RENEE


Chapter 10 

Renee

Daffodil



I was never a fan of deep conversation especially to those people I recently met, I do small talks but deep conversation, I gotta build a connection first. Hanggang chill at random topics lang ang kaya ko sabayan, until I met Fidel. I didn't expect that Fidel will be that deep, para bang araw-araw may nakukuha akong bago sa kaniya deep inside his heart, and I somehow like it.

But when he tells me the story of his parents, I didn't know what to say or how to react. Sobrang bigat ng binigay ni Fidel sa akin, pero hindi ako nagrereklamo d'on, I somehow felt that he really trusts me. Naisip ko na ang mga gan'ong klase ng impormasyon ay sa piling tao lang binibigay.

After that big conversation, we just spent a couple of hours at Fidel's. Bumalik lang ang magaan na atmosphere sa pagitan naming dalawa ng nasa byahe na kami. We listened to some old songs and talked about our own businesses.

The next day, the rain was pouring really hard kaya naman hindi kami nakapagkita ni Fidel. We just talked virtually and send some bunch of cute GIFs. Nang sumapit lang ang hapon tsaka kami nagkita.

"Coffee?"

Nabaling ang tingin ko kay Fidel na abala sa pagdadrive, sinundo niya ako mula sa resto namin.

"Sure." tipid na sagot ko matapos ay binalik ang tingin sa kalsadang medyo basa pa dahil sa pag-ulan.

Magmula noong nalaman ko ang sitwasyo ni Fidel, mas naging maingat na ako sa pakikitungo sa kaniya, but not in a way na umiiwas o nililimitahan ko ang sarili ko. He told me that the reason he didn't tell it to me sooner is because he don't want me to pity him. Kaya naman as much as possible I'm trying to make it casual but with caution.

"Kumusta ka?" tipid na tanong ko kay Fidel matapos mainom sa mainit na kape.

"That's a big question, care to be specific?"

Bahagya naman akong nangiti sa kaniya.

"I mean, your health, how are you?" paglilinaw ko.

Marahan namang nadako ang tingin niya sa labas, nasa may pwesto kami malapit sa glass wall kaya naman tanaw na tanaw namin ang labas ng coffee shop.

"I'm good, but it's not easy, kanina nagising ako from a headache." sagot niya sa tanong ko habang diretso pa rin ang tingin sa harapan. "Good thing it was raining, I felt safe, it was calming." dagdag pa niya matapos ay bumalik ang tingin sa akin.

"Are you drinking your meds?" pinilit kong hindi maging mapag-alala ang tono.

"Yes, Doc. Aguirre, you don't have to worry po, I'm being a good patient." sagot niya matapos ay humigop sa iced coffee.

Natigil d'on ang usapan namin ni Fidel. Napako ang tingin naming dalawa sa harapan, pinanood ang medyo basang kalsada, kaliwa't kanan ang mga naglalakad na tao at sasakyan. Nalunod kami sa malamlam na kanta sa loob ng coffee shop, nabaling ang tingin ko kay Fidel dahil old song ang tumutugtog na kanta, I saw him smiling.

"Let's go home?" baling niya sa akin matapos uminom.

"Okay." tipid na pagsang-ayon ko.

Marahan siyang naunang natayo matapos ay sumunod ako. Bago pa tuluyang makalayo naagaw pa ng atensyon ko ang maliit na salitang nakasulat sa lamesang nakaharap kanina ni Fidel, I bet he wrote this one.


Serenity.


"Huh," komento ko sa gitna ng pagsinghap.

Nabalik naman ako sa reyalidad nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Fidel na nasa abang na ng pintuan. Tuluyan na akong sumunod sa kaniya hanggang makarating kami ng sasakyan.

"You wrote that, didn't you?" sambit ko kay Fidel habang nasa byahe.

"What do you mean?" tanong niya, hindi inaalis ang tingin sa harapan.

"That one word on your table," paliwanag ko. "Serenity." dagdag ko pa matapos ay nabaling ang tingin sa kaniya.

"Oh, yeah, right," sagot niya matapos ay bahagya akong tinapunan ng tingin, kaagad naman ding bumalik sa harapan. "Do you know what it means?"

Marahan akong napakagat sa ibabang labi ko at diretso siyang tinapunan ng tingin bago tuluyang sumagot.

"The state of being calm, peaceful, and untroubled..." panimula ko. "Right?" dagdag ko pa matapos ay naramdaman ang paghinto ng sasakyan, red light.

"Yeah." maikling sagot niya habang diretso ang tingin akin, tipid pa siyang nangiti kaya naman napangiti rin ako.

Nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho nang umandar na ang mga sasakyan. Sa buong byahe namin, nakinig lang kami ng radyo, madilim na nang nakarating kami sa restaurant namin.

"What?" narinig kong tanong ni Fidel nang maihinto niya ang sasakyan sa parking lot ng resto namin, hindi pa kasi ako tuluyang bumaba.

"You want to eat?" tanong ko sa kaniya, gabi na rin at siguradong magluluto pa siya pag-uwi.

"Are your parents here?" tanong din na sagot niya.

Bahagya naman akong natawa.

"Why, kung nand'yan ba ay hindi ka sasama?"

"I actually want to meet them," sagot niya na ikinaangat ng kilay ko.

"Oh, sadly, they're not here. Mom's with her friends and Dad's out of town."

"Sayang naman," maikling sagot niya na ikinangiti ko. "Hmmm, okay, let's go, I won't say no to free foods." dagdag niya hudyat para tuluyan kaming lumabas ng sasakyan.

Diretso lang ang naging kilos namin ni Fidel. Nang makapasok sa resto, tuloy lang ang papuri niya sa kabuuang lugar. Nagsabi na rin kaagad ako ng order namin kay Kuya Jay, matapos n'on ay tumaas kami para d'on kumain.

"Are you free tomorrow?" pag-iiba ko ng usapan namin ni Fidel habang abala sa pagkain.

"Hmmm, let me see, bukod sa pag-inda ng sakit ko at pagiging pabigat sa shop, wala naman akong gagawin." sagot niya matapos uminom. "Why, itatanan mo ba ako?" dagdag pa niya dahilan para matawa ako.

"Sira!" mabilis na sambit ko. "My parents are gonna be here, baka bukas na ang araw para magkita-kita kayo." dagdag ko pa.

"For real?" agarang sabi ko. "Bigla naman akong kinabahan." sabi pa niya matapos ay natawa rin.

"Don't be, wala ka namang ginawang masama." sabi ko pa habang tumatawa.

"Okay, I'm there." sagot niya na ikinangiti ko naman. "Does your parents know about it?" dagdag na tanong niya habang abala pa rin sa pagkain.

Marahan ang natango. "I actually messaged them about it earlier."

"Hala, nakakahiya naman, baka kung anong isipin nila." bakas sa boses niya ang pagkahiya dahilan para bahagya akong matawa, this is the first time I saw him like that, cute.

Sinabihan ko lang ulit siya na walang siyang dapat ipag-alala. Napag-usapan namin ang oras ng pagpunta niya bukas hanggang mauwi kami sa kung ano-anong usapan. Hindi nagtagal, nagpaalam na rin siyang umuwi dahil kailangan na rin niyang magpahinga.

After we said goodbye to each other, I couldn't help myself but to worry about him. What if umatake ang sakit ng ulo niya o kung ano mang parte ng katawan niya while driving. Those are some of the things that are rushing on my mind.


Don't worry, I'll be fine.


Naging mabigat ang paghugot ko ng buntong hininga nang mabasa ko ang mensaheng iyon galing kay Fidel. Pinaulanan ko kasi siya ng mga paalala bago kami maghiwalay kanina. Muli akong bumuntong hininga bago tuluyang mag-reply sa kaniya.


Don't text and drive.


Message me when you got home.


Drink your meds, okay?!


Don't you dare to reply, I'll be mad at you.


Matapos n'on bumalik na ako sa loob ng resto at tumulong sa ibang gawin, paglilinis, pagtanggap ng order, at kung ano-ano pa. Pinilit kong libangin ang sarili ko para mawala ang pag-aalala kay Fidel. Isang oras ang lumipas bago ako tuluyang makatanggap muli ng message mula sa kaniya.


Home na po.


Yes, Ma'am, just took my meds and vitamins.


I'll rest na, is it okay?


Pigil ang naging pagkagat ko sa ibabang labi habang binabasa ang mga messages ni Fidel. Tuluyan lang akong nakahinga ng maluwag nang makumpira kong nakauwi na siya. Marahan akong nag-type ng reply ko, matapos ay pinagpatuloy ang pagtulong sa resto.


Rest well, Fidel, you need that. See you tomorrow.


The next day, a messaged from Fidel woke me up. Kaya naman kaagad akong tumawag sa kaniya.

"Hi, good morning." bungad ko.


"Hi, Miss Aguirre, what can I do for you." sagot niya at bakas sa mababang boses niya na kagigising lang niya.


His morning voice tickles me.

"I just want to know lang po if you're still down for our late lunch later?" pabirong tanong ko naman.


"Oh, about that, I'm kinda nervous and I don't know what to wear, I could use some suggestions po."


God, his morning voice is really on some level, it's making me weak, stop, Fidel.

"Just be casual po, you can wear your favorite jacket if you want." halos pigil hininga kong sagot.


"Ah, got it. Thank you, Miss Aguirre. See you later."


"No problem, happy to help. See you later." mabilis na sabi ko at kaagad na pinatay ang tawag kasunod ang malakas na paghinga na akala mo'y sinakal ako sa usapan naming dalawa ni Fidel.

After that, I started my day. I just did my normal morning routine and it took a lot of time for me to choose an outfit, akala mo'y may kung anong pupuntahan ngayong araw. When everything's fine, bumaba na ako para sabay-sabay kaming mag-umagahan. Pinaalalahanan ko rin sila para sa plano namin mamaya. Even Kuya SM's going to be there, inulan pa ako ng pang-aasar habang kumakain kami.

"He's just a friend, Kuya SM!" depensa ko na tinawanan lang naman niya.

Lumipas ang oras at namalayan ko na lang na abala na kami sa pagtatrabaho sa resto. It's just a normal day. Tumatanggap lang kami ng order at sumasalubong sa mga reservations. We didn't get a VIP orders dahil naka-reserve for our late lunch ang pwesto. One hour later, I got a messaged from Fidel that he's already on his way here.

I almost panic for no reason, there's really something going on with me that I couldn't explain. Natahimik lang ako ng dumating si Kuya SM with Ate Rachel. Dumeresto na sila sa itaas dahil nand'on na rin naman sina Mommy. Minutes later, I saw Fidel's car. Kaagad ko siyang dinaluhan hanggang sa magkalapit kami.

"Wow, you look... I can't explain it, you look different, good different." bungad sa akin ni Fidel nang makababa siya.

"I actually can't explain how I'm feeling right now, too, huwag mo na lang pansinin." halos natatawa-tawang sabi ko.

"Well, I'm kinda nervous." sabi niya matapos ay marahang nabuntong hininga.

"Don't be," mabilis na sabi ko matapos ay kaagad siyang niyaya. "Okay, let's go." sambit ko ngunit napitlag si Fidel.

"Oh, wait, I forgot something." sabi niya at mabilis na bumalik sa sasakyan.

Kaagad din siyang pumasok d'on at nang muling humarap sa akin nagulat ako ng may hawak na siyang bulaklak.

"Oh, wow, you came prepared, I didn't expect this." nakangiting sambit ko.

"Well, you should've, I'm a flower shop owner, it's the least that I could do."

"Is that for me?" natatawang sambit ko pa.

"Ah, nope, these are for you parents and Kuya SM." mabilis na sambit niya dahilan para magulat at matawa ako.

"What? Why would give them that, I mean I get that you'll give something to my Mom, but for Dad and Kuya SM? Weird, but cute."

"See, that's why I'm doing this. We should normalize giving flowers to boys." mabilis muling sabi niya. "Most of the boys only received flowers on their funeral and that's really sad." dagdag pa niya matapos ay nagsimulang maglakad papasok sa resto namin habang ako'y naiwang tulala dahil sa sinabi niya.

Nabalik lang ako sa reyalidad nang tawagin ako ni Fidel. Kaagad akong sumunod sa kaniya at nang makapasok sa resto ay inalalayan ko siya paitaas. D'on ay naabutan namin sina Mommy na abala sa pagkukwentuhan, nabago naman ang atmosphere sa loob ng VIP room nang makapasok kami, magsila nilang sinalubong si Fidel.

"Oh, wow, you brought flowers, how sweet," nakangiting sabi ni Mommy nang iaabot sa kaniya ang flowers na dala ni Fidel. "It's really nice to finally meet you, Fidel." dagdag pa niya.

Nangiti lang si Fidel at sumang-ayon kay Mama. Nagulat naman sila nang iabot kay Daddy at Kuya SM ang iba pang bulaklak na dala ni Fidel. Natuwa naman si Daddy dahil d'on, habang si Kuya SM ay tumayo pa para makipagkamay kay Fidel.

"Nice one, bro, good shot ka kaagad sa akin." sambit ni Kuya SM habang nakikipag-shake hands kay Fidel. "Wait, you look familiar." nakunot pa ang noo ni Kuya SM.

"He's the owner of the flower shop where you bought Ate Rachel's flower last Valentine's." paliwanag ko matapos ay naliwanagan si Kuya SM.

"Oh, yeah, I see." marahan pang natango si Kuya SM matapos ay nagbitaw sila ng kamay ni Fidel.

Napag-aralan ko pa silang dalawa habang pareho silang nakatayo. Kuya SM's tall, pero nagulat ako nang makita kong mas matangkad pa pala si Fidel sa kaniya. I guess Fidel's around 5'10, kaya minsan halos tingalain ko na siya kapag nakikipag-usap ako sa kaniya.

Seconds later, we started eating. Humingi pa ng tawad si Fidel dahil wala raw siyang naibigay na flowers kay Ate Rachel, pabiro ko namang sinabi na wala rin akong natanggap kaya naman mabilis akong tinapunan ng tingin ni Fidel na katabi ko.

It's a six seater table, magkatapatan kami nina Kuya SM and Ate Rachel habang si Mommy at Daddy naman ay nasa magkabilang dulo. While eating we just talked about each other's businesses. Nabanggit pa ni Mommy na maganda raw iyong bulaklak na dala ni Fidel. Maging si Ate Rachel ay inalala pa ang bulaklak na natanggap niya dati.

It was a great late lunch, hindi ko namalayan na naging magaan na pala ang atmosphere sa loob ng VIP room. Nabaling lang ang atensyon namin kay Fidel nang magpaalam siyang sagutin ang tumatawag sa cellphone niya. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa tuluyang makalayo, tanaw ko ang posisyon niya dahil glass wall naman iyong harang ng VIP room.

"He really look familiar, Renee, and his name reminds me of something." narinig kong sabi ni Kuya SM dahilan para matuon ang atensyon ko sa kaniya.

"Kuya SM, you met him from a flower shop, kumalma ka." depensa ko pa.

"I know, but I have a weird feeling about him, not bad weird feeling, but I'll do my research." dagdag pa niya dahilan para maparolyo ako ng mata.

"That's creepy, Kuya SM!" mabilis na sabi ko pa.

Hindi na rin naman siya sumagot dahil bumalik na si Fidel. Nang tuluyang siyang makaupo ulit nabaling ang tingin namin kay Mommy nang magsalita siya.

"Fidel, you should come to my birthday." sambit ni Mommy dahilan para maangat ang tingin ko.

"Oh, yeah, I almost forgot to tell you that," mabilis na sambit ko.

"Ah, sure po, I'll just ask Renee about the details." mahinahong sagot ni Fidel habang nakatingin kay Mommy.

I was so ready to tell Fidel about Mommy's birthday, pero binuksan na rin ni Mommy ang usapan tungkol d'on. I saw how Fidel's eyes sparks when Mommy tells everything about her birthday celebration. Even I can't help but to get excited, it's always like this when Mommy's birthday is coming, it's not my birthday but I'm always looking forward for it more than you think about it.

D'on na natapos ang usapan at pagkain namin. We formally said goodbye to each other. Napagdesisyunan naman namin ni Fidel na maglakad-lakad muna sa labas katulad ng nakasanayan namin.

Tahimik lang kami sa paglalakad nang maramdaman kong ilipat ako ni Fidel ng posisyon malayo sa mga sasakyang dumaraan, bahagya akong natigilan bago muling nagpatuloy. I felt something on what he did, something weird good, pero mabilis din iyong nawala.

Napakagat lang ako sa ibabang labi ko habang patuloy kami sa paglalakad, namayani naman sa isipan ko ang pagbuo ng pag-uusapan namin ni Fidel habang naglalakad dahil wala pa ring nagsasalita.

"What's the name of the flower gave to them?" mahinahanong tanong ko habang nakatingin kay Fidel na diretso ang tingin sa harapan.

"Daffodil." tipid na sagot niya.

"Oh," marahan akong natango bilang sagot.

"Renee," narinig kong natawag niya dahilan para matigilan ako at mapitlag, maging siya ay natigilan at humarap sa akin.

Marahan akong napalunok dahil sa kakaibang tingin sa akin ni Fidel, kaagad akong inulan ng kaba, hindi ko alam kung bakit pero may kakaiba akong nararamdam, para bang hindi ko kakayanin kung ano man ang susunod na sasabihin ni Fidel.

"When I die, I want to have daffodil on my funeral." mahinahanong sambit niya na nagpatigil lalo sa akin.

Nanuyo ang lalamuna ko at naramdam kong napako ako sa kinatatayuan ko. I was right, hindi ko nga kakayanin ang sasabihin niya.

"You know, daffodil symbolizes new beginnings, rebirth, and it's a perfect flower to give someone on New Year," paliwanag niya pero tila nabibingi ako sa sinasabi niya. "Salungat man iyon sa mangyayari sa akin, but I feel like it's a perfect flower for my funeral." dagdag pa niya. "I might die, end my life, and leave this place, but it's also a beginning of something new." huling sabi niya bago ako tuluyang takasan ng lakas.

I froze, real hard. Pilit kong pinipigilan ang sarili ko na maiyak dahil sa mga sinabi niya.

"Let's buy coffee." narinig kong sabi niya matapos ay nagpatuloy sa paglalakad habang ako'y hindi pa rin magawang gumalaw.

Pinagmasdan ko lang siyang maglakad palayo, and that moment I realized he's someone really special to me kaya siguro kakaiba ang ramdaman ko nang marinig ko ang boses niya kaninang umaga. He's someone I'm too scared to lose. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top