RENEE
Chapter 6
Renee
Hair Cut
Mabilis na pumasok ang buwan ng August, nakakalunod isipin na halos ilang buwan na lang ang natitira at matatapos na naman ang isang taon.
Or I'm just too advance.
Nakakapanibago na wala akong ibang plano ngayong araw kung hindi ang tumulong sa resto, pero kahit na iyon nga lang ang gagawin ko ay talagang inatake pa ako ng katamaran. I don't why but sometimes I feel that way, kung kailan madali ang gagawin tsaka ako tatamarin.
"Mom, can I visit Kuya SM?" natalo na ako ng sariling katamaran kaya't naisipan kong magpaalam na umalis muna, baka sakaling sipagin ako kapag natapos kong kulitin si Kuya.
Tinapunan ako ng nanlilisik na tingin ni Mommy, maging si Daddy ay napalingon sa akin na abala sa pagtipa sa cellphone niya.
"Fine, pero huwag mo masyado guluhin Kuya mo ha, you know he's busy." mahinahong paalala sa akin ni Mommy.
"Yay!" mabilis akong napatayo na akala mo'y batang dadalahin sa park. "Is Kuya Joey's here?" tanong ko pa.
"Oh, inutusan ko siyang bumalik sa bahay, I forgot something and I asked him to get it, hintayin mo na lang bumalik." sagot ni Mommy matapos ay pumasok sa kitchen.
"Want me to give you a ride?" nabaling ang tingin ko kay Daddy.
Mabilis namang bumalik ang ngiti sa labi ko at masiglang lumapit kay Daddy. "OMG, you're such a life saver, Dad!"
Kaagad kong hinila patayo si Daddy na malaki rin ang ngiti sa akin. Pinasok niya ang cellphone niya sa bulsa at nagsimula na kaming maglakad patungo sa parking lot. Tumulak na rin kami at sinalubong ang medyo ma-traffic na daan. Habang nasa byahe ay nakipagkwentuhan lang ako kay Daddy, hindi nagtagal ay nakarating din kami sa hospital.
"Thanks, Dad! I'll message you later," nakangiting sambit ko kay Daddy ng tuluyan akong makababa ng sasakyan.
"You don't want me to come with you?" namlambing pa.
"Nah, Kuya SM's will be mad, iisipin na naman niya ginagawa nating family park ang office niya." sagot ko na tinawanan naming.
"Yeah, right," natatawa pang sabi niya. "Take care, princess." huling sambit niya bago kami tuluyang magpaalam sa isa't isa.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad papasok ng hospital. Good thing na hinatid ako ni Daddy, because for sure kung mag-isa ako rito sa kabilang building na naman ako mapapadpad.
"What are you doing here?"
Bakas sa mukha ni Kuya SM ang gulat nang maabutan niya ako sa office niya, may hawak siyang chart at mukhang katatapos lang mag-rounds. My Kuya's a resident sa isang hospital na malapit sa amin. It's well-known hospital in the city.
"Mangungulit," nakangiting bungad ko kay Kuya matapos ay tumayo mula sa swivel chair niya.
Inalis niya iyong suot niyang hospital coat matapos ay naupo sa pwesto ko kanina, habang ako'y naupo naman sa patient seat.
"Where's your friend, bakit hindi siya ang kulitin mo?" tanong niya Kuya habang abala sa pag-scroll sa iPad niya.
Napako ang tingin ko kay Kuya, hindi ko inasahan na itatanong niya iyon.
"He's actually around here, may monthly check up." sagot ko sa tanong niya dahilan para mapatango siya ng bahagya.
"Kumain ka na ba?" tanong pa niya dahilan para mapaayos ako ng upo.
"If not, ililibre mo ba ako?" pabalik na tanong ko kasunod ang pagpatay niya sa hawak na iPad.
"Kailan ba kita pinagbayad?" mahinahong tanong niya kasunod ang pagtayo dahilan para tumayo na rin ako. "Let's go." dagdag pa niya matapos ang patuloy na paglalakad palabas ng office niya.
Pinanood ko lang si Kuya na magpaalam sa assistant niyang malagkit ang tingin kay Kuya. Well, Kuya'S looking a lot more expensive today, he's wearing his favorite white printed long-sleeve na naka-roll hanggang braso niya, paired with his cool watch, wearing his perfectly fitted slocks, and his shiny black shoes. Kaya siguro naglalaway iyong assistant niya, but sorry not sorry, my Kuya's taken.
Napangiti na lang ako at natawa ng bahagya habang naglalakad kami palayo dahilan para kulitin ako ni Kuya at magtanong kung bakit ako natatawa. Sinabi ko kaagad iyong naisip ko dahilan para makita kong nahihiya siya kaya naman kinulit ko lang siya ng kinulit hanggang makarating kami sa kakainan namin.
We eat our lunch peacefully, napagkwentuhan lang namin si Ate Rachel which is his girlfriend at nabanggit niyang may tampuhan sila ngayon that's why he's asking me on how to make up with his girl, nagbigay lang ako ng kung ano-anong suggestion hanggang matapos kaming kumain, pero hindi pa rin siya kontento at inabot pa iyong usapan naming hanggang makabalik kami sa office niya.
"You know what, I don't know what to say anymore, just do what you want," sumuko na ako sa usapan namin ni Kuya.
Nakabigay na yata ako ng mahigit isang daang suhestiyon, pero tinanggihan lang niya, kesyo corny daw at mukhang lalong magagalit si Ate Rachel sa kaniya.
"Fine," mukhang sumuko na rin siya.
Akmang magsasalita pa ako nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. I got a messaged from Fidel, he's done with his appointment, at dahil malapit lang naman siya ay naisipan kong magpaalam na kay Kuya para kitain si Fidel.
"Hey!"
"Hey, dude, what's up?!" nakangiting bungad ko kay Fidel nang magkita kami sa parking lot.
"Nothing, pagod sa pakikinig," tipid na sagot niya matapos ay nagsimulang maglakad. "Do you have any plans today?" tanong niya nang makasunod ako sa kaniya.
Bumaling lang ako sa cellphone ko para tingnan ang oras, past 1 in the afternoon na at wala naman akong ibang naiisip na gagawin, bukod sa pangungulit ko sana kay Kuya, malamang ay nasa resto lang sana ako ngayon.
"Nothing, why?" tanong ko pabalik.
"I'm planning to get a haircut, gusto mo sumama?" sabi niya matapos ay huminto nang makarating kami sa harapan ng sasakyan niya.
Napahinto rin ako hindi dahil sa nakarating na kami sa sasakyan niyang kun'd dahil sa sinabi niya.
"Wow!" natatawang sabi ko. "Inalok kita last time na I'll cut your hair and you say you don't want to, tapos ngayon heto at magpapagupit ka na? You betrayed me, Fidel," I tried my best to sound like nagtatampo sa kaniya.
Sa halip na aluin niya ako, pagtawa lang ang natanggap ko sa kaniya.
Lumapit siya sa pinto ng sasakyan niya at binuksan iyon, ganoon na rin ang ginawa ko, kasunod noon ang pagpasok naming dalawa.
"Well, you also told me that you almost cut your brother's head off, so, sinong magpapagupit sa 'yo, huh?" depensa niya dahilan para agresibo ko siyang harapin.
"Muntik ko na siya makalbo, hindi maputulan ng ulo!"
"That's the same thing." sambit niya.
"That's the same thing..." I mocked him.
Natahimik kaming dalawa matapos ay pinaandar niya iyong sasakyan, malayo ang tingin ko habang palabas kami ng parking lot, nang tuluyang salubungin ang liwanag at malawak na daan d'on ko lang narinig ang boses ni Fidel.
"Fine, I'll let you cut my hair, but you must remember that you must do good, dahil nakataya ang friendship natin sa resulta ng gupit ko." narinig kong sambit niya dahilan para nakangiti ko siyang linungin.
"Yay! I promise, I'll do more than good!" nakangiting sambit ko sa kaniya. "Okay, off to supermarket!" dagdag ko pa na sinundan ng pagtaas ng kamay.
Fidel drove to the nearest supermarket to buy stuff that we need since it'll be a big hassle if we go to our house to get styff that I used before. He's like little kid following me when we entered the supermarket, we went to hair cair aisle and get the stuff that we need
"What haircut do you want?" tanong ko sa kaniya habang abala kami sa pagpili. "Wait," bumaling ako sa kaniya at pinag-aralan ang itsura niya.
His hair kinda growing from a buzz cut, bagay iyong gupit niya sa kaniya dati but there's something I want to do with it.
Nakaharap lang kami sa isa't isa habang diretso ang tingin ko sa kaniya, bahagya ko pang ipinapaling ang ulo niya para mapag-aralan iyong buhok niya. He has a nice hair, kapansin-pansin din ang makinis niyang mukha, nahiya naman ako sa makapal na kilay niya, tamang-tama sa mata niya, his nose is so sharp, mas lalong tumapang ang mukha niya dahil d'on, tinapatan pa ng may kapulahan niyang labi.
"Baka matunaw ako."
Naangat ang kilay ko dahil sa sinabi niya, hindi ko namalayan na hindi na lang pala iyong buhok niya ang pinag-aaralan ko.
Napaatras ako dahil d'on at marahang napalunok, kaagad din akong nag-iwas ng tingin bago tuluyang magkaroon ng lakas ng loob na magsalita muli.
"Buzz cut na lang siguro ulit?" tanong ko sa kaniya matapos ay inabot iyong razor na nasa harapan.
"Sure, bagay naman sa akin sabi mo e," naramdaman ko iyong pagtingin niya sa akin habang sinasabi iyon kaya naman hindi ko siya magawang linungin.
Nang makuha ang pakay, nagsimula akong maglakad palayo sa hair care aisle, pero bago pa tuluyang makalayo naagaw pa ng atensyon ko ang isang hair product dahilan para linungin ko si Fidel at sabihin sa kaniya iyong naisip ko.
"Do you want me to dye your hair?" bumaling ako kay Fidel ngunit natigilan ako nang makita kong napako siya sa kinatatayuan niya. "Fidel?"
Nakita ko ang marahang pagkurap ng mga mata niya, pilit na bumabalik sa reyalidad, diretso ang tingin niya sa harapan kung nasaan ako, ngunit lampas ang tingin niya sa akin dahilan para sundan ko ang tingin niya.
Nilingon ko ang likuran ko at dalawang tao lang ang nakita kong abala sa pagpili ng face care product, isang babae na may kasamang lalaki na siguro'y ka-edad lang din namin. Bumalik ang tingin ko kay Fidel, gan'on pa rin ang itsura niya, tila ba gulat sa nakita.
"Fidel?" mahinahong tawag ko sa kaniya at sa pagkakataon iyon nagawa na niya akong tapunan ng tingin.
"Oh, Renee, ano ulit sinasabi mo?" bakas sa mukha niya ang pagkataranta. "Ah, magkukulay ng buhok? Sige, sure, tara." kaagad niyang kinuha mula sa kamay ko iyong isang kahon ng pangkulay ng buhok, bakas sa kilos niya na wala siya sa kaniyang sarili ngunit hinayaan ko na siya.
Sumunod ako sa paglalakad niya, nakita ko pa ang panakaw na tingin niya sa babaeng abala pa rin sa pagpili ng face care product. Gustuhin ko mang magtanong ay hindi ko magawa. Ayokong maulit iyong nangyari sa Fidel's nang tanungin ko siya tungkol sa Papa niya, ni hindi ko nga rin magawang magtanong tungkol sa katatapos lang na check-up niya. Wala akong lakas na bukas ng usapang iyon.
Humugot ako ng malalim na buntong-hininga habang sinusundan si Fidel sa paglalaka. Dumeretso siya sa pagbayad ng napili namin, matapos noon ay tumulak na kami. Akala ko'y sa bahay niya kami pupunta pero sa flower shop kami tumungo.
Naabutan namin sina Kuya Rico at Ate Baby na abala sa pag-asikaso ng mga customers, bumati lang ako sa kanila at sumunod na kay Fidel patungo sa likuran, doon narating namin ang comfort room.
Nag-alok si Fidel na magsimula na kami, inihanda ang mga kailangan, mabuti na lang at malawak iyong comfort room. May malaking salamin sa harapan namin, dalawang cubicle, at dalawang urinal.
Comfort room pala iyon ng lalaki, hindi ko napansin, dahil karamihan sa napapasukan kong CR ng mga lalaki ay kakaiba ang amoy, kumpara dito sa CR ng shop nila Fidel, maaliwalas ang lugar at hindi mahirap kumilos.
"Okay, I'm ready for you to murder me," nakangiting sabi ni Fidel dahilan para mabaling ang tingin ko sa kaniya.
"Grabe ka naman sa murder!" natatawang sambit ko matapos ay tumungo sa likuran niya. "Do you want to take you jacket off?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya mula sa salamin.
"Hindi na," tipid na sagot niya matapos ay isinuot iyong cape.
Humugot lang ako ng malalim na buntong-hininga matapos ay bunihay na iyong razor, d'on na rin ako nagsimulang bawasan iyong buhok niya. Marahan ang bawat paglapat ng razor. Hindi ko pa maiwasang hindi mapalingon sa salamin dahil nakikita ko ang mariin na pagtingin sa akin ni Fidel.
Hindi ko alam kung nag-aalala ba siyang makalbo ko siya o talagang gusto lang niya panoorin ang bawat kilos ko.
Kung minsan pa'y nagtatama ang paningin naming dahilan para mapatigil din ako't mag-iwas ng tingin. Kung nakatutunaw lang ang tingin, siguradong naglakat na ang bawat parte ng katawan ko sa sahig ng CR.
"Relax, Renee," mahinahong sambit ni Fidel dahilan para mapako ang tingin ko sa kaniya.
Napakagat pa ako sa labi ko bago tuluyang magkaroon ulit ng lakas. Napapikit pa ako sa pagtigil kong iyon, hindi nagtagal ay kinolekta ko ang sarili ko at tinapos na ang pagbawas sa buhok niya.
"O-Okay, you're good as new," nakangiting sambit ko nang mapatay iyong razor at malinis ang mangilan-ngilang buhok sa balikat ng cape ni Fidel.
Naramdaman ko ang pag-ayos ng upo ni Fidel, masinop niyang ipinaling ang ulo para mapag-aralan ang itsura ng buhok niya. I tried my best to make it look like his hair before, well, I guess, I did my best, because he really do look good, kahit na mahaba ang buhok niya, he's still looking good.
"I must admit it, you're good, maganda rin ang gupit mo, mukhang may bago na akong barber ha," nakangiting sabi ni Fidel dahilan para mapangiti rin ako.
"Ano ka ba maliit na bagay," nakangiting sabi ko matapos ay lumapit sa counter para asikasuhin ang hair dye. "Now, let's ruin your hair," dagdag ko pa matapos ay natawa.
"Oh, dude, be careful, okay, this will be my first time to color my hair." sabi niya dahilan para maangat ang kilay ko.
"Really? Wow, big pressure naman pala sa akin," sabi ko. "Baka naman napipilitan ka lang?" dagdag ko pa matapos ay binuksan iyong kahon.
"Nope, I'm good, might as well try something new before I die," sabi niya sa seryosong tono dahilan para matigilan ako.
Hindi ko alam kung bakit may kakaiba akong naramdaman sa sinabi niya, kung hindi lang ako muling tinawag ni Fidel, malamang ay matagal pa akong matitigilan. Doon lang din ako nagkaroon ng lakas ng loob para ipagpatuloy ang ginagawa.
Nang maipaghalo ang mga kailangang kulay, lumapit na ako ay Fidel para simulan ang plano namin. Pambleach lang pala iyong nakuha namin, dahil sa nangyari kay Fidel kanina'y hindi ko napansin na wala pala kaming nakuhang colored dye, pero tingin ko'y ayos na rin ito, babagay naman ito sa kaniya.
Naging tahimik ang pagkukulay ko sa kaniya, kung hindi lang siya magrereklamo dahil sa matapang na amoy ng hair dye malamang kinain na kami ng katahimikan. Hindi pa rin maalis ang bawat tingin sa akin ni Fidel dahilan para mapaiwas ako ng tingin at ituon ang atensyon sa pagkukulay.
Sinisigurado kong makukulay ang lahat ng buhok niya, naging mahirap iyon dahil maliit ang mga buhok niya. Good thing mabait naman na client si Fidel kaya mabilis din kaming natapos.
"Okay, we'll set that for 20 minutes," sabi ko sa kaniya matapos ay binanlawan ko ang kamay ko.
"Ang sakit talaga sa ilong ng amoy, kumakati pa ang anit ko," reklamo niya habang abala ako sa paglipit.
"Gan'yan talaga 'yan, don't worry, kung makakalbo ka man, papakalbo rin ako," sabi ko sa kaniya na tinawanan lang namin.
"So, we'll just stay here for 20 minutes and do nothing?" tanong niya habang diretso ang tingin sa salamin.
Muli akong dumako sa likuran niya at tiningnan siya mula roon.
"It depends, p'wede ka naman lumabas kung gusto mo," suhestiyon ko.
"Mukhang akong malaking toothbrush na may maraming toothpaste, tingin mo'y makakalabas ako?" sabi niya dahilan para matawa ako.
Bumalik kami sa katahimikan, pinagmasdan ang isa't isa sa salamin, tila ba bumagal ang takbo ng oras sa loob ng CR, napakatagal matapos ng 20 minutes. Pilit ko pang pinipigilan ang sarili ko na itanong kay Fidel iyon babaeng nagpatigil sa kaniya kaniya. Naging mariin ang titigan naming ni Fidel sa salamin, kung hindi lang siya nagsalita marahil ang nabasag na ang salamin.
"That was my ex-girlfriend..." sambit niya dahilan para mapitlag ako.
"Huh?" wala sa sariling sabi ko, hindi pa rin naaalis ang tingin sa kaniya.
"The girl earlier, sa face care aisle, that was my ex-girlfriend," pag-uulit niya. "I figured you're wondering about it, so, I just fed your curiosity." dagdag pa niya matapos ay nilingon ako sa likuran niya, mabilis din namang bumalik ang tingin niya sa salamin.
Napabuntong-hininga ako at napakagat sa labi, nag-ipon ng lakas para sa mga susunod na sasabihin.
"I actually want to ask, but I find it unnecessary," wala sa sariling sambit ko.
"If it's something like that, feel free to ask, I won't mind," sabi niya, diretso ang tingin sa akin mula sa salamin. "After all, we're friends, right?" dagdag pa niya matapos ay kumurba ang ngiti sa labi.
"Yeah, right," tipid na sagot ko matapos ay napitlag mula sa tunog ng cellphone ko.
My alarm for 20 minutes went off, naging dahilan iyon para mabago ang ihip ng hangin sa loob ng CR. Kaagad kong inutusan na lumapit si Fidel sa counter ng faucet para mabanlawan ang buhok niya.
Yumuko siya sa counter at malaya kong binanlawan iyong buhok niya, hindi ko maiwasang hindi pag-aralan ang likuran niya, sumilip pa ang batok niya na bahagyang nababasa, sa pagtagal ni Fidel sa ganoon posisyon naangat ang kilay ko dahil sa nakita kong pasa sa ibabang bahagi ng batok niya, ngunit hindi ko na rin iyon natitingan ng matagal dahil kaagad na umangat si Fidel.
Napako ako sa kinatatayuan ko habang abala si Fidel sa pagtuyo ng buhok niya, nang matapos ay ginagawa niya ay inayos lang niya ang buhok niya at humarap sa akin. Nakangiti niya akong tinapunan ng tingin at hinarap ang buhok niya.
"So, do I look good?" nakangiting tanong niya.
Umangat ang tingin ko sa kaniya. Tama nga ako, bagay sa kaniya ang gan'ong itsura ng buhok. Bumagay sa matapang niyang mukha.
"Yeah, you do. You do look good," nakangiting sabi ko sa kaniya matapos ang bahagyang inabot ang medyo basa pa niyang buhok.
"Oh, baka maging crush mo pa ako," sabi niya sa pang-asar na tono.
"Sira!" mabilis kong hinampas ang balikat niya. "Sige na, maglinis ka na. Ililibre mo pa ako bilang kabayaran." sabi ko at mabilis na naglakad palayo sa kaniya.
Kung magtatagal pa ako sa harapan niya marahil kung ano pa ang mangyari.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top