurong mabisa itong gumagana nang hindi nalulunod ang ating platform. Sa madaling salita, ayaw nating may masira dito.
Inilunsad ang Version 1 sa 30% ng mga users sa mga sumusunod na lugar: Pilipinas, Australia, UK, Ireland, South Africa, New Zealand, Argentina at India. Ang 30% ng Wattpadders na nakakita ng bagong Home ay pinili nang random para lamang sa karanasang iyon.
Kabilang sa Version 1 ng bagong Home feed ang mga sumusunod:
Bagong itsura ng mga kuwento: Nagdisenyo kami ng dalawang magkaibang paraan upang i-highlight ang mga kamangha-manghang kuwentong ito na maaari ninyong matagpuan sa Wattpad platform.
Ipinakikita ng una ang cover ng kuwento at isang tag lamang, base sa feedback na binigay ninyo kung saan sinasabing mas gusto ninyo ng simpleng view ng mga impormasyong inyong makikita. Kung kayo ay manunulat, siguruhing may maganda at nakaaakit na cover at may mga tamang tags ang inyong mga kuwento.
Ang ikalawang paraan ay nagpapakita ng cover, tag at bahagi ng deskripsyon ng kuwento. Kung kayo ay manunulat, hinihikayat namin kayong tiyaking ang inyong deskripsyon ay maikli pero malinaw. Isulat ninyo ito sa paraang mahu-hook agad ang mga makababasa.
Pinahusay na komunikasyon sa Wattpad HQ: Ang aming bagong carousel—na siguradong agad ninyong napansin —ay pinapayagan kaming magbahagi ng mga mahahalagang impormason at i-highlight ang ilan sa mga kuwentong minamahal ng Wattpad community at gayundin din ang ating mga Wattpad Stars. Maaari kayong makakilala ng isang manunulat na sa palagay namin ay magugustuhan ninyo, o mga balita gaya ng kung ang inyong mga paboritong kuwento ay naisapelikula na, maipalalabas sa TV, o magiging ganap nang libro sa tulong ng Wattpad Studios at Wattpad Books. Titiyakin din naming maibahagi ang pinakabagong mga balita at update mula sa Wattpad HQ, kabilang ang mga pagbabago sa produkto, mga bagong programa, at marami pang iba.
Magbrowse ng tag/kategorya sa Search bar: Ang mga tag at kategorya na maaari ninyong i-browse ay nakalagay na sa Search bar. Kapag c-in-lick ninyo ang Search, maaari pa rin kayong mag-type ng kung ano man ang gusto ninyong hanapin ngunit may mga lalabas na rin ditong mga tag at kategorya na maaari ninyong i-browse upang mahanap ang susunod na kuwentong pwede ninyong basahin.
Browse refresh: Para makapagsimula ang mga English Wattpadders, ang Browse page para sa mga tag/kategorya ay pinaganda at ni-refresh upang maging makatotohanan ang mga genre sa masaya at progresibong paraan.
Walang umuulit na kuwento ang irerekomenda sa inyoKasunod ng Version 1, isinasaayos namin ang paglulunsad ng Version 2 ng bagong karanasan sa Home feed at kami ay nasasabik nang ibahagi ito sa inyo.
Ang Version 2 ng bagong Home feed ay binubuo ng:
Lahat ng nilalaman ng Version 1 kasama ang mga sumusunod:
Madaling daan upang malaman ang mga aktibong paligsahan sa pagsulat: Madaling malalaman kung ano mga aktibong Wattpad Writing Contest, ano ang mga premyo at kung paano makasasali sa mga ito.
Pinaglalagyan ng mga Ad: Isang ad ang makikita sa Home feed sa simula ng Version 2. Ang Wattpad ay isang libreng platform na magagamit ng milyon-milyong tao sa buong mundo. Ang mga ads na ito ang tumutulong sa amin upang mapanatili itong ganoon, sinisigurong makahahanap pa rin ng magagandang kuwento ang mga mambabasa at makabubuo ng fan community ang mga manunulat. Gaya ng ibang libreng serbisyo, ang mga ads na ito ay makatutulong sa pagpapatakbo ng Wattpad.
At para sa amin, isang Home na may flexible code: Habang ito ay kinasasabikan ng aming Product team, magiging madali rin sa aming baguhin ang bagong Home feed na ito base sa inyong mga feedback. Matutulungan kami nito na maibigay sa inyo ang karanasan sa Home feed na nararapat para sa inyo at sa buong community.
Ang pagpapakilala ng Version 2 ay magsisimula sa ilang linggo ng Oktubre para sa Web (Desktop + Mobile) at Android Watpadders sa buong mundo.
Kasunod ng Version 2, hinahanda namin ang pandaigdigang paglulunsad ng bagong Home sa lahat ng devices, kabilan ng na ang iOS! Tama, ang bawat isa, saan man kayo naroroon ay makararanas na ng bagong Home feed! Nilalayon naming mabuo ang pagpapakilala nito sa katapusan ng Nobyembre. Siyempre, bibigyan ka namin ng napapanahong update habang nagpapatuloy ito.
At habang ang pandaigdigang paglulunsad ay nangangahulugang ang bawat Wattpader ay magkakaroon ng bagong karanasan sa Home, hindi pa ito doon nagtatapos.
Marami kaming mga bagong feature na paparating pagkatapos ng pandaigdigang pagpapakilala sa Home kasama na ang:
Home Content Preferences: Sa bagong seksyong ito sa Settings, ipakikilala namin ang isang paraan para magkaroon kayo ng higit na kontrol sa inyong karanasan sa Home feed:
Kakayahang makapag-block ng ilang story tags, kaya ang mga kuwentong may mga ganoong tags ay hindi makikita sa inyong Home feed kailanman. Hindi ba kayo fan ng fanfic? Hindi na iyon problema!
Magpasya kung nais ninyong i-"on" o i-"off" ang mga kuwentong Mature upang hindi ninyo ito makita sa inyong Home feed.
Piliin ang lenggwahe ng mga kuwentong nais ninyong makita sa inyong Home feed.
Ilan pang bagay mula sa community: Nalalapit ninyo nang makita ang Wattpad community sa mas maraming lugar gaya ng sa mga quotes mula sa inyong mga paboritong mambabasa, manunulat, at mga kuwento na makikita ninyo sa kabuuan ng inyong feed.
Unti-unti naming pinakikita ang mga features na ito upang mailunsad namin ang bagong Home sa mas maraming Wattpadders sa pinakamabilis na paraan.
At siyempre, marami pa kaming ideya na patuloy na binubuo sa aming isip, kasama na ang:
Community forums: Alam naming gusto ninyong ma-access ang Wattpad Community forums gamit ang app at gusto din namin iyon! Ginagawa namin ang aming makakaya upang mahanap ang pinakamagandang karanasan para dito.
Pag-personalize ng Tag Page: Kalaunan, layunin naming mabigyan kayo ng personalized na listahan ng mga tags na palagi ninyong ginagamit upang makita ninyo ito agad na nangunguna sa Browse page. Habang wala pa ito, maaari ninyo pa ring mahanap ang isang tag page sa pamamagitan ng pag-search ng #[tag] o sa pag-click ng tag sa isang kuwento na makikita sa Story Detail page.
Patuloy na pag-unlad: Gamit ang aming bagong flexible code, ipagpapatuloy namin ang pagpapabuti at pagpapaganda ng ating karanasan sa bagong Home feed habang pinakikinggan namin ang inyong mga feedback.
Phew! Masyadong maraming impormasyon! Maraming salamat sa pagsama sa amin sa bagong karanasang ito at labis kaming nasasabik na malaman ang inyong mga maiisip sa inyong bagong Home feed.
- Iyong mga kaibigan sa Wattpad HQ
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top