Chapter 39

Kabanata 39

After Twenty-two Years




Napamulat ako nang umaga noon nang maramdaman ang paghawi ng isang kamay sa buhok ko na kumakawala sa mukha.



Heeven's gorgeous face welcomed the view.


Umayos siya sa pagkakaupo saka tumikhim bago nagbigay ng isang tipid na ngiti.

"Good morning, Mrs. Cordova." he winked.

I blinked twice bago naramdaman ang pag-init ng pisngi. Lintek. Ang aga-aga pero ganiyan ang bungad niya. Pwede palagi? Darn! Nababaliw na yata talaga ako.

I bit my lower lip bago sumagot.




"Good morning."

Lumiwanag ang mukha niya sa sinagot ko. Umismid na lang ako.

"Hindi ka na ba galit?" mahinahon niyang ani.

I raised my brow, "Galit pa rin."

"Akala ko pa naman hindi na. Paano ako magiging masaya nito." bulong niya na narinig ko naman.



Ngumisi na lang ako. Baliw na talaga ang isang ito. Pareho na siguro kaming baliw. Ang kaibahan lang ay ako alam kong totoo ang nararamdaman ko. Habang siya naman, ewan ko. Siguro hindi pa rin ganoon kagrabe.


Inalalayan niya akong umupo sa tabi niya. Pagkatapos ay napagdesisyunan na naming lumabas ng bahay na iyon.



Mabuti na lang at hindi na umuulan. Klarong-klaro na rin ang daan pabalik. Siguro ay naghahanap na ang may-ari ng bahay sa amin ni Heeven.


Hindi nga ako nagkamali. Pagkarating namin doon sa bahay ay kantyawan agad ang unang bumungad.




"Ay jusko! Mabuti naman at nandito na kayo!"

"Saan ba kayo nanggaling, hija?"

"Bakit hindi kayo bumalik kagabi? Alalang-alala kami dito, oh. Pati na iyong apo ko at ang mga artists." ani ni Aling Nina na siyang may-ari ng bahay.

I gave them a smile, "Pasensya na po kayo. Hindi na po namin nakayang umuwi kasi umulan na." sabi ko.

"Aba'y kung ganoon ay saan kayo natulog?" ani ng isang mid-50's.



Sinulyapan kaming dalawa ni Heeven noon. Binalingan ko si Heeven nang siya ang sumagot.




"Sa nakita po naming bahay." aniya.

Nangunot ang noo ni Aling Nina.

"Magkasama kayong dalawa na natulog? Magkasintahan ba kayo, hija? Ay naku, dito sa probinsiya namin ay hindi pwedeng magsama ang babae at lalaki na matulog sa iisang silid lang."



Nagpilit ako ng ngiti.




"M-Magkasama nga po kaming natulog... Pero hindi po kami magkasintahan, ah! Hindi po. Hindi." ani ko with hand gestures.

Mas lalong nangunot ang noo ng mid-50's, "Kung ganoon ay mas masama iyon. Bakit kayo matutulog nang magkasama kung hindi naman kayo magkasintahan?" aniya.




Halatang judgmental ang isang ito. We're in the modern times. Normal na iyon sa ibang tao and for me, normal rin iyon if si Heeven ang kasama ko since... matagal na kaming magkakilala and we both faced ups and downs. Besides, we slept together before. It's normal.



I was about to answer when Heeven interrupted me.




"Hindi po kami magkasintahan pero... nanliligaw ako sa kaniya."




Umingay ang paligid nang sabihin iyon ni Heeven. Napatitig na lang ako sa kaniya. Ang mga menor de edad na nasa paligid ay nagsitilian at naghahampasan pa. Habang ang mga may edad na ay ngumingiti lang.

Nagkagat ako ng labi. Shit. Lintek talaga itong Heeven na ito. Kailan ba niya sinabing manliligaw siya? Wala naman siyang sinabing ganoon, ah.

Because of what he said, araw-araw akong nakakatanggap ng kantyawan mula sa mga artists and sa mga nakarinig sa anunsiyo kuno ni Heeven.


It's decided that I would stay in the province for two weeks. Pero iyon nga, imbes na manatili ang katahimikan na gusto kong maranasan ay unti-unting naglaho nang dumating si Heeven.


Walang araw kaming hindi tinitigilan ng mga kantyawan. Hinahayaan ko na lang kahit na gusto ko nang tumutol minsan.




"Uyyy... Mahal na mahal niyo po talaga si kuya Heeven, ano?"



Sinundot ako sa balikat ng teenager na artists. Nasa rice field kami dahil ang theme ngayong araw sa artworks nila ay ang kahalagahan ng rice fields.



Nasa harap naman namin si Heeven na tumutulong sa pagtatanim ng palay. Ngumingisi pa iyon kapag nakikita akong nakatingin sa kaniya. Iniirapan ko na lang. Pero hindi ko talaga mapigilan ang pagbalik ng tingin sa kaniya. Naka-shorts lang kasi siya at naka-longsleeve na white. Nagmukha na siyang farmer sa gawi niya pero kahit na ganoon ay nag-uumapaw pa rin ang karisma niya. Lalo na kapag natatamaan ng sinag ng araw ang mukha niya.



I don't know why he insisted to help farming. If I know, nagpapapogi lang iyan.



Bakit naman kasi parang lahat ng galaw niya ay attractive tignan? Why would he looks handsome when he's just wearing simple clothes? Why is he damn hot? And why... can't I take my eyes off him?


Dahil hindi ako sumagot ay nagkantyawan ulit ang mga artists.




"Ilang araw na po bang nanliligaw sa inyo si kuya Heeven?"

Binalingan ko ng tingin ang nagtanong.

Nag-isip pa ako ng isasagot. Ayoko namang bagsakin ang paniniwala nila na nanliligaw si Heeven sa akin kaya sasakyan ko na lang muna.

"Almost two months." sagot ko.



Akala ko, iyon lang ang ibabatong tanong sa akin pero nasundan pa iyon ng marami at halos hindi na sila nag-fofocus sa pagpe-paint.




"Bakit hindi niyo pa po sinasagot? Whole package na po siya, ah. Gwapo, hot, malakas ang karisma, mabait, matalino, masipag, at mayaman! Saan pa po kayo? Kay kuya Heeven na!" sabay turo niya kay Heeven.




Napabaling tuloy ako nang wala sa oras sa kaniya.


He winked at me and after that, he took off his long sleeve. Tilian agad ang bumalot sa lugar. Hindi ko napigilan ang magkagat ng labi nang mapagmasdan ulit ang eight-pack abs niya. Lintek na Heeven! Why is he doing this!?



Iniwas ko na lang ang paningin ko sa kaniya saka nagpanggap na tinuturuan ang mga artists. Shit. Hindi talaga ako makapag-focus.




"Uuwi na ba talaga kayo, Fern?" tanong ng may-ari ng bahay na tinutuluyan ko nang araw na uuwi na kami ni Heeven.

Ngumiti ako at tumango, "Yes, po. May mga naiwan pa po akong trabaho." sambit ko.




Nilingon ko si Heeven na bitbit ang mga bag niya sa kaliwang kamay. Sa kanan naman ay nandoon ang signature sling bags ko. Sa tuwing tinitignan ko siya, hindi ko mapigilan ang humagikhik. Paano ba naman kasi, ang lalaki niyang tao tapos may pambabaeng bag siyang dala-dala. But, well... he's still looking fine.




"Hindi na ba talaga magbabago ang isip niyo? Sayang naman kung gano'n. Piyesta na bukas dito sa lugar namin." ani ng mid-50 na babae.

Again, I gave them an apologetic smile. Gustuhin ko man pero nami-miss ko na rin sina Mommy.

"Sige na, Fern. It's just a day. Work can wait."




Napabaling ako ng tingin kay Heeven nang sinabi niya sa akin iyon.



Kinantyaw ulit ako at kinulit ng mga nandoon. Napabuntong-hininga na lang ako at sa huli ay napatango na lang. I gave them a smile before looking at Heeven. He smirked. I hissed and scoffed.



Kalalabas ko lang ng banyo noong kinaumagahan no'n ay bumungad sa akin si Aling Lina na kapatid ng may-ari ng bahay. Mid-40's na ito pero wala pa ring anak.




"Buntis ka ba, hija?"

Muntik na akong masamid nang dire-diretso niyang sinabi iyon.

"P-Po?" ani ko at pilit na kumalma.

"Narinig kitang sumusuka sa banyo kanina. At sa pananamit mo, parang buntis ka nga talaga." aniya.




Tinignan niya pa ang damit ko. These past few weeks ay maluwag na designer dresses ang sinusuot ko. Minsan naman ay iyong flowy dress na kadalasan ay dark colored. Minsan rin ay malaking t-shirt. Halata na ba na buntis ako?



Napapitlag ako nang marinig ko ang baritonong boses mula sa unahan ko.



Kinabahan agad ako. Literal. Narinig niya ba ang sinabi ni Aling Lina? Paano kung oo? Pero hindi naman siguro? Baka hindi? MY GOODNESS! THIS IS FREAKING ME OUT!




I was right. Narinig niya nga. Kaya hanggang sa kwarto na tinutuluyan ko ay sumunod pa siya.




"Buntis ka?" seryoso ang tono niya.

Nagpanggap ako na may hinahanap sa maleta at hindi nakinig.

"Answer me, Eve."

Binalingan ko siya ng tingin. Pero binawi ko rin agad. Nakakatakot kaya iyong ekspresyon niya.



"Paano mo naman nasabi." sambit ko.

"You were nauseous these past weeks? Or past month na nga ata. Then, Aling Lina was right. Maluluwag na damit ang suot-suot mo palagi since two weeks ago. Tapos noong nasa beach tayo, may nangyari sa atin. And it was sixteen weeks ago."





Napapikit ako sa assumptions niya. Tangina.



I bit my lower lip and faced him. Ganoon pa rin ang itsura niya. Seryoso. Magkasiabot na ang mga kilay. Walang bakas ng ngiti o ngisi. Is this... the right time to tell him the truth? Gusto ko naman nang sabihin sa kaniya. Ito na ba talaga? Sasabihin ko na? DARN!




"Honestly..." nagsimula ako.



Mas lalong kumunot ang noo niya.

Bumuntong-hininga ako saka unti-unting pumikit.




"I'm bear--"

"Kakain na daw!"




Frustratedly kong ginulo ang sariling buhok nang biglaang pumasok iyong mid-50's na may pagka-tsismosa talaga.

"Opo!" sagot ko at tumayo na.

Sinulyapan ko si Heeven na nanatiling nakatayo doon at hinihintay ang sagot ko.

"Tara na muna." kinaladkad ko na siya palabas ng kwarto.




Kinagabihan noon, sabay kaming pumunta ng may-ari ng bahay at ng mga artists sa pistahan. Nasa gilid ko si Heeven at tahimik.



Nangunot na lang ang noo ko. Seeing him silent is dangerous for me. Ano ba ang iniisip niya? Tungkol ba sa sasabihin ko sana na hindi natuloy kanina?




Nang hindi ko na matiis, siniko ko siya at tinaasan ng kilay.



"Why are you tahimik?" ani ko.



Bahagyang umigting ang panga niya at umiling na lamang.


Hindi ko na lang muna kinulit hanggang sa magsimula ang kainang bayan. Budol fight iyon. Katabi ko si Heeven na tahimik pa rin. Hindi siya kumakain ng nasa harapan niyang putahi kaya siniko ko na naman.


Akmang magsasalita ako nang may sumingit sa pagitan namin.


Lalaki iyon at kaedad lang rin namin. May tattoo iyon sa leeg at may earring sa tainga. Pagkakamalan ko na sanang adik kaso ngumiti. Iyong inosenteng ngiti kaya nginitian ko na lang din at hinayaang tumabi sa akin.


Sinulyapan ko na naman si Heeven nang magsimula ang games. Maraming palaro doon katulad ng palo sebo, 'yong naghahabol rin ng biik, at hindi ko na alam ang tawag sa mga palaro na ginanap.

Hanggang sa mas lumalim ang gabi.




"Sayaw na tayo!" hinila ako patayo ng isang babaeng kaedad ko lang rin.




Muntik na akong matisod pero nahawakan naman ni Heeven ang baywang ko kaya nabalanse rin ang katawan ko.




"You won't dance." aniya.

Nagkunot ako ng noo, "Bakit naman?" sumulyap ako sa paligid.




Marami nang sumasayaw at halos ang table na lang namin ang may nakaupong mga tao. In short, kami na lang ang hindi sumasali sa sayawan.




Tumayo siya at hinila ako palapit sa kaniya, "Hindi ka pa ba inaantok?" naging mahinahon ang tono niya.



I nodded.


He sighed bago ako giniya papunta sa grupo ng mga sumasayaw. Naging intimate ang music kaya hinila niya ako palapit sa kaniya. We slowly danced. Ipinulupot ko ang kamay sa batok niya at siya naman ay nasa baywang ko ang mga kamay.




"Mali ba ang hinala ko, Fern?" sambit niya.

"Anong hinala?" tanong ko.

"Na buntis ka." simple niyang sabi.




Nag-iwas ako ng tingin. Ngayon na ba? Sasabihin ko na ang totoo?




"Kasi kung mali ako, kailangan kong gawing tama."

Agad akong bumaling ng tingin sa kaniya sa nanlalaking mga mata.

"W-What do you mean, Heeven?" kinakabahan kong saad.

Hinigpitan niya ang hawak sa akin at mas lumapit sa katawan ko.

"I'll take you... right here and... right now." naging paos ang boses niya.




I swallowed hard. I mean... dito talaga? Pero bakit? Bakit niya gagawin? Gusto niya bang... buntisin ako? Why?




"A-Ano ba iyang sinasabi mo..." pilit akong tumawa para itago ang kaba.



Nanigas ako sa kinatatayuan nang inilapit niya ang mukha sa leeg ko at nagsimulang halikan ako doon. Napatingin agad ako sa paligid at napamura. Shit. Bakit dito?



"P-Pero..." bumuntong-hininga na naman ako.

Natigilan siya sa ginagawa. Nagkagat ako ng labi saka tumingin sa mga mata niya.



"I already am, Heeven." there, I said it.



He looked stunned. Hindi niya alam ang gagawin. Kumurap-kurap siya. Napahilamos siya sa buong mukha. Ginulo niya ang sariling buhok. Napapikit siya. Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Hanggang sa tumingin siya sa akin.




"Come again, Miss?" aniya.

"I'm pregnant, Heeven... With your child... Fifteen weeks..."




Nagsimulang manlabo ang mga mata ko. Nag-iwas siya ng tingin. Hanggang sa niyakap niya ako nang mahigpit.



Doon na ako humagulhol. Lalo lang lumakas ang pagtulo ng mga luha ko nang maramdaman kong nagtaas-baba ang dibdib niya at halatang... umiiyak siya.



Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin at hinalikan ang buhok ko.




"Sobrang pinasaya mo ako, Love... Finally... After twenty-two years of dreaming... It happened... I finally got you..." paos niyang saad.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top