FIDEL


Chapter 9 

Fidel

Hidden Feelings



I could still remember the moment I learned about my late mother's situation. When her doctor said that she was sick and dying, I remember that I froze, and when I heard those unfortunate words, I couldn't hear anything more, nothing. It was so overwhelming, and as a new adult, I didn't know what to do. I didn't know what to say, I just froze there and cried.

I bet that's how Renee felt when I told her about my situation. If it's not, at least it's almost like that and I feel sorry for her.

Ikaw ba naman sabihan ng isang tao na may sakit siya at malapit na siyang mamatay, anong mararamdaman mo?

I took a deep breath before starting to drive. It's been a day since I went to a hospital and when Renee found my health condition. Everything's back to normal, I guess. Maybe Renee's just acting like everything's good, since after she found out about me she didn't ask too many questions about it anymore, and I appreciate that, because I wouldn't know what to say to her.

I'm on my way to Mama, it's been so long since I visited her because a lot of things happened. We already entered a new month, that's why I decided to welcome it with Mama. Ber months is already her, meaning I'm only few months away to leave this place.

"Hi, long time no see." I said to Ate Krisel as I entered her eatery.

"Oh, hi, Fidel! Ngayon na lang ulit nadaan, ah," nakangiting bati naman niya pabalik.

"Naging busy po," nahihiyang sambit ko naman. "The usual po, Ate." dagdag ko pa matapos ay naupo sa pwestong madalas ko upuan.

"Coming right up, Sir!" sigaw ni Ate Krisel dahilan para mapangiti ako.

Habang hinihintay ang order nabaling ang atensyon ko sa lamesang kaharap, I saw the writings that I did for the past days I went here. I got used to writings on tables and chair whenever there are some inner thoughts that I want to let go. I know it's somehow bad, but it feels nice whenever I write them.


Let me breathe for a while.


Napakagat ako sa ibang labi ko ng mabasa ang mga salitang iyon, mukhang matagal ko na nasulat dahil halos lumabo na. Nabalik naman ako sa reyalidad nang dumating ang order ko. Kaagad akong kumain, tahimik, blangko ang isipan. I couldn't believe that I could do that, not thinking anything. Plain. Silence. Peace.

Matapos n'on kaagad na akong tumungo sa himlayan, may mangilan-ngilang tao ang bumibisita. Napansin ko rin na may inililibing sa kalayuan kaya naman nangingibabaw ang malungkot na kanta. Isinawalang bahala ko na lang iyon at tahimik na naupo sa puntod ni Mama.

"Hi, Ma..."

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko habang tahimik na pinagmamasdan ang puntod ni Mama. Hindi nagtagal, humarap ako sa malawak na himlayan, hanggang tuluyang dumako ang tingin sa kalangitan, mataas ang sikat ng araw, mabuti na lang at may malaking puno nagbibigay lilom sa pwesto ko.

"Ma, kumusta ang buhay d'yan?" halos pabulong na sambit ko. "Is it nice? No pain, just peace, I bet you're busy looking at the flowers."

Mariin akong napalunok sa pagitan ng pagsasalita. Sa sandaling iyon naramdaman ko na lang na may mga luhang tumutulo galing sa mga mata ko. Marahan ko iyong pinalis matapos ay dumako ang tingin sa puntod ni Mama. Nanatili ako sa ganoong posisyon, tahimik siyang pinagmamasdan, nagsusumigaw na kinakausap sa isipan.

Isang oraw pa ang lumipas bago ako tuluyang nagpaalam muli kay Mama.

Walang buhay kong binaybay ang malawak at mahabang kalsada patungo sa shop. Nang matigil dahil sa traffic d'on lang ako nagdesisyon na making sa radyo para naman magkaroon ng buhay sa loob ng sasakyan. I smiled when I heard the music playing.


Leaving on a Jet Plane


I looked around and watch the people passing through. I took a deep breath and continue driving when the lights changes into green.

Nang makarating sa shop d'on lang ulit ako nakarinig mula kay Renee, she was busy on their business, they went to the south to check on the place where they're planning to build their second branch.


On our way to city, I miss the traffic.


See you in a bit, hope you're not busy.


I saw a cute cat, I remember you.


Namalayan ko na lang na napangiti ako sa huling sinabi niya. Diretso akong naglakad papasok ng office sa ilalim ng hagdanan nang makabati ako kina Kuya Rico, matapos n'on nag-reply ako kay Renee.


I'm not busy. Message me when you're back. Ingat. Send my regards to your parents.


After that, I let myself busy drawing random stuff. Nanatili rin ako sa gan'on sitwasyon ng mahigit isang oras, nang makaramdam ng gutom d'on lang ako nagkaroon ng pagkakataon na lumabas ng office. Bumungad sa akin ang mangilan-ngilang customer na inaasikaso nina Kuya Rico.

"Kumain na po kayo?" tanong ko kay Ate Baby nang matapos iabot ang sukli ng customer.

"Ng tanghalian ba kamo? Kanina pa nang dumating ka, ikaw ba?" tanong niya pabalik.

"Yes po, pero ginugutom ako, pa-deliver po tayo?" suhestiyon ko na ipinabahala na lang sa akin ni Ate Baby.

Bumalik ako sa office habang hinihintay ang order. Ilang sandali ang lumipas dumating din iyon at kaagad kaming kumain. While busy eating, I received a message from Renee. They're back but she's really tired kaya naman nagpaalam na magpapahinga muna raw siya.


Yeah, go get some sleep, you need that. Message me, when you're up.


I also send a couple of cute GIF of cats and dogs sleeping. After that, I finished eating. Then I helped Ate Baby and Kuya Rico on our shop. Malapit na rin naman kami magsarado kaya halos pailan-ilan na lang ang dumadaang customer.

"When I die, I want daffodil flowers on my funeral."

Naramdaman ko ang kakaibang tingin na binato sa akin ni Ate Baby at Kuya Rico nang bitawan ko ang mga salitang iyon. Nabaling ang tingin ko sa kanilang dalawa, habang ako'y nasa counter, abala sila sa paglilinis ng mangilan-ngilang bulaklak. Kami lang iyong tao sa loob ng shop at nang marinig nila ang mga salitang binitawan ko nabingi ako sa katahimikan.

Mariin akong napalunok matapos ay nagbuntong-hininga. Nang hindi pa rin nagsasalita si Ate Baby at Kuya Rico, nagbigay ako ng maliit na ngiti at d'on lang nagkaroon ng lakas ng loob magsalita muli.

"Let's close the shop na po, hapon na rin." tipid na sabi ko matapos ay binalik ang atensyon sa harap ng computer.


I'm at Fidel's.


Binalik ko ang tingin sa malawak na tanawin ng ma-isend ang mensaheng iyon ay Renee. Mabilis na sumapit ang hapon, dahan-dahan nang lumulubog ang araw ng mga sandaling iyon. Hinayaan ko lang mabusog ang mga mata ko sa tanawin sa harapan.

Nalunod ako sa malamlam na musika mula sa stereo ng sasakyan ko na rinig hanggang sa trunk, sa mga sandaling iyong abala ako sa pagdo-drawing ng mga mukha ang pusa at aso na nakasanayan kong gawin kapag tumatambay ako sa Fidel's.

Ngayon ko na lang ulit ito nagawa, ang drawing book na hawak ko ngayon ang palagi kong kasama noon dito, pero magmula nang makilala at isama ko dito si Renee, I forgot about this drawing book, kaya naman nang mapansin ko ito kanina sa office naisipan kong tumambay at dalahin ulit dito iyon.


Wait for me.


Tuluyan ng lumubog ang araw nang matanggap ko sa message ni Renee. Natapos ko na ring punuin ang isang page ng drawing book ng kung ano-anong itsura ng pusa. Matapos n'on, ibinaba ko lang iyon sa tabihan ko at hinayaang mahiga ang sarili sa trunk ng sasakyan.

Hinayaan kong malunod ang sarili ko sa haplos ng malamig na simoy ng hangin. Walang buwan ngayong gabi at halos mangilan-ngilan lang ang mga bituin. Marahan akong nagpakawala ng buntong-hininga. There's something today, I don't know what it is, but there's something with it.

"Do you know what they say when there's no moon at night?"

Alam kong nagulat si Renee nang magsalita ako nang makarating siya. Naramdaman ko ang pagdating ng sasakyan at ang paglalakad niya palapit sa akin kaya naman nang alam kong malapit na siya sa akin kaagad akong nagsalita.

"You really startled me there!" sambit niya matapos ay natawa nang bahagya. "But to answer your question, I don't know, what is it?" dagdag niya matapos ay naupo sa tabihan ko habang ako'y nanatiling nakahiga.

"They said when there's no moon at night, the Bakunawa known as moon-eater, ate the moon, and we need to make a lot of noise to bring it back." paliwanag ko sa kaniya matapos ay bumangon at naupo.

Kasunod n'on ang walang pasabi kong pagsigaw, isang malakas na sigaw na gumulat kay Renee, narinig ko pa ang komento niya ngunit hindi nagtagal ay sumabay na rin sa pagsigaw ko. Ilang segundo kaming sabay na sumisigaw, nang makaramdam ng pagod, pareho naming binagsak ang katawan sa trunk ng sasakyan.

"That's a good one, but that's not enough, we need the whole town to scream and make some noise to bring back the moon," sabi ko sa gitna ng paghinga habang nasa kalangitan ang tingin.

"Yeah, but we did great," dagdag pa ni Renee na hinahabol din ang paghinga.

"We sure did," sabi ko pa matapos ay dumako ang tingin sa kaniya, nasa itaas din ang tingin niya kaya naman bumalik ang tingin ko d'on. "Where's Kuya Joey?"

"Oh, I asked him to go back home, you're here naman kaya sabi ko ikaw na maghahatid sa kin pauwi." sagot niya matapos ay bumalik ang tingin ko sa kaniya.

"Wow, may task pala ako for today." natatawang sabi ko.

"Uh-huh, of course," sabi niya pa matapos ay dumako ang tingin sa akin dahilan para magtama ang tingin namin. "How was your day?"

Natigilan pa ako bago sumagot, ibinalik ang tingin sa kalangitan matapos ay bumangon para maupo.

"Weird..." sagot ko. "It was a weird day, but it's okay." dagdag ko pa.

"Huh," narinig kong komento niya matapos ay naramdaman ko rin ang pagbangon niya. "What's this?" tanong niya dahilan para mabaling ang tingin ko sa kaniya.

She's holding my drawing book, looking at the cats and dogs I drew earlier, she started looking back and flipping the book pages.

"That's a drawing book, if you haven't seen one." sabi ko matapos ay bahagyang natawa.

"Ha-ha, funny," komento niya habang patuloy sa pagtingin ng mga drawings ko. "Wow, you're really good." dagdag pa niya ngunit sa sunod na pagbuklat niya at natigilan siya. "This is her, right?"

Napako ang tingin ko sa drawing na nakita niya matapos ay marahang napalunok kasunod ang pagsagot sa tanong niya sa gitna ng bawat paghinga.

"Yeah, that was the first time I drew a person, she was my first portrait." sagot ko.

"She's really beautiful." komento niya.

"Yeah, she was." pagsang-ayon ko matapos ay binaling ang tingin sa harapan, sa madilim na tanawin at tanging mga ilaw sa bawat gusali ang nagbibigay liwanag. "I went to her today."

"Oh, sayang hindi ako nakasama." sabi niya.

"Marami pang next time," sambit ko matapos ay nangiti.

Matapos n'on walang nakapagsalita sa amin ni Renee, tanging simoy at tunog ng hangin ang nangingibabaw sa pwesto namin. Natuon ang atensyon ko sa harapan habang marahang pinaglalaruan at kinagat ang ibabang labi. Sa pakiramdam ko naman, si Renee ay tahimik lang ding nakatuon ang atensyon sa harapan namin, hindi nagtagal narinig ko ang boses niya.

"What's that?"

Sinundan ko ang tingin niya at dinala ako n'on sa bakod na nasa harapan namin, pilit kong tinanaw ang tinutukoy niya, tinamaan ng ilaw ang nakasulat sa bakod. Marahan akong napalunok ng maalala kung ano ang mga iyon.

Those were the dates that I wrote before.

"I wrote them before..." panimula ko. "Those were the dates that have something to do with me, special dates, but some of them has bad story." dagdag ko pa matapos ay ibinalik ang tingin sa harapan.

"February 2006, that's the first date written, you were here on 2006? Wow, you've already know this place that year, that so long ago!" manghang sabi niya.

"Technically, no," sabi ko. "I just inserted that when I started writing on it." dagdag ko pa.

"What's the story behind that date?" tanong niya na inasahan ko na rin naman.

"It's not that good, you still want to hear it?" mahinahong tanong ko matapos ay binaling ang tingin sa kaniya.

Nagtama ang paningin naming dalawa matapos ay sinagot niya ang tanong ko.

"If you want to tell the story, I'll listen to it, if not, I'll respect it." mahinahong sagot niya habang diretso ang tingin sa akin.

Hindi nagtagal, iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Hinayaang mabusog ang mata sa tanawin, marahang nalunok, pigil ang pagbuntong hininga, hanggang sa tuluyang nagkaroon ng lakas ng loob makapagsalita. Nanatili nakatingin sa harapan.

"That year was the year my father abandoned us." walang buhay na panimula ko.

"Oh, Fidel.." mabilis na sambit ni Renee, makahulugan ang pagtawag niya.

"That year, iniwan kami ng asawa ni Mama. I was only 13 years old back then, I remember coming back to school, I saw Mama rushing on her way out begging on her husband not to go. I was just a kid, so I didn't know what happened, I don't know the whole story, I didn't know what to do, I just stood there, watched them while Mama's crying and her husband took off, it was quick like a snap, everything happened so fast without me knowing the whole story, until now."

Marahan akong napakagat sa labi sa gitna nang pagkukwento, hindi nagtagal muli akong nagsalita.

"Days passed, Mama's always crying, I wanted to ask her what happened but I couldn't that's why I let her cry while I'm also crying... quietly." pagpapatuloy ko. "Then one day, everything feels so normal, tahimik ang buong bahay, kakaiba ang ayos ni Mama noon, maaliwalas ang itsura niya dahilan para magulat ako, pero masaya ako para sa kaniya, until I found out that he's back. I didn't know what to feel, I know I should be happy that he's back and she's not crying anymore, but it feels like something's wrong," dagdag ko pa. "He left us, she was so heartbroken, and after a year he'll comeback like everything's back to normal again? That's what I was thinking back then, I thought everything's back to normal until he left us again."

Naramdaman ko ang pagkagulat ni Renee ngunit nagpatuloy lang ako sa pagkukwento. It's been so long since I talk about this. And here I am, still not over it, still crying while telling this story.

"Two years later, we didn't hear anything from him. Mas lalong nalungkot si Mama, kahit pilit niyang itago sa akin hindi niya magawa. I know she's just acting strong in front of me, pero gabi-gabi, naririinig ko siyang umiiyak. That's when I realized how much she love him, pero binalewala lang siya. It was so heartbreaking hearing my Mama cries every night, I could hear her praying for him to comeback, but days, months, and years passed, he didn't. And she's still in pain."

Sandali akong humugot ng malalim na hininga at pinalis ang luha.

"Masakit makita na nasasaktan ang taong mahal mo. Especially when it's your mother. I feel so sorry for her, pero wala akong magawa. Kahit nasa tamang edad na ako n'on, hindi ko pa rin alam ang gagawin ko. I'm so proud of her that despite of being in pain she still managed to took care of me, and that's the thing that he didn't do, that's why I loathed so much. He left us and make Mama suffer for a long time."

Sa sandaling iyon naramdaman ko ang paghaplos sa akin ni Renee, marahan akong pinapakalma sa gitna ng pagluha at hirap sa paghinga.

"Fidel..."

Marahan akong nailing at humugot ng malalim na hininga bago magpatuloy.

"I graduated, I got my degree, we were so happy back then, she was so proud of me but little she didn't know how proud I am of her. She was so strong and I couldn't ask for more. But she's still thinking about him. Years has passed, we entered new journey, but she's not over him. To the point it made her sick. Nakita ko kung paano siya nanghina dahil sa lungkot na nararamdaman. I saw how she's fighting for the pain yet she's still thinking of the man who caused her that pain."

Muli kong pinalis ang luha ko.

"I remember her saying to me that I shouldn't be mad at him, but I couldn't. He caused that pain to my mother, to her wife, to a woman he promised that they'll be together thru thick and thin, but there she was, in pain, and he was the reason. I cried so much during those days. And when I thought that everything's couldn't be more worse, we found out that she was sick and dying. That moment, I froze, everything went blank, it feels like a part of me died. And when I came back, I saw my mother, fighting for her life, for two years, and during those days we didn't even hear anything from him, nothing, yet she's still thinking and waiting for him until her last breath."

I let myself cry. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Maging si Renee ay hinayaan na lang din akong umiyak, naramdaman ko rin ang paghikbi niya. Nanatili kami sa ganoong sitwasyon hanggang sa namayani ang katahimikan. Ilang sandali pa bago muli nagkaroon ng lakas ng loob magsalita.

"And those dates were written there," patukoy ko sa bakod.

"I figured," sambit ni Renee. "Fidel, I want to ask something but it's okay if you don't want to answer this," dagdag niya dahilan para mabaling ang tingin ko sa kaniya.

Marahan akong tumango bilang sagot at pahintulot.

"Paano kung bumalik siya?"

Napako ako sa tanong niyang iyon. Marahang napakagat sa labi. Ibinaling ang tingin sa harapan. Humugot ng malalim na buntong hininga at tuluyang nagsalita.

"I wouldn't care. I don't know. I don't know what'll I say or what to react. I would probably wish that wouldn't happen, worse, I would wish him dead, because I know there's nothing I could do to him anymore."

Marahan akong bumaling kay Renee matapos bitawan ang mga salitang iyon, nakita ko ang gulat ngunit nangungusap niyang mga tingin. Binigyan ko lang siya ng tipid na ngiti matapos ay muling ibinalik ang atensyon sa harapan. Nanatili kami sa gan'ong sitwasyon. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top