Chapter 36

Chapter 36

Nag-Iisang Tao




Hindi ko ipinagsawalang-bahala ang nakita sa mall. I can't do that. Lalo nang hindi lang basta-bastang kakilala si Margaux. She's Theon's mother. Ang inang iniwan ang anak kay kuya para lang sa pangarap niya. Napakawalang-kwentang rason.

"Talaga bang nandiyan si Theon sa bahay?" tanong ko isang araw na tinawagan ko si Axelius.


Simula noong araw na iyon, halos sampung beses sa isang araw akong nagche-check kay Theon. I'm scared.

Ngayong bumalik na si Margaux, may posibilidad na makikipagkita siya sa anak niya. Kakausapin noon si kuya at siguradong pakikiusapan na kahit isang araw lang ay makasama niya ang anak niya. Iyon ang ikinatatakot ko. Baka dumating sa punto na iyong isang araw ay maging palagi. Ayoko namang kunin niya si Theon sa akin. I won't let her.



"Yes, Ate. He's in his room." sagot ng kapatid ko.



Bumuntong-hininga ako bago nagpaalam.

Busy ako sa trabaho pero isinasantabi ko muna ang mga ito para lang makasama si Theon. Hindi ako nagiging pabaya sa Artiose. Sinisigurado ko lang na hindi magkikita si Margaux at ang bata.

The next days, dumalas ang pagsusuka ko. Mas dinadalaw na ako ng antok kaysa noon.



I bit my lip. Isa rin sa bumabagabag sa isipan ko ang pagbubuntis ko. Wala pa akong oras na sabihin kay Heeven ang tungkol dito. Alam kong busy siya these past few days. Ina-update niya ako minsan. I don't know why pero ginagawa niya iyon lagi.

Um-absent ako isang araw sa trabaho nang dumating ang birthday ni Theon. I decided na kumain kami sa labas. Sa malapit na restaurant lang para hindi namin maka-krus ng landas si Margaux.


Sinigurado ko munang wala siya sa loob ng restaurant bago kami tumuloy ni Theon.



"And what's your favorite dish? Buttered chicken!" nakangiting sabi ko saka inilapit sa kaniya ang si-nerve sa aming pagkain.

"Thanks, Mommy!" aniya at ngumiti.



Lumabas ang biloy niya sa pisngi. Napangiti na lang din ako. Pero ang tuwa na ngiting iyon ay napalitan ng matabang. Paano kaya kung mawala si Theon sa akin? Kakayanin ko ba? I mean, ako na ang nagpalaki sa kaniya. I did everything just to give him a comfortable life. Mula pagkabata, ako na ang nasa gilid niya at inaalagaan siya. Paano kung dumating ang araw na mapagdesisyunan nina kuya at Margaux na magkabalikan tapos kukunin nila si Theon? Darn. Iniisip ko pa lang ay nanlulumo na ako.

I erased that thoughts from my mind and just focused on eating.


Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa carpark.

"Nabusog ba ang baby ko?" ani ko nang suotan ko siya ng seatbelt.

Tumango siya. Ngumiti na lang ako at nag-drive na.

Nasa may party district na kami nang magsalita si Theon.

"I want to go to the enchanted kingdom, Mommy!" aniya.

Nilingon ko siya, "Gusto mo?" tumango siya. "Alright, then." pagpayag ko at dumiretso na sa enchanted kingdom.



Sa entrance pa lang, talak na siya nang talak tungkol sa mga rides na gusto niyang sakyan. Napapangiti na lang ako dahil sa kadaldalan niya. Hanggang sa bumili ako ng ticket at pagkatapos ibinigay na iyon sa nagbabantay.

Inuna namin ang ferris wheel.

Natigilan ako nang maalala ang dinanas ko dito.


I was brokenhearted that time and I came here, riding ferris wheel, roller coaster, and merry-go-round. I remember how I didn't cried and even felt something when this ride started to moved. Tanging wala lang akong maramdaman doon. Pero nang dumating na ako sa roller coaster, I burst in tears.


Tinitigan ko si Theon na nakaupo sa harapan ko. Nakatungo ito at tinitignan ang mga gusali sa ibaba.

Hindi ko alam kung bakit ako napaluha habang tinitignan ang bata. It's still fresh in my mind when he was a baby... an innocent baby.

Even kuya came up with the idea of giving him in an orphanage kasi hindi niya raw kayang alagaan. That's when I stepped out on my own... Inako ko ang responsibilad sa kaniya.

Hindi ko na namalayang nakababa na pala kami. Nalaman ko lang noong hinawakan ng bata ang kamay ko.




"Mommy, I want to ride in merry-go-round!" aniya.

Tumango agad ako.

"Hey, Theon!" sigaw ko nang tumakbo siya papalapit sa entrance ng carousel.



Umiling na lang ako at sinundan siya.

Malapit na ako doon nang maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Agaran ko iyong kinuha sa purse ko. Nagsimulang mangunot ang noo ko nang makitang si Heeven ang nag-message sa akin.



From: Heeven

Where are you?


Nag-reply agad ako sa kaniya.


Ako:

At enchanted kingdom.



Pagkatapos ng ilang segundo ay nakatanggap ulit ako ng reply.



From: Heeven

Kasama mo ba si Theon?



Kumunot ang noo ko habang nagti-tipa ng mensahe.



Ako:

Oo. Bakit?


Lumundag ang puso ko nang mabasa ang reply niya.



From: Heeven

I'll fetch you there. Hinahanap ka nina Margaux at Xagred.



Kagat-kagat ko ang labi habang kinakalma ang sarili. Medyo matagal kong naayos ang ire-reply sa kaniya dahil kabang-kaba na talaga ako.


Ako:

Si Theon ba ang pakay nila?


Nakuha ko pang magtanong. Nilapitan ko agad si Theon na nakatayo pa rin doon sa entrance. Nagtataka niya akong tinignan.




"We need to go, alright?"

Hinawakan ko ang kamay niya at akmang tatakbo na sana nang hindi siya gumalaw man lang.

"Where are we going, Mommy?" tanong niya.



Nagkagat ako ng labi bago ipinag-level ang mukha namin. Hinaplos ko ang buhok niya saka tinitigan siya sa mga mata.

"Basta. Hindi lang dito." sagot ko.

"Why?"

Hindi agad ako nakasagot. Lumipas pa ang ilang segundo bago nagproseso ang utak ko.

"Because I want to be with you... palagi." sagot ko at nagkagat ulit ng labi.



Nang tumango siya ay agad akong dumungaw sa cellphone ko para basahin ang reply ni Heeven. Hindi ako nagkamali, may reply nga siya. Tatlo iyon.



From: Heeven

Yes, love.


From: Heeven

Nag-usap sila kanina habang nasa gym kami ni Xagred. Humingi ng tawad si Margaux sa kuya mo at pinatawad niya rin agad kaya ang susunod nilang hakbang ay makipag-usap kay Theon.


From: Heeven

Dumiretso kayo sa second exit. Doon ako dadaan.



Sobrang kinabahan ako nang mabasa ang message niya. Agaran kong hinila si Theon papunta sa second exit ng lugar. Wala muna akong pakialam sa kotse ko. Bukas ko na lang iyon kukunin. Basta ang importante ay hindi makuha ni Margaux ang bata.


How dare she!? Nawala siya ng halos apat na taon tapos babalik siya para kunin si Theon? Shit! Ang kapal niya naman pala! Where did she get the audacity to get back with my brother!? And even now? Gusto niyang makausap ang bata?! THE HECK!



"High blood ng itsura mo, ah." nakuha pang mang-asar ni Heeven nang nasa byahe kami.



Sinulyapan ko siya at sinamaan ng tingin.

Tumahimik na lang siya at ngumisi. Sinulyapan ko si Theon na tahimik na nakaupo sa back seat.



"Baby?" tawag ko sa kaniya.

"What?"

Nilingon ko si Heeven na siyang sumagot. Hinampas ko ang braso niya kaya napadaing siya.

"Wala ako sa mood makipagbiruan sa'yo, ah! Tigilan mo ako!" inis kong sambit sa kaniya.



Ininda niya ang hampas ko sa kaniya. Humalakhak pa ang loko at buong byahe, nakangisi iyon.


Wala akong ideya kung saan niya kami dadalhin. Basta kahit saan, okay lang. Alam ko namang safe ang pupuntahan namin. Nilingon ko si Heeven. Ngayong may plano na akong sabihin sa kaniya ang totoo, may problema na naman. Hindi yata talaga ako makakaamin sa kaniya.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa gitna ng byahe. Pagkadilat ko, isang mini villa ang sumalubong sa paningin ko.

Huminto ang sasakyan at nakita ko na lang na nasa labas na sina Theon at Heeven.



Bubuksan ko na sana ang pinto nang maunahan niya ako. Nginitian ko na lang siya at iginala ang tingin sa kabuuan ng villa.



"Kaninong villa ito?" tanong ko.

Ngumisi siya saka inakbayan ako, "Villa mo."

"What?! Talaga bang pinaglalaruan mo ako, Heeven? Lintek ka talaga!" sabay hampas ko sa dibdib niya.

Tumawa siya at pinigilan ang mga kamay ko sa paghampas sa kaniya.

"Chill... Highblood mo naman." aniya.



Ngumisi pa ulit siya at binalingan ng tingin si Theon na nasa may pintuan na ng may kalakihang bahay.



Hindi nagtagal ay pumasok na rin kami ni Heeven doon. Magara rin ang bahay. Hindi gaano kalaki pero talagang masasabi mong mayaman ang may-ari.

I always took a glimpse of my phone every minute. Baka mag-text si kuya sa akin o ano.

Gabi na at nakatulog na si Theon sa kwarto. Nasa sala ako at nakatingin lang sa phone lagi. Ewan ko asan si Heeven. Maybe he's taking a bath.

Hindi nga ako nagkamali.

Minutes passed by nang bumaba siya galing sa itaas. Puting t-shirt lang at shorts ang suot-suot. Basa iyong buhok niya at halatang kagagaling lang maligo.


I was taken aback when he sat beside me. Nag-iwas agad ako ng tingin at sinulyapan ulit ang phone ko. Wala pa ring text.



Napasinghap ako nang biglang hinablot ni Heeven ang phone ko.

"Ano ba?"

"I'll turn it off. On ang location mo. Baka mahanap tayo nina Xagred." aniya.

Nagtaas ako ng kilay, "Kailangan ba talaga?"

"Uh-huh at... you need to sleep. It's almost ten."

"Hindi pa ako inaantok. Baka ikaw. Sige na. Matulog ka na lang."

"Hindi rin ako inaantok." sagot niya.

"Then?" umismid ako.

"Ang taray mo na talaga. Sigurado ka bang wala kang tinatago, Fern Silver Gomez?"



Humilig siya sa akin kaya agad ko siyang itinulak. I bit my lower lip bago kinuha sa kaniya ang phone ko.



"Who knows this place except you?" tanong ko.

His brow creased, "Si Tiara pa lang at kayo ni Theon." prente niyang sagot.

Tumango ako, "Sigurado ka bang hindi ito alam ni kuya? Baka later on, they would dating out of the asul!" sambit ko.

Mas lalong nagkasalubong ang kilay niya, "No. Sigurado ako. Wala ka bang tiwala sa akin?"

"Huh? Hindi naman sa ganoon... Naninigurado lang."



Ngumisi siya at tumango na lang. Tinitigan niya ako kaya naman nailang agad ako. Why does he looks so attractive!? Gorgeous! Drop dead!


Tumawa na lang siya nang mahina at pinaandar ang TV.


I was thankful when three nights and two days passed nang walang dumadating. Secured naman iyong place niya since may dalawang security guard sa dulo ng villa. Komportable naman ako sa dito sa lugar pero hindi ko pa rin maiwasang isipin na baka dumating sina kuya at Margaux pero... imposible naman siguro. It's not like alam nila ang lahat. Right. They don't know.



"Mommy!"

Binalingan ko ng si Theon na naliligo sa pool. Nasa gilid ang topless na Cordova. Nakaupo sa gilid ng swimming pool at nasa tubig ang mga paa.

Lumapit ako sa kanila saka umupo sa tabi ni Heeven.



"Ang tagal mong nakatulog, ah." aniya.

"Ah... Inantok lang." sagot ko.

"Uh-huh?"


Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sagot niya. He sounded not convinced. ABA! Ayaw maniwala! Gusto yatang aminin ko sa kaniya na dahil sa kaniya ay ito ako ngayon at nag-iiba ang hormones, taste, and sleeping hour! Darn this guy.




"Where's your tito Heeven, baby?" tanong ko kay Theon nang dumating ang gabi.

Hindi ko makita si Heeven. Nandito naman iyon kanina pero biglang nawala. He's not in his room nor the bathroom.

"I haven't seen him, Mommy." sagot ng bata.


Tumango ako bago dumiretso sa kusina para tignan kung nandoon siya pero wala rin. Natigilan ako nang bigla siyang dumating. Nang-iigting ang panga.


Nilapitan ko agad.



"Saan ka galing? And what's wrong with your face?" sabi ko agad.

Nagkagat siya ng labi. Tinagilid niya ang ulo niya at halatang ayaw sumagot. Umismid ako bago hinawakan ang panga niya. Dahan-dahan ko siyang pinaharap sa akin.

"Sasagutin mo o aalis kami ni Theon?" pamba-blackmail ko sa kaniya.



Halata namang nasindak siya. Maya-maya lang ay bumuntong-hininga siya bago hinawakan ang kamay ko.


Akmang magsasalita na sana siya nang may mga yapak na dumating galing sa may pintuan.


Kinabahan agad ako. Dumuble ang kaba ko nang hinarangan ni Heeven ang view. Agad ko siyang pinaalis. Trumiple ang kaba ko nang marinig ang pamilyar na boses.




"KUYA? MARGAUX?" gulat kong ani nang makita sila.

Tinitigan ko nang mariin si Heeven, "Fern... Pinigilan ko sila pero--"



My eyes got blurry. Akmang hahawakan niya na sana ako pero agad akong lumayo sa kaniya. Shit... Shit!



"Damn you, Fern!"


Ang malakas na tunog ng sampal sa akin ni Margaux ang bumalot sa buong lugar. Damang-dama ko iyong hapdi at sakit. Mas lalong nanlabo ang paningin ko. Narinig ko na lang ang mariing boses ni Heeven na nasa gilid ko.



"SHIT!" aniya at pinalayo ako kay Margaux.



Agad ko siyang itinulak. Traydor! Lahat ng taong nakapaligid sa akin ngayon ay traydor! My brother... Margaux... and Heeven na pinagkatiwalaan ko nang buong-buo... Nakuha akong traydorin. Damn them!



"You've got no shame, Fern! You abducted my child! Inilayo mo siya sa amin! Selfish ka! Dapat kang managot!"

Uminit agad ang ulo ko, "Wow!" I mockingly laughed at her. "Where did you get the audacity to tell me that!?" inis kong sabi.

"Because you are selfish! Gusto mong ilayo ako sa anak ko para hindi kami magkita! You manipulative bitch!"



Akmang sasabunutan niya sana ako nang magsalita si kuya at Heeven.



"TAMA NA, PWEDE!?" si Heeven.

"Margaux, stop it!" si kuya.



Umismid ako at hindi napigilan ang tumawa nang mapakla. Itinuro ko si Heeven pagkatapos ay si kuya saka si Margaux.



"Ako pa ang mali!? Sa akin ang sisi?! Ako iyong nag-alaga kay Theon, Margaux! Kasi wala kang kwenta! Mas pinili mo ang career kumpara sa sarili mong anak! Take note, sanggol, Margaux! Sanggol! Hindi mo alam ang pinagdaanan kong hirap para mapalaki nang maayos si Theon! I gave him all of my life! I did what I could! Because I love him! Ikaw? Bakit ka magpapakita ngayon at makikipagkita sa kaniya? Kasi kukunin mo siya? Ano? Nagsisisi ka ba sa ginawa mo?" inis kong sabi.

"Calm down, love..." sabi ni Heeven.

"Shut up!" suway ko at nagpatuloy. "Tapos magagalit ka sa akin ngayon na ako ang may karapatan sa kaniya!"

"I am his mother--"

"Pero hindi ka naging ina sa kaniya! Kaya wala kang karapatan na sumulpot na lang dito bigla at magagalit sa akin! Wala kang karapatan..." bumuhos na ang mga luha ko dahil sa sobrang inis.



"Mommy?"

I was stunned when I heard Theon's voice from behind. Agad kong pinahiran ang mga luha ko at binalingan siya ng tingin.

"Theon..." nanghihina kong sambit at lalapitan na sana siya nang maunahan ako ni Margaux.



Niyakap niya ang bata nang mahigpit. Hindi gumalaw si Theon. Nanatili siyang nakatingin sa akin. Inosente ang itsura. Nagkagat ako ng labi at nag-iwas ng tingin.



"Who are you po?" tanong niya kalaunan.

"I am your mother... Your real mother, baby." sagot ni Margaux.

"Mommy... Is she saying the truth?"



Sa pagkakataong iyon, tinitigan ko ang bata. Hinintay niya ang sagot ko. Nanghihina akong napaupo sa floor. Humagulhol ako at tumango.

Hindi ko na nasundan pa ang nangyari. I was just crying hard because I think I couldn't handle these feelings anymore. I've had been into heartaches before but loosing Theon hits different. Dumating na ang pinakatatakutan ko... When he's finally meeting his mom.



"Theon!"



Mabilis ang pangyayari. Namalayan ko na lang na tumakbo na palabas ng bahay ang bata. Margaux immediately run so as kuya.

Tumayo ako at akmang tatakbo na rin nang mapigilan ako ni Heeven.



"Calm down... Don't be reckless. He is a smart kid kaya hindi iyon magagalit sa'yo. Maiintindihan ka niya kasi mahal ka niya... mahal na mahal."

Dahil sa sinabing iyon ni Heeven ay namuo ulit ang mga luha ko.




Binalot niya ako ng mahigpit na yakap. It's so tight that it helped me to calm down. Sa yakap niyang iyon, kumalma ako. Sa yakap niyang iyon, medyo nawala ang sakit. Sa yakap niyang iyon, mas napahagulhol ako dahil kahit anong pilit kong gawin at itanggi... si Heeven ang nag-iisang tao na bumubuo sa akin...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top