RENEE


Chapter 2

Renee

New Year Boy



Umagang-umaga pa lang ay mainit na kaagad ang ulo ko. But don't get me wrong, hindi ito 'yung tipo ng inis at galit na may hinanakit ako sa mundo, pero p'wede na rin. Ang totoo kasi ay naiinis ako sa mga magkasintahan na kumakain sa restaurant namin, damang-dama ko ang pagiging single lalo na ngayong February.

Ang hirap magpanggap na masaya ako para sa relasyon ng mga magkasintahang kumakain, well, sige, sabihin na natin, masaya naman talaga ko para sa kanila, deserve nila 'yon, pero ang akin lang naman, deserve ko rin 'yon!

Lord, anak mo rin ako oh.

"Hi, thank you for coming, stay strong sa inyong dalawa," bati ko sa katatapos lamang na kumain na magkasintahan, ganap na ganap ako na akala mo'y sasabak sa aktingan.

"Kuya Jay, pakilinis naman ng table 4." Utos ko sa isang waiter namin habang abala rin sa pag-ngiti sa mga pumapasok sa restaurant namin.

Ako iyong nagmamanage ng restaurant namin, may kalakihan ang lugar dahil mayroon pa iyong itaas. Family business namin ito kaya push na push talaga ko sa pagtatrabaho, bukod sa malaki naman ang kinikita namin ay naeenjoy ko rin ang ginagawa ko kahit na hindi ito ang talagang linya ng kursong tinapos ko.

"Valentine's special daw, Miss Renee," sambit sa akin ng isa pang waiter namin at kaagad ko naman iyong tinawag sa kitchen namin.

Mula sa pwesto ko sa counter ay tanaw na tanaw ko ang lahat ng kumakain sa first floor, lahat may kasamang kumain, lahat masaya, lahat mukhang in love. Ang industrial design ng restaurant namin ay natabunan din ng mapupulang disenyo dahil nga sa Valentine's na 'yan.

Hindi ako bitter, talagang naiinis lang ako na mag-isa ako ngayon. Nasa late 20's na ako pero halos wala pa rin akong nakikilalang lalaki na masasabi kong ihaharap ko sa altar o iyong kahit makakasama ko lang ngayong araw. Kumakapit na lang ako sa ideya na nasa murang edad pa rin naman ako at hindi dapat magmadali. Kalma lang, darating din ang para sa akin, baka natrapik lang o 'di kaya'y nasa ibang tao pa at hinahanda para sa akin. Gan'on!

Nabalik ako sa ulirat dahil sa tunog ng cellphone ko, kaagad akong binalot ng pag-aalala ng mabasa ko ang pangalan ng kapatid ko na siyang tumatawag. Masyadong alangan ang oras na ito para tumawag siya ng walang pasabi.

"Kuya SM?!" bulaslas ko kagaad. "Kuya SM, bakit? May problema ba?" pinangunahan na ako ng kaba.

Narinig ko kaagad ang reklamo ng kapatid ko dahil sa way ng bungad ko at tawag ko sa kaniya. Ayaw niya kasing tinatawag ko siyang SM, tunog mall daw, pero hindi na niya ako mapipigilan, doon na ako nasanay.

"Where are you, Renee?" tanong niya matapos akong sermunan sa bungad ko sa kaniya.

"Resto, bakit?" kaswal na tanong ko pabalik.

"Busy ka ba?"

"Medyo maraming customer, alam mo naman." napabuntong-hininga pa ako.

"Where's Mommy?" tanong niya ulit, naaamoy ko ng may kailangan 'tong iutos.

"Wala, tulog, umalis," mabilis na sagot ko. "May kailangan ka, ano? Hays, Kuya, naman!!!" umakto pa akong naiinis, pero sa huli ay bibigay rin naman.

"Please, Renee, maliit na bagay lang 'to," nagsimula na siya. "Sobrang busy lang talaga dito at hindi ako p'wedeng umalis sa duty ko."

Napasinghap pa ako pero kasunod noon ay ang pagtanong ko sa detalye ng pakiusap niya. May ipapa-pick up na bulaklak sa San Juan, nag-inarte pa ako dahil may kalayuan iyong flower shop na sinabi niya mula sa restaurant namin, at tanghaling tapat din kaya siguradong traffic dahil sa oras ng tanghalian.

"Pahatid ka na lang kay Daddy, please, I'll message him."

"Wala rin si Daddy," mabilis na sagot ko.

"How about Kuya Joey, for sure and'yan siya?" mabilis namang tanong niya.

Natagalan pa ako bago sumagot dahil may inabot na order si Kuya Jay, itinawag ko pa iyon sa kitchen bago bumalik kay Kuya SM.

"He's not here din, Kuya, kinuha siya ni Mama kanina, walang maghahatid sa akin," sunod-sunod na sabi ko.

"Wow, ang wrong timing ko naman," naramdaman ko ang pagiging dismayado niya.

Napabuntong hininga ako at napakagat sa lower lip bago pakawalan ang ideyang naisip.

"Mag-commute na lang ako," walang ganang sabi ko.

"Renne, hindi ka marunong mag-commute baka mapano ka pa."

"Kuya, I'm 27 year's old na, it's time na para matuto ako especially for emergency like this," depensa ko at nagsimulang ayusin ang sarili.

Ibinilin ko muna kay Kuya Jay ang restaurant at sinabing may importanteng lakad ako. Nang makalabas ay kaagad akong nag-abang ng taxi, medyo natagalan bago ako nakasakay dahil palagi akong nauunahan ng mga magkasintahan, wala naman akong balak makipag-agawan sa kanila.

"Text me along the way, okay? Hindi na kita maguguide thru call, kaya mag-text ka," paalala ni Kuya bago ko tuluyang ibinaba ang tawag.

Ganoon na nga ang ginawa ko, sa bawat pagtigil ng taxi na sinasakyan ko nirereport ko kay Kuya, kahit pagtigil sa traffic light ay nirereport ko rin dahilan para matawa siya sa akin. Kalahating oras pa ang lumipas bago ako tuluyang makarating sa destinasyon ko, hindi ko alam kung sobra-sobra ang singil ng taxi driver sa akin, pero malayo rin naman ang naging byahe namin kaya sapat na siguro iyong isang libong pamasahe.

Mabuti na lang at madaling mahanap iyong flower shop na pinag-order-an ni Kuya, kailangan ko lang maglakad pa ng kaunti papasok sa isang kanto. Ang hindi ko lang mawari ay kung bakit dito pa siya nag-order, pero nung sinabi niya may date sila ng girlfriend niyang si Ate Rose sa Taguig ay naintindihan ko na. Hindi lang talaga siya makaalis sa duty kaya inutos niya sa akin, hindi na rin niya daw kasi ito madaraan mamaya dahil baka ma-late pa sila.

Sa loob ng halos dalawang minutong paglalakad ko ay narating ko iyong flower shop, Flora For You ang pangalan ng shop, may mga kahilera din iyong shop pero mas nangingibabaw iyong mga bulaklak sa shop na iyon. Bago tuluyang lumapit sa shop ay natigilan pa ako dahil sa isang lalaking naka-upo sa labas, nagpapakain siya ng stray cat at maamo niya iyong hinahaplos.

"Uh, excuse po, makikiraan lang po," magalang na paalam ko na naging dahilan para maangat ang tingin sa akin nung lalaki.

Natigilan ako dahil sa tingin niya, una ay dahil sa mukhang nagulat siya sa akin, at pangalawa, nakapagtatakang naka-jacket siya with hood-on pa gayong hindi naman malamig. Siguro ay style niya, bakit ba ako nangingialam.

"Oh, sorry," magalang naman ding paumanhin niya matapos ay tumayo. "Hindi ko na nagawang lumipat ng pwesto dahil ayoko siyang maabala," patukoy niya sa pusang abala pa rin sa pagkain.

Napangiti naman ako dahil sa inasal niya, mukhang cat person si Kuya. Kaagad namang nakunot ang noo ko sa pag-iisip na mukhang pamilyar siya. Iisipin ko na sana kung saan ko siya nakita nang bigla niya akong alukin pumasok, sumunod naman siya na pinagtaka ko.

Bumungad sa akin ang maaliwalas na loob ng shop, may kalakihan ang lugar at may itaas din iyon. Sa kaliwang bahagi ko pagpasok ay may hilera ng refrigerator na makukulay na bulaklak. Sa ibaba naman ay mga iba't ibang klase rin ng bulaklak. Maganda ang kabuuan ng lugar, maaliwalas at nakabubusog sa mata.

Dumako ang tingin ko sa lalaking kasunod ko kanina na ngayon ay nasa counter na, kaagad na prinoseso ng utak ko na nagtatrabaho siya sa lugar. Lumapit ako sa kaniya para sabihin ang pakay ko.

"I'm here to pick up an order po," magalang na bungad ko. "Kay Sebastian Miguel Aguirre po ang order." Dagdag ko matapos ay pinakita ang digital receipt na binigay sa akin kanina ni Kuya.

Hinarap nung lalaki iyong cellphone ko sa isang lalaki pang katabi niya, Rico ang pangalan base sa name plate niya. Nagpaalam si Kuya Rico para kunin ang order na ipipick up ko. Inalok naman ako nung lalaki na maupo sa gilid ng shop nila, sumunod naman ako at nang maupo ay napako ang tingin ko sa kaniya.

Abala siya sa pagbabasa ng nasa screen ng computer sa counter, mukhang nagchecheck ng order. Sa paglalim ng tingin ko sa kaniya ay siya ring pagbuo ng isang eksena sa utak ko. Napaling pakaliwa ang tingin ko sa kaniya at mabilis na natuwid nang maalala ko kung saan ko siya nakita.

"OMG!" nangibabaw ang boses ko sa loob ng shop.

Naagaw ko pa ang atensyon nung babaeng pababa galing sa second floor, may isang lalaki rin ang nasa kabilang table na napatingin sa akin, pero ang pinakapinagtunan ko ng pansin ay iyong lalaking nasa counter na nag-aalala akong tinapunan ng tingin.

"Okay ka lang, Miss?" mabilis na tanong niya.

Mas lalo kong nakumpirang siya nga iyong lalaking nakita ko noon dahil sa malamlam niyang boses. Kaagad akong napatayo at dinaluhan siya. Hindi pa rin mawala iyong pagtataka sa mukha niya dahilan para bahagya akong matawa.

"Hello, New Year boy, remember me?" nakangiting tanong ko sa kaniya na naging dahilan ng lalo niyang pagtataka.

Umakting pa ako sa harapan niya na sumisigaw, wala namang lumalabas na boses sa bibig ko at pakiramdam ko'y mukha na akong tanga, pero wala akong pakialam dahil kailangan niyang maalala kung sino ako. Masyado siyang makalilimutin.

Nang hindi mawala ang pagtataka sa mukha niya ay huminto na ako sa pag-acting at nagpadesisyunan na sabihin kung sino ako.

"Hello, it's me! 'Yung babae sa overlooking!" pagpapakilala ko sa sarili ko.

Nakunot ang makapal niyang kilay, ngayon ko lang napansin na may itsura pala siya, masyado kasing madilim noong gabing iyon kaya hindi ko nakita nang maayos ang mukha niya. Mukhang araw-araw naliligo, sweet din ang amoy niya, hindi masakit sa ilong.

Ilang sandali pa'y naangat ang kilay niya at bumilog ang mapupulang labi, ganitong-ganito ang reaksyon niya noong isang buwan nang magkita kaming muli sa overlooking. Natawa naman ako at nakahinga ng maluwag nang maalala niya ako.

"Oh, yeah, right. It's you!" natatawang sambit niya, mas lalong nagliwanag ang mukha niya, gwapo nga siya. "Hi, nice to see you again!"

"Of course, it's nice to see me again!" nakangiting sabi ko. "Pero wow, maliit nga talaga ang mundo, hindi ko inakalang magkikita ulit tayo, at sa lugar na ito pa!" dagdag ko at muling nilibot ang paningin sa maaliwalas na lugar.

"Yeah, what a big coincidence," kumurba ang ngiti sa labi niya.

Itatanong ko pa sana kung anong ginagawa niya dito pero obvious naman na nagtatrabaho siya sa shop na ito, magmumukha akong tanga kung itanong ko pa iyon. Mabuti na lang bumalik na si Kuya Rico dala-dala ang isang perfectly sealed bouquet of roses.

Inabot sa akin iyon ni Kuya Rico at malugod naman akong nagpasalamat, dumako ang tingin ko kay New Year Boy ng magsalita siya.

"How cute to see a girl picking up a flowers," nakangiting sabi niya dahilan para mag-init ang mukha ko, mukhang nawala na ang inis ko sa araw na ito.

"Ano ba, ako lang 'to," pabiro sambit ko. "But it's actually for my Kuya." naging seryoso ako bigla.

"Oh, ang sweet naman," naangat ang kilay niya.

Natawa naman ako dahil mukhang na-misinterpret niya ang sinabi ko. "I mean, this is my Kuya's. Ibibigay niya sa girlfriend niya." paglilinaw ko na nagpatango sa kaniya senyales na nakuha na niya ako o iyong ibig kong sabihin.

"I see, I see," tumatangong sambit. "Uh, anyway, thank you for purchasing and hope to see you again," natawa pa siya sa huli niyang sinabi.

"Yeah, hope to see you again, New Year Boy," nakangiting sambit ko.

Akmang aalis na ako nang bigla siyang nagsalita.

"It's Fidel. You can call me Fidel, that's my name not New Year Boy," diretsong sabi niya sa akin matapos ay nag-iwan ng isang matamis na ngiti.

Napatango ako at nangiti rin, "Fidel, okay. Nice name, Fidel."

Natawa pa ako na naging dahilan din ng pagtawa niya. Matapos noon ay pormal na akong nagpaalam, bago tuluyang lumabas ay natigil pa ako dahil sa bulletin board na nakapaskil sa pader malapit sa inupuan ko kanina, hindi ko iyon napansin. Maraming drawing ang nakadikit sa bulletin board, may mukha ng mga pusa at aso, may iba't ibang uri ng bulaklak, may mukha ng isang babae, pero ang pinaka-umagaw sa paningin ko ay iyon mga salitang nakasulat sa makukulay na papel, napakaraming salita at hindi ko iyon magagawang basahin lahat sa sandaling iyon gayong may kailangan pa akong dalahing bulaklak kay Kuya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top