Chapter 34
Chapter 34
Upside-Down
Awkward. Iyon ang atmosphere nang nasa byahe kami. Tahimik si Heeven. Seryoso ang itsura at halos magkasalubong ang kilay. Bumuntong-hininga na lang ako at nag-iwas ng tingin.
I was eager to seduce him pero iba pala kapag kayo na lang dalawa ang magkasama. Intense.
Sinulyapan ko siya ulit. Nangunot ang noo ko nang may maalala.
"Iyong kotse ko pala!" ani ko.
Saglit niya akong binalingan ng tingin. Pero agad ring nag-focus sa kalsada.
"Dadalhin ko sa'yo bukas." aniya.
I nodded. Pagkatapos no'n ay wala nang nagsalita pa ulit. Tumahimik na naman ang atmosphere. Nag-isip ako ng pwedeng i-topic. Napangisi ako nang may maisip.
"How did you end up on the second floor?" ani ko.
Ang alam ko kasi ay busy siya sa sofa katabi si Fiona. Kaya nga ako umakyat sa second floor kasi hindi ko nakuha ang atensiyon niya. Nainis ako kaya ako pumunta doon. Pero nang hinawakan ako ng foreigner kanina ay bigla siyang dumating.
He stopped the engine when the traffic light change.
Napaayos ako ng upo nang balingan niya ako ng tingin. Kitang-kita ko kung paano bumaba ang tingin niya mula sa mukha ko papunta sa damit ko. Bumaba pa iyon hanggang sa bigla siyang mapahilamos sa mukha.
"M-May problema ba?" tanong ko.
Umiling siya. Hindi ako naniwala kaya tinanong ko ulit. Hanggang sa bigla niyang itinuro ang damit ko at sumimangot.
"Bakit ganiyan ang suot mo? It's revealing. Nakakakuha ng atensyon ng mga lalaki. Look at your face," itinuro niya naman ang mukha ko. "It looks so... darn it!" hinampas niya ng manibela bago nagkagat ng labi.
Kumunot ang noo ko, "Huh? Bakit? Hindi ba bagay?" ani ko sabay simangot.
He immediately shook his head. Bumuntong-hininga pa siya bago umiling.
"No... Hindi iyon ang ibig kong sabihin. What I mean is why do you look so stunning!? Kahit sinong lalaki ay mapapatingin sa'yo. Muntik ka nang mapahamak dahil sa itsura mo. Tapos--"
Patuloy siya sa pagrereklamo. Ako naman ay nakangiti habang tinitignan ang ekspresyon niya. Shit! He's really gorgeous! Drop-dead attractive! Kung may award lang ng most gorgeous man ay talagang isa siya sa pambato ng mundo. Ang hot pa! Whole package!
"Woman, are you listening?"
Napansin niya yatang nakatunganga lang ako sa mukha niya.
Tumango ako saka ngumisi, "Yes, love. I'm listening." sambit ko at nagkagat ng labi.
Sinimangutan niya lang ako. Halatang hindi naniwala sa sagot ko. Hinayaan ko na lang siya na simangutan ako hanggang sa makarating kami sa harap ng bahay namin.
Bago ako lumabas ay sinulyapan ko muna siya saka nilapitan.
"Thanks, love." nakangiting sambit ko at hinalikan siya sa gilid ng labi.
Iniwan ko siya doong mabigat ang paghinga. Napahagikhik na lang ako bago tuluyang lumabas. Sinulyapan ko pa ulit siya nang isang beses. Hawak-hawak na niya ang gilid ng labi na hinalikan ko. Ngumisi ako saka tuluyan nang pumasok ng bahay.
When there's a first, there's the second, third, and so on. Iyon ang unang gabi na ginawa ko ang plano ko. Iyon na din ang huli naming pagkikita. Naging busy kasi ako sa Artiose kasi nagkaproblema sa isang artist.
A seventeen year-old girl framed-up my gallery. Noong isang araw na may bumili ng five pieces of paintings ay iyon din ang araw na na-frame up ang gallery ko.
Nagreklamo iyong kliyente na bumili ng paintings. Ang sabi ay isang patak lang ng tubig ay nabura na ang ilang parte ng isa sa painting na binili niya. Sumugod iyon dito at ipinakita ang painting. Sigurado akong hindi iyon isa sa piece na binili niya pero iyong seventeen year-old na anak niya ay sinabing sa Artiose talaga iyon.
Nainis ako. Literal. I-frame up ba naman ang art gallery ko. Alam ko naman na hindi amin iyon kasi hindi kami gumagamit ng mumurahing pintura na madaling mabura. Imported lahat ng pintura at pigments ko. Tss...
"Madam, kailan po ulit kayo bibisita sa ospital?" sumulpot si Clara sa office ko nang nakakunot ang noo.
"On Friday pa." sagot ko.
Magpapa-check up na talaga ako. Ilang weeks na akong nasusuka at nahihilo. Inaantok rin ako lagi lalo na kapag nasa trabaho. Tapos nag-iba na pananaw ko sa beef. Maamoy ko pa lang ang kahit na anong putahi noon ay babaliktad agad sikmura ko. Anemia lang ba talaga 'to? Iyon ang gusto kong malaman.
Kaya nang mag-biyernes ay bumisita ako sa ospital. By myself. Theon wanted to come with me pero hindi ako pumayag. Instead, I dropped him off kay kuya.
"Ano ba ang nararamdaman mo these past few weeks, Ms. Gomez?" tanong ng doktor na may salamin sa mga mata.
Sinabi ko agad ang lahat ng nararamdaman ko. Lahat ng pagbabago ko ay sinabi ko rin. Basta lahat. Wala akong tinira.
Nang mapakinggan na niya ako ay saka siya tumayo. Inayos niya ang coat niya saka itinuro ang pintuan.
My brows furrowed, "Po?" ani ko, naguguluhan.
"Sa tingin ko po ay sa ob-gyne kayo magpa-check." aniya.
"Huh?" litong-lito na ako.
Bakit sa doctor ng mga babae? Oo nga, babae ako pero iyong ob-gyne... no way.
I calmed myself bago sumunod sa kaniya. Nang makarating na sa ob-gyne office ay pumasok agad ako doon. May doctor na kaharap ang laptop niya. Nakuha ko ang atensiyon niya kaya agad niya akong pinaupo sa harap niya.
"So, you're telling me that you've been nauseous for the past four weeks and your sense of taste is affected. Madalas ka ring inaantok." pag-eenumerate niya sa sinabi ko bago nag-type sa laptop. "Kailan noong huling may nangyari sa inyo ng boyfriend niyo?"
Kumurap-kurap ako. Sinulyapan niya ako. She waited for my answer. I was speechless.
"I... think... maybe six weeks ago?" ani ko, kinakabahan.
Why did she asked me that?
She gave me a smile before showing her hand. Kumunot ang noo ko nang mas lumawak ang ngiti niya.
"Congratulations, Ms. Gomez." aniya.
Mas lalong nangunot ang noo ko. Congratulations, why? Nanalo ba ako sa lotto? Did I succeed in seducing Heeven? Congratulations because I am really healthy? Or... what?
"For what, po?" tanong ko saka dahan-dahang tinanggap ang kamay niya para makipag-shake hands.
"You're five weeks pregnant."
You're five weeks pregnant... You're five weeks pregnant. You're five weeks pregnant.
Nagpabalik-balik iyon sa utak ko. I'm five weeks--WHAT!? I AM PREGNANT!? FIVE WEEKS?! WHAT? WHY? HOW? WHEN? WHERE? OMG!
I don't know what to react first. Should I smile because I'm happy or should I cry because I'm happy too? Hindi ko rin alam ang unang gagawin. Should I call Lancy to tell her or should I call Heeven? Darn! Hindi ko talaga alam.
Ngayong buntis ako at wala namang ibang nakaano sa akin kaya si Heeven ang ama nito. Titigil na ba ako sa pagse-seduce sa kaniya at sasabihin ko na lang agad sa kaniya ang totoo? Pero ano ang mangyayari kapag ganoon? Papanagutan niya ba ako? He's a playboy. He don't do commitments. Sabi niya iyon. Ano na lang ang gagawin ko?
"Tell him or not," patuloy ako sa pagpitas ng petals ng rose.
This is my way. Siguro ay kung ano man ang huling words sa huling petal ay talagang iyon ang susundin ko.
I continued doing so. Napapikit ako nang makitang hindi na ganoon kadami ang petals.
"Not... Tell him..." patuloy na pagpitas ko.
Nanatili akong ganoon hanggang sa wala na akong mapitas pa. Doon lang ako napamulat ng mata. Napaawang ang labi ko nang marealize ang huling word sa huling petal.
"TELL HIM!?" ani ko.
"Tell who?"
Biglaang kumabog nang mabilis ang dibdib ko nang marinig ang baritonong boses sa likuran ko. Nasa garden ako at tantya ko ay nasa may swimming pool siya.
Have he heard what I've said minutes ago? Or baka kararating niya lang? Damn! I hope it's the huli! Nakakainis!
Bumaling ako ng tingin sa kaniya at nagtaas ng kilay, "Tell what?" ani ko.
Humakbang siya palapit, "Ano ang sasabihin mo sa'kin?" tumaas ang kilay niya.
Alam niya na siya ang tinutukoy ko? Aish. Hindi. Dapat hindi ako magpahalata. Tama!
I sighed, "Ano pala ang ginagawa mo dito?"
"You're changing the topic now, huh?"
"Yeah. Real quick."
"Why would you change the topic, anyway?"
Umismid ako, "Seriously? The atmosphere was awkward kaya I changed it. Gusto mo bang awkward na lang lagi kapag nagkikita tayo?"
Dahil sa sinabi ko, ngumisi siya. Napatitig na lang ako sa itsura niya. Nanghihila talaga iyong mapupungay niyang mata! Parang mahi-hypnotize ka! Iyong feeling na iyon! Tapos ang labi niya pang palaging nakangisi? Nakakainis! Sobrang addictive!
"Nakikinig ka ba, Fern?"
I hissed bago nag-iwas ng tingin.
Saktong pagkalingon ko sa may garahe ay dumating si kuya at Theon. Nakita agad kami ni Theon kaya napalingon na rin sa amin si kuya na agad kumunot ang noo. Ang sumunod na bumaba ng kotse ay si Axelius na nakabukas pa ang tatlong butones sa polo uniform niya.
"Mommy!" sigaw ni Theon saka agad na lumapit sa akin at yumakap.
Yumuko ako at niyakap rin siya. Ginulo ko ang buhok niya saka tumingala kay Heeven. Nakangisi lang iyon habang tinitignan kami. Alam niya na talaga na hindi ko anak si Theon? Matagal niya nang alam. I know. Since he didn't asked me about Theon being his son.
I bitterly smiled. Should I tell him now?
"Hi, ate Eve." ani Axelius at hinalikan ako sa pisngi.
Tinuro ko agad ang damit niya, "Ano iyan? Estudyante ka ba talaga? Ayusin mo nga iyang damit mo." reklamo ko.
"Oo na!" agad niya ring ginawa ang sinabi ko.
Napalingon ako kay kuya at Heeven na nag-uusap na ngayon. I couldn't hear what they're saying kaya pumasok na lang ako sa loob ng bahay kasama si Theon. Si Axelius hindi sumama. Nilapitan niya sina Heeven at sumali rin sa usapan nila. Tss. It must be boys thing.
As expected, Heeven had dinner with us. Magkatapat iyong upuan namin at pansin ko ang pagtitig niya sa akin. Hindi ko na lang muna pinansin. I'm in front of my parents kaya I should act proper. Mahirap na at baka mapansin nilang nagpapansinan ulit kami ni Heeven. Baka tanungin ako o ano. Ayoko namang mangyari iyon sa harap ng pagkain.
Kaya nang matapos na kami sa pagkain ay dumiretso ako sa kwarto ko.
I was browsing the Artiose's page when I heard a knocked.
Kumabog agad nang mabilis ang dibdib ko. No way it's gonna be Heeven, right? But I was wrong.
"Can I... go inside?" aniya at nagkamulsa.
"Pero ano naman ang gagawin mo dito?" curious kong ani.
"Sinabi nilang mag-usap raw tayo."
"About?" nangunot ang noo ko.
Inilapit niya ang mukha sa akin, "Us..."
Us? Ano naman ang pag-uusapan namin tungkol sa amin nga? At bakit ganoon sina mommy at daddy? Oh. They want us to talk about us since they might thought that we hasn't talked about things.
Pinapasok ko siya sa kwarto ko. Ang una niyang ginawa ay ang tignan ang kabuuan ng room ko. Pagkatapos ay nilapitan niya ang picture ko na nakasabit sa wall.
Agad akong tumakbo at hinarangan iyong picture ko. I was six back then and I didn't looked that... pretty. Maybe, I looked pretty pero marami akong dumi sa mukha ko. Pentel pens iyon. I still don't know bakit ipina-frame iyon nina daddy.
"Not... this." nagkagat ako ng labi.
His brow creased, "Bakit hindi?"
"Kasi ang ugly ko dito." sagot ko.
Humalakhak siya nang mahina. Unintentionally kong sinundan ang paggalaw ng dibdib niya at balikat habang tumatawa. Uminit ang pisngi ko at nag-iwas ng tingin. Darn!
"Tsss... Hindi mo alam na mas malala pa diyan ang nakita ko." bulong niya na hindi ko masyadong narinig.
"Ano?" naguguluhan kong ani.
Suminghap siya bago nag-iwas ng tingin. What did he say? Ang tanging nasundan ko lang ay ang 'hinid mo alam'. Iyon lang. What did he meant for that?
Kukulitin ko na sana siya nang agaran siyang umupo sa couch ng kwarto ko at humalukipkip doon.
"Ano ang pag-uusapan natin?" tanong ko saka umupo sa kama ko.
Bumaling ang tingin niya sa katawan ko nang mag-crossed legs ako. Umismid na lang ako. Playboy talaga siya.
"About us?" aniya kalaunanan.
"Ano ang tungkol sa atin?"
"Ang relasyon natin."
"Bakit natin pag-uusapan iyon? Hindi ba ay girlfriend mo si Fiona? Bakit natin pag-uusapan ang relasyon natin na hindi naman nag-eexist in the first place?"
Nabigla ako sa tono ng boses ko. Oh my God. Why am I being a moody?
Tumaas ang kilay niya, "Look. It's about us, alright? It's not necessary to talk about person who isn't supposed to be included in our conversation. This is about us. You. Mine. Our relationship, alright, Miss?" paliwanag niya.
Umirap ako, "Pero... hindi ko maiwasang hindi siya isali kasi... she's your girlfriend--"
"I already told you that I don't do commitments. So, I'm not in a relationship with someone now."
"But she's claiming that she is--"
"Gusto mo bang malaman kung girlfriend ko ba siya o hindi?"
Agad akong tumango. Akala ko sasagot siya. Pero tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Kinabahan agad ako. Lalo na nang mag-lean over siya. Napaatras ako nang i-corner niya ako gamit ang dalawang kamay niya. Hindi ko na lang namalayan na nakahiga na pala ako. Siya, nakapatong sa akin.
Bumilis ang paghinga ko lalo na nang marealize na sobrang lapit namin sa isa't-isa. Shit. Iba talaga ang epekto niya sa akin. Ganoon rin ba ang epekto ko sa kaniya?
"Now tell me what your answer is."
Nanlaki ang mga mata ko nang siilin niya ako ng halik. Mabababaw lang iyon at walang halong dila. Pure lips.
My hands automatically snaked around his neck. He gently bit my lower lip bago tumigil sa paghalik.
"Ano ang sagot mo?" aniya at tumitig sa akin.
Kumurap ako, "I think this is wrong? You have a girlfriend yet you are kissing other girls..."
Darn, Fern! You must be seducing him! Let him! Bakit mo siya pinipigilan? Because it's wrong! Paano kung girlfriend niya talaga so Fiona? I'm being a mistress! Pero sinabi niyang hindi. Sinabi rin ni tita iyon. Pero... Damn.
Kusang pumikit ang mga mata ko nang siilin niya ulit ako ng halik. Mas malalim na sa ngayon. I pulled him more to feel his hot body. His hands travelled in my body. It went on my back, waist, butt, then chest.
I was about to pulled his shirt off when I remember my situation. Darn! I AM PREGNANT! Baka makasama sa baby kapag may nangyari. Kailangan kong mag-ingat. Tama...
Kaya naman dahan-dahan ko siyang itinulak.
Halatang natigilan siya. Lumunok ako. He looked really curious and mad at the same time. I want him inside me pero I don't think I would risk our baby's life just to get what I want. I must get two things done before could that happen.
First ay sasabihin ko muna sa kaniya na buntis ako. Kailangan iyon kasi siya ang ama ng bata. Wala na akong pakialam pa sa mangyayari. May kutob naman akong pananagutan niya ako. I know him. So well.
Second is kapag natapos ko nang sabihin sa kaniya. Bibisita ako sa ospital at magtatanong kung pwede bang mag-ano kahit buntis. Of course, safety first before anything else.
Tumitig ako sa kaniya. Nang-iigting ang panga niya at halatang hindi pa rin alam ang dahilan bakit ako tumigil at itinulak siya. Should I tell him? Of course. Before things get worst.
"Heeven... I-I have something to tell you." sambit ko.
Napalitan ng kunot-noo ang ekspresyon niya. Umayos siya sa pag-upo.
"What is it?" aniya.
"Uhm... I am..."
Hindi ko na natuloy ang sasabihin nang biglang mag-vibrate ang phone niya. Pero wala siyang pakialam doon. He stared at me and waited for my answer. But his phone kept vibrating.
I sighed, "Sagutin mo muna. Baka importante." sabi ko at doon niya lang sinagot ang tawag.
Sinagot niya iyon kahit nasa gilid niya ako. Klarong-klaro ang pangalan sa screen niya. Si Fiona nag tumatawag. Darn it! Ngayon pa talaga?! Wrong timing. She really know how to ruin the mood. That prick!
"What do you want?"
Nagulat ako sa walang pakialam na tono ni Heeven. Is he like this when talking with Fiona? Or ngayon lang since I'm around him? Ipinilig ko na lang ang ulo at tumahimik sa gilid.
"I'm busy right now. Just call Kittven to fetch you... What? Hindi... I told you I'm busy... Hindi kita masasamahan diyan... What!? Bar?!" napatayo siya kaya sinundan ko siya ng tingin. Sinulyapan niya muna ako bago ulit nagsalita. "I told you not to drink on your own... Alright. I'm coming. Wait for me..."
Nanlumo agad ako nang marinig ang sinabi niya kay Fiona. I bitterly smiled. He sounded so... damn concern. Sigurado ba siyang hindi niya mahal si Fiona? Shit. Wrong timing naman talaga iyong babaeng iyon. Maybe alam niya ang nangyayari at ayan at gumagawa siya ng paraan para masira kami ni Heeven. DARN THAT WOMAN! Ever since she came, nagkagulo na. THE TABLE TURNED UPSIDE-DOWN! Now, I don't have any courage to tell Heeven that I'm pregnant. It's gone...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top