PROLOGUE


New Year's Eve


Prologue


Would you still read a story even if you already know that the protagonist will die, or worse when you're already halfway through the story, the protagonist dies? I'm not saying that's going to happen here, and I'm not also saying that's not going to happen here. Nothing is for sure. Well, if you ask me that question, I will still read that kind of story – not because I want to hurt myself emotionally, but because I want to know how and when the antagonist died. I want to feed my curiosity because if not, I'll probably end up staying up late at night thinking about what happened in that story.

As I lay my eyes on the heavy traffic in front of me, I couldn't help but to overthink. I've been thinking about this one fact that most of us are afraid of – we are all going to die. It doesn't matter how or when, but that's one thing for sure and it's inevitable – we're all gonna die.

Huwag kang matakot, hindi naman ako mananakit. Talagang minsan kailangan lang natin harapin ang katotohan para matauhan tayo o magising mula sa malalim na panaginip. Katulad ko, literal na sinampal ako ng reyalidad ng salubungin ako ng isang balitang nagbalik ng isa sa mga madilim na pangyayari sa buhay ko.

"I'm sorry to tell you this, Fidel, but based on our findings you have acute lymphocytic leukemia."

Napako ang tingin ko sa Doctor, tila ba hindi na bago para sa kaniya ang linyang iyon, animo mo'y binalik ako sa isang eksena ilang taon na ang nakararaan. Ganitong-ganito rin iyon, biningi rin ako ng katahimikan. Pinatahimik din ako ng isang balitang hindi ko na maaaring takasan. Walang pinagkaiba sa kung anong naramdaman ko noon, hindi ako makagalaw at pilit kong pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang kumawala.


"I'm sorry, Mrs. Laurente, there's no easy way to tell you this, but based on our series of tests and examination, it's clear that you have acute lymphocytic leukemia."


Tatlong taon ang nakakaraan nang una kong marinig ang linyang iyon mula sa Doctor na kaharap ko rin ngayon, tila ba sanay na sanay na siya para sa mga salitang iyon.

Mula sa malalim na pag-iisip nabalik ako sa reyalidad, hindi pa rin matanggap ng katawan ko ang balitang narinig, nakabibingi. Parang gusto kong tumakas, ngunit wala akong lakas para gawin iyon.

Napalunok ako, mariin, iyong tipong halos malunok ko na ang dila ko. Masakit iyon sa lalamunan, pero hindi ko na iyon ininda dahil mas masakit ang balitang narinig ko. Isang sandali ang lumipas bago ako tuluyang nakapagsalita, isang malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan ko.

"Ibig sabihin ako mamamatay na ako?" diretsong tanong ko.

Napaling ang tingin ng Doctor, mukhang hindi inasahan ang direktang tanong ko. Hindi ko naman siya masisisi dahil maging ako'y hindi inasahan na magagawa kong itanong iyon. Ngunit hindi ko naman na kailangan pang magpaligoy-ligoy, Doctor siya at dapat ay handa siya sa mga ganitong tanungan.

Kailangan niyang maging tapat sa pasyente niya. Hindi katulad noong mga nakaraang taon na umasa ako sa sinabi niyang malaki ang posibilidad na makaligtas si Mama mula sa sakit na mayroon ako ngayon. Umasa ako sa mga sinabi niyang malalampasan iyon ni Mama basta ba lalaban kami at hindi pababayaan si Mama. Umasa ako, ngunit nauwi ang lahat ng iyon sa pagdurusa.

"Fidel, alam kong hindi madali para sa 'yo na harapin ito. Mabuti pa'y tawagan mo ang kaibigan mo para may karamay ka."

Kalokohan. Sinong matinong Doctor ang magpapayo ng gano'n? Ayokong sabihin na nasasayang ang binabayad ko sa kaniya, pero kaunting sagot pa niya na hindi ko magugustuhan ay bibigay talaga ako.

"Alam niyong wala akong kaibigan," diretso muling sabi ko.

Kilala na ako ni Doc Santos, mula pagkabata ko'y sa kaniya na kami lumalapit sa tuwing magkakasakit kami, kaya alam kong alam niya ang ibang detalye sa buhay ko katulad na lamang ang tungkol sa mga kaibigan ko.

"How about your girlfriend?" Naangat ang tingin ko sa kaniya.

"Ayokong malaman niya ang sitwasyon ko," mahinang sagot ko.

"I'm sorry, Fidel, but that's the only thing I could say for you today. We'll run some test para mas mabantayan ka."

Nabingi ako sa sinabi niya.

"Doc, one of your jobs is to tell me how's my health and what's happening inside me. Hindi 'yung para tayong pamilya na nagtataguan ng sikreto at yaman."

Kaunti na lamang ay sasabog na talaga ko, kung hindi lang dahil sa masamang pakiramdam ko'y kanina ko pa siya nasigawan. Ganitong-ganito rin siya kay Mama noon, para bang takot na takot siya sabihin sa harapan ko ang totoong kalagayan ni Mama, hanggang sa malaman ko na ilang araw na lang daw ang natitira para kay Mama.

"I just want to know kung mamamatay na ako?" dagdag ko pa dahilan para mapapikit ng mariin si Doc.

"You know that I can't tell you that, Fidel, what I want you to hear is that you still have a chance to live, you just need to undergo some consultation, we'll take care of you, and you undergo chemotherapy," he said. "We can't and we don't want to lose another life."

Napako ang tingin ko sa upuan sa tapat ko. I just got deja vu. It's like I'm hearing those words for the first time and he's telling it to my Mama in front of me, but this time the truth is I'm the one hearing it and he's telling it to me, the only difference from before is that there's no one for me to count on.

Akmang tatayo na ako ng sumagi sa isipan ko ang isang malaking tanong na hindi ko aakalain bibitawan ko sa murang edad. Dumako ang tingin ko kay Doc Santos, sandali pang naagaw ng assistant niya ang paningin ko na kanina pang animo'y kinakabahan sa usapan namin ni Doc, bumalik ang tingin ko kay Doc at walang lakas na binigkas ang naisip na tanong.

"Ilang araw na lang ang natitira para sa akin?" Tanong ko, walang paligoy-ligoy, masakit man para sa akin ngunit kailangan ko iyong malaman.

Nakita ko ang paggalaw ng lalamunan ni Doc Santos, mukhang humugot ng malalim na paglunok, kasunod noon ang isang mahinang buntong-hininga bago tuluyang luwagan ang masikip na kwelo ng suot na damit, tila ba naghahanda sa isang mabigat na pag-atake.

"Two years, Fidel," tipid na sagot niya matapos ay tinapunan ako ng pinaka-seryosong tingin na nakuha ko sa tanang buhay ko. "Based on our findings, you only have two years to live, but if you undergo on chemotherapy, maaagapan pa natin ito, Fidel, you still a big chance to live." dagdag pa niya dahilan para mapangiti ako ng mapakla.

Yeah, right. I couldn't believe na matatawa ako sa katotohanang may dalawang taon na lang akong natitira o siguro mas mabuting sabihin na natawa ako sa ideyang sinabi niya na malaki pa ang pag-asa kong mabuhay. Narinig ko na iyon noon, at hindi na ako ang bente-tres anyos na Fidel na magpapabihag sa mga salitang iyon.

"Sorry, but I need to leave." Maikling paalam ko at hindi na lumingon pa pabalik kahit na ilang beses akong tinawag ni Doc Santos.

Narinig ko na ang mga gusto at kailangan kong marinig kaya't wala ng saysay pa para manatili ako roon, siguro magkikita na lang kami muli kapag inatake ako ng sakit ko o kapag naisipan kong magpakonsulta sa kaniya. Or worst when I'm finally closed to death.

Malaya kong nilakad ang daan palabas ng hospital hanggang sa makarating ako sa parking lot at makasakay sa loob ng sasakyan. Walang ibang tumatakbo sa isipan ko kun'di ang halo-halong impormasyon na nakuha ko sa usapan namin ni Doc Santos.

Pinaandra ko ang sasakyan at marahang pinatakbo iyon, nang tuluyang marating ang kahabaan ng kalsada sumabay ako sa alon ng mga sasakyan habang naglalakbay sa isipan ko ang ideyang dalawang taon na lang ang mayroon ako para mabuhay.

Natawa ako sa ideyang dinaig pa niya ang Diyos para sabihin sa akin iyon.

Hindi ko na magawang mainis pa sa mabagal na takbo ng mga sasakyan, ganito naman palagi kapag huling Linggo ng December, bukod sa dalawang araw pa lamang ang nakalilipas matapos ang Pasko marahil kaliwa't kanan pa rin ang holiday sale sa mga malls at kung saan-saang tindahan. Nakatatawang 2019 na ay halos wala pa ring pagbabago sa traffic, para bang mas lumalala pa ito.

Nang makaluwag-luwag na ang daan doon ako binagabag ng isipan ko kung saan ba akong dapat magpalipas ng oras, wala akong gana para umuwi dahil wala naman din akong gagawin sa bahay kung hindi ang makipagtitigan sa kisame. Hindi rin magandang ideya na dumaan ako sa girlfriend ko dahil hindi ko kayang umakto na para bang wala akong narinig na masamang balita.

Kung dadaan naman ako sa shop namin marahil wala rin naman akong gagawin dahil siguradong naaasikaso nang maayos iyon ni Kuya Rico. Sa huli ay naisipan kong kumain na lamang dahil hindi pa pala ako nagtatanghalian gayong alas-dos na ng hapon, ayoko namang mapaaga ng sobra ang pagkamatay ko, at hindi rin magandang gutom ang maging cause of death ko.

Halos iluwa ng isang fast food chain ang karamihan ng tao sa loob nito, kung doon ako kakain siguradong palubog na ang araw ay hindi pa rin ako nakaka-order, maging mga fast food chain ngayon ay mabagal na rin magbigay ng order, dapat iba na ang tinatawag sa kanila.

Sa huli napagdesisyunan kong tumungo sa isang karinderyang madalas kong kainan kapag hindi ko kasama ang girlfriend ko. Malapit lang din iyon sa sementeryo kung saan nakalibing si Mama at magandang ideya na doon na lang din ako magpalipas ng oras dahil hindi ko rin siya nadalaw noong Pasko.

"Isang sisig at dalawang rice, Ate Krisel," nakangiti kong bungad sa babaeng nagbabantay ng karinderya.

"Mukhang busy ka Fidel, ah, ngayon lang ulit napadaan," nakangiting ring sabi ni Ate Krisel habang hinahanda ang order ko.

"Nag-out of town po nitong kaaraang Pasko," sagot ko at mabilis na sumagi sa isipan ang pag-celebrate ko ng Pasko sa probinsya ng girlfriend ko.

Ilang sandali pa'y bumungad na sa akin ang umuusok pang sisig.

"Order mo, Sir," nakangiting nilapag ni Ate Krisel ang order ko. "Ito free soft drinks, ayan lang maireregalo ko sa 'yo ngayong Pasko," natatawang sambit pa niya.

"Hala, Ate Krisel, nag-abala ka pa." nahihiyang sambit ko.

"Sus, wala iyan, para namang hindi ka namin suki dito! Sige na kumain ka na mukhang nangangayayat ka!" nakangiting sabi pa niya at kaagad na akong nagsimulang kumain.

Habang abala sa pagkain ay bigla na lamang sumagi sa aking isipan ang girlfriend ko, wala akong lakas ng loob para sabihin sa kaniya ang kalagayan ko, at hindi ko rin kayang hayaan na idamay pa siya sa mga susunod na araw ng paghihirap ko.

Naging dahilan iyon para mabilis kong tinapos ang pagkain ko, kaagad akong nagbayad para sa kinain ko at pormal na nagpaalam, nagtataka pa si Ate Krisel kung bakit daw ako nagmamadali, sinabi ko na lamang na may importante akong lakad.

Dala na rin ng mabigat na trapik ay inabot pa ako ng mahigit isang oras para tuluyang makarating sa bahay ng girlfriend ko, wala siyang ideya na pupuntahan ko siya kaya nagulat na lang siya ng sinabi kong nasa labas na ako ng bahay nila.

Bahala na.

"Pasok ka," mahinhing bungad niya sa akin. "Ipapakilala ko sa 'yo 'yung bagong alaga naming aso," nakangiting dagdag pa niya dahilan para magdalawang isip ako sa sasabihin ko sa kaniya.

Napakagat pa ako sa ibabang labi ko bago muling magsalita, inisip ang balitang natanggap na naging dahilan para mabuo ang desisyon ko.

"P'wede ba tayong mag-usap, sa sasakyan na lang siguro?" Mahinahong alok ko.

Kaagad na kumurba ang kuryusidad sa mukha niya dahil sa sinabi kong iyon, mabuti na lamang at hindi na siya nagtanong at kaagad na pumayag.

"What's up?" tanong niya nang mapasok ako sa loob ng sasakyan.

Hindi madali para tapusin ang isang relasyon na napakahalaga isang tao, pero sabi nga nila, ang lahat ng bagay ay may katapusan. Everything must come to an end. Masaya man o malungkot. At sa sandaling iyon tinapos ko ang namamagitan sa amin ng girlfriend ko, isinumbat niya sa akin ang isang taon naming pagsasama. I gave her the lamest and stupidest excuses you've ever imagine, sa sobrang walang kwenta ng aking rason sa pakikipaghiwalay sa kaniya nainis na siya sa akin at tuluyang lumabas ng sasakyan, akala ko'y masisira pa ang pinto dahil sa lakas ng pagsarado niya.

Pinalis ko ang luha ko bago siya linungin, nang makita kong nakapasok na siya sa bahay nila ay pinaandar ko na ang sasakyan, narinig ko pa ang mahinang pagtahol ng aso, marahil iyon ang asong gusting niyang ipakilala sa akin.

Unti-unti nang dumidilim ang paligid dahil sa palubog na araw nang makarating ako sa sementeryo, may kalayuan mula sa gate ang libingan ni Mama, ngunit hindi na iyon abala sa akin dahil naipapasok naman ang sasakyan sa loob ng sementeryo. Wala ng ibang buhay na tao sa loob maliban sa akin, hapon na rin naman.

Naupo ako sa damuhan kung saan nakahimlay si Mama, nagbigay respeto bago tuluyang ikwento sa kaniya ang nangyari sa araw ko, mula noong nawalan ako ng malay, nagising sa loob ng isang hospital room, hanggang sa narinig ko ang balitang may nakamamatay akong sakit, at ang pakikipaghiwalay ko sa girlfriend ko.

"Ma, malapit na ulit tayong magsama," mapait akong napangiti kasunod ang pagpalis ng mga luhang hindi ko namamalayang kanina pa pala naguunahan sa paglabas mula sa mga mata ko.

Mabigat ang naging paglunok ko ng laway, malalim ang naging buntong-hinga bago tuluyang tumayo at nilisan ang himlayan ni Mama matapos pormal na nagpaalam.

Nang muling makasakay sa sasakyan, isang lugar lang ang sumagi sa isipan ko na gusto kong puntahan. Nakakaloko mang isipin pero may secret place ako, technically, hindi mo maituturing na secret place iyon dahil marami na rin ang nakapunta roon sa akin, pero dahil halos gabi-gabi akong naroon kapag gusto kong takasan ang magulong mundo, tinuring ko na iyong secret place o siguro mas mabuting tinawag ko iyong escape place, pero pasa mas madalian pinangalanan ko iyong Fidel's.

Tuluyang sinakop ng kadilim ang buong lugar, gabi na ulit, maliwanag ang buwan at may mangilang-ngilang bituan sa kalangitan nang marating ko ang Fidel's, nasa tuktok iyon ng isang bundok na hindi naman mahirap akyatin dahil naaabot pa rin iyon ng sasakyan.

Napakaaliwalas sa Fidel's dahil matatanaw mo ang buong siyudad, hindi lang kagandahan ang city lights dahil mangilan-ngilan lang ang building na may magandang ilaw, pero sapat na iyon para mabusog ang mga mata ko.

Nakakaugalian kong umupo sa trunk ng sasakyan ko habang tinatanaw ang buong siyudad hanggang sa maaabot ng mga mata ko. Doon, hinahayaan ko rin maglabasan ang lahat ng gusto kong isipin, maramdaman, at takasan, sa gabing ito ang highlight ng isipan ko ay sakit ko at ang katotohanang dalawang taon mula ngayon ay wala ng Fidel na tatambay sa Fidel's.

Mapakla akong natawa bago tuluyang bumaba mula sa trunk ng sasakyan, tapos na ako para sa araw na ito. Sandali ko nang nakatakasan ang mundo. Siguro bukas ulit o sa susunod na araw.

Nang tuluyan akong makasakay sa loob ng sasakyan, inagaw pa ng pansin ko ang boses mula sa labas, hindi malinaw ang narinig kong sigaw pero mula iyon sa isang babae na nakatambay rin sa Fidel's, hindi ko siya napansin kanina pero ngayong nakita ko na siya mukhang mabigat din ang pinagdaranaan niya.

Napangiti ako, hindi dahil alam kong may problem iyong babae, kung hindi dahil nariyan ang Fidel's para may mapaglabasan siya ng sakit o problemang nararamdaman.

Pinaandar ko na ang sasakyan ko nang matapos panoorin sandali iyong babae, walang paligoy-ligoy na nag-drive paalis sa lugar na iyon dahil siguradong sa gabi bago sumapit ang bagong taon ay naroon muli ako katulad ng mga nagdaang taon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top