FIDEL


Chapter 3

Fidel

Friends



Walang lakas ako lumabas mula sa opisina ni Doc Santos, hindi dahil sa may natanggap akong masamang balita kun'di dahil napagod ako sa discussion namin tungkol sa kalagayan ko. May mangilan-ngilang nurses ang bumabati sa akin habang naglalakad ako patungo ng elevator.

Nang makarating ako sa harapan ng elevator ay ilang sandali pa ang hinintay ko bago iyon tumaas, nasa mataas na palapag ako ng building at hindi ko kakayaning maglakad. Pumasok ako sa loob ng elevator ngunit natigilan ako dahil sa isang babaeng nagmamadaling lumabas.

"Hays! Maling building na naman!" narinig ko pang reklamo niya nang igala ang tingin sa palapag na binabaan.

Kaagad din siyang pumapasok sa loob at doon ko tuluyang nasilayan ang mukha niya. Naramdaman ko ang maliit na ngiting kumurba sa labi ko, kasunod noon ang pagsulyap sa akin ng babaeng tuliro, hindi maipagkakaila na nagmamadali siya.

"Hala! Hoy! It's you again!" nangibabaw iyong boses niya sa loob ng elevator nang magtama ang tingin namin.

Mabuti na lang at dalawang tao lang iyong kasama namin sa loob kaya hindi gaanong nakakahiya.

"What are you doing here?" tanong ko sa kaniya.

"Naligaw ako," maikling sagot naman niya na ngayon ay medyo kumalma na.

Mahina akong natawa bago muling magsalita, "May bibisitahin ka?"

"Yes, and I forgot na nasa annex siya!" bakas sa mukha niya ang pagkadismaya. "How about you, may binisita rin?" dagdag na tanong niya.

"Nope," maikling sagot ko matapos ay humarap sa pintuan ng elevator. "Monthly check up," dagdag ko at nakita ko mula sa reflection ng pintuan ang mabilis na paglingon niya sa akin.

"Are you sick or talagang mayaman ka lang para magpa-monthly check up?" narinig ko tanong niya dahilan para matawa ako ng mahina.

"I wish I am rich."

"So, you're sick?" nakita ko ang gulat na reaksyon niya ng harapin ko siya.

"Yeah," maikling sagot ko muli. "Ubo." dagdag ko matapos ay mahinahong lumabas nang magbukas ang pinto ng elevator.

Nilingon ko siya at nakita kong naiwan siya mag-isa sa loob, inangat ko ang suot kong cap senyales ng pagpapaalam.

"See you around," nakangiting sabi ko matapos ay tuluyan siyang tinalikuran.

Hindi ko na narinig kung may sinabi pa ba siya, diretso akong naglakad palabas ng hospital. Sa harapan ng building ako nakapag-park dahil tinamad akong pumasok sa parking lot. Kaagad naman akong sinalubong ng tirik na tirik na araw, March na kaya ramdam na ramdam na ang masakit sa balat na init. Mabuti na lang at naka-jacket at cap ako, proteksyon sa init at pantago sa mga maliit na pasa ko sa katawan.

Nang makapasok ako sa sasakyan kaagad kong inalis ang suot kong cap, dahilan para sumagi sa isipan ko ang sinabi ni Doc Santos tungkol sa sitwasyon ng buhok ko. Inayos ko lang iyon ng konti at tsaka pinaandar ang sasakyan.

Habang nilalakbay ang kabahaan ng kalsada naalala ko iyong babaeng nakita ko. Hanggang ngayon pala'y hindi ko pa rin alam iyong pangalan niya. At hindi ko rin inaakala na makikita ko ulit siya ngayon. Akala ko'y tapos na ang mga hindi inaasahang pagkikita namin pero nasundan pa iyon ngayong buwan.

Sa mga lumipas na araw, normal lang ang naging takbo ng buhay ko. Sa kabila ng malimit na pagsuka ko, pinipilit kong bumangon dahil may flower shop din akong minamanage at mga stray cats and dogs na pinapakain. Sa kanila na lang umiikot ang mundo ko.

Pumasok ang buwan ng April, hindi katulad noong nagdaang buwan na nakakalabas-labas ako, ngayong buwan ay stuck lang ako sa isang lugar. Sa hospital. Si Doc Santos at ang palagi niyang kasama na si Nurse Louise ang nakasalamuha ko sa loob ng kalahating buwan ng April.

Sumailalim ako sa mas malalim na gamutan. Araw-araw ay kung ano-anong test ang ginagawa sa akin. Hindi na bago sa akin iyon dahil ganoon din ang ginagawa nila kay Mama noon, ang pagkakaiba lang ibang test ang binigay sa akin, siguro ay dahil mas modern na ang technology ngayon.

Sa natitirang araw ng April, bumalik ako sa pagbabantay ng shop namin, maayos ang takbo noon na laking pasasalamat ko dahil doon lang ako kumukuha ng pansustento sa akin. Sa paglipas ng araw, napapangiti na lang ako sa kawalan kapag sumasagi sa isipan ko iyong babaeng nakita ko sa Fidel's, may bahagi sa sarili ko ang umaasang magkikita ulit kami.

Ngunit natapos ang buwan ng April ng hindi ko siya nakita.

Hanggang sa pumasok ang buwan ng May, mas naging buhay ang shop namin dahil marami ang mamimili kapag ganitong buwan. Kaliwa't kanan kasi ang Flores de Mayo, nakakapagod man dahil sa dami ng customer ay bale wala na iyon dahil sa malaki naman ang kita.

Kalagitnaan ng May nang pumasok sa shop namin ang isang pamilyar na babae, kaagad na kumurba ang ngiti sa aking mukha ng magtama ang tingin namin.

"Ay, mukhang may naka-miss sa akin," natatawang bungad nung babae.

Dapat ay alamin ko na iyong pangalan niya.

"Hi, welcome back!" bati ko sa kaniya.

Nasa malapit kami ng pintuan dahil abala ako sa pagpapasok ng mga bulaklak sa refrigerator nang dumating siya. Medyo marami din iyong tao sa loob dahil sa sunod-sunod na dumadating. Inalok ko iyong babae na maupo siya sa bakanteng silya.

"Daming customers, ah." Komento niya habang iginagala ang paningin.

"Ganito palagi kapag buwan ng May, alam mo na Flores de Mayo," paliwanag ko habang nakatayo sa harapan niya.

"Oh, yeah, right. Actually, that's the reason why I'm here," natayo siya at lumapit sa mga bulaklak na nasa gilid ng glass wall.

"Flores de Mayo?" tanong ko.

"Yes, napagkasunduan sa subdivision namin na magkaroon ng Flores de Mayo," panimula niya. "At dahil ako iyong tingin nila na may alam daw sa mga ganito ay ang inassign nila para bumili ng bulaklak," dagdag niya matapos ay dumako ang tingin sa akin. "And I remember your shop, kaya heto ako."

Nakangiti niya akong tinapunan ng tingin matapos ay hinugot iyong isang bouquet ng mga bulaklak sa lalagyan nito.

"Simulan natin dito, maganda ito, pero I need to look for other flowers," inabot niya sa akin iyong bulaklak, ginawa pa akong alalay. "Let's go, Fidel."

Natigilan pa ako bago tuluyang sumunod sa kaniya dahil sa ideyang naalala niya iyong pangalan ko. Ang daya naman dahil hindi ko alam ang pangalan niya, nahihiya naman akong magtanong dahil baka isipin niya ay interesado ako sa kaniya. Wala namang masama roon, pero ayoko lang na mag-isip siya ng kung ano-ano.

Sinundan ko siyang libutin ang buong shop namin para pumili ng mga nagugustuhan niyang bulaklak. Nakarating pa kami sa second floor ng shop at halos mabitawan ko na ang mga bulaklak na napili niya dahil sa sobrang dami noon.

"Oh, sorry, ang dami na pala," natatawang komento niya nang linungin ako bago kami tuluyang bumaba. "Here, let me help you." Kumuha siya ng ilang kumpol ng bulaklak na kahit papaano ay nakatulong naman sa paggaan noon.

Masyadong abala si Kuya Rico at Ate Baby sa ibang customers kaya kinailangan kong tumulong sa pag-assist. May isa pa kaming katulong dito, si Diem na abala naman sa pagtanggap ng bayad.

Nang makabalik kami sa first floor, inihelera ko sa lamesa malapit sa counter ang mga bulaklak na napili niya. Doon kinilatis niya ulit lahat iyon, mahigit sampu ang kumpol ng mga bulaklak na napili niya at wala naman siyang inalis sa mga iyon. Mukhang malaking Flores de Mayo ang magaganap sa subdivision nila.

"Hays, thank you so much for your help, Fidel," napahinga nang maluwag iyong babae matapos iabot ang bayad kay Diem sa mga bulaklak na napili niya.

Abala naman ako sa pagpapack ng mga bulaklak ng daluhan niya ako.

"Promise, kapag kailangan ulit namin ng flowers, babalik ako dito," sabi niya sa akin na abala sa panonood sa ginagawa ko. "Naisip ko na maglagay ng flowers sa restaurant namin, pero I need a professional opinion from you, Fidel," nakangiting sambit niya dahilan para matawa ako.

"Wala akong alam d'yan," natatawang sabi ko, ang totoo ay mayroon.

Tinukso naman niya ako na hindi siya naniniwala. Ilang sandali pa ang lumipas ay natapos ko ring i-pack iyong mga bulaklak niya. Pormal siyang nagpaalam nang alalayan siya ng driver niya sa mga bulaklak. Nadismaya naman ako nang tuluyang siyang makalabas ng shop, hindi ko man lang natanong ang pangalan niya.

Sa sumunod na buwan, naging madalang ang pagbabantay ko sa shop. Sunod-sunod kasi ang naging pag-atake ng sakit ko sa akin. Nariyang magigising ako para lang sumuka, malimit na rin iyong naging pagsakit ng ulo ko, at halos tamad na tamad akong bumangon.

Noong mga araw na nakabawi ako ng lakas at nagkaroon ng pagkakataon na makalabas ng bahay, matapos kong dumalaw kay Mama ay napagdesisyunan kong dumaan sa isang salon para tuluyan nang magpagupit. Nakakapanghina na kasi na tuwing kikilos ako sa bahay ay kaliwa't kanan ang mga hibla ng buhok na nakikita ko.

Isang malaking buntong-hininga ang pinakawalan ko nang makita ko ang sarili ko sa salamin, bagong tabas na ang buhok ko, malayong-malayo sa medyo mahabang buhok ko dati. Hindi ako tuluyang nagpakalbo, simpleng buzz cut lang na sa kabutihang palad ay bumagay naman sa akin, iyon ang sabi nung barber, hindi ko alam kung totoo ba iyon o sinabi lang niya dahil siya ang naggupit sa akin.

Nanghihinayang man sa buhok ay hindi ko na iyon pinagtunan ng pansin, sa ganitong paraan na maikli ang buhok ko, hindi masakit makita ang paunti-unti paglalagas ng mga iyon. Ito rin naman ang pinayo sa akin noon ni Doc Santos, wala lang talaga kong lakas ng loob gawin noong mga nakaraang araw. Hindi katulad nung mga panahong narito pa si Mama.

Sa sumunod na linggo sa hospital lang ulit ang naging destinasyon ko. Isang mahabang konsulatahan muli ang ginawa sa akin. Dinalaw muli ako ng pagod mula sa pakikinig sa lecture sa akin ni Doc Santos. Nagbago iyong ibang gamot na binigay niya sa akin, may mga bagong vitamins din, na hindi ko naman iinumin ng sabay-sabay, baka kung mapano pa ako kapag ginawa ko iyon. Sayang ang bagong gupit na buhok ko kapag maaga kong namatay.

Hapon na ng lisanin ko ang opisina ni Doc, hindi ko namalayan na halos buong araw na pala ako doon. Wala ng pagbabago sa naging paglalakad ko palabas ng hospital, siguro iyong destinasyon ko lang ang nabago dahil ngayon ay sa parking lot ko itinigil ang sasakyan ko.

Diretso ang tingin ko sa loob ng elevator nang makarating sa ground floor ay mabilis din akong lumabas dahilan para hindi ko mapansin iyong nasa harapan ko.

"Oh, sorry," mabilis na paumanhin ko sa kaniya, patungo siya sa kaliwang bahagi ko, salungat sa elevator.

Naangat ang tingin sa akin nung babaeng nabangga ko at mabilis na nagbago ang emosyon ng mukha mula sa inis ay napunta iyon sa pagkamangha.

"Hoy, New Year Boy!"

Natawa naman ako sa bungad niya sa akin. Mahina rin siyang natawat at pabiro akong hinampas sa balikat.

"Don't tell me you're here again for your monthly check up?"

Napangiti naman ako sa tanong niya, "Yeah, you're right."

"Ibang klase talaga! Doctors ba ang magulang mo? Ang sipag mo magpa-check up ha," komento niya na lalong nagpangiti sa akin.

Marahan akong napailing bilang sagot, magsasalita pa sana ako nang bigla siyang magtanong.

"Pauwi ka na ba?"

Kaagad akong tumango kasunod ang pagtanong din sa kaniya, "Ikaw ba?"

"Yeah, same," sabi niya matapos ay mabilis na nagliwanag ang mukha. "Alam mo, pang-ilang beses na natin 'to nagkita, I believe this calls for a late lunch!"

Naangat naman ang kilay ko sa sinabi niyang iyon. Magandang ideya iyon.

"Sure, free ka ba?" mahinahong tanong ko naman.

"Ano ka ba, ako 'tong nagyaya, of course, yes!" mabilis na sabi niya. "At para magkakilala na rin tayo, mamaya maging business partner pa natin ang isa't isa," natatawa dagdag niya.

"Uh, hindi ko alam ang pangalan mo," nahihiyang sabi ko naman dahilan para mapaatras siya ng kaunti at magulat.

"OMG! I can't believe this!" natatawang sabi niya matapos ay inayos ang sarili. "Well, it's Renee. You can call me, Renee," pagpapakilala niya sa sarili niya naghintay pa akong ilahad niya ang kamay niya katulad ng nakasanayan pero hindi niya iyon ginagawa, sa halip ay hinila niya ako papasok ng elevator at namalayan ko na lang na naglalakad na kami patungo sa kainan sa tapat ng hospital.

Mabuti na lamang at dinala niya ako sa madalas kong kainang fast food chain, minsan pa akong nahuli dito ni Nurse Louise at pinaalalahanan ako na hinay-hinay sa pagkain ng ganoong klase ng pagkain. Binalewala ko na lang iyon dahil mamamatay na rin naman ako kaya't deserve kong kumain ng gusto ko.

Sa gitna ng pagkain namin ni Renee, naangat ang tingin ko sa kaniya nang magsalita siya.

"Why are you wearing you cap? Kumakain ka, masama raw 'yan," komento niya.

Natigilan naman ako sa pagkain ko at nagdalawang isip kung aalisin ko ba ang suot kong cap. Sa huli ay nasunod iyong kagustuhan niyang alisin ko iyon, tama naman siya, masama raw kumain ng may suot na gan'on. Nang alisin ko iyon ay mabilis na nangibabaw ang boses ni Renee.

"OMG nagpagupit ka?!" gulat na sabi niya. "Bagay sa 'yo, dude!" dagdag pa niya na naging dahilan ng pagngiti ko.

"Thanks," nahihiyang sabi ko.

"Seriously, bagay sa 'yo! Matapang iyong mukha mo kaya binagayan ng gupit mo," papuri pa niya. "Mas lalo kang naging gwapo," dagdag pa niya dahilan para muli akong matigilan at nahihiya siyang tinapunan ng tingin.

Sa sandaling iyon naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko sa hindi malamang dahilan. Mas lalo akong napako sa kinauupuan ng kumurba ang ngiti sa labi ni Renee. Napalunok ako at hindi pa rin magawang gumalaw. Hindi kasi ako sanay na makatanggap ng compliment lalo na sa hindi ko naman lubos na kakilala.

Masyadong makabuluhan ang mga sinabi niya at hindi ko namalayan magmula nang araw na iyon, matapos ang hindi mabilang naming pagkikita ni Renee, nagkaroon ako ng bagong kaibigan. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top