FIDEL
Chapter 7
Fidel
New Things
The atmosphere inside the comfort room was not comforting. I know that Renee felt it too, it was on the top of the mountain. Kung hindi lang siya nagpaalam na lumabas marahil kung ano na ang nangyari. Doon lang din ako nagkaroon ng pagkakataon para makahinga nang maluwag.
Itinuon ko na lang ang sarili ko sa paglilinis ng mga ginamit namin ni Renee, minsan pa akong napapaupo para sandaling magpahinga. Ang totoo'y kanina ko pa iniinda ang sakit ng ulo, gusto kong isipin na dahil sa kemikal na nilagay sa buhok ko, pero alam kong pagdadahilan lang iyon. I know something's not right.
Makalipas ang ilang sandali, natapos ako sa paglilinis. Tumuloy ako sa shop namin at d'on ko naabutan na nakikipagkwentuhan si Renee kina Ate Baby. Sinalubong naman ako nina Ate Baby ng papuri para sa bagong bihis kong buhok.
"Aba, bagay po pala sa inyo ang ganiyang istura ng buhok, Sir, mukha kayong foreigner!" nakangiting bungad sa akin ni Ate Baby.
"Lalong pumogi, Sir, ah!" komento pa ni Kuya Rico dahilan para makaramdam ako ng hiya.
"Nako, baka po lumaki ulo," sambit naman ni Renee dahilan para mabaling ako sa kaniya't matawa.
Napako lang ang tingin ko sa kaniya dahilan para matigilan din siya. Ilang sandali pa ang lumipas bago ako tuluyang makapagsalita muli.
Inaya ko siyang magkape bilang kabayaran sa paggupit at pagkulay niya sa akin. Naging mas masigla naman siya dahil sa alok kong iyon dahilan para kaagad kaming tumulak sa malapit na coffee shop nang makapapaalam kina Kuya Rico.
Nang akala ko'y magtatagal kami sa coffee shop at d'on magpapalipas ng oras hanggang sa tuluyang mawalan ng lasa ang mga inorder na kape, nagyaya si Renee na maglakad-lakad kami sa labas. Pahapon na rin naman at maaliwalas ang lugar dahilan para sumang-ayon ako sa alok niya.
Marahan ang bawat hakbang na pinakawalan namin, hindi ko alam kung tinatamad lang ba si Rene na maglakad o gusto niyang sulitin ang oras.
Nakabuo kami ng usapan, kung saan-saan napunta, hanggang sa nauwi sa ex-girlfriend ko. It's been a while since I talked and thought about her, siguro'y naging dahilan na rin ang sakit ko para mawala ang atensyon sa kaniya. I didn't even notice that I moved on from her.
Lumipas ang oras hanggang sa tuluyang magpaalam si Renee para umuwi na, nang makarating ang sundo niya'y d'on na kami pormal na naghiwalay. That was the last time I saw her that week. She became busy on their business, which is a blessing in disguise.
Dahil ng mga araw na hindi kami nagkikita ni Renee, d'on ako binubugbog ng sakit ko. Second week of August, buong lingo akong nakaratay sa kama ko, hirap na hirap bumangon, namimilipit sa sakit ng katawan. Nagigising dahil sa sakit ng ulo na siya ring hindi nagpapatulog sa akin sa gabi.
We needed to close the shop for a while, naging abala sina Ate Baby sa pag-aasikaso sa akin. Si Kuya Rico iyong nagdadrive sa akin papunta ng hospital at pabalik ng bahay kapag umay na umay na ako sa amoy ng hospital.
It wasn't easy fighting for my life. May mga araw sa buong linggong iyon na wala akong buhay na gumigising. Nauubusan na rin ako ng lakas kumain dahilan para maramdaman ko ang pagbagsak ng katawan ko. Good thing hindi iyon gaanong mahahalata dahil sa patong-patong na damit at jacket na suot ko para maitago ang mga pasa sa katawan.
Hindi madali ang makipagsapalaran sa sakit ko, pero dahil kay Renee nagkaroon ako ng pahinga.
All throughout that week we didn't stop talking and exchanging messages online. Kaliwa't kanang update tungkol sa araw na lumilipas. She's busy with her family because they're planning for building a second branch of their restaurant. Pawang katotohanan iyong mga sinasabi niya sa akin tungkol sa araw niya, habang ako'y kung ano-anong kasinungalingan, palusot, at pagdadahilan ang binibigay sa kaniya.
Wala pa rin akong lakas na sabihin sa kaniya ang kalagayan ko. Ayoko siyang mag-alala. Ayokong isipin niyang mahina ako at kailangan ng kalinga. Kahit na hirap na hirap na akong itago sa kaniya ang nararamdaman ko.
I'll continue hiding it from her until I can, but if my body betrays me, then, dead end.
Another week came, bumangon ako mula sa hospital bed na nakasama ko rin ng ilang araw. I feel like this day will be different from the previous days that I had. Maginhawa ang pakiramdam kong gumising, hinayaang salubungin ng sikat ng araw, at noong nagkaroon ng lakas ay tuluyan kong inayos ang sarili ko.
Nang matapos akong makapagbihis ng normal na damit, bumungad sa akin si Ate Baby at Kuya Rico na may dalang agahan, gulat nila akong tinapunan ng tingin, marahil ay hindi inasahan ang naging pagbagon at magaan na pagkilos ko.
"Good morning," nakangiting bungad ko sa kanila.
Natigilan pa si Ate Baby sa may pintuan habang si Kuya Rico naman ay itinuloy sa lamesa ang dalang pagkain.
"Kumusta pakiramdam mo?" mahinahong tanong sa akin ni Kuya Rico dahilan para tapunan ko siya ng tingin.
"Maayos na naman po, tingin ko'y makauuwi na ako," nakangiting sagot ko pa matapos ay inabot ang cellphone sa lamesang katabi ng kama ko.
"Sigurado ka ba, Fidel, mabuti sigurong kumonsulta ka muna kay Doc Santos?" nag-aalalang sambit ni Ate Baby nang lingunin ko siya.
"Gan'on na nga po, Ate Baby, dadaan muna ako sa opisina niya bago tumulak," sagot ko. "At para makapagpahinga na rin po kayo nang maayos, naging malaking abala po ako sa inyo nitong nakaraang linggo," dagdag ko pa at akmang handa ng lumabas ng kwarto.
"Walang anuman iyon, Sir, ang mahalaga'y maayos ang kalagayan mo," sambit ni Kuya Rico matapos ay binigyan ako ng maliit na ngiti na kaagad ko namang sinuklian.
Hindi na kami nagtagal sa loob ng kwarto, nagpaalam ako sa kanila na tutuloy na sa opisina ni Doc Santos ngunit kasunod ko rin sila sa sandaling iyon. Naging matagal ang pag-uusap namin sa opisina, kahit na pinipilit ako ni Doc Santos na mag-stay pa sa hospital ay tumaliwas ako sa kagustuhan niya. Tingin ko'y kapag nagtagal pa ako d'on ay mas maghihina ako.
There's something with hospitals that makes me feel weak even more.
Nang sa wakas ay makabalik sa bahay, d'on lang ako tuluyang nakahinga ng maluwag. Laking pasasalamat ko naman ni Ate Baby na hindi pinabayaan ang bahay ko habang nasa hospital ako. Dumadalaw sila dito para maglinis sa buong linggong nawala ako. Nanatili lang din sila sa bahay ko ng ilang oras bago tuluyang magpaalam na't umuwi muna.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko, inilibot ang paningin sa kwarto. Naroon pa rin ang mga drawings ko, napako naman ang tingin sa picture namin ni Mama sa lamesa ko, nanatili akong nakatingin d'on ng mahigit ilang minuto, kung ano-ano ang naglalakbay sa isipan. Nabalik lang ako sa reyalidad nang marinig kong ma-ring ang cellphone ko.
It's Renee.
"Hey?" bungad ko nang sagutin ang tawag.
"Hey, what's up?"
"Hmmm, nothing much, how about you?" tanong ko matapos ay ibinaba ang picture sa lamesa, tumuloy ako sa kama ko, naupo.
"Oh, dude, finally we're done with a lot of meetings and planning, it was exhausting!"
"Wow! Sounds great, well, congrats, I'm sure that'll be successful, too." sagot ko matapos ay hinayaang humiga ang sarili sa kama.
"Of course," narinig ko pa ang pagtawa niya sa ibabaw ang proud na boses. "Wait, are you busy, want to see me?" dagdag pa niya dahilan para mapabangon muli ako.
Natigilan pa ako para pag-isipan ang isasagot sa kaniya. As much as I want to see her, I know I still can't. I still need to get some rest. Sumisirko pa rin ang paningin ko, marahil ay napagod sa byahe pauwi, at hindi ko kayang humarap kay Renee na hindi man lang siyang magawang tingnan ng diretso.
Kaya naman pikit-mata kong tinanggihan ang alok niya at pinaulanan siya ng sunod-sunod na dahilan. Good thing she accepted it, I also said that she also need to rest from a whole tiring week.
"But promise, tomorrow, you'll see me," pahabol ko pa.
"Promise?"
"Promise," pahuling sabi ko bago namin ibaba ang tawag.
Humugot ako nang malalim na buntong hininga matapos ang usapang iyon. Mariing pumikit at hinayaang makabuo ng tulog. I really need to rest. The next day, everything feels good, I feel so normal, no headaches, no nothing.
Kaya naman masigla kong inayos ang sarili ko, matapos n'on ay tumulak na ako sa shop namin, it's been so long since I work and I think I need to get back on track, pero nung makarating ako sa shop namin, inulan lang ako ng pag-aalala nina Ate Baby para sa kalagayan ko. Naging matagal pa para mapakalma ko sila't mapaniwalang ayos lang ako.
D'on na nagsimula ang araw ko, I did the usual, organizing the flowers, putting some of them on refrigerators, kapag walang gagawin I'm just busy drawing random stuff, hanggang sa maagaw ng stray cat ang atensyon ko.
It's the same cat who's always visiting our shop, it's a black cat with golden eyes. As much as I wanted to take her home, hindi ko magawa dahil mas mahihirapan siya sa bahay. I just give her foods like I'm always doing, sa labas ko lang iyon ginagawa dahil nahihiya talaga siyang pumasok sa loob ng shop.
While busy feeding the cat, I heard a notification, Renee messaged me asking if I'm still down for today, I immediately replied to her.
Can I come over?
Minutes later she replied, she said yes.
Naging dahilan iyon para magpaalam ako sa pusa na patapos na sa pagkain niya. Nagsabi na rin ako kina Ate Baby para sa plano ko. Mabilis akong tumulak patungo sa restaurant nina Renee dahil iyon ang binigay niyang address, medyo natagalan pa ako sa daan dahil sa mid-day traffic.
Isang oras ang lumipas bago tuluyang bumungad sa akin ang restaurant nina Renee, sa pangalan pa lang ng resto nila alam mong family business iyon – The Aguirre's.
Sumalubong si Renee sa akin nang makababa ako mula sa sasakyan, tumuloy kami sa loob ng resto nila dahilan para mamangha ako sa lugar. It's a two-story building and it's so spacious, I like the industrial design of the whole place, lugar at amoy pa lang nakakagutom na.
"Did you miss me?" tanong ni Renee dahilan para tapunan ko siya ng tingin.
She's sitting across me, near the counter.
"Yes," nakangiting sagot ko sa kaniya matapos ay mahina pang natawa.
"Sayang wala sina Mommy," sabi pa niya.
"Oh, yeah, right, I'm ready pa naman for the meet the parents," sagot ko matapos ay natawa muli dahilan para matawa siya.
"Dami mo talagang alam," komento niya. "Hmmm, do you want to eat?"
"I'm actually full, ikaw ba?" tanong ko pabalik.
"I want coffee," mabilis na sagot ko.
"P'wede ka ba umalis?" tanong ko pa.
"Kung bawal, itatakas mo ba ako?" tinapunan pa niya ako ng nanlilisik na tingin.
Sinakyan ko naman ang trip niya at mabilis na tumayo, "Let's go, Ms. Aguirre." sabi ko matapos ay inilahad ang kamay sa kaniya na kaagad naman niya pinalo kasunod ang pagtawa.
"Sira!" sabi pa niya matapos ay tumayo na rin. "Magpaalam lang ako kay Kuya Jay," dagdag niya matapos ay lumapit sa isang waiter.
Pinanood ko lang siya sa bawat kilos niya, hindi rin naman nagtagal ay bumalik na siya na may malaking ngiti. Kasunod noon ang pagyaya niya sa akin para tumulak na kami. Nang makalabas sa resto nila ay hinila ako ni Renee salungat sa sasakyan ko dahilan para magtaka ako.
"Why?"
"Maglakad na lang tayo, I know a good coffee shop near here," paliwanag niya dahilan para malinawan ako.
Ganoon na nga ang nangyari, sumabay lang ako sa kaniya sa paglalakad hanggang sa huminto siya sa labas ng isang coffee shop. Sumunod ako sa kaniya papasok, kaagad naman din kaming umorder ng makaharap sa counter.
Naupo kami sa pwesto malapit sa glass wall, kitang-kita ang labas, kaliwa't kanan ang mga naglalakad na tao at mga nag-uunahang sasakyan. It's a busy place yet so calming, siguro dahil nasa loob kami ng coffee shop with good music kaya iyon ang nararamdaman ko.
Ilang minuto lang ang lumipas at dumating ang order namin. Dinaluhan kaagad ni Renee ang inorder niyang cake, habang ako'y nilunod ang sarili sa iced Americano. Nagpatuloy ang pag-uusap namin, hindi pa rin tapos ang kwento niya sa business nila, hindi naman ako nagsasawa makinig kaya nakatuon lang ang atensyon ko sa kaniya.
Sa pagtagal ng usapan namin ni Renee hindi ko namalayan na nakatagal na rin pala kami sa loob ng coffee shop, usually oorder lang kami tapos ay aalukin niya akong maglakad-lakad sa lugar.
"What?" naangat ang tingin sa sinabing iyon ni Renee.
"What what?" tanong ko sa kaniya.
"Natahimik na, anong iniisip mo?"
"Oh," bahagya pa akong natawa. "Naisip ko lang na this is the first time we spend time on a coffee shop, usually maglalakad tayo sa labas after we had our order." paliwanag ko.
"Ah, yeah, right," napatango pa siya at napangiti kasunod ang patingin sa labas.
"Wanna go for a walk?" napangiti naman ako sa naging tanong ko.
Bumaling pa ang tingin sa akin ni Renee bago ko tuluyang marinig ang sagot niya, "Sure."
We left the coffee shop and started walking, with my hands in my both pockets, Renee on my right side, we continue talking on random stuff while walking. I'm busy listening to her talking about the movie she watched last night, looking straightly, I couldn't help myself smiling and picturing the scene she's telling on me.
Natigilan lang si Renee nang matapat kami book store. Mariin ang tingin ni Renee sa loob dahilan para kuhanin ko ang kamay niya't maglakad kami papasok. Bumitaw lang ako nang makapasok kami sa loob, d'on nagsimulang maglakad-lakad si Renee para magtingin ng mga libro, ganoon na rin ang ginawa ko.
Nasa Fiction & Literature books section kami at abala lang si Renee sa pagtingin ng mga libro habang ako'y abala lang sa panonood sa kaniya.
"Don't look at me like that,"
Naangat ang tingin ko sa kaniya at nabalik sa reyalidad, kaagad naman akong nahiya dahil naramdaman pala niyang napako ang tingin ko sa kaniya.
"Don't worry I'm not judging you like a book cover," sabi ko matapos ay natawa dahilan para bahagya rin siyang matawa.
Pumaling na lang ako sa mga libro at inabot iyong librong nakaagaw ng atensyon ko. It's a regular size book, I read the passage on the back of it and afterwards I started reading the inside since it's not sealed. It's collection of poems. I could feel the book talking to me, the poems written are so beautiful.
"If you want it, buy it."
Nabalik ang atensyon ko kay Renee nang magsalita siya sa kaliwang bahagi ko. Isinarado ko iyong libro at binalik sa dating pwesto, kasunod n'on ang pagbaling ko mulia kay Renee na abala pa rin sa pagbabasa ng mga likod ng libro.
"Yeah, I want it, but I don't want to buy it," mahinahong sabi ko sa kaniya.
Mukhang naagaw ko ang atensyon niya dahilan para bumaling siya sa akin.
"And why is that? Wala ka bang pera, I could buy it for you, if you want."
"No, it's not like that," natatawa pang sabi ko. "I can buy it, of course, I just don't want to," dagdag ko pa.
"Bakit nga, Mr. Laurente?" tanong niya pa matapos ay ibinaba ang hawak na libro at diretso akong tinapunan ng tingin.
Bahagya akong nasandal sa book shelf, "It's a new book and I don't want it that way. I don't like new things."
"What?" gulat na tanong niya. "Sounds weird, but interesting, feed my curiosity," dagdag pa niya.
"Don't think it the way I feel about stray cats and dogs," depensa ko.
"I am not," depensa naman niya.
"Okay, it's just that for me new things are too fragile to keep and I guess I'm not worthy enough to keep them," paliwanag ko. "I could buy the book and give it to you, then after a while I can borrow it from you, when it's that new anymore." dagdag ko pa matapos ay tumayo ng diresto.
"You know what, you really surprise me sometimes, I didn't know you're this deep as a person, I thought you're just a random dude that will kill me anytime you want,"
"What?" gulat na sabi ko dahilan para matawa siya kasunod n'on ang pagtawa ko rin.
"Just kidding," mabilis na sabi niya matapos ay tumalikod ngunit kaagad din bumalik sa pagkakaharap sa akin dahilan para matigilan ako. "How about me?" tanong niya dahilan para makunot ang noo ko.
"What about you?"
"I'm new to you, why'd you keep me?" bakas sa boses niya ang pagiging seryoso dahilan para matigilan ako muli at mapa-isip sa tanong niya.
"Oh, yeah, right, but we've met a lot during those previous months, and I feel like we build a connection," sagot ko. "And I guess I'm worthy enough to keep you, am I?" dagdag ko pa dahilan para maangat ang kilay niya.
"Yes, you are." sagot niya kasunod ang maliit na ngiti dahilan para mapangiti rin ako.
Kasunod n'on ang tuluyang pagtalikod ni Renee para lumipat sa kabilang section, akmang susunod na ako sa kaniya nang matigilan ako sa paglalakad. Naramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko, kasunod n'on ang mabilis na pagsirko ng paningin ko, ang unti-unting pagkawala ng lakas ng mga binti ko, at ang padilim ng paligid ko.
"Fidel?" iyong pagtawag lang ni Renee ang narinig ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top