Chapter 35

Chapter 35

Came Back





"Kuya, I don't think na makakapunta ako. Busy pa ako sa gallery, eh." sabi ko.

"Are you avoiding Heeven again? Kung ano man iyan, set aside that. Nandito sina tita Ashlie. They're looking for you. Sige na, Eve. Busy naman si Heeven, eh. Nag-aaccommodate ng mga business partners kaya hindi rin kayo magkaka-usap."


Bumuntong-hininga hininga ako dahil sa sinabi ni kuya.



Fifth anniversary ngayon ng isang hotel ni Heeven. Inimbitahan niya sina daddy at kuya at binilin niya kay kuya na sabihan na lang ako na pumunta. Nagdadalawang-isip ako kasi hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung sasabihin ko ba sa kaniya ang totoo.


But for the sake of loyalty, I decided na pumunta. Nagsuot lang ako ng simple black bouncy dress na pinaresan ng black stilletos. Light make-up lang rin ang in-apply ko sa mukha. After that, I drove my way to the hotel.



Nasa labas pa lang ako, andami na talagang tao. Pati mga sasakyan ay muntik nang mapuno ang carpark at parking area. Iba talaga ang Cordova. Ang daming kilala.



I creased my brow when I saw a familiar figure of a guy. Iniisip ko pa lang kung sino iyon nang mapalingon iyon sa akin kaya napangiti na lang ako saka nilapitan siya.




"Hey, Daryl! Andito ka rin pala?" bungad ko.

Sinulyapan niya ako at napakamot sa batok, "Yeah. Inimbita ako ni Heeven so why not?" aniya at ngumiti.

I nodded, "Are you looking for something?" tanong ko nang maalala na parang may hinahanap siya.

"May hinihintay lang."

"Uh... I see. See you na lang sa loob?" ani ko at pagkatapos ay nauna nang pumasok sa loob ng hotel.



Nasa first floor ang main venue and located iyon mismo sa mini ball room. Ang dami ring tao nang makapasok ako and muntik ko nang hindi makita sina daddy.




"Tita Ganda!"

My gaze turned into Jashione na tumatakbo papalapit sa akin. Naka-dress iyon and she looks really pretty.

"Hey, angel..." sambit ko at naglean over para mayakap siya.




Dumapo agad ang paningin ko sa babaeng naglalakad papalapit sa amin. Nakakibit-balikat iyon at nakataas ang kilay. Nag-uumapaw ang kagandahan niya sa suot-suot na silver backless gown with a pair of high heels.


Kaya hindi na ako nagtaka nang mapansin ang titig sa kaniya ng mga lalaki habang papalapit siya.




"Ang tagal mo. I thought you're not coming." bungad niya.

Umismid ako, "Busy lang sa Artiose, Lancy kaya natagalan." sabi ko.

Tinaasan niya ako ng kilay hanggang sa bigla niya na lang akong hilain. Nagreklamo ako at sinubukang magtanong pero hindi niya ako pinansin. Hanggang sa binitiwan niya ako sa harap ng isang pinto.

"What are you doing?" tanong ko nang inilapit niya ang tainga sa pintuan.

"Sshh!" saway niya at ipinagpatuloy ang ginagawa.

Kumunot na lang ang noo ko at hinayaan siya. Hanggang sa lumipas ang ilang segundo ay hinila na niya ako palayo doon.

"You're too late na tuloy." aniya nang makarating na kami sa main venue.

Binalingan ko siya ng tingin, "What do you mean?" gulong sambit ko.

She roamed her eyes around the venue. After a while ay bumulong siya sa akin.

"I heard that Heeven already bought a ring!" aniya.



I was stunned when she said that. Tinitigan ko ang ekspresyon niya sa pag-aakalang nagbibiro lang siya pero seryoso ito.




Heeven bought a ring? For whom? Para kay Fiona ba? Sa isipin pa lang iyon ay sumisikip na dibdib ko. I erased that thought. Lancy might have heard wrong. Hindi naman siguro ganoon. But I can't stop myself from thinking na paano kung para kay Fiona ang singsing at magpapakasal sila. I will be too hurt kung ganoon.




Iyon ang laman ng isip ko buong party. Niwala akong ganang kumain nang marami. I only ate a slice of ube cake and a drink of iced tea.

"Okay ka lang ba talaga dito?"

Nilingon ko si Lancy na nakatayo na habang nakahawak sa braso ng asawa niya.

I nodded. After that, dumiretso sila sa dancefloor. Marami na ring sumasayaw doon. Maging sina mommy at daddy ay nandoon rin.




Napabaling ako ng tingin kay kuya nang bigla itong tumayo.




"Where are you going?" tanong ko agad.

Nag-iwas siya ng tingin bago sumagot, "Sa restroom lang, baby." aniya at agad na naglakad palayo.




Kumunot ang noo ko. Gusto ko sana siyang sundan kasi hindi ako kumbinsido na sa restroom nga siya pupunta pero natigilan ako nang maalalang wala naman siguro siyang gagawing masama. Kaya nanatili na lang ako doon sa upuan ko.

Until naramdaman ko ang presensya ng tao sa likuran ko. Agad akong napaayos ng upo nang umupo si Heeven sa harapan ko.



His brow creased bago nagkibit-balikat.

"Are you alright?" aniya.

Tumango agad ako at tumahimik na lang. Hindi pa rin matanggal sa isipan ko ang sinabi ni Lancy.

"Sigurado ka ba? You look pale."




Katatapos niya pa lang sabihin iyon ay naramdaman ko na naman ang pagbaligtad ng sikmura ko. Shit! Not now!



I immediately stood up before race-walking the distance of the restroom. Pumasok agad ako sa isang cubicle at sumuka agad. Hawak-hawak ko ang labi ko nang makalabas na ng cubicle.




"Hindi ka okay, Fern. Uminom ka ba kaya bumaligtad ang sikmura mo or what?" iyon ang bungad ni Heeven sa akin nang makalabas na ako ng restroom.

Binalingan ko siya. Nakasandal ito sa pader habang nakakunot ang noo. Seryosong-seryoso rin ito.

"Okay lang ako." I answered in a monotone.




Akmang lalagpasan ko na sana siya nang bigla niya akong hilain. Kinaladkad niya ako papunta sa elavator. Pinindot niya ang nineteenth floor at pagkatapos ay tinitigan ang kabuuan ko.




"You need to take a rest para umayos ang pakiramdam mo." aniya saka hinipo ang noo ko.

"I am alright, Heeven. Masama lang talaga ng kaunti ang pakiramdam ko but I can manage." sabi ko.

Kinuha niya ang kamay ko at ipinulupot ang mga daliri sa palapulsuhan ko. Nangunot ang noo ko sa ginawa niya lalo na nang paghambingin niya ang mga wrist namin.

"Mukhang namayat ka yata. Are you sure you are alright?" naging malambing ang boses niya.

"Okay lang talaga ako, Heeven. Uuwi na lang ako para makapagpahinga."

"You will stay in my room, alright? Sasabihan ko na lang sina tito mamaya na ako na ang mag-uuwi sa'yo bukas. I need you safe and sound."

"But--"




He cut me off through a dark gaze. Natahimik na lang ako at hinayaan siya. Alright. Matutulog lang naman. Iyon lang. And I know him kaya walang masama kung sa room niya ako matulog.



Nang makarating kami sa room niya ay agad niya akong inalalayan para humiga sa kama niya.




"Stay here first. Kukuha lang ako ng gamot at tubig. May gusto ka bang kainin?" pahabol niya pang tanong.

I shook my head.

Tatalikod na sana siya nang may maalala ako.




"Pwede bang mag-half bath muna ako?" tanong ko.

"Hindi. Masama ang pakiramdam mo kaya hindi pwede." istrikto niyang ani.

"Alright pero... thank you... at pagkatapos mo akong painumin ng gamot, pwede ka nang bumalik sa baba. May mga bisita ka."

"You're more important, Fern. Uunahin kita."

"Pero baka nakakaabala na ako sa'yo--"

"Kahit kailan... hindi ka magiging abala." nagbigay siya ng isang ngiti bago ako nilapitan. He kissed my forehead. "I'll be back." aniya at lumabas na ng kwarto.




I was too stunned to talked. Hindi ko mapigilang maiyak dahil sa tuwa. Heeven's really present everytime I need someone to lean on. Kahit hindi ko naman sinasabi sa kaniya ang mga nararamdaman ko, parang alam na niya lahat. Parang kahit na hindi ko sabihin, kabisado na niya ako. Bakit ganito? Napaka-moody ko na talaga.


Napaayos ako ng upo nang bumukas ang pintuan. I immediately wiped out the tears on my cheeks.


Ininom ko iyong tablet na ibinigay niya at pagkatapos ay tubig naman. Ngumiti ako bago humiga sa kama niya.




"Sleep now," aniya nang humikab ako.

Sinunod ko ang sinabi niya. Wala pang dalawang minuto ay nakatulog na ako.




Kinaumagahan noon ay nagising ako nang maramdaman ang pagsusuka. Darn morning sickness! Kagaya palagi, sumuka na naman ako.


Una kong hinanap si Heeven nang makalabas ako ng kwarto niya. Natigilan ako nang makita siyang nasa veranda at nakatukod ang mga kamay sa railings habang titig na titig sa umaga.




Naramdaman niya agad ang presensya ko nang lumapit ako sa kaniya.




He gave me smile, "Good morning," aniya.

Nginitian ko rin siya, "Good morning din." sambit ko saka tumabi sa kaniya.

My eyes darted on the morning sun. I closed my eyes. I felt comfortable... with his presence.

"I ordered room service. Let's eat?" sambit niya maya-maya.



Tumango ako at sumunod na sa kaniya.



Ilang araw bumagabag ang tungkol sa singsing na sinabi ni Lancy sa akin. Nagtataka pa rin ako kung bakit siya bibili ng singsing gayoong hindi niya girlfriend si Fiona. Ilang ulit ko nang narinig iyon sa kaniya mismo. If that's the case... then hindi sa kaniya ang singsing? Right. Iyon na lang ang paniniwalaan ko.


Napalingon ako sa cellphone ko nang mag-vibrate iyon.


Heeven sent a message.


From: Heeven

I'll fetch you. May pupuntahan tayo.



Kumunot agad ang noo ko. Pupuntahan? Saan?

Hindi na lang ako nagreklamo at agad ring nagbihis. Maya-maya lang ay dumating na ang sasakyan niya. Pagkababa ko ng hagdan ay nadatnan ko siyang kausap si Axelius. Nakasandal ito sa pintuan namin habang pinaglalaruan ang susi ng sasakyan niya.

Tumikhim ako at nakuha ko ang atensyon niya.





"Oh, ate's here. Take care of my sister, kuya Heeven." maawtoridad na sambit ng kapatid ko bago kami umalis ni Heeven.




Seryoso ang itsura niya sa byahe. Parang may malalim na iniisip. Usually, hindi naman siya ganito. In the past ay kukulitin niya ako buong byahe. Iba ngayon.

Hindi nagtagal ay pumasok ang sasakyan sa isang parang private na subdivision. Pine trees ang tanging nakikita ko sa gilid ng kalsada.



Maya-maya ay natanaw ko ang isang malaking bahay na third floor at semi-concrete at semi glass-walled. Sobrang laki noon at halatang bagong gawa lang.


Nakatitig lang ako sa buong bahay hanggang sa pagbuksan niya ako.





"Tara sa loob," aniya at naglahad ng kamay.

I bit my lower lip, "Kaninong bahay 'to?" tanong ko.




He stared at the house bago ngumisi. Kinunutan ko lang siya ng noo nang hindi siya sumagot. Akmang magsasalita na sana ako nang naunahan niya ako.




"Hindi mo ba tatanungin kung bakit kita dinala dito?" aniya.

"Huh? Uh... Bakit mo ba ako dinala dito?" tanong ko.




Kinuha niya ang kamay ko saka ipinagsiklop ang mga daliri namin. Agad na naghuramentado ang sistema ko dahil sa ginawa niya. Kinalma ko na lang ang sarili ko.




"Kasi gusto kong marinig mula sa'yo kung ano ang tingin mo sa bahay." simpleng sagot niya.

"Why me? Is my opinion important?"




Tumango siya. Hindi na muling nagsalita. Ngumisi lang siya at saka hinila na ako papasok ng bahay.

My lips parted the moment I stepped inside the house. Sobrang spacious at elegante. Iyon ang masasabi ko. The interior designs were really refreshing. I don't know how to describe it all. Basta ang masasabi ko lang ay mansiyon ito. Sa bahay pa lang ay naipapakita nang sobrang yaman ni Heeven. Kita ko iyon sa lahat ng gamit. Mula sa chandelier, elegant-looking staircase... Basta. I don't know anymore. I was speechless.




"What do you think?" sambit ni Heeven.

Binalingan ko siya ng tingin, "It's elegant." sagot ko.

Lumawak ang ngisi niya saka nag-lean over, "How about you live here with me?"



Kumabog nang mabilis ang dibdib ko dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi agad ako nakapagsalita. Dahil yata sa bilis ng tibok ng puso ko ay talagang hindi madaling sagutin agad ang sinabi niya. Nagbibiro lang ba siya?


"Crazy!" iyon na lang ang nasabi ko saka bahagyang hinampas ang dibdib niya.

Lumayo ako sa kaniya saka nagkibit ng balikat. Hindi pa nga ako nakakapag-get over sa sinabi niya nang magsalita na naman ulit siya.



"Ano sa tingin mo, Ms. Gomez? Limited offer lang ito. Sayang kung tatanggihan mo." pagmamayabang niya.

"At bakit naman ako titira kasama ka!?" nagtaas ako ng kilay at napairap.

"Why are you so moody?" aniya saka nilapitan ako. Hinapit niya ang baywang ko bago pinagmasdan ang katawan ko. Napalunok siya at nagkunot ng noo bago ibinalik ang tingin sa mga mata ko. "Are you taking pills?"

"What?" hindi-makapaniwalang sambit ko. "Bakit mo nasabi iyan?"

"Sa tingin ko ay mas lumaki ang dibdib mo and mas humubog ang katawan mo. Bakit nga ba, Fern Silver? May tinatago ka ba sa akin?" biglang sumeryoso ang itsura niya.




Kung kanina ay kumabog ang dibdib ko nang mabilis dahil sa bigla, ngayon ay dahil sa kaba. Napansin niya rin? Pero bakit? Paano kung malaman niyang buntis ako? Ano kaya ang magiging reaksyon niya? Baka hindi niya matanggap? Shit. Hindi naman siguro ganoon.




Tumikhim na lang ako at itinulak siya, "A-Ano naman ang itatago ko, 'no." sambit ko saka nag-iwas ng tingin.


Hindi na niya ako kinulit pa tungkol sa sinabi niya kanina. Halos isang oras kami doon sa bahay niya. Pagkatapos ay dumiretso kami sa restaurant para kumain.


"Ano ang gusto mo?" tanong niya.



Tumitig ako sa menu. Napangiwi ako nang makita ang aglio e olio dish. Darn. Pati ba naman sa favorite noodles ko ay sasama ang sikmura ko? I bet this baby inside my womb is really picky.


Sa huli ay iyong fried chicken na lang ang in-order ko. Kadalasan kasi ay beef ang nandoon at sumasama rin ang pakiramdam ko doon kaya wala na akong choice. Hindi ko rin bet ang mga putahi sa menu.


Nagsimula kaming kumain nang dumating ang pagkain. Kahit na ramdam ko ang titig niya ay nagpatuloy lang ako sa pag kain.


I just finished my food when aglio e olio dish came. Agad na sumama ang timpla ng mukha ko. Tinakpan ko ang ilong ko gamit ang palad bago sinamaan ng tingin si Heeven.




"Put it away, Heeven!" I exclaimed.

His brows creased, "Hindi ba ay paborito mo iyan?" nagtataka niyang ani.




I shook my head again and again. Bumuntong-hininga siya bago iyon inilayo sa akin.

Nakahinga lang ako nang maluwag nang umayos ang pakiramdam ko.




"I'm really sure that you're hiding something from me, woman. You're acting strange these days. You're being moody. Mas humubog ang katawan mo. And you don't like the sight and smell of your favorite noodle dish." sunod-sunod na sabi niya nang makalabas kami ng restaurant.

"Tumigil ka na nga diyan!" saway ko sa kaniya at nagpatuloy sa paglalakad.




Natigilan ako nang makita ang pamilyar na babaeng naglalakad mula sa malayo. Kalalabas lang noon sa kotse niya at papasok na sa malapit na mall. Umurong ang dila ko sa pagsasalita.




"At ilang ulit na kitang nakitang nasusuka at sinabi ni Lancy sa akin na may nag-iba sa'yo. She knows something pero hindi niya sinabi sa akin kaya--"


Heeven stopped talking when he saw me stunned.




Marahan niya akong pinaharap sa kaniya, "May problema ba?" alalang sabi niya.

Nagkagat ako ng labi, "I think... Theon's mother is back..." mahina kong sabi.

I saw her. Siya iyong babaeng nakita ko. Mula sa katawan hanggang sa porma... It's her... Margaux Celeste Santiago is back... Theon's biological mother came home.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top