RENEE
Chapter 4
Renee
Overnight at Cemetery
I honestly can't remember the last time I had a new friend, until I met Fidel. Sa ilang beses naming pagkikita nitong nakaraang buwan, inasahan ko na rin na magiging malapit kami sa isa't isa. Maybe it's destined to happen.
Napapadalas ang pagkikita namin ni Fidel, kahit na medyo malayo ang shop niya sa lugar namin o kaliwa't kanan ang traffic papunta sa shop nila, ako iyong madalas na bumisita sa kaniya. Minsan kasi mukhang walang buhay si Fidel kaya mas pinipili kong ako na lang ang mag-abala kahit na nahihiya siyang ako pa raw iyong bumisita sa kaniya.
On a normal day like this, maghihintay lang ako ng pagyaya niya para kumain kami sa labas o 'di kaya'y kung super busy siya magsesend lang siya ng GIF ng pusa o mga asong naghahabulan, I find it cute kasi sobrang hilig niya sa mga hayop.
Abala ako sa pag-tally ng orders na natanggap namin kaninang umaga ng makita kong umilaw ang cellphone ko, I got a messaged from Fidel, asking if I'm busy. Kaagad naman akong sumagot na hindi at inasahan ko na ang pagyaya niyang kumain sa labas.
Ilang beses ko na siya sinasabihan na sa resto na lang namin kumain, pero ilang beses na rin siya tumatanggi, hindi pa raw siya handa sa meet the parents na siyang tinawanan ko naman.
Nang makumpira kong kakain nga kami sa labas kaagad na akong nagpaalam kina Mommy para sa plano ko. Kompleto kami sa resto, except kay Kuya na on duty, kaya naman okay lang na umalis muna ako, hindi rin naman gaano karami ang dumarating na customers at halos kakaunti rin ang reservation namin.
Nagpahatid na lang ako kay Kuya Joey sa nagpagusapan naming kainan ni Fidel. Mahigit kalahating oras lang ang lumipas at bumungad na sa akin ang isang local pasta place. Fidel's craving for carbonara, ang totoo ay kagabi pa niya ako kinukulit kumain nito, pero hindi ko naman mawari kung saan kami kukuha ng carbanora gayong alas-dose iyon ng gabi.
"Finally!" halos umabot sa langit ang ngiti ni Fidel nang i-serve sa kaniya ang order niya.
Natawa na lang ako at nagsimula na rin kumain. Nagkumustuhan lang kami in between meals na kadalasana naman naming ginagawa. Habang kumakain ay napansin ko ang itsura niya, same look when I first met him, he's still wearing that navy blue jacket na bagay naman sa kaniya, minsan simpleng black jacket lang 'yon na kahit sobrang init sa labas ay suot-suot pa rin niya. Iniisip ko na lang na hilig niya talaga iyon dahil never ko pa siyang nakitang walang suot na jacket.
"Your hair is getting long, want me to cut it for you?" tanong ko sa kaniya nang matapos ko siyang pag-aralan.
"You know how to cut hair?" Para bang namangha siya sa sinabi ko.
"Hmmm, sakto lang. I used to cut Kuya SM's hair until muntik ko na siya makalbo." Natawa ako sa sinabi ko habang inaalala ang paggupit ko kay Kuya nung minsang dumalas ang kamay ko while holding a razor.
"OMG, that's evil!" natatawang sabi pa niya. "I would probably pass, but thanks for the offer," dagdag pa niya matapos ay uminom sa juice sa hawak niya bilang pagtatapos sa pagkain niya.
Pinagmasdan ko lang si Fidel habang abala ako sa pagkain ko. May kinuha siyang isang ballpen mula sa bulsa ng jacket niya, diretso siyang nagsulat sa lamesang kinakainan namin na siyang kinagulat ko.
"Dude, that's vandalizing." suway ko sa kaniya.
"I know." sambit niya habang patuloy pa rin sa pagsusulat.
"Hoy, para kang bata, are you that bored?" Napalingon pa ako sa paligid namin para siguraduhing hindi siya mahuhuli sa ginagawa niya.
"Nah, I just like to do this," sabi niya matapos ay nag-angat ng tingin sa akin nang matapos magsulat.
Ipinaling ko ang ulo ko para mabasa ang sinulat niya, natawa na lang ako nang mahina nang mabasa iyon, Your carbonara tastes good. Hindi ko inasahan na iyon ang isusulat niya.
"Sana ay sa tissue mo na lang sinulat o 'di kaya'y nag-compliment to the chef ka na lang!"
Natawa na lang siya sa sinabi ko dahilan para mapangiti ako.
Hindi na rin kami nagtagal sa kainan na iyon, naglakad-lakad lang kami sa mga shop sa labas matapos ay nagdesisyon na tumulak na pabalik sa mga lugar namin. May kailangan pa raw kasing asikasuhin si Fidel, sumakto naman sa paghahanap sa akin ni Mommy.
Nakatanggap lang ako ng mensahe galing kay Fidel nang makauwi siya. Gan'on na rin ang ginawa ko at nagpaalam na magiging busy sa resto. Natapos ang araw na iyon na hindi ko inasahang magiging busy ako nung gabi sa resto, kaya naman pag-uwi namin sa bahay bagsak talaga ang energy ko.
Pinaulanan naman ako ni Fidel ng mga cute GIF of cats and dogs hanggang sa magpaalam ako sa kaniya na matutulog na ako. Mga cute GIF of sleeping cats and dogs lang din ang natanggap kong sagot dahilan para mapangiti ako bago tuluyang matulog.
Kinabukasan, kaagad akong nagtaka nang wala akong matanggap na message mula kay Fidel, kadalasan kasi una siyang nagigising sa akin at punong-puno na ng mga GIF of cats and dogs saying good morning ang conversation namin, pero ngayon ni isa ay wala akong natanggap.
Hindi ko na iyon gaanong pinagtunan ng pansin, inisip kong baka tulog pa siya kaya ako na lang iyong unang nag-message sa kaniya. Ngunit nung sumapit ang tanghali, wala pa rin akong natanggap na message mula sa kaniya o kahit seen man lang dahilan para magtaka ako.
"Mommy, I need to go to my friend. Emergency." mabilis na paalam ko kay Mommy habang abala siya sa patanggap ng order mula kay Kuya Jay.
"Do you want me to give you a ride?" bungad sa akin ni Daddy na mukhang narinig ang paalam ko kay Mommy.
"Nope, I'm good, Dad, I'll just ask Kuya Joey." mabilis pang sabi ko at kaagad na lumabas ng resto namin nang masabihan ko si Kuya Joey.
Nagpahatid ako sa shop ni Fidel dahil iyon lang naman ang alam kong maaari niyang puntahan bukdo sa Fidel's, pero bigo akong makita siya roon dahil maging sina Kuya Rico ay hindi rin alam kung nasaan si Fidel.
Tinakasan na ako ng lakas para kay Fidel, hindi ko maiwasang hindi mag-alala para sa kaniya. Nakailang beses ko na rin siyang tinatawagan pero ni pag-ring ng cellphone niya'y wala akong natatanggap.
Napagdesisyunan kong magpaalam na kina Kuya Rico, siguro'y hihintayin ko na lang na lumitaw siya at paulanan ko siya ng sigaw dahil pinagalala niya ako.
"Miss Renee, sandali po." narinig kong pagtawag sa akin ni Kuya Rico bago ako tuluyang pumasok ng sasakyan.
"Yes po?" nagtatakang baling ko sa kaniya.
"Ang totoo po'y may ideya ako kung nasaan si Sir, pero sigurado pong hindi niya magugustuhan kapag sinabi ko iyon sa inyo." bakas sa boses ni Kuya Rico ang pag-aalala at pag-aalangan na sabihin sa akin ang nalalaman niya.
Inatake ako ng kaba dahil doon.
"Ano pong ibig niyong sabihin?" nakunot pa ang noo ko. "Tingin ko po'y nasa overlooking siya, baka po doon na lang ako pumunta." dagdag ko pa ngunit mabilis na umiling si Kuya Rico.
Bahagyang lumapit si Kuya Rico sa akin at nalinga pa ang tingin sa paligid, tila pa nagsisiguro na walang ibang makakarinig sa kung ano mang sasabihin niya.
"Alam ko pong may tiwala sa inyo si Sir, kaya sasabihin ko sa inyo ang nalalaman ko." mas lalo akong kinabahan kay Kuya Rico dahil sa sinabi niyang iyon.
Ilang sandali pa'y may inabot siyang maliit na papel sa akin, akmang bubuksan ko na iyon ng pigilan niya ako. Mabilis din siyang nagpaalam at pumasok pabalik ng shop.
Napalunok pa ako habang tinatanaw ang paglalakad ni Kuya Rico palayo. Hindi na rin ako nag-aksaya pa ng oras at pumasok na ako ng sasakyan, doon ay binasa ko kung anong nakasulat sa papel.
Isang address ang nakasulat sa papel. Address ng isang sementeryo dahilan para magtaka ako kung anong ginagawa ni Fidel d'on. Is he visiting someone? Is that the reason kung bakit hindi ko siya mahagilap at kaya siya naglaho ngayon?
To feed my curiosity, I gave the address to Kuya Joey para magpahatid doon. Habang nasa byahe kung ano-anong ideya ang tumatakbo sa isipan ko. Wala akong ideya kung sino iyong binibisita niya. Wala pa rin naman siyang nababanggit tungkol sa pamilya niya o malapit sa buhay na wala na.
"Safe Haven Cemetery." pagbasa ko sa bumungad sa aming sementeryo.
Ito na iyon ayon sa binigay na address ni Kuya Rico, may kalawakan ang sementeryo kaya't hindi ko alam kung saan namin makikita si Fidel, pero nagpahatid na lang ako kay Kuya Joey sa loob para madali naming mahanap si Fidel.
Sa loob ng ilang minutong dahang-dahang pag-andar ng sasakyan natanaw ko si Fidel dahilan para makahinga ako nang maluwag. Naka-upo siya sa damuhang nasisilungan ng malaking puno, medyo may kalayuan sa sasakyan niya.
Nagpaalam ako kay Kuya Joey upang malapitan ko si Fidel. Ilang metro ang layo ko sa kaniya at hindi pa rin niya ako napapansin dahil tingin ko'y nakapikit siyang nakaharap sa malawak na himlayan.
Ilang sandali pa'y tuluyan akong nakalapit sa kaniya dahilan para mamulat si Fidel at maangat ang tingin niya sa akin. Kaagad na kumurba sa mukha niya ang pagtataka at gulat.
"Renee?"
Sinalubong ko siya ng maliit na ngiti.
"What are you doing here?" tanong niya nang tuluyang makatayo.
"I've been looking for you, wala kang text at hindi sumasagot sa tawag ko, akala ko napano ka na," sagot ko sa tanong niya. "I went to your shop, I asked Kuya Rico at Ate Baby for you, pero hindi raw nila alam."
"So, how'd you know I'm here?"
"Before I leave your shop, Kuya Rico gave me an address, sabi niya magagalit ka raw kapag ginawa niya iyon, pero binigay pa rin niya sa akin. Don't fire him, okay, I'm actually glad he did that, because now I know you're good."
Mahina siyang natawa dahil siguro sa sinabi ko.
"Do you want me to leave?" pagtatanong ko pa.
Napangiti siya at marahang bumalik sa pagkakaupo, "No, I guess I could use some company," sabi pa niya matapos ay dumako ang tingin sa akin. "Sit, I'll introduce to you to the best woman in the world."
Ganoon na nga ang ginawa ko, tumabi ako sa kaniya, humarap kami sa lapida ng himlayang kinauupuan namin.
"She's my Mama." diretso ang tingin niya sa lapida habang ako naman ay hindi maalis ang tingin sa kaniya.
Kakaiba ang awra niya ngayon, parang hindi siya si Fidel na kilala ko. Para bang may ibang tao akong kaharap.
"Baka matunaw ako." komento niya sa akin dahilan para maangat ang kilay ko't dumako sa lapida.
Pinagmasdan ko ang nasa harapan namin, may kakaiba akong naramdaman nang mabasa ko ang impormasyon doon.
Aurora Florentine Laurente
Born on July 11, 1967
Died on July 12, 2018.
Bumalik ang tingin ko kay Fidel na hindi na pa rin naaalis ang tingin sa puntod ng Mama niya.
"Mama, she's my new crazy friend, Renee."
Napangiti naman ako dahil sa pagpapakilala niyang iyon, hindi ko inasahan na gagawin niya iyon.
"Hoy, magpakilala ka." baling sa akin ni Fidel dahilan para magulat ako't matawa nang bahagya.
"Oh, yeah, right," napakagat pa ako sa labi ko't humugot ng malalim na buntong-hininga. "Hello po, I'm Renee, your weird son's new friend." nakangiting sambit ko na kaagad namang kinumentuhan ni Fidel.
"Seriously? You told to my dead Mama that I'm weird?" gulat na sambit niya ngunit kagaad ding natawa.
"Totoo naman ah!" depensang pang-aasar ko. "Weird po talaga siya," baling ko sa Mama niya. "Pero gwapo, so, okay na rin po." dagdag ko pa at muling natawa.
"At bakit kailangan mo pang tumawa." komento muli ni Fidel dahilan para lalo akong matawa.
Sasagot pa sana ako nang maagaw ni Kuya Joey ang atensyon ko, nagpapaalam siyang kailangan niyang bumalik sa resto dahil kailangan daw siya ni Mommy. Nagkaroon tuloy ng conflict sa pag-uwi ko gayong ayoko pa umalis.
"I'll give her a ride na lang po, Kuya Joey, don't worry." mahinahong sabi ni Fidel kay Kuya Joey dahilan para makampante ako.
Napagkasunduan naman namin iyon at sinabi kong mag-message na lang ako kay Mommy. Hindi na rin kasi nila ako pinayagan mag-commute ulit nang malaman nilang sobra-sobra ang binayad kong pamasahe last time.
Nang makaalis si Kuya Joey, bumalik ang atensyon ko kay Fidel at sa lugar kung nasaan kami. Maaliwalas ang paligid dahil medyo pahapon na rin, mabuti na lang at may malaking puno malapit sa amin kaya hindi gaano kainit sa pwesto namin.
"Are you always like this?" walang pasubaling tanong ko kay Fidel habang pareho kaming nakamasid sa malawak na himalayan.
"Like what?"
"You'll disappear and you won't tell everyone about it." sagot ko sa tanong niya. "We're so good last night, we even said good night to each other, then I woke up today without anything from you, I really think something happened to you." dagdag ko pa matapos ay tinapunan siya ng tingin.
"I'm sorry." maikling sagot niya.
"So, what's your answer?" tanong ko pang muli.
Nag-iwas siya ng tingin, muling bumaling sa malawak na himlayan, habang ako'y hindi naalis ang tingin sa kaniya.
"Yeah." tipid na sagot niya. "Every year, every Mama's birthday. Nasanay na akong tumakas sa lahat tuwing darating ang araw na ito, then I'll come back after two days." dagdag pa niya dahilan para maging interasado ako.
"Why? Bakit 'di ka magsabi?"
"I don't know how. I don't know how to say goodbye, Renee." sagot niya matapos ay bumaling ang tingin sa akin dahilan para magtama ang tingin naming dalawa.
Kakaiba ang tingin niya. Napag-aralan ko na ang buong mukha niya noon, ngunit ngayon para bang hindi ko siya kilala. May ibang sinasabi ang mga mata niya at hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko maintindihan kung ano iyon. Para bang nagsasalita siya sa ibang lenggwahe, na kahit anong pilit kong unawain, hindi ko magawa. Basta ang alam ko'y may sakit akong nararamdaman sa bawat pagtingin niya.
Napalunok ako't hindi ko na nagawang magsalita pa muli. Mabuti na lang at nagkaroon ako ng lakas para kuhanin ang cellphone ko, pinili kong magpatugtog para magkaroon ng ibang timpla ang sandaling iyon.
Muli kaming natahimik, pinagmasdan ang malawak na harapan. Hinayaang mabingi sa kantang napili ko.
"What's the name of this song?" narinig kong tanong ni Fidel.
"I don't know," sagot ko at bahagyang natawa.
Narinig ko ang mahina ring pagtawa ni Fidel. Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa magsimula ng panibagong usapan. Hindi nagtagal nagdesisyon akong magpaalam na nang tuluyang lumubog ang araw.
Habang nasa byahe patungo sa bahay namin, abala lang kami sa pakikinig ng radio mula sa kotse ni Fidel, dumaan ang kantang pinakinggan namin kanina dahilan para muli kaming matawa. Hindi nagtagal narating namin ang subdivision namin hanggang sa tuluyang kaming mapasok at maharap ang bahay namin.
"You want to come in?" alok ko kay Fidel nang makababa kami pareho.
"No, thanks. I actually need to go back to Mama's." sagot niya dahilan para magulat ako.
"What? But it's night time."
"Yeah," natawa siya ng bahagya.
"Don't tell me you'll stay there for a couple of hours?"
"Actually, I'll spend the night there until tomorrow." seryosong sagot niya dahilan para magulat lalo ako.
"What?" halos napasigaw na ako. "Dude, isn't scary? That's a cemetery!"
"Yeah, I know, I got used to it,"
"Good God?! Don't tell me you're doing that annually?" I asked, still in shock.
"Yes, and it's actually normal to me." sagot niya."And its Mama's death anniversary tomorrow, so, I'm actually hitting two birds with one stone."
"Or you can actually go home and come back tomorrow?" suhestiyon ko kahit alam kong may panlaban siya.
"Nah, hassle," sagot niya at natawa pa. "Sige, pumasok ka na."
Napabuntong-hininga na lang ako't napailing.
"No, you go first."
"Ay, sige na, pumasok ka na, ayan na lang bahay niyo oh." depensa niya
"Yeah, right, kaya mauna na ka na, mabilis na lang pumasok."
Magsasalita pa sana siya kaya mas pinili kong itulak siya papasok ng sasakyan niya.
"Call me when you got there okay?" paalala ko sa kaniya habang nakadungaw sa bintana ng sasakyan niya.
"Okay, Miss Renee." nakangiting sambit niya. "Sige na, move, so, I can start my car, harang ka e," dagdag niya na kaagad naman naming tinawanan.
Lumayo ako para magawa iyong kailangan niya, ilang sandali pa'y pormal na kaming nagpaalam hanggang sa tuluyan siyang tumulak. Nang makalayo siya'y pumasok na ako sa bahay.
Nag-ayos lang ako ng sarili ko, kumain ng hapunan, nakipagkulitan kay Kuya kahit pagod na siya, matapos ay nahiga na sa kwarto ko. Ilang sandali pa'y nakatanggap na ako ng tawag mula kay Fidel. We talked for hours, randomly, anything under the moon.
"Hey, I forgot something." sambit ko kay Fidel na nasa kabilang linya.
"What is it?"
"Say Happy Birthday to your Mama for me." sagot ko sa tanong niya.
Narinig ko ang pagbati niya sa Mama niya dahilan para mapangiti ako.
"She said thank you."
Natawa naman ako sa sinabi niya, muling nagpatuloy ang usapan namin.
"What are you doing?"
"Nothing. You?"
"Looking at the moon."
"Oh, same."
Napangiti ako habang pinagmamasdan ang buwan na nakasilip sa bintana ng kwarto ko. Nanatili sa gan'on ang usapan namin ni Fidel. Kung ano-ano. Malayo ang narating. Natapos iyon nang magpaalam ako para matulog at ganoon na rin siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top