Chapter 33
Chapter 33
She's Taken
"Kailangan ba talaga 'to, Lancy?"
Nilingon ko ang kaibigan kong busy sa pag-aayos ng mask niya. Nandito kasi kami ngayon sa mall at ang gusto niya ay magpagupit raw ako sa salon. Panay naman ang ayos niya sa sarili baka raw makilala ng mga tao. Artista pa naman.
Tinignan niya ako, "Oh! Akala ko ba nasabi ko na sa'yo earlier? Yes!" sambit niya saka ang inayos naman ay ang black wig.
I crossed my arms saka kinunot ang noo.
"Yeah, but... I'm not sure with this... and sayang if magpapagupit ako."
Hinawakan ko ang buhok ko na two inches below the waist na. Hindi naman straight iyong buhok ko kasi wavy sa dulo. Hindi pa ako nakakapagpaayos ng buhok ever. Kaya maninibago ako ngayon. I'm used to natural things.
Pinanliitan niya ako ng mga mata bago pumasok sa salon. Sumunod na lang din ako sa kaniya.
"Fern, you know my cousin, alright? He's a playboy. Gusto niya iyong mga maalaga sa katawan nila. Iyong maarte. In short, iyong ma-appeal!" aniya.
Nagsalubong ang kilay ko, "Are you saying na hindi ako ma-appeal?" seryosong ani ko.
Umiling agad siya, "Of course not! That's not what I meant, alright? Ang gusto ko lang sabihin na kung ise-seduce mo lang naman iyong pinsan ko, gawin mo na lang lahat! Ibigay mo!"
"Pero I don't think na--"
"Fern, isa... Or it's up to you kung hahayaan mo na lang na mahulog si Heeven kay Fiona..."
Natahimik agad ako dahil doon. I'm not really ready to seduce Heeven pero ayoko namang mahulog siya kay Fiona. Pero paano kung sila na talaga? Aish. Hindi. Tita told me. And narinig ko rin mismo kay Heeven na hindi siya galit sa akin. It means na hindi niya kinakampihan si Fiona. It means na may big chance ako sa kaniya.
I sighed bago inayos ang purse ko.
"Fine! Alright! Let's go, then."
And this time, I'm all ready. Wala na akong pakialam. Lulunukin ko na lahat ng pride ko. Kakapalan ko na mukha ko. Pero dapat ay prim at proper pa rin. Kaya ko namang pagsabayin iyon.
Hindi talaga ako komportable sa noong ginugupitan ako. Tutok na tutok lang ako sa salamin habang sinusuklayan, ginugupitan, at inaayusan ng baklang may-ari ng salon ang buhok ko.
Mahigit limang oras kami doon ni Lancy. Pagkatapos kasing gupitan ang buhok ko ay ang dami pang ginawa. Taga-balikat na lang iyong buhok ko na straight na straight na talaga. Kulay chocolate brown na rin iyon. At aaminin kong mas lumakas ang appeal ko sa new look ko. Bukod sa buhok ang nagbago sa akin ay nagbago na rin ang kulay ng lipstick ko.
"Hindi ba parang nagdurugo na ang labi ko?" tanong ko kay Lancy na patuloy sa pamimili ng kulay ng lipstick.
"Hindi nga." sagot niya nang hindi ako tinitignan.
I hissed, "Tignan mo muna kasi." sambit ko.
Nilingon niya ako saka umiling. Ngumiti siya bago itinaas ang matte lipstick.
"Buy this rin, ah."
Wala na akong nagawa kung hindi ang pumayag. She bought lots of lipsticks at halos pula lahat ng iyon! Hindi ako komportable sa kulay pula kasi hindi naman ako gumagamit ng light-gradient colors ng lipstick. Rosy red lang ang gamit ko kadalasan.
Darn. I need to be comfortable. Heeven... It's for Heeven... Seduce him... I will do everything.
"So, what's your plan?" tanong ni Lancy nang nasa café kami pagkatapos naming mag-shopping.
I took a sip on my latté bago sumagot, "Susundan ko siya. Kahit saan." sambit ko.
Pero hindi lagi. Iyong kapag free lang ako. Syempre I have responsibilities. Si Theon, ang Artiose, at siyempre ang sarili ko. Well, kasali na sa sarili ko na makuha si Heeven.
Susundan ko sila ni Fiona. That's my plan. Kasi kung gusto ko lang naman siyang i-seduce, lulubusin ko na. Kapag kasama niya kasi si Fiona, mas matutuwa ako sa paggawa ng plano ko. I want to piss that Fiona rin.
Dumungaw ako sa cellphone ko isang araw nang mag-vibrate iyon. Kagagaling ko lang sa banyo para sumuka. Yeah. Lagi pa rin akong nasusuka pero wala pa akong oras magpa-check up. Priorities first. Anemia lang 'to. Mild.
Nabuhayan agad ako nang mabasa ang text ni Lancy.
From: Lancy
It's Fiona's birthday and guess what? Pupunta sila sa DCBAr!
Ngumisi ako. Alam ko kung saan iyon. So, it's Fiona's birthday, huh? And surely, iimbitahin no'n si Heeven and then dahil playboy siya ay papayag agad. GOODNESS! Isipin ko pa lang ay naiinis na talaga ako.
Kaya nang dumating ang gabi ay kaagad akong umuwi ng bahay. Isinuot ko ang red slightly revealing dress ko na above the knee. Hapit iyon sa baywang ko. Pinaresan ko ng red stilletos.
Pinagmasdan ko ang itsura sa salamin. I pouted my lips para ayusin ang pagkakalagay ng red lipstick sa labi. Nang matapos na ay agaran akong nagpabango bago bumaba.
Mabuti na lang at wala si Theon. Nandoon siya sa condo ni kuya. Kasi kung nandito siya ay malamang tatanungin at tatanungin ako noon kung saan ako pupunta at magpupumilit pang sumama. That would be headache.
"Where are you going, ate?"
Muntik na akong mapatili nang marinig ang boses ng kapatid ko.
Naka-uniform pa ito at nasa balikat ang backpack na may maliit na tsek sa unahan.
Kumunot agad ang noo ko nang marealize na ang gabi na at kauuwi niya lang. I pinched his nose bago pinagsabihan na dapat ay maagang umuwi. Nagdahilan pa na kaya raw siya ginabi ay dahil ang tagal niyang sinundo ng driver. Hindi ako naniwala doon kaya pinitik ko pa siya ng ilang beses.
Doon lang siya umamin na galing raw talaga siya sa covered court malapit sa bahay ng parehong babaeng tinuruan niya ng basketball noon.
"Are you courting her?" nanliit ang mga mata ko.
Namula ang pisngi niya at agad na umiling.
"Talaga?" ani ko pa.
Kumurap-kurap siya bago ako tinalikuran. Patakbo siyang pumunta sa kwarto niya sa itaas. I just sighed bago dumiretso sa garahe.
Sinalubong agad ako ng ambience ng isang mamahaling bar. DCBAr. Pagmamay-ari ito ng Devalli na si Aiden. Nakapunta na ako dito noon pero nakalimutan ko na kung kailan at bakit. I think I was with my brother o hindi kaya ay with Lancy. I don't know.
Iginala ko ang paningin sa paligid. Damn. Sa unang paghinto ng tingin ko ay sumalubong sa akin ang nakangising lalaki na nakaupo sa sofa. Katabi si Fiona na halos isiksik na ang sarili sa kaniya.
Umirap ako dahil sa inis. GOSH! Paano ko siya mase-seduce?
Now, that's the problem. Should I just pretend na coincidence itong pagkikita namin? Or hindi kaya ay sasabihin kong alam ko talaga na pupunta sila dito? UGH! Ano ba!? Ayaw gumana ng utak ko! Shit.
Biglang may nag-light bulb moment sa utak ko nang makitang tumayo si Fiona.
Agad akong lumapit sa banda ni Heeven. Hindi totally malapit sa kaniya pero parang ganoon na rin. Basta nagsimula akong sumayaw sa bandang harapan niya kung saan ang dami ring babaeng nagsasayawan na halatang nagpapapansin sa kaniya.
"Woah!" sambit ko saka sinuklayan ang sariling buhok.
Gumewang-gewang ako at sumabay sa tugtugin. Naramdaman kong may lumapit sa aking lalaki pero hindi ko siya pinansin. Hindi ko siya kilala. Foreigner ata. Ay ewan.
I'm here to seduce Heeven! And I don't have any plan to accommodate other guys.
Akala ko talaga ay titigil na iyong lalaki. Ilang saglit lang ang lumipas ay naramdaman ko ang pagsayaw niya sa likuran ko. Hinawakan niya ang baywang ko at agad na gumapang sa sistema ko ang kaba. Shit!
I slapped him. Hard. Pero nginisihan lang ako noon. Nag-init ang dugo ko. Sinampal ko pa siya ng ilang beses. Aminado akong nakuha ko na ang atensyon ng karamihan pero wala akong pakialam.
Pinameywangan ko iyong lalaki at inismiran bago lumayo sa kaniya. Nilingon ko si Heeven sa pag-aakalang nakuha ko ang atensyon niya pero nanlumo lang ako nang makitang nakabalik na si Fiona.
Frustrated kong ginulo ang sariling buhok. Nagtungo ako sa second floor ng bar.
Sumandal ako sa railings at nang may makitang waiter na may dala-dalang tray ay agad kong hiningi sa kaniya ang lahat ng shots doon. I feel like I need to drink. Gusto kong magkaroon ng lakas ng loob para lapitan si Heeven. At magagawa ko lang iyon kapag nakainom ako. I'm shameless when I'm drunk.
Pero dahil nakaramdam ako ng hilo sa unang shot ay itinabi ko na lang ang mga natirang shots sa gilid. I think I couldn't handle it all. Lalo pa't madalas akong nasusuka at nahihilo. Baka mas lalong makasama sa akin ang pag-inom. I would better approach him agad.
Akmang bababa na sana ako ng secons floor nang maramdaman ko ang presensya ng isang tao sa likuran ko. Agad ko iyong tinignan.
Nag-init agad ang dugo ko nang makita ang lalaki kanina. Iyong foreigner!
"What are you doing here?" may riin kong ani.
Itinaas niya ang kamay sa ere bago ipinakita ang isang kamay na may hawak-hawak na isang shot ng kaparehong ininom ko kanina.
"Relax. I just want to have a chat with you since you're alone." aniya sa matigas na Ingles.
Sumandal ulit ako sa railings, "I'm with my friends..." sagot ko.
"Friends? I haven't seen you with one." kunot-noo niyang ani.
"They're in the dancefloor." palusot ko.
"Why aren't you there, then? Probably because you don't have a partner." he confidently muttered.
Umismid ako, "Hindi ba pwedeng sumayaw nang walang kasama? I'm just here to have fun with my friends and I could achieve that even without dancing nor drinking." mas nainis ako.
"Really? Should we have fun in the dancefloor, then?"
Agad akong umatras nang akmang hahawakan niya ulit ako
"Don't touch me! I told you I am with my friends!" sigaw ko.
His brow creased. Ilang sandali pa ay tumawa siya. Mas lalong nagsalubong ang kilay ko.
"Really?" aniya sa tonong alam mong hindi naniniwala.
"Huh! You had the audacity to laughed!? Are you an asshole?" sambit ko saka ngumisi. Napaatras ulit ako nang umalma siyang hahawakan ako. "Shit! Don't touch me! Jerk!" I yelled.
He reached for my hand. Nahawakan niya iyon kaya gumapang ulit ang takot at kaba sa sistema ko. Shit! Kaya ayokong pumupunta sa bar lagi, eh! May mga baliw na katulad niya!
Natigilan ako sa pagpiglas nang may humila sa akin palayo sa lalaking iyon. Hindi ko na kailangang tignan kung sino. Sigurado na ako sa amoy pa lang.
Nanigas ako nang pinadausdos niya sa baywang ko ang kamay niya. Kita ko ang pagsunod ng tingin ng foreigner sa ginawa ni Heeven. Ngumisi iyon at napaismid.
Hindi ako umimik. Kinabahan ako. Pero nabawasan na iyon dahil sa presensya ni Heeven. I felt really safe. Alam niyo iyong feeling na takot ka tapos mawawala agad iyon kapag may darating na taong feel mong safe ka sa kaniya? Because I know. Heeven is my safe place. Noon pa lang, komportable na ako sa kaniya. Noon pa lang, I'm myself whenever I was with him. Sobra iyong nadadala niyang shield sa akin.
Natauhan ako nang maramdaman ang paghigpit ng hawak niya sa baywang ko. Sinigurado niyang hindi ako masasaktan.
"She's taken." matamang sabi niya sa foreigner.
Ngumisi ako dahil doon. Hindi ko na muna pinakealaman ang mga nagwawalang insekto sa loob ng tiyan ko. Mamaya na nga kayo. Mamaya ko na lang sila iintindihin. Ang importante ay nasa tabi ko si Heeven.
Umatras iyong lalaki at itinaas ang dalawang kamay sa ere.
"Alright! Alright! Sorry! Akala ko wala siyang kasama." sabi niya saka umiling-iling.
"She's with me. Now, go."
"Okay! I'll go! Tsk." umalis na nga iyon.
Pinagmasdan ko kung paano unti-unting nawawala ang pagkaka-igting ng panga ni Heeven. Pinagmasdan ko rin kung paano niya ako binalingan ng tingin gamit ang malamig niyang awra.
I bit my lower lip bago siya hinila palapit sa akin.
Nanigas siya dahil sa ginawa ko at bumigat ang paghinga niya. Ipinagsawalang-bahala ko iyon saka inilapit ang labi ko sa tainga niya.
Pumikit ako. I bit my lower lip again.
"Thank you, handsome..." malambing kong saad at kinagat ang tainga niya.
Pagkatapos noon ay napaatras ako saka napapikit. Oh, shit. That was embarassing. That was freaking embarassing! DARN!
I stopped thinking when I felt him pulled my wrist. Klarong-klaro sa paningin ko ang pagngisi niya at ang pagkawala noon. Pinalitan niya ng pagkaseryoso ang kaninang parang timang na pagngisi. I smiled.
"Let me take you home..." malamig na sambit niya at hindi na ako hinintay na makasagot.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top