Epilogue
Epilogue na po itoooo! Thank you for staying with me throughout my journey in writing this second story of Serie de Amor!<3
-------------------------------------------------------------
Epilogue
"Heeven! I told you to take care of your brothers! Bakit mo sila iniwan dito!?"
It was just one of those days where mom would scold me for being a pabaya brother.
Pagkatapos kong magpaalam sa mga kaibigan ko at sa best friend kong si Agnor ay sumama na ako kay mommy pauwi ng bahay. At nang makarating kami sa loob ng bahay namin ay doon na niya ako pinagalitan.
"Mom, may mga yaya naman dito sa bahay." sagot ko saka umupo sa sofa namin.
Pinameywangan niya ako. Sakto namang dumating sina Stanley at Harley na kagagaling lang sa garden namin.
"Whom they'd never pay attention to." dagdag pa niya.
I sneered, "Pero hindi naman ako palaging available na alagaan sila Stanley, Mom. I am still eight years old and I can't handle them everytime." sambit ko.
Sinulyapan ko sina Stanley at Harley na nasa gilid ng staircase at nakikinig lang.
Stanley was six back then, while Harley was three years old. I am the oldest that's why the responsibility of taking care of them was mine. Hindi naman sila mahirap bantayan pero nakakapagod lang minsan. They're loud and noisy. Ayaw nilang makinig sa mga yaya kaya ako ang palaging nakabantay sa kanila kasi kapag ako ang nagbabantay sa kanila, they'd behave whenever I wanted to.
"Stanley, Harley?" banggit ni Mom.
"Yes, Mommy?" Stan answered.
"Go to your rooms."
They immediately obeyed mom's order. Sinulyapan pa ulit ako ni Harley na nginitian pa ako. Ngumisi na lamang ako at nakinig ulit kay mommy.
"Ikaw ang panganay, Heeven... Kailangan nila ng gagabay sa kanila at ikaw iyon. Sa'yo sila may tiwala kaya do your responsibility as their brother. Someday, you'll be very proud of them. Hindi masasayang ang paggabay mo sa kanila. Trust me, son."
Tumatak sa isipan ko ang sinabing iyon ni mommy.
I don't know but since that day, dumoble ang oras ko na bantayan ang mga kapatid ko. Mas naging close kaming tatlo at mas nagkakaintindihan na rin.
Wala nang problema si mommy sa akin mula noon dahil sa tingin niya raw, tama lang na igugol ko ang oras sa pag-aalaga kina Stan kaysa sa pakikipaglaro kay Agnor. But I managed my time to play with him since he's my best friend among all.
Just when I thought that I was contented in what I had; my family, friends, and necessities... Akala ko wala na akong maihihiling pa pero nagbago iyon noong nakilala ko ang anak ng loyal business partner ng pamilya namin- the Gomezs.
"Mom-" napatigil ako sa pagtawag sa kaniya nang makita ko ang apat na unfamiliar faces na nakaupo sa couch namin.
"Is that Heeven?" ani ng lalaki.
Apat ang bisita namin. Isang pamilya. Ang mag-asawang elegante tignan, isang batang lalaki na kaedad ko lang siguro, at ang maputing batang babae na katabi noon.
Napalingon siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. Halos mapangisi ako. Ang arte!
"Oo... Heeven?" tinawag ako ni Mom. "Come here, son." aniya.
I immediately approached mom. Nakangiti ang mag-asawa habang tinitignan akong papalapit. Nang makalapit na ay agad nila akong binato ng compliments.
"Ang laki mo na pala, hijo tsaka ang gwapo-gwapo mo na, ah!" ani ng babae.
I scratched my nape and smiled.
"That's your tita Janice and tito Boulevard." pakilala ni mom sa kanila.
"Uh, hi... tita... tito." I said.
Nalaman kong hindi lang pala sila business partner namin kung hindi ay colleagues ni daddy si tito Boulevard. Their business went into a serious problem once at malapit na itong ma-bankrupt but my parents helped them kaya naging loyal business partners namin sila.
Akala ko magse-stay lang sila sa amin until dinner pero they stayed with us for months. Nagbabakasyon raw sila.
Nasa beach kami noon nang lumapit sa akin si Xagred. Hindi pa kami nag-uusap sa mga oras na kasama namin sila sa bahay. I never approached him because I didn't knew how to approached him. Literal. I didn't expect that he'd approached me first.
"What's your hobby?" iyon ang unang tanong niya sa akin.
Tumabi siya sa akin at tumitig rin sa sunset.
"Playing with Stan and Harley." I smirked and looked at him. "Anong iyo?" tanong ko rin.
"Ako?" tinuro niya pa ang sarili niya. "Probably... the same with you. Playing and taking care of my sister." he answered.
Kumunot ang noo ko, "Don't you have friends?"
"Siyempre meron!"
"Kung gano'n ay bakit iyon ang hobby mo?" I asked.
Nagulat ako nang mahina niyang sinapak ang braso ko.
"Don't be ridiculous, Heeven! We probably have the same reason." aniya at tumawa.
Ngumisi na lang ako at nakipagtitigan ulit sa kulay kahel na ulap.
That was the day when Xagred and I became closed. We have lots of similarities and eventually, naging magkaibigan rin sila ni Agnor.
Isang araw noong naglalaro kaming tatlo sa garden namin nang biglang lumapit sa amin ang kapatid ni Xagred. Namaywang iyon at tinaasan ako ng kilay. Ngumisi ako at hindi na lang siya pinansin.
"Kuya, let me hiram your phone, please. Nabo-bored ako here. And mommy's not here rin kasi." maarteng saad noon.
Agad na ibinigay ni Xagred ang cellphone niya sa kapatid. Agad rin naman iyong lumayo.
"Ilang taon na ba 'yon?" hindi ko napigilan ang magtanong.
"Six years old. Bakit?" nagkunot ng noo si Xagred.
I shook my head. I just want to know.
Lumipas pa ang ilang araw hanggang sa mag-shopping silang lahat except lang sa kapatid ni Xagred. Medyo masama raw kasi ang pakiramdam noon kaya hindi sumama. That was the day I first talked to her.
"Are you alright?" tanong ko.
I sat beside her in the couch. Nakatingin iyon sa flat screen TV namin at nanonood ng barbies.
"Yes, po." sagot niya pero hindi man lang ako binalingan ng tingin.
Sa hindi malamang kadahilanan ay nang-igting ang panga ko dahil sa paggamit niya ng 'po' sa akin. Hindi naman ako ganoon katanda!
"Bakit ang arte mo?" hindi ko napigilang punahin siya ng isang araw ay nakita ko siyang ayaw makipaglaro sa mga kaedad niyang babae nang magpunta kami sa beach.
"I'm not maarte!" tumaas ang boses niya.
"Hindi ba? Maarte ka kaya!" ani ko.
Her brows furrowed and I couldn't stop my self from smiling. Since that day, I decided na guluhin siya at asarin at sa tuwing ginagawa ko iyon sa kaniya ay ginaganahan lang ako na asarin pa siya. Lalo na yata kapag nakikita kong magkasalubong ang mga kilay niya. Tangina! She's so fun to look at!
"Tiara, stop! I'm so madumi na tuloy!" rinig na rinig ko ang reklamo ni Fern nang makita kong pinahiran siya ni Tiara ng pintura sa damit at mukha niya.
Tumayo ako at lumapit sa kanila, "Ano iyan, Tiara? Huwag mo ngang dumihan si Fern." seryosong sabi ko sa pinsan ko.
Umirap iyon at lumayo. Nilapitan ko si Fern na patuloy pa rin sa pagpunas ng towel sa damit kahit hindi naman nawawala ang pintura.
Umiling ako, "Hindi naman nawawala, eh." sabi ko.
Nag-angat siya ng tingin sa akin. Napahalakhak na lang ako nang makita ang itsura niya.
"Hey! Why are you laughing!?"
I continued laughing.
"Kuya Heeven!"
Natigilan ako sa pagtawa at kinunutan siya ng noo.
"I'm not your kuya." seryoso kong saad.
"You are two years older and I called you kuya out of respect." saad niya.
Umirap ako at sumimangot. Kuya!? Darn! Hindi bagay! Nakakainis! Nakakabanas! Anong kuya?! Hindi naman kami magkapatid! TSK!
Kaya nang umuwi sila ng Maynila ay nanibago ako. Nanlumo ako at nawalan ng ganang makipaglaro sa mga kapatid ko. And I realized back then that Fern Silver became someone special in my life.
"Let's hang out, babe."
Nilingon ko mula sa bintana ng sasakyan ko si Ella na kanina pa ako sinusundan.
Lumabas ako bago hinawakan ang baywang niya. Hinagit ko siya papalapit sa akin at kita ko kung paano siya namula sa ginawa ko. Ngumisi ako at inilapit ang labi sa tainga niya.
"I'm sorry, babe. May pupuntahan pa ako. Next time, promise." bulong ko sa kaniya at kinagat ang tainga niya.
Hindi ko na hinintay pang makasagot siya at agad nang pumasok sa sasakyan bago iyon pinaharurot nang mabilis.
Years passed and tons of girls desired me. Hindi ko alam kung bakit at hindi ko rin sila inaakit. Sila iyong humahabol sa akin at kapag naaabutan nila ako, doon ko lang sila pinapansin. Since they made efforts, I'd notice them and even flirt with them.
Dad would always scold me for being a playboy. Ngumingisi na lang ako kasi hindi ko naman alam ang sasabihin ko. In fact, I wouldn't play with them if they won't just approached me first. Wala na akong kasalanan doon.
"Hey, you're here!" sinalubong ako ni Xagred ng isang sapak sa braso.
Iyon ang friend gesture namin sa tuwing magkikita kami.
Nag-unat ako, "I'm still a bit tired." sabi ko.
"Kasalanan ko pa ba iyon? Sino ba ang nagdesisyon na dadalo sa party?" aniya.
Namulsa ako at ngumisi, "Sinasabi ko lang na pagod ako sa byahe pero wala akong sinabing kasalanan mo. Gago!" sinapak ko ang braso niya.
Nagtawanan pa kami bago nakarating sa loob ng bahay nila.
Anniversary ng business nila noong gabing iyon at pumunta pa talaga ako nga Manila para dumalo. I was nineteen back then but I successfully travelled by myself from Cebu to Manila and I only have two reasons why.
Tito Boulevard tapped my shoulders to greet me. I kissed tita Janice's cheeks.
Habang kausap ko sila ay tuliro ang mga mata ko. Hinahanap ang kanina ko pa gustong makita. And when finally I saw her, agad naman akong tumalikod.
"Shit," I whispered and bit my lower lip.
Ang unang rason ko kung bakit ako pumunta sa party ay dahil loyal business partners namin sila at ang pangalawa ay dahil gusto ko siyang makita.
Fern Silver Gomez, as usual is attractive and gorgeous.
Sa bawat lumipas na taon ay wala akong pinalampas na ganap sa buhay niya. Lagi akong ina-update ni Xagred tungkol sa kapatid niya. About her hobbies, her favs, her whereabouts, and relationships.
Xagred know that I am interested in his sister. Alam niya iyon at kuha ko ang suporta niya. Kakuntiyaba ko siya sa lahat ng gusto kong malaman tungkol sa kapatid niya. Nasaksihan ko kung paano siya lumaki at sa bawat taon na lumipas, mas naging maganda lang siya. Tangina. Baliw na siguro ako sa kaniya.
I was contented in desiring her from afar. Tuwing pumupunta ako ng Manila ay hindi ako nagpapakita sa kaniya. She has tons of friends and well, admirers kaya hindi ko mapigilang manghimasok minsan.
"You like her? Why? Ano ang makukuha niya sa'yo? Ano ang maibibigay mo? Kaya mo ba siyang intindihin despite her flaws?" igting ang panga ko habang tinatanong ang lalaking isa lang sa maraming may gusto sa kaniya.
Nanginig iyon habang si Xagred naman na nasa tabi ko at nakasandal sa kotse niya ay natutuwa.
"Proud talaga ako sa'yo, Heeven! Inaako mo na rin ang trabaho kong takutin ang mga manliligaw ni Eve!" inakbayan niya pa ako.
Sure. Kaya kong takutin lahat-lahat ng manliligaw niya. One-by-one. Pero hanggang doon lang ang kaya ko. I don't know but I don't have any courage to approach her. Natatakot yata akong matarayan. Maarte pa naman iyon. Time will come... Malalapitan ko rin siya.
I was right. It was my last year as the captain of our basketball team and I wasn't expecting that Xagred and even Fern would come pero nagulat na lang ako nang mapansin ko ang babaeng nasa loob ng restroom na kanina ko pa napapansin ang mga tingin.
"Wala ba kayong mga hiya sa katawan niyo at dito pa talaga sa restroom ng mga babae kayo naglampungan? Sa public facility? Really? Mukhang mayaman naman kayong dalawa, bakit hindi kayo dumiretso ng hotel o motel? O kaya sa sasakyan niyo? Bakit dito pa? My God!"
Nasiyahan ako sa reaksyon ni Fern. Mariin ang titig niya sa babaeng kahalikan ko at mas lalo pa akong ginanahan nang taasan niya ng kilay ang kasama ko.
"Ano bang pakealam mo? We can do whatever we want! It's not our fault if dito kami inabot ng boyfriend ko ng kalandian. It's our leisure time. Inggit ka lang siguro, 'no?"
Mas lalo lang lumaki ang ngisi ko nang makita kung paano mas rumiin ang pagkakatingin niya sa amin. Shit, Fern. How are you making me smirk everytime I'd see your face?
Nang mapaalis ko na ang kasama ay umamba siyang lalampasan ako pero hindi ko siya hinayaang makalabas. That was my only chance... and after that chance, I would definitely get the courage I had always wanted to have.
Kinulong ko ang mga kamay niya gamit ang isang kamay ko lang nang akmang tatakas siya sa pagkakasandal ko sa kaniya sa wall ng restroom.
"Ano ba?! Let go of me!"
Tuwing nag-iinarte siya, mas ginaganahan akong asarin siya.
I saw how she became stiffed while looking at my face. I wasn't sure what she was thinking but I had a thought that she found me hot. Tss. I really am hot, lady.
"You're Fern Silver Gomez, right?" sambit ko.
Mas nagulat siya sa sinabi ko. Inakusahan pa akong stalker niya. I just smirked before letting her go.
"Well, I just know."
How wouldn't I recognize you when I am always updated on your life?
Sa lahat ng babaeng nakilala ko, bihira lang ang masasabi kong attractive at isa na siya doon. I really found her attractive, gorgeous, and prim. Akala ko ay gusto ko lang siya pero mas lumalim lang ang nararamdaman ko sa kaniya sa tuwing nagkikita kami at mas nakikilala ko siya.
Kaya kumukuyom ang kamao ko sa tuwing may kasama siyang ibang lalaki, sa tuwing may pinapansin siyang iba, at sa tuwing may nakakahawak sa kaniya. Naiinis ako at gusto kong manapak sa inis.
Lalo na nang malaman kong nililigawan siya ni Gian, no, pretend. Iyon ang sinabi ni Xagred sa akin. Kaya sinundan ko sila sa theater at hanggang sa restroom ay hinintay ko siya at nang makalabas na ay hindi ko napigilan ang sariling hilain siya papasok ulit.
"What are you doing?!" inis niyang sambit at hinampas ang dibdib ko.
Nag-alab ang inis ko at hindi na ako nakapagtimpi. Siniil ko siya ng halik. Malalim. First kiss niya iyon, sigurado ako.
"Hindi ka nga marunong humalik, nagpapaligaw ka pa." utas ko nang matapos ko siyang halikan.
She was still stunned. Pulang-pula na rin ang mukha niya at halos gusto kong mapahilamos dahil tangina! Sobrang ganda niya talaga!
"Alam kong hindi siya nanliligaw sa'yo. Klarong-klaro. Hindi niyo rin gusto ang isa't-isa. Kailangan mo lang ng tulong sa kaniya. I can help you instead. Let's date,"
Pero hindi siya pumayag. Nagdahilan pa.
Imbes na mainis ay naghintay lang ako ng tamang tiyempo na malaman ang totoo at nang malaman ko ay pinuntahan ko siya sa university nila. Text ako nang text sa kaniya. Walang kwenta na nga minsan. Ilang oras ko siyang kinulit sa text at minsan ay tinatawagan ko na pero nang dumating ang lunch time ay hindi ko na napigilan ang sariling pumasok at hanapin siya.
Then, I asked one of her classmate. Nalaman kong partner niya ang stalker niya na siyang dahilan bakit nagpanggap sina Gian.
I was hurt. Truth be told. It might sounds gay but I was damn jealous.
So I stopped clinging into her. Hinayaan ko muna siya. Akala ko doon na magtatapos ang koneksyon namin pero nagulat na lang ako nang bigla siyang dumating sa hotel room ko isang araw.
"What are you doing here?" I asked her in a cold tone.
Ang hirap maging cold sa kaniya. Tangina talaga!
She bit her lower lip bago tumungo, "Uhm... Heeven... Alam kong galit ka sa'kin. Kaya nga hindi ka na nagte-text, right? Kahit na hindi ko alam ang ikinagagalit mo, gusto ko pa ring mag-sorry. Sorry na... Ayokong magkaaway tayo. Bati na lang tayo, please? Hmm?"
Halos hindi ko na mapigilan ang sariling ngumisi nang ngumuso siya. Damn! What is she doing to me!? Hibang na yata talaga ako.
She told me everything from the start about her, Gian, and Daryl. Nakinig lang ako. Pinakinggan ko siya. And because she is Fern, pumayag ako sa set-up namin. Ako iyong unang nagsuggest ng ideyang iyon kaya sobrang saya ko nang pinakinggan niya ako.
"Would you mind me answering your question through a gesture?" I asked her.
Galing ako sa Cebu noon at dumiretso agad ako sa restaurant kung nasaan siya.
Ilang araw ko lang siyang hindi nakita pero parang taon na iyon sa akin. I don't know. I liked her before pero ngayon, I think I fell in love with her... Deeply.
"I-I don't mind. After all, I don't know what's running in your mind--"
I didn't gave her the chance to end her statement. Agad ko siyang siniil ng halik. Hindi kagaya noong una ay mahina at mababaw lang ang paghalik ko sa kaniya. I was like a stupid guy for smirking whole night after our kiss. Finally, she kissed me back.
Ang laking achievement na no'n.
Kumunot ang noo ko nang isang araw ay makita ko siya sa harap ng isang hotel. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya noon pero may hinala akong may sinusundan siya.
Si Xagred iyon. Kasama ang babaeng hinihingan niya ng tulong. Si Marya Diliman. Kaibigan ni Margaux.
He couldn't contacted Margaux that's why he asked for her help para hanapin ang girlfriend niya. May hinala siyang may tinatago nga iyon sa kaniya and he was right. He impregnated Margaux.
Ang dami nang natulong sa akin ni Xagred. Ang dami kong utang na loob sa kaniya kaya nang humingi siya ng tulong sa akin na ilayo si Fern sa katotohanang buntis si Margaux. Wala siyang mukhang maihaharap sa pamilya niya kasi ayaw ipaalam ng girlfriend niya ang pagbubuntis nito.
I thought everything would stayed fine between me and Fern pero hindi ko inakalang malalaman niya pala ang totoo.
It was our thirty-sixth monthsary as pretend boyfriend-girlfriend when she discovered the truth.
Sinalubong niya ako ng isang malakas na sampal noong gabing iyon and I was too stunned to speak.
"Ano? Startled, huh? Wala lang iyang sampal na 'yan sa lahat ng nagawa mo, Heeven!"
I felt her raged. Galit na galit siya. Ramdam na ramdam ko iyon. Shit! Paano niya nalaman!?
I love every inch of her. I love all of her. Kahit inis at galit niya, mahal na mahal ko kasi mas ginaganahan akong guluhin siya pero hindi itong ganito... This is too cruel.
"You don't know? You still couldn't understand? Then, I'll tell you. Simula sapul, you played me like I'm a piece of toy who would satisfy an asshole like you! From the moment you'd approached me and even offered to be my pretend boyfriend which truthfully, your fault why I did think of that strategy to stay away from Daryl! Mula sa simula, ikaw ang may pakana!"
"F-Fern..." I tried to grab her hand but she took a step backward.
"Just stay there, Heeven. Don't touch me and let me bring the moments that happened because of you! Wala naman talaga akong planong maghanap ng pretend boyfriend kung walang loyal business partner, eh. Walang arrange marriage plan that was supposedly happened just to stop Daryl from pestering me! Wala sanang pagpapanggap kung hindi nag-eexist 'yung ipapakasal sa'kin and that was you, Heeven! At nang malaman mong may naisip akong plano, you took the chance to grab my attention. You took the chance for me to allow you to pretend na isa pala sa stratehiya mo para paikutin ako--"
"Hindi kita pinaikot, Fern."
Umiling ako at naging seryoso.
Totoo ang mga sinabi niya pero hindi ko siya pinaikot. I love her so much kaya hindi ko siya pinaikot.
Nanghina ako nang makitang nanlabo ang mga mata niya. Napamura agad ako. Fuck!
"Binitag mo 'ko, Heeven! Minanipula mo 'yong nararamdaman ko! You did all of that because you want to win me and now you really did! You're damn happy, right? Ano kaya ang reaksyon mo nang malaman mong sa wakas, mahal na kita. Sa wakas, nakuha mo na ako. Sa wakas, namanipula mo na ako. Ano kayang pakiramdam mo, 'no? Siguro tinatawanan mo 'ko sa loob mo kasi 'wow, uto-uto talaga ni Fern!' Ang dali lang talagang manapiwala ni Eve. Wow! 'Ang sayang paglaruan ng isang Gomez'."
I felt all of her words. Gustong-gusto kong saktan ang sarili ko dahil pinaiyak ko siya. Sinaktan ko siya. Shit!
I want to explain everything to her pero wala akong lakas. Hinigop ng hangin ang lakas ko. Nanghihina ako sa mga luha niya.
"Ano ba iyong pinagkaiba ko sa kanila, Heeven? Ah, kasi siguro... wala naman talaga akong pinagkaiba. Tinatrato mo lang ako the way you treated your girls. Gano'n ba lagi ang strategy mo? Manipulating women's feelings? Oo, hindi ba? Kasi playboy ka at dahil playboy ka, pare-pareho lang ang tingin mo sa aming mga babae. Pagkatapos mong paglaruan, utuhin, kunin 'yong lahat-lahat, pagkatapos makipag-sex, wala na... Finish na para sa'yo iyon, right? Like girls were your race and the finish line is when you get what you want."
That's it. Iyon ang akala niya sa akin. Iyon ang pagkakakilala niya sa akin. DARN IT!
"Hindi ako magso-sorry, Fern. I am not sorry. Kahit kailan, hinding-hindi ako hihingi ng tawad sa nagawa ko kasi ginusto ko 'yon. Ginusto kong makuha ka dahil iyon na lang ang paraan para mahalin mo ako kasi tangina! Ayokong ako lang ang nagmamahal sa ating dalawa, Fern. Gusto ko mutual ang nararamdaman nating dalawa..."
Alam kong gusto niyang marinig ang sorry ko pero hindi ko masasabi iyon kasi ginusto ko ang lahat.
"Ang labo, Heeven! Ang labo labo! Hindi kita maintindihan. Ang dumi mo maglaro. Minanipula mo lang ang damdamin ko. You're a manipulative jerk!"
"Manipulative na kung manipulative pero nagawa ko lang 'yon kasi mahal kita! Mahal na mahal kita, Fern! To the point na kaya kong ibigay sa'yo ang lahat-lahat! Kaya ko nagawa 'yon kasi gusto kong mahalin mo rin ako--"
"Damn you, Death! Napakababaw ng pagmamahal mo! Napakababaw..."
I sarcastically laugh. Pero seryoso pa rin ang itsura ko. I laughed out of annoyance. I laughed out of anger.
"Don't judge my love, Fern. Kasi kung mababaw 'to, hindi ko na sana sinunod ang tinitibok nito. Don't judge my love because it was true, is true, and will be forever true!" nasigawan ko na siya.
"I don't care, Heeven! I don't care!"
"Mahal mo rin ako, alright? Alam ko. Kitang-kita ng mga mata ko. Ramdam na ramdam ko na mahal mo rin ako. Mahal na mahal mo rin ako. Tangina! Ang laking achievement na no'n!"
It took her minutes to respond.
"Hindi, Heeven. Mali ka. Hindi kita mahal. Hindi... Hindi..."
My eyebrows creased, "Don't tell me that bullshit! Alam ko! Kasi kung hindi mo ako mahal, e'di sana wala lang sa'yo ang mga ginagawa ko! Kung hindi mo ako mahal, hindi sana mamumula 'yang pisngi mo sa inis tuwing may kasama akong iba. Kung hindi mo ako mahal, hindi ka sana magagalit sa nagawa ko. Kung hindi mo ako mahal, wala ka lang pakialam sa lahat ng 'to. Kung hindi mo ako mahal, hindi ka iiyak nang ganiyan. Kaya mahal mo ako, Fern. You love me!"
At sigurado ako sa lahat ng sinabi ko.
Nasaksihan ko kung paano siya naiinis kapag may ibang babae akong pinapansin. Alam ko kung paano nag-iiba ang timpla niya sa tuwing nagseselos siya. Alam ko, Fern. Mahal mo ako. Mahal niya ako. Ramdam ko iyon.
"Oo! I love you! Dahil sa bitag mo, mahal na kita! Pero wala akong pakialam sa pagmamahal ko sa'yo, Heeven kasi alam mo? Hindi 'to tama. Hindi ka tama. Mali ang lahat ng solusyon mo... Sobrang... Mali."
Ako ang unang tumalikod. Inis na inis ako. Galit na galit ako. Umalis ako sa harapan niya pero hindi ako umalis ng yate.
Dumiretso ako sa kwarto ng yate at doon... sinapak ko ang pinto at wall ng kwarto. Sinabunutan ko ang sarili.
"DAMN IT, HEEVEN! Kasalanan mo 'to!"
I tried to punched my self pero napatigil agad nang manlabo ang mga mata ko.
I kneeled in the bed and I cried... Sobra ang iyak ko noong gabing iyon. Hindi na sana ako titigil sa pag-iyak nang marealize na baka hindi pa siya umalis... Baka hinihintay niya pa ako.
I was right. Hindi siya umalis pero nakahandusay naman sa sahig ng yate. Minura ko na naman ang sarili ko habang dinadala siya sa kwarto.
"I'm sorry, love... I'm so sorry... I love you so much... I'm so sorry..." humagulhol ako habang nakahawak sa kamay niya.
I kissed her forehead before I leave. Ayokong makita niya ako. Baka umiyak na naman siya. Baka ano pa ang mangyari sa kaniya. Hindi ko kakayanin iyon.
That's why, lumayo ako ng tatlong taon sa kaniya. Pero may update pa rin ako sa buhay niya. Pinalago ko ang negosyo namin at nagpatayo ako ng mga hotels. Ginawa ko lahat para masabi ko sa sariling "kaya ko na siyang buhayin"... Kaya ko na siyang ipaglaban nang mas maayos at sa mas magandang paraan.
That's why I searched the location of her art gallery and I became her first client.
Noong nakita ko siya palabas ng gallery ay hindi ko napigilan ang sariling halikan siya. For the past three years, I missed kissing her... I missed everything about her.
Because I was finally back, kukunin ko ulit ang loob niya. I will seduce her again. But when I saw a kid na tinawag pa siyang 'mommy' ay nanghina ako. Kumuyom ang kamao ko. Is he... my son? May nangyari sa amin noon at gumamit ako ng condom pero baka nabutas or ano kaya iyan... nagkaanak kami. But she denied.
Bumagabag sa akin ang tungkol sa bata. I spent days in finding information about the kid and Fern's pregnancy pero wala akong mahagilap.
"What are you doing, my Heeven?" biglaang bumulong si Fiona nang magsearch ako tungkol sa Gomezs.
"Wala," sabi ko na lang at nagpatuloy sa paghahanap ng mga detalye.
"Oh. Why are you busy then?" umupo siya sa kama ng kwarto ko.
Sinulyapan ko siya at inilingan nang makitang unti-unti niyang kinakalas ang mga butones sa blouse niya.
"Stop it, Randell." may riing saad ko.
Umirap siya at namaywang, "Bakit ba ganiyan ka?! Imbes na nakita mo lang siya ulit ay hindi mo na ako papatulan? Sarap na sarap ka naman sa mga halik ko, ah! Ano ba ang nangyayari sa'yo!?" she exclaimed.
I stared back on my laptop, "Those were just kisses and I give kisses to those who'd beg for it." simpleng sabi ko.
"What!? Just kisses?! Muntik na tayong umabot sa kama noon, Heeven! Iba ako sa mga naka-date mo or ano! At mas lalong mas attractive ako kaysa kay Fern!"
Hindi ko napigilang kaladkarin siya palabas ng kwarto.
"Muntik lang 'yon. Don't make your hopes up dahil alam mo na noon pa lang na hindi ko kayang magmahal ng ibang babae and that's involved you. Now go home and find your sanity back."
Fiona was an acquaintance. She flirted with me two years ago but I'd always rejected her pero hindi siya tumigil. Then, noong naglasing ako sa isang bar para pigilan ang sarili kong puntahan si Fern ay dumating si Fiona. She kissed me and I kissed her back thinking that the woman I was kissing is Fern. That's why we almost end up in bed pero naitulak ko agad siya. Since then, ginulo niya na ako and I find her unconsciously helping me to make my woman jealous.
"Why are you drinking?" tumabi agad ako sa kaniya nang makita ko nang mapansin kong andami na niyang ininom.
My jaw clenched when he slightly pushed me.
"Don't come any closer. Your girlfriend might see us." sumulyap pa siya sa paligid.
Ngumisi ako. Nasisiyahan na.
"Girlfriend? I told you. I don't do commitments."
"Commitments, tss... Liar. Then how about your exes, huh? I'm sure marami kang naging ex lalo na sa loob ng tatlong taon na hindi natin pagkikita."
Mas natuwa ako. She's affected. She still have feelings for me, I am sure. The way she acts, the way she talks to me, and the way she reacts whenever Fiona is around.
"Exes? I only have an ex." ngumisi ako.
"Ex? As if. Umalis ka na nga! Ayoko nang makita ang mukha mo!"
She tried to pushed me again but I didn't flinched. Damn, Eve. You are making me crazy.
Nagpaalam na ako kay Jared at Lancy nang mapansing papikit-pikit na siya sa kinauupuan.
"You are really a jerk." bulong niya sa akin habang tinatahak namin ang kotse ko.
"Bakit mo nasabi?" sambit ko.
Tumigil siya bigla sa paglalakad kaya natigilan rin ako. Hawak-hawak ko iyong baywang niya para suportahan siyang ibalanse ang katawan.
She darted her eyes on me. Tumawa siya ng mapakla bago umirap.
"Why are you here when iyong girlfriend mo ay inside?" namaywang siya.
I just smirked. Bago pa siya makapagsalita ulit ay binuhat ko na.
Tili siya nang tili at pumiglas pa pero mas malakas ako kaya hindi na siya nakagalaw pa.
Sinulyapan ko ang itsura niya nang sa wakas ay nasa loob na kami ng sasakyan. She's already asleep at medyo uncomfortable ang pwesto ng ulo. Umusog ako at inayos ang pagkakaupo niya.
"Love..." natigilan ako nang bigla siyang umungol.
I bit my lower lip and tried to stopped my desire to kissed her. Pero huli na nang marealize kong magkadikit na ang mga labi namin. Hinalikan ko siya and she eventually kissed me back. Nagising ko siya sa halik ko.
"Sorry..." I muttered and let her sleep again.
Ngumuso pa siya hanggang sa makatulog ulit.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na minura ang sarili ko sa tuwing inuunahan ako ng pagkasabik sa kaniya. It's really tough to stopped myself and I thanked myself that I did controlled it.
Whenever time flies, my feelings for her just deepened. Day by day, mas nahuhulog ako sa kaniya to the point na gustong-gusto ko na siyang pikutin kaya nang makita ko siyang hawak-hawak sa baywang ni Gian ay nag-init ang ulo ko.
"Bakit ka nandito? Where's your girlfriend?" nakuha niya pa akong tanungin.
"I really didn't like how Gian laid his hand in your tiny waist." tumigil ako saglit. "It made me mad. It filled me rage. It made me aggressive. I'm foolish, whenever I sees you with other guys, it made me possessive to the woman who isn't even mine and it made me angry."
And that night, we ended up in bed again after almost four years... Ganoon pa rin ang epekto niya. She's the only woman who could turn me on. The playboy Heeven had gone for good.
Marami pang problema at hindi pagkakaintindihan ang dumating sa amin pero kahit kailan, hindi nagbago ang nararamdaman ko.
"She's taken."
Galit kong tinitigan ang foreigner na humawak sa kaniya. I wanted to punched him because he tried to hold what's mine. Pero hindi ko siya sinapak physically but mentally. Sa sinabi ko pa lang na iyon ay halatang gumuho ang pag-asa niyang pormahan si Fern. That's right, man. She's mine to begin with.
Sobra ang kabog ng dibdib ko nang mapansin ang pagbabago sa mga kilos ni Fern. Nagbago ang taste niya at ang katawan niya ay mas naging curvy. Something's happening and I am sure it would be a big one.
Dinala ko siya sa bahay na pinagawa ko para sa amin. Alam kong nagtataka siya pero pagngisi lang ang kaya kong ibigay sa kaniya. Pinigilan ko ang sarili ko na sabihin sa kaniyang sa amin iyon. I shouldn't act rush... I must take everything slow but not that slow for the better.
"Tara sa loob,"
"Kaninong bahay 'to?"
She looked amazed. I felt relieved. She likes the house. She likes our home.
"Hindi mo ba tatanungin kung bakit kita dinala dito?"
"Huh? Uh... Bakit mo ba ako dinala dito?" ang inosente niya talaga.
Kinuha ko ang kamay niya saka ipinagsiklop ang mga daliri namin.
"Kasi gusto kong marinig mula sa'yo kung ano ang tingin mo sa bahay." I simply answered.
"Why me? Is my opinion important?"
Tumango ako. Hindi na muling nagsalita. Ngumisi ulit ako saka hinila na siya papasok ng bahay.
"What do you think?" I asked her.
"It's elegant." and again, I was relieved.
Lumawak ang ngisi ko saka nag-lean over, "How about you live here with me?"
"Crazy!" iyon na lang ang nasabi niya after a long pause.
"Ano sa tingin mo, Ms. Gomez? Limited offer lang ito. Sayang kung tatanggihan mo."
"At bakit naman ako titira kasama ka!?" nagtaas siya ng kilay at umirap.
"Why are you so moody?" Hinapit ko ang baywang niya bago pinagmasdan ang katawan niya. "Are you taking pills?"
"What? Bakit mo nasabi iyan?" she panicked.
"Sa tingin ko ay mas lumaki ang dibdib mo and mas humubog ang katawan mo. Bakit nga ba, Fern Silver? May tinatago ka ba sa akin?"
Are you pregnant, Fern Silver Gomez? Finally? Are you finally pregnant? With my child? Tell me. Shit. Why am I excited?
She is the most precious person to me. I love seeing her smile. Seeing her laugh makes me smirk. Her emotions controlled half of my mood. Kapag galit siya dahil sa mga babaeng kasama ko, nasisiyahan ako kasi alam kong naaapektuhan siya. Kapag umiiyak siya, doble ang sakit na nararamdaman ko para sa kaniya. She's just too precious for me.
Kaya nang bumalik si Margaux and tried to take Theon away from Fern, I promised myself to helped her because I know for sure, she loves her nephew that much.
"Kaninong villa ito?" tanong niya nang itakas ko sila kina Margaux at Xagred.
Ngumisi ako saka inakbayan siya, "Villa mo."
"What?! Talaga bang pinaglalaruan mo ako, Heeven? Lintek ka talaga!" hinampas niya pa ang dibdib ko.
Ngumisi na lang ako. Bakit ayaw niyang maniwala eh nagsasabi naman ako ng totoo.
Tumawa na lang ako at pinigilan ang mga kamay niya sa paghampas sa akin.
"Chill... Highblood mo naman." nasisiyahan na ako.
I kept them secured and safe away from Theon's parents pero hindi ko namalayang kahit ano ang ginawa kong pagtatago ay nalaman pa rin nina Xagred kung nasaan kami. Through Tiara.
"Ako pa ang mali!? Sa akin ang sisi?! Ako iyong nag-alaga kay Theon, Margaux! Kasi wala kang kwenta! Mas pinili mo ang career kumpara sa sarili mong anak! Take note, sanggol, Margaux! Sanggol! Hindi mo alam ang pinagdaanan kong hirap para mapalaki nang maayos si Theon! I gave him all of my life! I did what I could! Because I love him! Ikaw? Bakit ka magpapakita ngayon at makikipagkita sa kaniya? Kasi kukunin mo siya? Ano? Nagsisisi ka ba sa ginawa mo?"
"Calm down, love..."
"Shut up!" sinuway niya ako at nagpatuloy. "Tapos magagalit ka sa akin ngayon na ako ang may karapatan sa kaniya!"
"I am his mother--"
"Pero hindi ka naging ina sa kaniya! Kaya wala kang karapatan na sumulpot na lang dito bigla at magagalit sa akin! Wala kang karapatan..."
Shit. Nanlumo agad ako nang magbagsakan ang mga luha niya.
I saw how angry she was that night. Pangalawang beses ko pa lang siyang nakitang ganoon. When she discovered the truth about my scheme and that night.
Doon pa lang, pinatunayan niyang mahal na mahal niya ang bata. At sa kaniya ako kampi because she's damn right. Kasalanan ni Margaux.
Yet she's kind-hearted. Sobrang mahal niya si Theon which came to the point na nagparaya siya. Ipinaubaya niya ang pamangkin niya kina Xagred. She loves Theon that's why she ended up in sacrificing her happiness for him. She's too good to be true. I love her so damn much.
"Fern was looking for you," iyon ang bungad sa akin ni Fiona.
Nagkunot ako ng noo, "Bakit mo sinasabi sa akin iyan?"
Because I know, she don't like talking about Fern kasi natatapakan ang pride niya. She knows that I only love Fern.
Nagkibit-balikat siya at nilapitan ako, "Because I quit on you. Wala naman akong mapapala sa kakasunod at kakakulit sa'yo kasi siya pa rin ang mahal mo. You don't just love someone because of her. And I tried everything but I couldn't do this anymore. I'm quiting real this time." namuo ang mga luha niya.
Tumango ako at hinawakan ang kamay niya.
"I'm sorry, Fiona and thank you for being honest with me." I smiled.
She nodded and wiped her tears away bago tinapik ang balikat ko.
"Win her, alright? Kasi kapag hindi mo pa rin siya nakuha, kukulitin ulit kita."
I smirked, "I will get her... for sure this time."
Sinundan ko siya sa Piantria. Hinanap ko pa ang bahay na tinutuluyan niya at nang makita ko na ay agad akong pinagkaguluhan ng mga tao doon. Sakto namang lumabas siya galing sa kwarto at naiinis na umalis.
I chased her. I'm not letting her go again. It's time for us.
"Why are you tahimik?" tanong niya nang mapansing hindi ako kumibo.
Bumagabag sa isipan ko ang narinig kanina tungkol sa pagsusuka niya. Matagal na akong nagdududa kaya mas lalo akong naguluhan. Bakit hindi pa niya sinasabi sa akin? Is she pregnant or what?
"Sayaw na tayo!"
Muntik na siyang matisod nang hilain siya ng isang babae pero nahawakan ko agad ang baywang niya kaya nabalanse rin ang katawan niya.
"You won't dance." because you are pregnant.
Nagkunot siya ng noo, "Bakit naman?"
Tumayo ako at hinila siya palapit sa akin, "Hindi ka pa ba inaantok?" I gently asked her.
She nodded.
After a while ay sumali kami sa sayawan. Magkadikit ang mga katawan namin at nakahawak ako sa baywang niya. Siya naman ay sa batok ko.
"Mali ba ang hinala ko, Fern?"
"Anong hinala?"
"Na buntis ka." simple kong sabi.
She paused and stiffened.
"Kasi kung mali ako, kailangan kong gawing tama."
"W-What do you mean, Heeven?" kinabahan siya doon.
"I'll take you... right here and... right now." paos kong saad.
"A-Ano ba iyang sinasabi mo..."
I kissed her neck. I wasn't sincere when I told her that I'd take her in there. I'm not crazy. Hindi ko maaatim na makita ang katawan niya ng ibang lalaki. Makakasapak ako nang wala sa oras.
"P-Pero..." she took a deep breath.
I stopped kissing her neck. Kumabog nang malakas ang dibdib ko.
"I already am, Heeven."
I was stunned. I didn't knew what to react first. Kumurap-kurap ako. Napahilamos ako sa buong mukha. Ginulo ko ang sariling buhok. I closed my eyes. I bit my lower lip before glaring at her.
"Come again, Miss?" gusto kong makasiguro.
"I'm pregnant, Heeven... With your child... Fifteen weeks..."
Damn. YES! Finally! Shit! Yinakap ko agad siya nang mahigpit.
I couldn't control my self for being emotional. Tears streamed down on my cheeks while I was hugging her tightly.
Hinalikan ko ang buhok niya, "Sobrang pinasaya mo ako, love... Finally... After twenty-two years of dreaming... It happened..." paos kong saad.
"You won't take no for an answer, right?" she smiled when I proposed to her.
Hinding-hindi ko tatanggapin ang 'no' niya. Ilang taon kong pinigilan ang sariling pikutin siya agad kaya hindi ko na siya hahayaang makawala. I would hold her tight this time around. No more loose ties because I am tightening it for real.
"Then, ano pa ang point kung mag-NO ako, hindi ba? Don't beg, love. Kasi kahit hindi ka magmakaawa ay iisa lang ang sagot ko... Yes, Heeven. I'll marry you."
I was crying when she's taking step in the aisle. As seconds passing by, pabilis lang nang pabilis ang tibok ng puso ko.
Seeing her wearing a wedding gown and wearing her smile beneath the veil was real happiness. Finally, I got her. Wala nang papakawalan. Hindi ko na siya hahayaang makawala. Hihigpitan ko ang pagkakahawak sa kaniya kasi napikot ko na siya... sa wakas.
She was just my comfort person back then, then she became my ideal girl, and eventually turned into my dream, and now... she became my wife... Life... A life that I would love to have over and over again if reincarnation truly exists. Because without her, my life would be meaningless.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top