RENEE


Chapter 14

Renee

Cruel Acceptance



I ran as fast as I could. Kahit naririnig ko ang pagtawag sa akin ni Fidel hindi ko siya magawang lingunin. Hindi ko rin alam kung paano siya nakaalis sa hinihigaan niya, pero hindi ko iyon pinagtunan ng pansin. The only thing I want to do now is to run away from him dahil hindi ko kinakaya ang mga sinabi niya.

I tried to understand him, I'm doing my best to go with his flow. I understand him actually, and that's what I hate about myself. I hate that I understand him, dahil pilit akong pinapaliit ng sakit na nararamdaman ko sa nangyayari sa kaniya. I'm doing my best to accept all those things, pero napakahirap gawin, ang hirap magbulag-bulagan, ang hirap magbingi-bingihan, ang hirap magpanggap na okay lang ako kahit ang totoo I'm also dying every time I see him in pain.

Nang akala ko'y nakalayo na ako, binalik ako ni Fidel sa reyalidad. Narating ko lang ang kabilang kalsada ng building kung saan ako lumabas. May mahina pang pagpatak ng ulan dahilan para hilahin ako ni Fidel sa pagsilong sa waiting shed, d'on nagtama ang paningin namin, nagsusumigaw ang emosyon, nakapanghihina, nakadudurog.

"I'm sorry," halos pabulong na sambit niya na mabilis namang nakapagpatuyo ng lalamunan ko. "I'm sorry, Renee, I didn't mean to hurt you, it's just that I'm doing that because that's the reality I have, Renee."

It hurts even more every time he's saying my name, nararamdaman ko ang sakit at lungkot na dinadala niya.

Marahan kong pinalis ang mga luha ko, kanina ko pa iyon pinipigil pero talagang pinagtaksilan ako. Tumapon ang tingin ko malayo kay Fidel, hindi ko siya magawang tingnan ng diretso dahil sa nakpanghihina niyang mga tingin, mas lalo akong nadudurog, ngunit nang sandaling makapagsalita ako d'on ko siya nagawang tapunan ng tingin.

"I hate you, Fidel, I hate you!" wala sa sariling sambit ko.

"I know and I understand you, that's why I'm saying sorry, Renee, I'm sorry for being selfish," mabilis na sambit niya, tila ba inasahan na ang sasabihin ko.

"I hate the fact that you're being like this, ang unfair, Fidel, at sobrang nakakainis na naiintindihan kita, nakakagago." muli kong pinalis ang luha ko. "Can't you just act normal, Fidel, be more positive, kasi ang hirap magkitang unti-unti kang sumusuko."

"You know I can't, Renee, I need to face this," mahinahong sambit niya ngunit parang isang malakas na suntok na dumating sa akin.

"Paano naman kami, Fidel? Paano kaming nag-aalala sa 'yo, umaasa sa 'yo? We want you to be okay, Fidel." I'm all over the place, halos sumabog lahat ng gusto kong sabihin sa kaniya.

"I don't know, Renee, what I know is that I'm sorry, you know that since day one I accepted this fate, I accepted the fact that anytime soon I'll be leaving this place kahit mahirap, kahit nakakagalit, kahit nakakagago, tinanggap ko dahil 'yon lang ang paraan para maging madali ang lahat." diretsong sabi niya dahilan para halos mabulag ako.

Naramdaman ko ang pagkawala ng lakas ko ngunit pinilit kong tumayo ng tuwid sa harap ni Fidel. Malalim ang naging buntong-hininga ko ng tapunan ko siya ng diretsong tingin.

"But can't you at least fight for it? Can't you at least fight for it while accepting that fact? Para sa mga taong nag-aalala sa 'yo, for me." sambit ko kasunod ang mariing paglunok.

Bumaba ang tingin sa akin ni Fidel, kasunod n'on ang marahan niyang paghila sa akin palapit sa kaniya, hanggang tuluyang sakupin nga mga braso niya ang katawan ko, isang mainit na yakap ang binigay niya sa akin.

"I will, Renee," pabulong na sambit niya. "I will do my best as long as you guys are here, as long as you're here." dagdag pa niya matapos ay marahan akong nilubayan kasunod ang diretsong tingin sa akin.

Mahinahon niyang pinalis ang mga luha ko naging dahilan iyon para makahinga ako nang maluwag, isang tipid na ngiti pa ang binigay niya sa akin na sinuklian ko rin. Marahan akong napakagat sa ilalim na labi ko kasunod ang paghaplos niya ng buhok ko.

Matapos n'on ay inalok niya akong tumulak na kami. Naging maluwag ang paghinga ko sa gitna ng byahe namin, sinabayan iyon ng malamlam na kanta, Put Your Head on my Shoulder. Kaliwa't kanan ang pagbalik ang mga tingin ko kay Fidel habang nasa byahe, sa sandaling iyon pinili kong maging payapa, tipid akong napangiti sa kaniya at gan'on din siya. Pinili kong pakalmahin ang sarili ko at maniwala kay Fidel.



The next day everything went back to normal. Kalmado na ulit ang pagitan namin ni Fidel, pero nariyan pa rin ang pag-iingat ko. We became busy on our own businesses at sa mga oras na nagpapahinga si Fidel d'on namin nagagawang makapag-usap.


"What are you doing later?" narinig kong tanong niya mula sa kabilang linya.


"How soon? After work or sooner?" paglilinaw ko.


"After work." mabilis ding sagot niya.


"If you're planning something, then I'll be there, but if not, I'll probably read or sleep when I got home."


Narinig ko pa ang mahinang patawa niya bago muling magsalita. "You want to continue watching that movie?"


Mabilis kong inisip ang tinutukoy niya hanggang sa maalala ko ang hindi namin natapos panoorin noong nasa Fidel's kami. A lot of things happened these past few days and I'm actually losing track of it.

"Sounds good, para malaman mo rin how great that movie is!" nakangiting sambit ko.


"So, Fidel's later?"


Dumako ang tingin ko sa labas ng restaurant namin bago tuluyang sumagot. "It's raining, mahihirapan tayo."


"Oh, yeah right, so, what are you suggesting?"


"We could watch at your place, if it's okay." sagot ko.


Naging matagal bago ko narinig ang sagot niya. "Sounds okay to me, sunduin na lang kita?"


"No need, mapagod ka pa, I'll meet you there." mabilis na sabi ko.

Matapos n'on pinagusapan lang namin ang oras ng panonood namin, hanggang sa tuluyang ibinaba ang tawag. Sakto rin naman na inabutan ako ng order ni Kuya Jay, itinawag ko iyon sa kitchen at nagpatuloy ako sa pag-assist sa resto. I spent a couple of hours like that, kaliwa't kanang order and reservations ang inasikaso, until dumating ang oras ng usapan namin ni Fidel.

I guided Kuya Joey on our way to Fidel's house, medyo traffic na rin sa daan dahil rush hour na, good thing hindi naman ako sobrang na-late. When I got to Fidel's sinalubong niya ako sa labas ng bahay, pinapasok pa niya si Kuya Joey pero dahil tinawagan siya ni Mommy kaagad din siyang umalis. I just reminded Kuya Joey na sunduin ako mamaya, after than dumeretso na kami sa loob ng bahay.

"I brought dinner," sambit ko sa kaniya sabay lapag ng isang paper sa lamesa.

"I feel like you're spoiling me, and I love that, pero baka malugi na business niyo," natatawang sabi niya matapos ay inasikaso ang dala kong pagkain.

"Sino ba nagsabing libre 'yan, palitan mo ng flowers 'yan, for sure matutuwa si Mommy," sabi ko pa matapos ay natawa rin.

Tinulungan ko siyang ayusin ang pagkain namin, matapos n'on dumeretso kami sa kwarto niya, bahagya pa akong nagulat dahil nakahanda na nga ang panonoorin namin. Nakasarado ang ilaw sa loob at tanging liwanag ng projector ang nagbibigay ilaw, we're really watching movie, sobrang cozy ng lugar, and I'm thrilled for it.

"'Di ka napagod ayusin 'to?" tanong ko kay Fidel nang makaupo kami sa sahig, parehong nakaharap sa movie na nagsimula na.

"It's not that big a deal, don't worry," mabilis na sambit niya matapos ay inabot sa akin ang isang baso ng juice. "Now, eat and watch." dagdag niya kasunod ang pagtapon ng tingin sa harapan.

We did watched just like what we've planned. Naging mabilis ang unang movie na pinanood namin dahil nasimulan na rin naman namin 'yon. Narinig ko pa ang komento ni Fidel that the movie is really good, mas okay raw pala kung tututukan mo. Nanghina naman siya ng malamang may sequel pa iyon and third movie, I suggested na panoorin namin pero mukhang napagod siyang making sa usapan ng dalawang bida that leads us on watching an 80's Sci-Fi movie.

"Back to the Future, that's Kuya SM's favorite," komento ko ng magsimula ang movie.

"Well, your brother sure did have a great taste," nakangiting sambit pa niya matapos ay dumako ang tingin sa pinapanood.

It's a full-length film, kaya naman dalawang oras pa muli kaming nakaupo sa sahig, bukod sa pagtayo ni Fidel para ayusin ang kinainan namin, tumatayo rin siya para uminom ng gamot. Everything's went fine, kahit na sa gitna ng movie inatake si Fidel ng sakit ng ulo, we decided to stop for a while, at dahil mapilit siya na ipagpatuloy ang panonood kahit na sinabi kong magpahinga na lang siya, we ended up watching it hanggang sa tuluyang matapos. But this time, pinili kong labanan siya sa kagustuhan niyang manood pa kami.

"You need to rest, Fidel, and it's getting late." I said for the third time.

"Okay, okay, Miss Aguirre, I will, pero hintayin muna kita makaalis." mabilis na sabi niya.

"Don't worry, I got this, d'yan lang naman ako sa labas," depensa ko kahit na alam kong hindi ako mananalo, in the end sabay kaming naghintay kay Kuya Joey sa labas.

Halos wala ng tao sa kalsada ng lumabas kami, tahimik na rin ang paligid, at yumayakap ang malamig na simoy ng hangin, sinabihan pa ako ni Fidel na pumasok kami sa loob at d'on na lang maghintay, pero dahil malapit na raw ang sundo ko, nagmatigas akong dito na sa labas maghintay.

"What are you doing tomorrow?" baling ko kay Fidel habang nakayakap sa sarili para hindi mahulog ang jacket niyang pinatong sa balikat ko kanina.

"Why? Are you asking me for a date?" tanong niya habang nansusumikip, nakapasok ang magkabilang kamay niya sa bulsa ng sweat pants dahil sa lamig.

"HA-HA funny," I said, sarcastically. "Ayain sana kita mag-jogging, I don't if that sounds lame, but I guess we need to do that to stay healthy." dagdag ko pa.

"Wow, are we doing that for the whole month or just for tomorrow?" natatawang sambit niya.

"We'll do that until we're both healthy not just for tomorrow!" mabilis na depensa ko.

"So, we'll spend the first week of October with that?"

"Yuh-huh, and for the following weeks, too," dagdag ko pa matapos ay ipinasa sa kaniya ang jacket na mabilis naman niyang binalik ulit sa akin. "Kuya Joey's here," mabilis na sabi ko matapos ay tinuro ang parating na sasakyan kasunod ang pagbigay sa kaniya ng jacket dahilan para tanggapin niya iyon.

After that, we just said goodbye. Naging mabilis din naman ang byahe namin pauwi dahil maluwag na ang daan. When I got home, I just messaged Fidel, I didn't get a message from him, maybe he's already sleeping. The next day I woke up at early in the morning, it's 4 am at bumungad kaagad sa akin ang message ni Fidel.


Sana gising ka na.


Wake up, sleepyhead.


Ikaw nagplano mag-jogging, tulog ka pa? Gising!


I'll sleep again, sige ka.


Natawa pa ako sa huling message niya bago tuluyang mag-reply kahit na inaantok pa rin ako. As much as I want to sleep more hindi ko na nagawa dahil sa plano namin. Inayos ko na ang sarili ko, I put on proper attire for our plan, and after that bumaba na ako dahil naghihintay na rin sa akin si Kuya Joey.

"Where are you going?" bungad sa akin ni Kuya SM na ikinagulat ko.

"You're just coming home?" gulat na tanong ko nang magharap kami.

"Yeah, I'm from a 10-hour surgery, and I'm beat, I feel like I'm in a dream, totoo ka ba, bakit gising ka na?" bakas sa boses niya ang pagod.

"I'm real, and I'm going for a jog, so, go on, get some sleep, zombie." sabi ko matapos ay naglakad patungo ng pintuan ngunit natigilan ako nang marinig ako ang boses niya muli.

"You're with Fidel right?" tanong niya dahilan para lingunin ko siya.

"Yeah, why?"

"I'm still searching about him, I think I have leads, I'll update you." sabi niya dahilan para maangat ang kilay ko.

"You're still not dropping that, Kuya SM? That's creepy, stop." tila ba nagising ang buong katawan ko.

"Don't worry, I'm sure naman na he's not a bad news or something, it just that he really sound familiar and I need to feed my curiosity," depensa niya.

"Curiosity your face, that's invading of privacy, stop, please, baka kung ano pa isipin niya kapag nalaman niya 'to." patapos na sabi ko dahilan para hindi na siya magkapagsalita, matapos n'on tuluyan akong tumulak.

I tried to forget that conversation I had with Kuya SM, masyado pang maaga para sa gan'ong bagay. I just focused on my plan for today, dumaan kami ni Kuya Joey sa 24/7 coffee shop, I got three coffees, I got Kuya Joey's dahil for sure kailangan din niya n'on.

Minutes later we reached our destination, it's a park near Fidel's house, mas pinili kong dito kami magpalipas ng umaga para hindi malaking abala sa kaniya, baka kung mapano pa siya sa maagang pagmamaneho. Nang magtapo kami naupo lang kami sandali sa isang bench, nagpaalam na rin si Kuya Joey at nagsabi akong magpapasundo na lang. Pinagtuunan ko ng pansin ang paligid namin at ang mainit na kape.

"Are we going for a jog or we'll just drink this coffee?" narinig kong tanong ni Fidel sa kanang bahagi ko.

Bahagya naman akong natawa matapos ay ibinaba ang hawak na kape. "Naisip ko kasing ubusin muna natin 'to."

"Good point," mabilis na sabi matapos ay humigop sa kape niya. "The sun will rise soon," komento niya sa paligid na unti-unti nang nagliliwanag.

"Yeah, right, that means we really need to jog." sabi ko kasunod ang pagtayo, natawa pa si Fidel dahil sa mabilis na pagbabago ng isip ko.

Mabilis din siyang tumayo kasunod ang paghigop ng kape, nakita ko pa ang paggalaw ng Adam's apple niya dahil sa ginawang iyon. Kasunod n'on mabilis kong ginising ang sarili ko dahil tila ba natulala ako. Nang maitapon ni Fidel ang pinaginuman nagsimula na kaming maglakad-lakad.

Maaliwalas at malamig ang paligid. Suot ni Fidel ang paborito niyang navy blue jacket, may suot din siyang beanie na bumagay sa kaniya, he looks cute with that, pero mas gusto ko pa ring nakikita ang blond buzz cut hair niya.

Naging mabilis ang paglalakad namin, dahil na rin siguro sa nakakasabay naming tumatakbo. Kasunod n'on naging mahinang pagtakbo ang lakad namin, hanggang sa nagsimula na kami sa totoong jogging. Nagsimula naming libutin ang buong park, tahimik lang kaming dalawa tanging nagbibigay ingay ang kantang tumutugtog sa earpiece na binigay sa akin ni Fidel kanina, sabay naming pinakikinggan ang isang 80's song na siguradong paborito niya.

Ilang sandali lang naramdaman ko ang pagtigil ni Fidel dahilan para matigilan din ako, pareho naming hinabol ang paghinga, I ask him if his tired so we can rest for a while or at least go home since unti-unti na ring sumisikat ang araw.

"No, I just remember something," mahinahong sambit niya dahilan para makunot ang noo ko. "This song, the one playing now," patukoy niya sa naririnig naming tugtog, I guess Right Here Waiting ang title ng kanta. "Ito ang madalas pakinggan ni Mama n'ong naghihintay siya sa pagbalik niya." dagdag niya dahilan para matigilan ako.

Hindi ko mahanap ang dapat na sabihin sa kaniya dahil hindi ko inasahang iyon ang sasabihin niya.

"And I just realized again how traitor he is," naging seryoso ang tono ng pananalita niya. "I'm actually thinking what you've said before, he if comes back," malamlam ang tingin niya sa akin dahilan para mapako ako sa kinatatayuan ko. "I don't know, Renee, I don't know what to do." malalim ang tono ng pananalita niya, halos nablangko ang isipan ko.

Nang sandaling magsasalita na sana ako natigilan akong muli sa pag-iiba niya ng usapan, nag-alok siya sa muli naming pagtakbo ngunit ng sandaling iyon tila ba pinutulan ako ng lakas para makagalaw.

Naramdaman ko ang unti-unting pagkadurog ng loob ko nang makita ang nangyari kay Fidel. Sa pagpapatuloy niyang tumakbo muli, mabilis na bumagsak ang katawan niya sa malamig na kalsada dahilan para mabilis akong takasan ng lakas.

Para akong binaril ng katotohanan, mabilis na nanuyo ang lalamunan ko, at kaagad na binalot ng takot nang unti-unti kong makita ang pagsusuka ni Fidel kasabay ang pamimilipit ng sakit ng t'yan. Mabilis na kumawala ang mga luha sa mga mata ko habang pinapanood siyang lumuluha na rin ngayon.

Nanlalamig akong lumapit at bumaba sa kaniya, hindi ko malaman kung paano siya hahawakan, kung saan ko siya hahawakan, kung paano ko siya kakalingain, kung paano ko sasabihin sa kaniya na ayos lang ang lahat. Hindi ko alam kung paano maging malakas ngayong nakikita ko ang paghihina niya.

"Fidel..."

Naramdaman ko ang pagsuntok ng reyalidad sa akin. Binalot ako ng panginginig, ni hindi ko magawang kumilos ng maayos sa gitna ng pagsusuka ni Fidel. Mas lalo pa akong nadurog ng magtama ang tingin naming dalawa ni Fidel, parehong may mga luha sa mga mata namin.

"D-Don't worry, Renee, I'll be f-fine," sambit niya kasunod ang muling pagsuka, ngunit ngayon may kasama na iyong dugo dahilan para bumuhos ang nagsusumigaw kong mga luha.

Pinilit kong sumigaw para sa tulong kahit na halos walang lumabas na boses mula sa akin. Nagkaroon lang ako ng panandaliang lakas ng sa wakas ay may lumapit sa aming tulong. May ilang lalaki ang kaagad na inalalayan si Fidel na itayo, may iba pang nagtawag ng masasakyan namin. Sa sandaling iyon, muling kumawala ng mga luha ko at muli akong inagawan ng lakas. Ang makita si Fidel na unti-unting nilalayo sa akin patungo ng sasakyan ang dumurog sa akin, naramdam ko ang pagsampal ng reyalidad sa akin nang muli ko siyang malapitan at magtama ang tingin naming dalawa.

"Renee," tawag niya kasabay ang pilit na ngiti.

Mariin ang naging paglunok ko, patuloy pa rin ang pagluha ko habang sinasabihan ang driver para sa hospital na tutunguhan namin. Naging mariin ang paghawak ko sa kamay ni Fidel habang nakasandal siya sa akin. At sa sandaling iyon inulan ko ang katotohanang pilit kong tinatakasan.

Fidel is right, I need to accept his fate, it'll make everything's easy for use. Acceptance is what we need to do, even if it breaks our heart.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top