Chapter 38
Kabanata 38
If Ever
Decisions. In life, we will make decisions for the better. Not all decisions would benefit you but it will benefit your love ones. You just need to choose what is better than good. You need to be selfless sometimes because that is life. All human need to make decisions.
Desisyon ko ring mag-move on. Sa pamamagitan ng pagta-trabaho. For the entire month, naging busy ako sa paghahanap ng aspiring artists around Manila.
Tinatanong ko sila at ino-obserba ang mga techniques nila at kung sino ang mas appealing at unique, iyon ang rini-recruit ko.
Kasama ko si Clara nang magpunta kami sa isang tagong barangay around Manila. Balita ko ay marami ring artists doon. I won't miss the chance na ma-obserbahan ang mga piece nila kaya nagpunta ako.
"Madam, how much do you are wanting to recruit?" tanong ni Clara nang matapos ang mahabang araw doon.
Papauwi na kami. Dala-dala ko ang sasakyan ko at since may sasakyan naman siya ay sinabihan kong pwede naman na ang sasakyan ko na lang ang gamitin naming service. Pumayag rin siya para raw tipid sa gas. She's right though.
"They're all good pero tatlo ang mas nakakaangat sa kanila. Give me the documents about them para malaman ko ang names nila." sagot ko.
Tumango siya bilang sagot.
"Why I feel like I am bloated?" bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin.
Balak kong puntahan si Heeven para magpasama sa Piantria. Isa itong maliit na probinsiya sa may dulo ng Luzon. Medyo malayo kaya kailangan ko ng kasama. Sasama rin naman si Clara pero gusto ko ring isama si Heeven.
It's been days na rin since I've seen him. Minsan naman ay nagti-text siya sa akin at tumatawag pa. Tungkol lang sa ginagawa niya at ang dahilan kung bakit hindi niya ako mapuntahan. Busy raw kasi. Hindi niya sinabi kung sa alin basta iyon. I don't know but I really miss him. Is it because of hormones?
Speaking of hormones and well, pregnancy. It's been fourteen weeks na akong buntis. At hindi pa rin alam ng kahit na sino. Gusto kong si Heeven ang mauna. Although, hindi ko alam ang magiging reaksyon niya. Kaya ko rin siya isasama sa Piantria kasi balak ko nang sabihin sa kaniya. Sana lang ay pumayag.
Hindi ko na lang pinansin ang feeling ko na bloated ako. Isinuot ko iyong trench coat na kulay cream para takpan ang tiyan ko na medyo nahahalata nang may lamang bata. That Heeven.
I decided to text him the moment I arrived in Heaven hotel. Para naman hindi siya mabigla na pupunta ako.
To: Heeven
I'm outside of your hotel.
Bago ko pa iyon ini-send ay nag-isip muna ako kung okay na ba ang message ko.
After a while, I ended up walking to the front desk. Hindi ko pa nisi-send ang text. Mamaya na lang kapag nasa elevator na ako.
"Good morning, Miss Gomez! May I know what you need?"
Nagulat pa ako sa pagkakakilala sa akin ng receptionist pero binalewala ko na lang muna iyon.
I gave a smile, "May I know if Mr. Cordova is available?" ani ko.
Tumang siya, "Yes, Miss Gomez. Wait a second." aniya.
Kinuha niya ang telephone at may pinindot na isang number doon. Connected na yata iyon kay Heeven. Maya-maya ay may sumagot rin.
"Good morning, Sir Heeven! Miss Gomez is looking for you..." aniya.
Hindi ko narinig ang sabi ni Heeven pero nangunot ang noo ng receptionist.
"Miss Fiona? Where's Sir Heeven?"
Fiona? Is she... with Heeven?
Bago pa makasagot si Fiona ay nagsalita na ako.
"No need, Miss. I'll just come back if he's not that busy." diniinan ko ang last word para mas ramdam ang inis ko.
Darn it! Bakit kasama na naman ni Heeven iyong babaeng iyon? At sa hotel room niya pa?! Shit! This is freaking make me so inis! E'di kung busy siya, FINE! Hindi ko siya guguluhin! Tss!
Dahil sa inis ko, mag-isa akong nagpunta sa Piantria. Hindi ko na nasabi kay Clara na nandoon na pala ako sa probinsiya. Basta in-off ko na lang ang phone ko at nagpaka-busy sa pag-observe ng mga artists.
Hapon na noon, I was inside of the house where I was staying when I heard voices from outside. Hindi lang normal na boses kung hindi boses na tumitili. Marami iyon. Mula sa mga babae at binabae.
Hindi ko na natiis. Lumabas na ako pero natigilan rin nang makasalubong ang mapupungay na mata ng isang tao.
"What are you doing here!?" inis kong bungad.
Mukhang nagulat pa ang mga tao na nanonood kaya bumuntong-hininga muna ako at hinila ang kamay ni Heeven. Kinaladkad ko siya sa may puno ng mangga. Binitawan ko agad.
"Answer me!" sambit ko.
Namaywang siya, "Chill, love. Highblood ka na naman. It's not good for your health."
"Pwes! Wala kang pakialam! Ang pakialaman mo ay si Fiona! You were together again, huh? Not your girlfriend? Tss..."
Nilagpasan ko siya. Dumiretso lang ako sa paglalakad hanggang sa hindi ko na namalayang malayo na pala ako.
"Darn that guy! The hell is wrong with him!? Nakakainis! Ano ba ang ginagawa niya dito at paano niya nalamang dito ako pumunta? Is he stalking me? SHIT!"
Inilabas ko ang sama ng loob sa batong nasa paanan ko. Sinipa ko iyon sa unahan ko kaya nag-angat ako ng tingin.
Kusa akong natigilan nang mapagmasdan ang malinaw na waterfalls na nasa harapan ko. Dalawang metro lang ang layo sa akin noon kaya klarong-klaro ang malinaw at malinis na tubig nito. Lumapit ako doon saka tinampisaw ang mga paa sa tubig. Malamig iyon pero masarap sa pakiramdam.
Muli akong natigilan nang maramdaman ang mga paang paparating. Umirap ako. Hanggang dito ba naman ay susundan niya ako!? Bahala siya.
Dumiretso siya sa gilid ko. Pinagmasdan niya ako habang nakapamulsa. Kita ko iyon sa peripheral vision ko. Pero kahit ganoon, hindi ko siya pinansin. Tsss. Patigasan na lang kami.
Nagtagal kami doon. Medyo madilim na nang mapansin ko ang paligid.
Muntik na akong mapatalon nang may makitang batang babae na bigla na lang dumating. Alala ko ay isa siya sa kapitbahay ng bahay na tinutuluyan ko.
Nang tumingin ako sa gilid ko ay wala na si Heeven. Mabuti naman at umalis na.
"Madilim na po, Ate. 'Wag po kayong magtagal dito kasi delikado na kapag gabi. May mabangis raw po na hayop na naliligo dito at ang nakakita noon dito ay hindi na po nakapagsalita ulit." seryosong sabi ng bata.
Nagsitindigan ang mga balahibo ko sa katawan. Bago pa man ako makapagsalita ay tumakbo na siya palayo at hindi na muling bumaling ng tingin.
I was about to follow her when I remember Heeven. Nauna na ba talaga siya? Baka nandito lang iyon, eh. Dahil doon ay hinanap ko siya sa paligid. Hindi ko na rin namalayan na ang layo ko na pala sa batis. Madilim na talaga kaya mas lalo akong dinapuan ng kaba.
Damn! Hindi ko pa naman dala ang phone ko! Shit! Asan na ba kasi si Heeven?!
"Heeven?" tawag ko kahit na nanginginig na ako sa takot.
Baka nauna na talaga siya? Paano kung oo? Kailangan ko na ring bumalik kung ganoon.
I tried to go back to the way kung saan ako nanggaling kanina pero parang pabalik-balik lang ako. Shit! I'm getting scared here! Mas lalo na yata nang marinig ang mga kaluskos galing sa likuran ko.
Napayakap ako sa sarili nang parang may gumalaw doon.
"S-Sino ang nandiyan?" takot kong saad.
Mas lumakas ang kaluskos kaya dali-dali akong naglakad paalis doon. Gusto ko mang tumakbo pero hindi ko ginawa kasi may bata sa sinapupunan ko. DARN! Your father is nowhere to be found, baby!
Nangunot ang noo ko nang makita ang kaparehas na puno kung saan may kaluskos kanina. Nanginig ako sa takot at umatras na naman.
"S-Sino ba ang nandiyan? P-Pinaglalaruan mo ba ako? Lumabas ka na lang please! Natatakot na ako here, oh! Please lang!"
Sa kalagitnaan ng pagkainis ko ay naramdaman ko ang marahang paghila sa akin. Napapikit na lang ako at hinampas nang hinampas ang nanghila. Naramdaman ko ang pagsaga noon pero wala akong pakialam.
"Darn! Darn! Darn! Nakakainis ka! Don't touch me! Kung sino ka man, leave me alone! My boyfriend will hunt you down forever and you will really be hunted all of your entire life! Kaya matakot ka na--"
Hindi ko natuloy ang kadugtong nang binalot ako ng mainit na yakap. Singhot na singhot ko ang amoy niya kaya hindi ko napigilan ang mapahinga nang maluwag.
"Shit ka, Heeven! Ang tagal mong dumating! Nakakainis ka! Saan ka ba galing, huh!?" inis kong sambit sa kaniya habang nakayakap pa rin siya sa akin.
Hindi siya sumagot. Instead, hinigpitan niya lang ang pagkakayakap sa akin. Nanatili kaming ganoon hanggang sa bigla na lang umambon.
"Tangina," malutong niyang mura bago ako hinila palayo doon.
"Saan ba tayo pupunta?!" sambit ko nang mas lumayo kami.
Umaambon pa rin at medyo lumalakas na ang hangin.
"Maghahanap ng masisilungan." sagot niya at patuloy pa rin sa pagkaladkad sa akin.
"Bakit hindi na lang tayo bumalik?"
Hinarap niya ako, "Paano tayo makakabalik kung hindi nga natin alam ang daan? Baka maligaw lang tayo at mabasa pa." aniya.
"How did you find me kung hindi mo naman alam ang daan?" usal ko.
"Dahil sa kaingayan mo kanina."
"Pero saan ka ba kasi pumunta? Bigla-bigla ka na lang nawawala at susulpot na lang din bigla. Nakakainis kaya!" reklamo ko.
"Bumalik ako sa bahay na pinagse-stayhan mo para kumuha ng flashlight. Babalikan naman talaga kita in the first place, ah. Ano pa ang nirereklamo mo diyan?"
Tumaas ang kilay ko, "Kasi kung hindi dahil sa'yo ay nakabalik na ako! Hinanap pa kaya kita kasi akala ko hindi ka pa nakabalik. Tsk!" sagot ko.
He stopped walking and handed me his flashlight. Kinunutan ko siya ng noo.
"Dito ka muna. May nakikita akong bahay." aniya habang nakatingin sa malayo.
Agad akong kumapit sa kaniya, "D-Don't leave me, please. Sama na lang ako sa'yo. Baka totoo iyong sinabi ng batang babae na may mabangis na hayop dito at baka kainin ako..." sabi ko at luminga-linga sa paligid.
Narinig ko ang pagsinghap niya hanggang sa hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.
"Alright, then. But stay silent." aniya.
Tumango ako at sinunod ang sinabi niya hanggang sa makarating kami sa harap ng bahay na sinasabi niya.
Maliit iyon at medyo nakakatakot. Pure hut lang talaga iyon.
"D-Diyan tayo magpapalipas ng gabi?" kuryos kong tanong.
Binalingan niya ako ng tingin saka tumango.
"Huh? Totoo? Pero... it looks so creepy! Baka diyan pala nakatira ang mabangis na hayop! Makain pa tayo! Ayoko diyan, Heeven. Babalik na lang ako."
Saktong pagkatapos kong sabihin iyon ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi ko napigilan ang manginig dahil sa pinaghalong takot at lamig.
Hinila ako ni Heeven.
"Nauulanan ka na, oh." aniya.
Saka ko lang namalayan na medyo basa na pala ang buhok ko.
"We have no other choice, Fern. We'll stay here or we'll find the way back in reverie." seryosong sabi niya.
Bumuntong-hininga ako at sinulyapan pa ulit ang bahay. Alright? Safe naman siguro sa loob? Baka hindi totoo iyong mabangis na hayop? Baka gawa-gawa lang iyon? Baka hindi naman nakakatakot kapag nakapasok na sa loob? Yes. Alright.
Nang makumbinsi ko na ang sarili ay pumayag na ako sa sinabi ni Heeven.
At first, the small house was really creepy. There were spiderwebs around it and the dirts were visible. Like very visible even if the place was dark. Pero kalaunan nang makahanap si Heeven ng walis ay nilinisan niya muna ang parang sofa siya pero walang foam and puro kawayan. What is it called again? I don't know. I can't remember it's name.
Basta pagkatapos ay naghanap si Heeven ng mga comforters. Meron siyang nakita pero manipis at halatang madumi. But then, we had no other choice.
Inilatag niya iyon sa sofa na kawayan then pagkatapos ay umupo na doon.
"Come here," he said and tapped the space beside him.
"M-Matibay ba?" tanong ko.
Tumango siya. I sighed at umupo na sa tabi niya. Bumuntong-hininga ulit ako bago humikab.
"Sleep now. Here," he tapped his thighs.
Uminit ang pisngi ko at umismid.
"Ayoko," saad ko.
Pero huli na nang mapigilan ko ang pagbuhat niya sa akin. Tili ako nang tili hanggang sa pinahiga niya ako sa sofa na kawayan at pagkatapos ay inilagay ang likod ng ulo ko sa hita niya.
"Don't whine, Fern. Matutulog ka or hahalikan kita?"
"Iyan ka na naman, eh! Nakakainis na talaga iyang mga blackmail mo! And, do you think that I already forgave you about last time, huh!? Hindi! You dream!" I hissed.
Tumingala ako sa mukha niya nang marinig ko ang marahang pagtawa niya.
Natigilan ako. He... He looks so handsome in this view. Really! Kahit saang anggulo, gwapo siya pero dito, sobrang pogi. Lalo na iyong katangusan ng ilong niya. Ang kagandahan ng labi niya at ang adam's apple niya na sobrang attractive.
DARN! Bakit ko ba siya tinititigan!? Baka mag-assume na naman!
Tumikhim ako at ngumuso.
"Alam mo, Miss... Nagiging childish ka day by day, eh. Why, though?" seryoso na ang boses niya.
I bit my lower lip bago pumikit.
"How can I sleep if you're noisy? Ito na nga, oh. Matutulog na. Good night, Death." sambit ko.
Naramdaman ko ang pag-angat niya ng kanang kamay ko hanggang sa maramdaman ko ang paghalik niya doon.
Nagsitindigan ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa ginawa niya. Malamig kanina pero nawala iyon bigla lalo na nang binalot niya ng mga palad ang kamay ko.
"Alright. Sorry. Matulog ka na. Sana bukas, hindi ka na galit sa'kin. I would be the happiest man if ever." bulong niya bago ako dinalaw ng antok.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top